All Chapters of The Untold Heirs of the Billionaire: Chapter 71 - Chapter 80

85 Chapters

Chapter 71

Sa kabila ng bigat at nang hirap na kanyang pinagdadaanan, piniling maging matatag ni Alianna. Pinilit niyang maging malakas para sa dalawa pa niyang anak.“Are you ready to go?” tanong ni Alvin habang buhat-buhat sa kanyang bisig ang panganay ni Alianna. Ang isa pang bata ay buhat naman ni Alianna. Umuwi na kasi ang magkapatid ni Blake at Harrison habang si Alvin naman ay nagpaiwan upang asikasuhin ang bangkay ng apo. Hinintay rin niyang gumaling ang tahi ni Alianna at payagan ito ng doktor na bumiyahe para maiuwi na ito sa pilipinas.“Handa na po akong lumabas dito sa ospital, dad! Gusto ko na pong umuwi ng pilipinas. Gusto ko na pong iuwi ang tatlong anak ko.”“Buti nga at pumayag ka na huwag ng mag-stay dito sa Canada. Mahirap din kasi ang sitwasyon mo dito. Lalo na’t si Tina lang ang kasama mo. Hindi kakayanin ni Tina na mag-alaga ng tatlo.”“Tatlo?!” bahagyang nag-loading ang utak ni Alianna, kaya nagsalubong ang magkabilang kilay niya. “Dalawa lang naman ang alagain na anak ko.
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

Chapter 72

“Tina, siguraduhin mong wala na tayong naiwan ha?! Hindi na natin pwedeng pabalikin ang private jet kapag nakaalis na tayo.” Tinawanan ni Tina ang sinabi ni Alvin bago niya isa-isang kunin ang dalawang bag na pag-aari ng dalawang bata. “Luis, ingatan mo ‘yang apo ko. Kapag iyan nabasag… ikaw ang ipapalit ko dyan.” “Sir Alvin naman. Maingat naman po ako sa pagbitbit dito sa apo ninyo. Takot ko lang po sa inyo.” Patutsada naman ni Luis. Pinasunod kasi siya ni Alvin upang may katulong sila sa pagbitbit sa mga gamit. “Mabuti naman. Hmm… oo nga pala, h-hindi ba nakahalata ‘yong magkapatid sa’yo? Baka naman ipinaalam mo na dito ka pupunta para sunduin kami?” Paniniguro ni Alvin. Nakataas pa ang isang kilay niya habang naghihintay ng sagot mula sa kanyang tauhan.“Hindi ko naman po ipinaalam sa kanila na umalis ako. Ibang security rin po ang madalas kong ipinapasama sa kanilang dalawa dahil may mga biglaang utos po kayo kaya alam ko po na hindi ako hahanapin no’n.”“Mabuti naman. Ayoko r
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 73

“Blake, anak…”Mahimbing nang natutulog si Blake dahil marami siyang inasikaso nitong nakaraang linggo. Ngunit dahil narinig niya ang boses ng ama, kahit pagod na pagod ang kanyang mga mata ay idinilat niya ito. Pagdilat niya, napabalikwas siya matapos bumungad ang mukha ni Alianna.“Alianna—” turan ni Blake habang himas-himas ang kanyang dibdib. “Nakakagulat ka! Akala ko naman ay si…”Natigilan si Blake. Unti-unti, nag-sink in sa kanya ang kanyang nakikita.“Totoo ba ‘tong nakikita ko?” Kinusot ni Blake ang kanyang mga mata sa pag-aakala na nananaginip lamang siya. Ilang beses pa niyang kinurot-kurot ang sarili ngunit nakumpirma niyang ang nangyayari ay hindi isang panaginip.Ang kaninang tahimik na silid ay binalot ng ingay nang sabay na tumawa si Alianna at si Alvin na nakatayo sa sulok ng kama ni Blake.“Dad… am I dreaming?! Si Alianna ba talaga ‘tong nasa harap ko, o nananaginip lang ako ng gising?” Tinawanan ni Alvin ang panganay na anak. “I-check mo… to see is to believe.” Ti
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 74

“Alianna—”Gulat na gulat si Harrison matapos makumpirma na ang bunso niyang kapatid ang natutulog sa kanyang bedside. Kakagising lamang niya ngunit ang kapatid ang bumungad sa kanya.Nang maramdaman ang bahagyang pag-alog ng kama, unti-unting bumangon si Alianna mula sa pagkakatungo niya sa kama ng kapatid. Hindi niya rin namalayan na nakatulog na siya doon.“Alianna, ikaw ba talaga ‘yan?” hindi makapaniwala na sambit ni Harrison. Pakiramdam niya ay nananaginip lamang siya noong sandaling nakatitig siya sa mukha ng kapatid.Kinusot ni Alianna ang magkabila niyang mata. Gumuhit ang malaking ngiti sa kanyang labi matapos makita na gising na ang kapatid.“Kuya Harrison, mabuti naman at gising ka na. Kagabi ka pa namin hinihintay na gumising. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ‘yo?” sunod-sunod na tanong ni Alianna.“Kailan ka pa umuwi, bunso?!”“Kagabi lang, kuya. Isinama na ako pauwi ni daddy dahil gusto niyang makita ang reaksyon niyo ni Kuya Blake kapag nakita niyo ako.” “
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 75

“Welcome home, Harrison!”Nang ma-discharged si Harrison matapos niyang ma-confine sa ospital dahil sa labis na pagod, ilang araw din siyang pinag pahinga muna bago tuluyang makabalik sa pagtatrabaho sa kumpanya. Siniguro muna nila na nasa maayos na itong kundisyon para hindi na muling maulit ang nangyari.“So, sa villa ka na talaga magsi-stay, anak?! Ayaw mo bang dito na lang?” Tanong ni Alvin kay Alianna na ngayon ay nag-aayos na ng bag ng dalawa niyang anak.“Sa villa naman talaga ako dapat, dad. Hinintay ko lang na maging maayos ang kondisyon ni Kuya Harrison bago kami umalis. Gusto ko muna kasi na masigurado na maayos na ang kondisyon niya bago kami umuwi dapat naming kalagyan. Tsaka dad, natatakot ako. Ayokong malaman ng mga Palacios na may inaalagaan kayong bata dito. Kapag nalaman nila, alam ko na papa-imbestigahan niya ang mga anak ko. Kahit pa anak sila ni Dwaine, wala siyang karapatan sa mga anak ko kaya habang maaga pa ay ilalayo ko na sila.”Nagbitaw ng malalim na buntong
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 76

Makalipas ang kulang-kulang dalawang oras na biyahe ay ligtas na nakarating sina Alvin sa villa.Pagdating nila, marami ng pagkain ang nakahain sa lamesa. Habang isa-isang ibinababa ang mga gamit nina Alianna, pumasok muna si Alianna sa kwarto, dala ang dalawa niyang anak upang i-breastfeed ang mga ito.Habang salitang sumusúso sa kanya ang dalawa, kinakantahan niya ang dalawa ng mga mabagal na kanta na paborito niya.“Alam niyo mga anak, mula ng malaman ko na buntis ako, wala akong ibang hinangad kung hindi ang maipanganak kayo ng normal. Napakarami ko na kasing pinlano para sa ating apat. Miski ang bawat sulok ng villa na ‘to, inisip ko na na balang araw… makikita ko kayo na naglalaro.” Huminga ng malalim si Alianna. Gusto niyang maiyak pero mukhang ayaw nang pumatak ng luha niya. “Nandito na tayo sa villa, mga anak. Hindi ba’t pinangako ko sa inyo na ililibot ko kayo sa villa na ipinasadya para sa inyo mismo?”Habang nagsasalita si Alianna at kinakausap ang sarili, tiningnan niya a
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 77

“Where’s Alianna? I want to see her—”Agad na tinanong ni Steven si Yaya Cita nang makita niya ito matapos niyang pumasok sa entrance ng villa. “Bakit gan’tong oras naman ang oras ng dalaw mo kay senyorita, Sir—” tumingin sandali si Cita sa wall clock na nakalagay sa entrance bago muling ibinalik ang tingin kay Steven. “Alas otso na ng gabi. Nagpapahinga na siya kasama ang mga anak niya sa kwarto.”“Galing ako sa meeting kaya ngayon lang ako nakarating. Tsaka sobrang busy ko kaya hindi ako nakaka-bisita.” Paliwanag ni Steven sa matanda.“Nagpapahinga na ‘yon si senyorita. Balik ka na lang bukas, Sir.” Giit ng matanda pero hindi pumayag si Steven. Hindi kasi niya sigurado kung may libreng oras pa siya bukas, o sa mga susunod pang araw.“Baka naman gising pa ‘yon, Yaya Cita. Pagbigyan mo na ako. Sandali lang naman kaming mag-uusap eh. Hindi rin naman kami magtatagal.”“Pasensya na, Sir Steven. Kapapanganak lang halos ni Senyorita Alianna. Ngayon pa lang siya nakakabawi ng pahinga dahil
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 78

Dahil pasado alas kwatro pa lamang ng madaling araw nang magising ang dalawang bata, gumising na rin si Alianna para mag-breastfeed sa mga ito.Hindi biro ang mag-alaga ng dalawa ng sabay pero kinakaya ito ni Alianna. Ine-enjoy pa nga niya ang bawat sandali habang inaalagaan ang mga anak.Pinalipas pa ni Alianna ang oras at nagpasya siyang ilabas na ang mga bata ng pumatak ang oras ng alas sais ng umaga. Paglabas niya, binati siya ni Cita na kakatapos lamang magtimpla ng tsaa. “Magandang umaga, senyorita! Inom po tayo ng tsaa.” Nakangiting alok nito. Itinaas pa nito ang maliit na tasang may nakalawit pang tali na may kakabit na brand ng tsaa na tinimpla niya.“Maraming salamat po. Mamaya na lang po ako. Igagala ko muna po itong mga anak ko dito sa villa. Maganda po kasi ang view dito kapag umaga.” Tulak-tulak ni Alianna ang isang malaking stroller na dalawang bata ang laman. Binili niya talaga ang ganoong size dahil ayaw niyang mahirapan kung bibilhan niya pa ito ng tig-isa na hindi
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 79

Matapos ang bugbugang trabaho sa opisina, napagpasyahan ni Alvin na doon mag hapunan sa Villa kasama ang dalawang anak na si Blake at Harrison. Masyado silang maraming ginagawa kaya naisip nito’y magsabay-sabay sa pagkain para kahit papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman ng bawat isa. Ang villa ay maaliwalas, puno ng ilaw at init mula sa mabangong pagkain na inihahanda ng chef na tagapag luto sa villa. Sa hapag kainan, nakalatag na ang mga plato at kubyertos, ngunit wala pang nakaupo. Habang hinihintay ang hapunan, nasa salas sina Blake at Harrison, abala sila sa pakikipaglaro sa dalawang buwang gulang na mga anak ni Alianna. Gising kasi noong sandaling iyon si William at si Wyatt kaya inalagaan muna nila ito.Kinakanta-kantahan ni Blake ang dalawang bata habang makailang ulit nitong inaalog ang kanyang ulo.“Ayusin mo, Kuya Blake. Hindi pa tumatawa oh!” Ani Harrison habang tinuturo ang dalawang bata.Nakahiga ang dalawang sanggol sa malambot na sapin sa malambot na sofa at
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 80

MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON…“Excuse me, Miss! Can I talk to Ruston Dwaine Palacios?” “May I have your appointment slip, Ma’am?” The girl sitting on the front desk politely asked. She look at the girl that was holding a two-year-old toddler in front of her.“Appointment slip?! W-wala ako no’n, Miss. Pero kailangan ko kasing makausap si Dwaine. Importante lang, kaya parang awa niyo na… payagan niyo na akong makapasok. Hindi ako manggugulo.”“I’m sorry, Ma’am, but we will not allow you to enter and talk to Mr. Dwaine Palacios if you don’t have an appointment slip. It’s our policy and you have no choice but to follow it.” “Miss, ano ba?! Papasukin niyo na ako. Hayaan niyo na akong makausap si Dwaine. Sandali lang naman ako eh!”“I’m sorry, Ma’am! Hindi ko po kayo maaaring pagbigyan na basta na lang pumasok. Kung gusto po ninyo, magpa-appointment po muna kayo sa secretary ni Mr. Dwaine Palacios at hintayin niyo po na bigyan kayo ng specific date bago po kayo bumalik sa akin.” May kinuha
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status