All Chapters of The Untold Heirs of the Billionaire: Chapter 31 - Chapter 40

85 Chapters

Chapter 31

“What are you doing here? It’s getting late!”Agad na napalingon si Alianna sa kanyang likuran matapos marinig ang nagsalita. Napalunok siya matapos makita ang kanyang Kuya Harrison na nakatayo sa kanyang likuran habang nakalagay ang isang kamay sa bulsa at ang isang kamay naman ay may hawak na tasa.“Kuya Harrison—” mahinang sambit niya.“Pwede akong makiupo?” tanong nito.Nakangiting tumango naman si Alianna. “Oo naman, kuya! Dito ka na maupo sa harap ko.”Kasalukuyang nagpapahangin si Alianna sa garden nang dumating ang Kuya Harrison niya. May dala pa nga siyang baso na may laman na gatas upang magsilbing pampatulog.“Akala ko matutulog ka na? Ang aga mo pang nagpaalam sa dinner kanina.” Ani Harrison matapos maupo sa harap ng bunsong kapatid. “Inaantok na talaga ako kanina pero ewan ko ba! Pagkahiga ko, bigla na lang nawala ‘yong antok ko. Nagpaikot-ikot na nga ako sa higaan pero wala pa rin. Siguro ay naninibago pa ako sa kama dahil ilang taon din akong nawala dito tapos ilang bu
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 32

“Napakasarap ng cookies na dala mo. For sure magugustuhan nila ‘yan.” “Syempre naman, Steven! Ako kaya ang nag-bake nito. Ginawa ko ‘to ng may kasamang pagmamahal kaya sigurado ako na magugustuhan nila ‘to.” Ngumiti ng abot tainga si Alianna habang tinititigan ang hawak niyang transparent na lalagyan na naglalaman ng maraming chocolate chip cookies na siya mismo ang gumawa.“Hindi ko alam na mahilig ka palang mag-bake. Akala ko kasi dati ay pagkain lang ang hilig mo.” Nagsuot ng abot taingang ngiti si Steven habang ang tingin niya ay nakatutok sa daan. “Hindi naman talaga ako marunong magluto ‘di ba. Alam mo ‘yan. Wala akong interes sa pagbe-bake o sa kung ano pa mang pagpe-prepare ng pagkain dahil hindi ko naman love language ang pagluluto pero simula ng tumira ako sa villa, pinili ko talagang matuto ng kung ano-ano, at isa na ‘yang pagbe-bake. Hindi nga lang cookies ang kaya kong i-bake. May iba pa!” “Talaga?” “Oo,” tumatango na turan ni Alianna habang nakangiti. “Hayaan mo… kap
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 33

“Anong ginagawa mo dito?”“Naghatid lang ako ng cookies. Ibibigay ko ‘to kay daddy tsaka kay Kuya Harrison.” Malamig na turan ni Alianna. Nakatayo siya sa pinaka sulok ng kwadradong elevator habang yakap-yakap ang bitbit niya.“Para sa kanila lang? P-paano naman ako? Kuya mo rin naman ako ah? Hindi ba ako pwedeng kumain n’yang dala mo?” Sunod-sunod na tanong ni Blake. Naka-cross ang magkabilang braso niya habang nakaharap sa kapatid na layong-layo naman sa kanya. “P-pwede naman. Kumuha ka kung gusto mo.”Malalim na bumuntong hininga si Blake. Tinitigan niya ng ilang sandali si Alianna bago siya lumapit at yakapin ito kahit naka-patagilid.“I don’t know why you’re doing this to me. Hindi ko alam kung bakit feeling ko, tino-torture mo ako sa ginagawa mong pag-iwas sa akin.” Unti-unti, kumalas si Blake mula sa pagkakayakap niya kay Alianna at muling bumalik sa pwesto niya kanina. “Alianna, miss na miss na kita. Miss na miss ko na ‘yong mga bonding natin. Sana maibalik na ‘yong puwang ko
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

Chapter 34

Nasa kalagitnaan ng pagpupulong si Dwaine kasama ang matandang Palacios sa loob ng conference room. Kasalukuyan kasi silang nagreresolba ng isa sa mga problemang kinakaharap ng kompanya. “Aware naman siguro ang lahat sa new services na in-offer natin last month. And to my surprise, hindi naging maganda ang resulta. Bumagsak ang sales dahil na rin sa bagong tayo na establishment na hindi naman kalayuan sa atin. Unang buwan pa lang ito. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari sa mga susunod pang buwan.” Mahinahon pa ang boses ni Don Gregorio habang sinasabi niya iyon ngunit ang bawat salita niya’y may diin na para bang ang bawat salitang binibitawan niya ay itinatatak sa isip ng bawat taong nakikinig sa kaniya.Si Venice, ang Chief Marketing officer na matagal nang may lihim na pagtingin sa kanilang boss ay umayos ng upo at sumandal sa upuan. Naghanda na rin siya upang magsalita. “Sa tingin ko… may kulang pa sa ginawa natin kaya imbis na mas marami ang mag-avail ng service na ni-lau
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

Chapter 35

Dahil nairaos ni Dwaine ang idea na ginawa niya sa harap ng mga taong may mataas na katungkulan sa kompanya, nagpasiya siyang kumain sa labas upang i-treat ang sarili. Dahil wala naman siyang ibang maisama, napilitan siyang isama ang personal bodyguard niya na si Julius. “Tagal ko nang ‘di nakakaranas na makakain sa labas. Ang huling gala ko ay noong kasama mo pa kami ni Manang Lucy! Buti na lang talaga, isinama mo ako ngayon, Sir.” Ani Julius habang ine-enjoy ang smoothie na in-order ni Dwaine para sa kanya. “Kung hindi, hindi ko natikman ang masarap na inuming ito.”“Hindi naman dapat kita isasama. Nagpumilit ka lang.”“Ay—” kumamot si Julius sa ulo niya habang tinatawanan ang kanyang sarili. “Iyong kapál ng mukha ko, nag-iimprove siya over the years of stay sa tabi mo, Sir Dwaine. Mas kumakapal siya kapag nadadagdagan ng taon eh. Kapag nadadagdagan ang taon, nadadagdagan din ang kapal ng mukha ko.”Tumawa si Dwaine, pero hindi ito kasing lakas ng tawa ng kanyang bodyguard. “Pero
last updateLast Updated : 2024-11-15
Read more

Chapter 36

“Alianna—”Parang nabuhayan ng dugo si Dwaine matapos niyang makita ang dating asawa na nakatayo hindi kalayuan sa kanya. “Steven, let’s go! Lumipat na lang tayo ng ibang place.” Utos ni Alianna. Agad siyang tumalikod at tinakpan ang tiyan niya gamit ang suot niyang coat upang hindi makita ang kanyang baby bump. Maliit pa naman ito at mukha siyang busog lang kung titingnan pero mas pinili niyang itago pa rin ito.“Oh! So, ikaw nga pala si Dwaine. Muntik na kitang makalimutan.” Maangas na turan ni Steven. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Dwaine.“Hindi ko rin naman gustong alalahanin mo ako. Tsaka pwede ba, wala akong plano na makipagtalo sa ‘yo! Inaaksaya mo lang ang oras ko.” “Talaga ba? As if namang importante ang oras para sa basura na kagaya mo.” Nakangiwing umiling ng ilang ulit si Steven. Ang mukha niya’y tila ba nang-iinsulto. “You know what, I’m wondering. How can you keep your company on the top if you can’t keep the girl you love?” “Shut up, stúpid, and get out of
last updateLast Updated : 2024-11-15
Read more

Chapter 37

“Sorry sa nangyari kanina, Alianna! Kasalanan ko kung bakit nagkita kayo ni Dwaine. Dapat hindi na kita dinala do’n eh!”“Huwag mo nang isipin ‘yon. Hindi mo naman kasalanan ‘yon. Tsaka hindi mo naman alam na nando’n si Dwaine eh. Pagkakataon ang nagtakda na magkita kami.” Huminga ng napagkalalim si Alianna. Sumandal siya sa reclining chair na inuupuan niya at tsaka hinimas ang tiyan habang nakatingin dito. “Buti na lang at hindi ako gano’n kalaki magbuntis kaya nahalata ni Dwaine. Ni hindi nga siya nagtanong kahit alam niya sa sarili niya na medyo tumaba ako dahil sa pagbubuntis ko.”“Well, sexy ka pa rin naman kasi kahit na buntis ka. Kapag nga nakatalikod ka litaw na litaw pa rin ‘yong hubog ng katawan mo tapos kapag nakaharap ka naman, para ka lang busog.”“Sus! Huwag mo na nga akong bolahin. Hindi mo ako makukuha sa pag ganyan-ganyan mo.”“Ito naman! Nagsasabi kaya ako ng totoo. Tingnan mo kaya ang sarili mo sa salamin, o ‘di kaya naman kuhanan mo ng litrato ang sarili mo para na
last updateLast Updated : 2024-11-17
Read more

Chapter 38

“Where’s Alianna? I wanted to talk to her.”Palabas na ng villa si Steven ng nakasalubong niya si Blake. Pasuray-suray ang lakad nito at garalgal ang boses na para bang lasing.“Anong ginagawa mo dito, Kuya Blake?” Tanong ni Steven. Tumingin siya sa kanyang Patek Philippe Grandmaster Chime wristwatch. “It’s almost 9:00 in the evening and you should be resting now.”“Hindi kita tinatanong kung anong oras na. Ang tinatanong ko ay kung nasaan si Alianna. Nasaan siya? Tawagin mo ang kapatid ko.”“Nagpapahinga na si Alianna. Hindi na siya pwedeng istorbohin.”“Bakit hindi? Gusto ko lang naman siyang makausap. Ano bang masama do’n?”“Kuya Blake, you’re drunk. Halos dalawang oras din ang byahe mula sa mansyon ninyo patungo dito tapos nagmaneho ka pa ng nakainom? Alam mo, Kuya Blake, magpahinga ka na muna dito sa villa. Ipagpaliban mo na lang muna ang pagkausap kay Alianna dahil sigurado ako na hindi ka rin niya kakausapin dahil diyan sa ginagawa mo.”Nilamukos ni Blake ang mukha niya. Mahina
last updateLast Updated : 2024-11-17
Read more

Chapter 39

“Bakit mo ‘to ginagawa sa sarili mo, Kuya Blake? Dati naman kahit ano’ng tampuhan ang magkaroon tayo, hindi ka nagpapaka-lasing ng ganito. Napakadelikado ng ginawa mo. Nag-drive ka ng lasing. Paano kung may nangyaring hindi maganda sa’yo?” Ani Alianna sa pinaka mahinang boses na kaya niya.Kasalukuyan siyang nakatitig kay Blake na tulog na tulog sa kama. Bagsak na ito dahil sa tama ng alak sa ulo niya.“Grabe pala ang ipinayat ni kuya dahil sa pag-iwas ko sa kanya. Ilang buwan pa lang ‘yon pero para siyang nagkasakit kaya bumagsak ang katawan niya. Ano bang pinaggagawa nito sa buhay niya? Hindi ba siya inaalagaan ng babaeng ‘yon?” dagdag pa niya habang sinisipat ang katawan ng kapatid. Habang nakatitig si Alianna sa nakatatandang kapatid, nakarinig siya ng katok sa pintuan. Nilingon niya ito at pinakiramdaman.“Bukas ‘yan—” sigaw niya.Dahan-dahang pumihit ang doorknob at rinig na rinig niya ang pag-click nito. Maging ang langitngit ng pintuan na kumakaskas sa tiles ay maririnig din
last updateLast Updated : 2024-11-18
Read more

Chapter 40

“Pwede bang iwanan niyo muna kami? Gusto ko sanang personal na makausap ang kapatid ko kung okay lang sa inyo.”Ang iilang kasambahay na nakatayo malapit sa dining area kasama na si Cita ay binaling ang tingin kay Alianna. Hindi ito tumingin sa kanila. Bagkus ay nagpatuloy lamang ito sa pagkain.“Wala na po ba kayong ipag-uutos?” tanong ni Cita kay Blake.Umiling ito. “Wala na.”“Ikaw po, senyorita?”“Okay na po ako! Salamat po.”Tinungo ni Cita ang ulo niya, gayundin ang ibang serbidora na kasama niya. Nilisan nila ang dining area at nagtungo sa kusina.Kagaya ng nais ni Blake, naiwan silang dalawa ni Alianna sa hapag kainan. Dahil magkalayo naman ang kanilang upuan, nagpatuloy si Alianna sa pagkain. Binilisan lamang niyang ubusin ang laman ng plato niya upang makaalis na siya sa lamesa. Kaagad na binalot ng katahimikan ang dining area. Ilang minuto ding naging gano’n ang sistema hanggang sa matapos kumain si Alianna. Nang tumayo siya, doon pa lamang nagsalita si Blake.“Sandali lan
last updateLast Updated : 2024-11-19
Read more
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status