“Anong ginagawa mo dito?”“Naghatid lang ako ng cookies. Ibibigay ko ‘to kay daddy tsaka kay Kuya Harrison.” Malamig na turan ni Alianna. Nakatayo siya sa pinaka sulok ng kwadradong elevator habang yakap-yakap ang bitbit niya.“Para sa kanila lang? P-paano naman ako? Kuya mo rin naman ako ah? Hindi ba ako pwedeng kumain n’yang dala mo?” Sunod-sunod na tanong ni Blake. Naka-cross ang magkabilang braso niya habang nakaharap sa kapatid na layong-layo naman sa kanya. “P-pwede naman. Kumuha ka kung gusto mo.”Malalim na bumuntong hininga si Blake. Tinitigan niya ng ilang sandali si Alianna bago siya lumapit at yakapin ito kahit naka-patagilid.“I don’t know why you’re doing this to me. Hindi ko alam kung bakit feeling ko, tino-torture mo ako sa ginagawa mong pag-iwas sa akin.” Unti-unti, kumalas si Blake mula sa pagkakayakap niya kay Alianna at muling bumalik sa pwesto niya kanina. “Alianna, miss na miss na kita. Miss na miss ko na ‘yong mga bonding natin. Sana maibalik na ‘yong puwang ko
Nasa kalagitnaan ng pagpupulong si Dwaine kasama ang matandang Palacios sa loob ng conference room. Kasalukuyan kasi silang nagreresolba ng isa sa mga problemang kinakaharap ng kompanya. “Aware naman siguro ang lahat sa new services na in-offer natin last month. And to my surprise, hindi naging maganda ang resulta. Bumagsak ang sales dahil na rin sa bagong tayo na establishment na hindi naman kalayuan sa atin. Unang buwan pa lang ito. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari sa mga susunod pang buwan.” Mahinahon pa ang boses ni Don Gregorio habang sinasabi niya iyon ngunit ang bawat salita niya’y may diin na para bang ang bawat salitang binibitawan niya ay itinatatak sa isip ng bawat taong nakikinig sa kaniya.Si Venice, ang Chief Marketing officer na matagal nang may lihim na pagtingin sa kanilang boss ay umayos ng upo at sumandal sa upuan. Naghanda na rin siya upang magsalita. “Sa tingin ko… may kulang pa sa ginawa natin kaya imbis na mas marami ang mag-avail ng service na ni-lau
“Sigurado ka ba dito, Dwaine?! Nasa mansyon tayo ng lolo mo! Baka mahuli niya tayo. Tsaka isa pa, ikakasal ka na bukas. Paniguradong masasaktan ang bride mo kapag nalaman niya na nakipag-séx ang groom niya sa ibang babae isang araw bago ang kasal niya.” “I don’t care, Lilia! Ikaw naman talaga ang mahal ko, ‘di ba?” Umibabaw si Dwaine kay Lilia at sinimulang halikan ang bandang ilalim ng tainga nito.“Dwaine, stop… mali ‘to!” hinawakan ni Lilia ang magkabilang braso ni Dwaine at sinubukan niya itong itulak palayo sa kanya. “Just give your fúcking manhood to your wife tomorrow.”“Ayaw mo ba? Ayaw mo ba sa akin?” Mataas na ang boses na turan ni Dwaine. Nasa ibabaw pa rin siya ni Lilia pero noong sandaling iyon, ang magkabila niyang kamay ay nakatuon sa kama at naka-pushup position habang nasa ilalim niya ito.Hindi kaagad nakasagot si Lilia. Gusto niya si Dwaine. Gustong-gusto niya ito pero alam niyang hindi niya pwedeng gustuhin ang lalaking nasa ibabaw niya ngayon dahil nakatakda na
“Dad, sino ba talaga ‘yong groom ko? Bakit ayaw mo pang sabihin kung sino ang lalaking maghaharap sa akin sa altar.”“Alianna Jade, anak… calm down! Don’t stress yourself. Hindi mo naman siguro gugustuhin na maglakad sa aisle na hulas ang makeup ‘di ba? Ikaw din. Hindi mo gugustuhin na pangit ang maging feedback sa iyo ng press kapag na-headline ka.” Nagtaka si Alianna. Anong press ang pinagsasabi ng kanyang ama? Napaisip tuloy siya kung malaking tao ba ang kanyang pakakasalan o kung anong klaseng tao ito kaya kahit anong pilit niyang alamin kung sino ang kanyang ay hindi talaga siya magtagumpay.“Just sit back and relax, Alianna. Everything will be fine.” Turan ni Alvin—ang ama ni Alianna Jade. Kasalukuyan siyang nakatayo sa tabi ng bridal car na lulan ang kanyang nag-iisang anak na babae. Sumandal si Alianna. Bumuntong hininga siya ng malalim bago ituon ang tingin sa labas kung saan kasalukuyang nakatayo ang kanyang ama. “Anong oras na ba, dad?! Bakit hindi pa nagsisimula?”“Iyon
“It’s getting late. Itigil mo na nga ‘yang pag-iinom mo.” Tiningnan ni Dwaine ng masama si Alianna. Ang kamay niya ay nakahawak pa rin sa baso na may laman na whiskey. “Pwede bang h’wag mo akong pakialaman sa mga gusto kong gawin sa buhay? Kinasal lang tayo. That doesn’t mean you own me. Alam mo naman sigurong hindi kita gusto ‘di ba?” “Please, Dwaine! It’s already 2:00 am. Matulog ka naman.”“Nang ikaw ang katabi? NO WAY!” Padabog na binagsak ni Dwaine sa lamesa ang baso na hawak niya. “I’d rather sleep outside this five star hotel than sleep here in the same room with you.”Tumayo na si Dwaine. Nang makita ni Alianna na pasuray-suray na ito ay agad niya itong nilapitan upang alalayan. “Dwaine, you’re drunk. Baka kung ano pa ang mangyari sa ’yo. Huwag ka nang lumabas. Dito ka na lang. Ako na lang ang lalabas. A-ako na lang ang iiwas.”“Are you sure?” Tumango si Alianna. Halata sa kanyang mukha na napipilitan lamang siya.“Fine! Get out. I don’t want to see your face here, desperat
“Dwaine—” Napabalikwas si Alianna nang magising siya sa isang masamang panaginip. Nakasalampak siya sa sahig habang hilihilot ang kanyang sintido. “Ano’ng oras na kaya? Gusto kong yayain na mag-breakfast si Dwaine.” Tumukod si Alianna sa kama at buong pwersa siyang tumayo at tsaka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa tabi ng lampshade. Kumamot siya sa kanyang ulo nang makita ang oras sa screen. Pasado alas otso na ng umaga. Dali-daling nag-ayos si Alianna. Kinuha niya ang sinuot niyang jacket bago lisanin ang kwartong ginamit niya.“Gising na kaya si Dwaine? Sana naman ay hindi na niya ako ipagtabuyan dahil ito ang unang araw namin bilang mag-asawa.” Habang naglalakad, nag-iisip na si Alianna ng mga posible nilang gawin sa araw na iyon. Napaisip tuloy siya kung sa mansyon na siya ng mga Palacios uuwi dahil aminado siyang minsan sa buhay niya ay pinangarap niyang doon tumira.Ilang kwarto lamang ang pagitan ng kwartong kinuha ni Julius para kay Alianna, sa kwartong niregalo ni
“Fúck, my head!”Gumising si Alianna na makirot ang ulo niya. Masakit rin ang buo niyang katawan at ang kanyang pagkababae. Ilang sandali rin siyang nanatiling nakahiga at nang akmang tatayo na sana siya, nanlaki ang mga mata niya matapos mapagtantong wala siyang suot na kahit anong saplot. “Anong nangyari kagabi?” tanong ni Alianna sa kanyang sarili. Isa-isang pinulot ni Alianna ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig. Hindi niya alintana ang masakit na katawan dahil ang tanging nasa isip niya noong mga oras na ‘yon ay makapagbihis. Nang matapos siya ay inayos niya rin ang magulo niyang buhok. Nang sandaling pupwesto siya sa kama para ayusin ang kanyang pinag higaan, may biglang kumatok sa pintuan. Walang pag-aatubili na binuksan ni Alianna ang pinto. Pagbukas niya, tumambad sa kanyang harapan si Julius.“Good morning, Ma’am Alianna Jade!” nakangiting bati ni Julius. May hawak pa siyang tray na may laman na pagkain. “Breakfast po para sa inyo.” “Kanina ‘yan nanggaling?” nagta
[“Hello, Alianna Jade?! Kanina pa ako tumatawag sa ‘yo. Bakit hindi ka sumasagot!”]“I-I’m sorry, dad! I lost my phone last night. Inabot lang ito sa akin ng isa sa katulong dito sa mansyon. Nakita niya raw sa ilalim ng kama.”[“How come na nawala ang phone mo sa sarili mong kwarto?”]“Naglasing ako kagabi. Sobrang lasing. Kaya siguro hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi.”[“Naglasing ng sobra?! B-bakit mo naman ginawa ‘yon, Alianna? Nahihibang ka na ba?”]Huminga ng malalim si Alianna. “Sinulit ko lang ‘yong nalalabing araw ko dito sa mansyon ng mga Palacios. Wala namang masama do’n hindi ba?!”[“Pwede namang maglasing pero hindi ‘yong sobra-sobra. Hindi ‘yong halos mawala ka na sa sarili mong katinuan. Baka nakakalimutan mong babae ka pa rin, Alianna! Mag-isip ka nga. P-paano na lang kung may nangyari—”]Natigilan sa pagsasalita si Alvin nang biglang sumabat si Alianna habang nagsasalita siya. Hinilot niya ang kanyang sintido bago magsalita. “Dad, please! Stop lecturing me tod