Pagbaba ni Lilia ng eroplano, sumalubong sa kanya ang malamig na hangin sa Toronto Pearson International Airport Naramdaman niya ang malamig na hangin nang tumama ito sa kanyang mukha pagkalabas niya ng eroplano. Nakasuot si Lilia ng makapal na dress na lampas tuhod, nakasuot rin siya ng makapal na coat na pinatungan pa niya ng maluwag na hoodie jacket ngunit ramdam pa rin niya ang lamig na nanunuot sa buto.Matapos bumaba ng eroplano, nagtungo siya sa immigration area. Pagdating s niya doon, inabot niya ang kanyang pasaporte at medical clearance. Maingat itong sinuri ng officer.“How long will you be staying in Canada?” tanong ng officer.“Indefinitely,” sagot ni Lilia nang diretso, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.“Do you have someone to assist you here? You’re pregnant, after all,” dagdag ng officer habang sinisipat ang kanyang umbok na tiyan.Ngumiti siya. “Yes. I’ll be staying in a hotel, and I’ve hired someone to help me.”Matapos ang ilang katanungan, binigay na ng of
Lumipas ang halos isang buwan, hindi na muling nagparamdam si Lilia kay Blake. Isang linggo matapos itong umalis, iyon din ang huling beses na nagkausap sila. Hindi na alam ni Blake kung ano ang kanyang gagawin. Mabaliw-baliw na siya kakahanak dito pero hindi niya ito matagpuan. “Nasaan na kaya ang mag-ina ko? Kung kailan bumili na ako ng sariling bahay para sa aming dalawa at sa magiging anak ko, saka pa nangyari ‘to. Ano bang nagawa kong mali? Maayos naman kami p-pero bakit bigla niya akong iniwan?” mangiyak-ngiyak na tinanong ni Blake ang kanyang sarili habang nakaupo sa office chair niya. sapo-sapo niya ang kanyang ulo.Habang nasa kalagitnaan ng pag-iisip at pagtatanong sa kanyang sarili si Blake, may biglang kumatok sa pintuan niya. Nang pumasok ito’y nakumpirma niyang sekretarya ito ng kanyang ama.“Ano’ng kailangan mo?” masungit na sambit ni Blake. Hindi niya magawa na tingnan ito, o lingunin man lang dahil naaawa siya sa kanyang sarili.“Sir Blake, alam ko po na may pinagda
“N-nasaan ang mga anak ko?” Pagdilat na pagdilat pa lamang ng mga mata ni Alianna, una niyang naramdaman ang bigat ng katawan at ang pagod na tila bumalot sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao. Ang puting ilaw sa kisame ng silid ay banayad, ngunit sapat para ipaalala sa kanya kung nasaan siya—sa ospital, sa private room, matapos ang pinakamahirap na araw ng kanyang buhay.Mabilis niyang naalala ang dahilan ng kanyang pagod. Nanganak siya sa tatlong malulusog na sanggol. Baka siya mapapikit at mawalan ng malay, narinig pa niya na umiiyak ang tatlo nang sabay-sabay. “Nasaan ang mga anak ko?” tanong ni Alianna. Kahit pa marahan pa ang boses niya dahil sa kahinaan, agad namang lumapit ang nurse na naka-assign sa kanya.“Nasa nursery po sila, ma’am. Sandali lang po at dadalhin na po namin sila dito.”Ang sabik na sabik na ina ay tila hindi na makapaghintay na makita ang kanyang mga anak.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Dalawang nurse ang pumasok, dala ang tig-isang sanggol sa kanil
“May nangyaring masama sa isa sa anak ni Alianna.”Halos malaglag ang panga ng magkapatid na Blake at Harrison matapos marinig ang tinuran ng kanilang ama.“What happened to her child?” Nag-aalala na tanong ni Blake. Isinantabi niya ang mabigat na pinagdadaanan upang suportahan ang kapatid na meron palang pinagdadaanan. “Namatay ang huling bata na ipinanganak niya. Hindi ko pa alam kung ano ang buong detalye dahil iyon lang naman ang inulat sa akin ni Tina.” Malamig ang boses ni Alvin. Halata rin sa kanyang kamay ang panginginig.“Kailangan natin siyang puntahan kung gano’n. Baka bumigay ang isip ni Alianna. Baka hindi niya kayanin ang pagkawala ng kanyang anak.” Sambit ni Harrison. Nagbuntong hininga siya matapos magsalita.“Naasikaso ko na ‘yan. Kumuha na ako ng private plane para sa atin at mamayang hapon na ang alis.” Tumango ang magkapatid sa kanyang ama. Dahil gabi pa sa Canada ng oras na iyon, wala silang magagawa. Hindi nila makausap si Alianna upang madamayan ito sa mabigat
“Anak ko—”Mabigat ang paghinga ni Alianna nang magising mula sa mahimbing na pagtulog. Bumungad agad sa kanya ang malamlam na ilaw ng private room. Agad niyang iniangat ang sarili sa kama. Pinipilit niya ang nanghihina na katawan upang makaupo."Nasaan ang anak ko?" mahina ngunit puno ng kaba niyang tanong sa kanyang ama na nakaupo sa tabi ng kama."Nasa nursery station. Gusto mo bang ipakuha ko siya para ma-breastfeed mo?” Malumanay ang boses na tanong ni Alvin. Dahan-dahan niyang hinawakan ang ulo ni Alianna at hinaplos ang tuktok nito."Hindi ang dalawa kong anak ang gusto kong makita. Dalhin niyo ako sa anak ko. S-sa bunso kong anak.” Napatigil si Alvin, halatang nag-aalangan pa. "Alianna, sigurado ka ba? Baka mas lalo kang masaktan—"“May mas sasakit pa ba sa mawalan ng anak na siyam na buwan na inalagaan sa sinapupunan mo? Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon kaya parang awa niyo na, dad. Dalhin niyo ako sa bunsong anak ko.” Pagsusumamo ni Alianna habang nangingi
Sa kabila ng bigat at nang hirap na kanyang pinagdadaanan, piniling maging matatag ni Alianna. Pinilit niyang maging malakas para sa dalawa pa niyang anak.“Are you ready to go?” tanong ni Alvin habang buhat-buhat sa kanyang bisig ang panganay ni Alianna. Ang isa pang bata ay buhat naman ni Alianna. Umuwi na kasi ang magkapatid ni Blake at Harrison habang si Alvin naman ay nagpaiwan upang asikasuhin ang bangkay ng apo. Hinintay rin niyang gumaling ang tahi ni Alianna at payagan ito ng doktor na bumiyahe para maiuwi na ito sa pilipinas.“Handa na po akong lumabas dito sa ospital, dad! Gusto ko na pong umuwi ng pilipinas. Gusto ko na pong iuwi ang tatlong anak ko.”“Buti nga at pumayag ka na huwag ng mag-stay dito sa Canada. Mahirap din kasi ang sitwasyon mo dito. Lalo na’t si Tina lang ang kasama mo. Hindi kakayanin ni Tina na mag-alaga ng tatlo.”“Tatlo?!” bahagyang nag-loading ang utak ni Alianna, kaya nagsalubong ang magkabilang kilay niya. “Dalawa lang naman ang alagain na anak ko.
“Tina, siguraduhin mong wala na tayong naiwan ha?! Hindi na natin pwedeng pabalikin ang private jet kapag nakaalis na tayo.” Tinawanan ni Tina ang sinabi ni Alvin bago niya isa-isang kunin ang dalawang bag na pag-aari ng dalawang bata. “Luis, ingatan mo ‘yang apo ko. Kapag iyan nabasag… ikaw ang ipapalit ko dyan.” “Sir Alvin naman. Maingat naman po ako sa pagbitbit dito sa apo ninyo. Takot ko lang po sa inyo.” Patutsada naman ni Luis. Pinasunod kasi siya ni Alvin upang may katulong sila sa pagbitbit sa mga gamit. “Mabuti naman. Hmm… oo nga pala, h-hindi ba nakahalata ‘yong magkapatid sa’yo? Baka naman ipinaalam mo na dito ka pupunta para sunduin kami?” Paniniguro ni Alvin. Nakataas pa ang isang kilay niya habang naghihintay ng sagot mula sa kanyang tauhan.“Hindi ko naman po ipinaalam sa kanila na umalis ako. Ibang security rin po ang madalas kong ipinapasama sa kanilang dalawa dahil may mga biglaang utos po kayo kaya alam ko po na hindi ako hahanapin no’n.”“Mabuti naman. Ayoko r
“Blake, anak…”Mahimbing nang natutulog si Blake dahil marami siyang inasikaso nitong nakaraang linggo. Ngunit dahil narinig niya ang boses ng ama, kahit pagod na pagod ang kanyang mga mata ay idinilat niya ito. Pagdilat niya, napabalikwas siya matapos bumungad ang mukha ni Alianna.“Alianna—” turan ni Blake habang himas-himas ang kanyang dibdib. “Nakakagulat ka! Akala ko naman ay si…”Natigilan si Blake. Unti-unti, nag-sink in sa kanya ang kanyang nakikita.“Totoo ba ‘tong nakikita ko?” Kinusot ni Blake ang kanyang mga mata sa pag-aakala na nananaginip lamang siya. Ilang beses pa niyang kinurot-kurot ang sarili ngunit nakumpirma niyang ang nangyayari ay hindi isang panaginip.Ang kaninang tahimik na silid ay binalot ng ingay nang sabay na tumawa si Alianna at si Alvin na nakatayo sa sulok ng kama ni Blake.“Dad… am I dreaming?! Si Alianna ba talaga ‘tong nasa harap ko, o nananaginip lang ako ng gising?” Tinawanan ni Alvin ang panganay na anak. “I-check mo… to see is to believe.” Ti
Sunod-sunod na katok ang bumasag sa tahimik na sesyon ni Don Gregorio. Kasalukuyan kasi niyang ine-enjoy ang mainit niyang tsaa habang nakatitig sa screen ng monitor sa computer na nasa kanyang opisina.“I’m so proud of my people. Napanatili nilang mataas ang sales ng third quarter ngayong taon.”Pagkahigop ni Don Gregorio sa kanyang tsaa, muli niyang narinig ang katok. “Ano bang kailangan ninyo?!” sigaw ni Don Gregorio. Binaba niya ang tasa na hawak niya, at tsaka binaling ang tingin sa pinto. Nang bumukas iyon, niluwa nito ang kanyang sekretarya. “What do you need, Sandy?! Haven’t I told you to let me enjoy my session?! Can’t you see I’m drinking my favorite tea? You know it’s my daily routine.”“I know, Don Gregorio, but your personal bodyguard is here. He wants to talk to you. He said it’s an important matter.”“Fine! Let him in—”Tumango si Sandy, saka niya tinawag mula sa labas si Joven. Pagpasok nito, sinampolan kaagad siya ng kasungitan ng matanda. “Ano’ng ginagawa mo dit
“In fairness dito sa bunso ni Alianna ha! Ang gwapo. Ang sarap halik-halikan.”Iritableng inikot ni Lilia ang mga mata niya. “Pwede ba, Riyanna… tigilan mo na nga ang pagpuri-puri mo sa batang ‘yan. Matalino ang batang ‘yan. Kapag na-adopt niya ‘yang mga sinasabi mo… masisira ang mga plano ko. Tigil-tigilan mo na ‘yan ha! Baka mabugbóg ko pa ‘yan.”“Kumalma ka nga! Pati ba naman bata ay papatulan mo pa. Ang bait-bait kaya nitong si Caspian oh. Ang behave pa.”“Hay nako. Wala akong pakialam kahit ano pang ugali ng batang ‘yan. Idi-dispose ko lang din naman ‘yan kapag nakuha ko na ang gusto ko.” Nilapitan ng kaunti ni Riyanna si Caspian qReid. Tinakpan niya ang magkabilang tainga nito bago magsalita. “Ikaw, grabe ka magsalita dito sa bata. Inosente ‘to at walang kinalaman sa history niyo ng mga magulang niya, kaya huwag mo siyang idamay. Ginamit mo na nga siya sa plano mo, tapos ayaw mo pa siyang itrato ng maayos.”“Pwede ba, Riyanna… huwag mo na nga akong pangaralan. Kahit ano pang sa
“What happened to my parents?”Diretso ang tingin ni Lilia sa kaibigang biglang binanggit ang mga magulang niya.“Nakausap mo na ba sila?!” Muli pang tanong ni Riyanna. Umiling si Lilia. “I haven’t seen them for years. Mula nang makipag-live in ako kay Blake, hindi na ako umuwi sa amin. Palagi lang kaming magka-videocall ni mommy. I didn’t even mention my pregnancy to her. Magugulat na lang siya kapag nabalitaan niya na meron akong anak.”“Too late, Lilia! She already knew the truth. They knew the truth rather.”Nanlaki ang mga mata ni Lilia dahil sa isiniwalat ng kaibigan. “ANO?! Paano nangyari ‘yon? Sinabi mo ba sa kanila?” Umiling si Riyanna. “No! Blake did it for you.” “Bwísét na Blake talaga ‘yan. Inunahan pa ako sa sarili kong mga magulang. Alam mo, nagsisisi talaga ako na pinatulan ko ‘yang kapatid ni Alianna eh. Pareho silang panira sa buhay ko.” “Hindi mo naman masisisi si Blake. Mabaliw-baliw ‘yon kakahanap sa ‘yo. Halos suyodin na niya ang buong pilipinas mahanap ka lan
“Open this fúcking door—”Nabulabog ang masarap at payapang tulog ni Riyanna nang makarinig siya sa ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pintuan ng condo niya. Ang ganda pa naman ng pagkakahiga niya sa bago niyang sofa ngunit bubulabugin lamang siya ng kung sino.“Sino ba ‘yan?! Agang-aga naman!” Tumayo na si Riyanna. Kahit gulo-gulo pa ang buhok niya’y dumiretso na siya sa pintuan para buksan iyon.Mariing hinawakan ni Riyanna ang doorknob. Pagpihit niya, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, ilang sandaling nanigas ang katawan niya dahil sa gulat.“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang bigla kang nakakita ng multo?”“What are you doing here, Lilia? After more than two years of ghosting everyone… you still have the audacity to show your face here?” Riyanna said while raising one of her eyebrows. “You know what… I still can’t forget how you hurt me even though I’m just telling the truth.”“Blah… blah… blah…” ani Lilia sabay ikot ng magkabila niyang mata. “It’s been two yea
“Lilia?!”Nanlaki ang mga mata ni Dwaine matapos makita ang ex-girlfriend na matagal nang hindi nagpapakita sa kanya.“Did you miss me?!” nakasuot ng mala-demonyonyong ngiti si Lilia habang nakatingin kay Dwaine nang mata sa mata.Tiningnan ni Dwaine ang dating nobya mula ulo hanggang sa paa. Ibang-iba na ang itsura nito ngayon sa itsura nito noong mga panahon na mahal na mahal niya ito.“What happened to you?” tanong ni Dwaine habang sinisipat ang pisikal na anyo ng dating nobya. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Malayong-malayo na kasi ito sa itsura ng babaeng minahal niya noon. Ang buhok nitong dating palaging palaging bagong rebond ay naka-pusod na lamang at mukhang hindi pa nasusuklay. Ang damit nito’y gusot at mukha pang luma. Ang dating Lilia na mahilig sa mataas na takong ay naka strap na tsinelas na lang. Ang itsura niya’y ibang-iba na sa itsura niya noon.“I can’t believe what I’m seeing right now. Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bak
MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON…“Excuse me, Miss! Can I talk to Ruston Dwaine Palacios?” “May I have your appointment slip, Ma’am?” The girl sitting on the front desk politely asked. She look at the girl that was holding a two-year-old toddler in front of her.“Appointment slip?! W-wala ako no’n, Miss. Pero kailangan ko kasing makausap si Dwaine. Importante lang, kaya parang awa niyo na… payagan niyo na akong makapasok. Hindi ako manggugulo.”“I’m sorry, Ma’am, but we will not allow you to enter and talk to Mr. Dwaine Palacios if you don’t have an appointment slip. It’s our policy and you have no choice but to follow it.” “Miss, ano ba?! Papasukin niyo na ako. Hayaan niyo na akong makausap si Dwaine. Sandali lang naman ako eh!”“I’m sorry, Ma’am! Hindi ko po kayo maaaring pagbigyan na basta na lang pumasok. Kung gusto po ninyo, magpa-appointment po muna kayo sa secretary ni Mr. Dwaine Palacios at hintayin niyo po na bigyan kayo ng specific date bago po kayo bumalik sa akin.” May kinuha
Matapos ang bugbugang trabaho sa opisina, napagpasyahan ni Alvin na doon mag hapunan sa Villa kasama ang dalawang anak na si Blake at Harrison. Masyado silang maraming ginagawa kaya naisip nito’y magsabay-sabay sa pagkain para kahit papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman ng bawat isa. Ang villa ay maaliwalas, puno ng ilaw at init mula sa mabangong pagkain na inihahanda ng chef na tagapag luto sa villa. Sa hapag kainan, nakalatag na ang mga plato at kubyertos, ngunit wala pang nakaupo. Habang hinihintay ang hapunan, nasa salas sina Blake at Harrison, abala sila sa pakikipaglaro sa dalawang buwang gulang na mga anak ni Alianna. Gising kasi noong sandaling iyon si William at si Wyatt kaya inalagaan muna nila ito.Kinakanta-kantahan ni Blake ang dalawang bata habang makailang ulit nitong inaalog ang kanyang ulo.“Ayusin mo, Kuya Blake. Hindi pa tumatawa oh!” Ani Harrison habang tinuturo ang dalawang bata.Nakahiga ang dalawang sanggol sa malambot na sapin sa malambot na sofa at
Dahil pasado alas kwatro pa lamang ng madaling araw nang magising ang dalawang bata, gumising na rin si Alianna para mag-breastfeed sa mga ito.Hindi biro ang mag-alaga ng dalawa ng sabay pero kinakaya ito ni Alianna. Ine-enjoy pa nga niya ang bawat sandali habang inaalagaan ang mga anak.Pinalipas pa ni Alianna ang oras at nagpasya siyang ilabas na ang mga bata ng pumatak ang oras ng alas sais ng umaga. Paglabas niya, binati siya ni Cita na kakatapos lamang magtimpla ng tsaa. “Magandang umaga, senyorita! Inom po tayo ng tsaa.” Nakangiting alok nito. Itinaas pa nito ang maliit na tasang may nakalawit pang tali na may kakabit na brand ng tsaa na tinimpla niya.“Maraming salamat po. Mamaya na lang po ako. Igagala ko muna po itong mga anak ko dito sa villa. Maganda po kasi ang view dito kapag umaga.” Tulak-tulak ni Alianna ang isang malaking stroller na dalawang bata ang laman. Binili niya talaga ang ganoong size dahil ayaw niyang mahirapan kung bibilhan niya pa ito ng tig-isa na hindi
“Where’s Alianna? I want to see her—”Agad na tinanong ni Steven si Yaya Cita nang makita niya ito matapos niyang pumasok sa entrance ng villa. “Bakit gan’tong oras naman ang oras ng dalaw mo kay senyorita, Sir—” tumingin sandali si Cita sa wall clock na nakalagay sa entrance bago muling ibinalik ang tingin kay Steven. “Alas otso na ng gabi. Nagpapahinga na siya kasama ang mga anak niya sa kwarto.”“Galing ako sa meeting kaya ngayon lang ako nakarating. Tsaka sobrang busy ko kaya hindi ako nakaka-bisita.” Paliwanag ni Steven sa matanda.“Nagpapahinga na ‘yon si senyorita. Balik ka na lang bukas, Sir.” Giit ng matanda pero hindi pumayag si Steven. Hindi kasi niya sigurado kung may libreng oras pa siya bukas, o sa mga susunod pang araw.“Baka naman gising pa ‘yon, Yaya Cita. Pagbigyan mo na ako. Sandali lang naman kaming mag-uusap eh. Hindi rin naman kami magtatagal.”“Pasensya na, Sir Steven. Kapapanganak lang halos ni Senyorita Alianna. Ngayon pa lang siya nakakabawi ng pahinga dahil