All Chapters of Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat: Chapter 61 - Chapter 70

100 Chapters

Kabanata 61

“Tapos na kami sa imbestigasyon, Captain. Walang sinumang nakakakita ng pangyayari at siguradong ang gumawa nito ay hindi basta-bastang tao. Hindi kaya isa ito sa pamilya Castro o hindi kaya ng pamilya Madrigal?”Ito ang sinabi ng isa sa mga kasamahan ni Abigail sa law enforcement team kaya napalingon siya doon.“Gusto kong malaman kung sino ang taong 'yon kaya imbestigahan niyo rin ito nang maigi,” sagot ni Abigail habang nakakunot ang kanyang kilay.“Captain, may pumasok na order. Pinapasara na sa atin ang murder case na ito at kailangan nating ibalita na si Herbert ay nabaril ng law enforcement team dahil sa mga krimen na ginagawa nito,” ani ng isa pa niyang kasamahan at nagmamadali para lang sabihin sa kanya ang balitang ito.Nandilim naman ang mukha ni Abigail dahil sa kanyang narinig. “Naman? Magagaya na naman ba ito sa nangyari noong nakaraan kung saan pinapaako sa atin ng gobyerno ang pagpatay sa mga notorious na criminal?”“B-Baka po dahil gusto ng ama niyong palaguin ang care
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 62

“Hindi ba sobra ang galaw na pinapakita mo, Secretary Nicole? Nakatingin na silang lahat sa atin.”Naiilang na gumalaw si Sebastian habang patingin-tingin sa kanyang kaliwa't-kanan nang sabihin niya ang mga salitang ‘yon.“Alam mo inggit lang sila!” sagot naman ni Nicole na may mapaglarong ngiti sa labi.Napailing na lang si Sebastian at hindi na pinansin ang sinabi ni Nicole sa kanya.“Hindi ba sinabi mo na nasa peligro ang buhay ni Allison dito? Pero kahit anong tingin ang gawin ko, wala naman akong makita na may nakahandang patibong para sa kanya,” dagdag pa ni Nicole at tila nagbago ang kanyang boses habang palinga-linga sa paligid.Napailing naman ng kaonti si Sebastian at sinabing, “Madalas ang mga krimen ay nangyayari sa lugar na hindi natin nakikita. Hindi ibig sabihin na wala tayong nakikita ay wala na. Hindi pa lang sila lumilitaw sa ngayon.”Sa isang banda naman, habang abala si Allison na nakikisali sa usapin tungkol sa mga negosyo sa itaas, bigla niyang napansin ang pagdat
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 63

Alam ni Allison lalo na ang isang tulad ni Sebastian kung saan lumaki sa isang mahirap na pamilya ay hindi masyadong nalalantad sa laro ng mga mayayaman simula pagkabata.Kahit pa ilang ulit na ipagmayabang ni Jared Aguillar at ng kanyang mga kaibigan ang kanilang estado, may sarili silang mga tutor mula sa kilalang mga guro mula noong mga bata pa sila. Ginugol nila ang kanilang kabataan sa pag-aaral sa ibang bansa at napapalibutan ng karangyaan.Nakikita na nila ang mundo. Kung kaalaman naman ang pagbabasehan, siguradong mas lamang ang mga ito kaysa sa mga ordinaryong tao.At higit sa lahat sa ganitong mga laro, milyon ang mawawala nang ganoon ka bilis. Walang magandang income sa mga ganito.“Isa ka lang maliit na clerk na sumasahod lamang ng ilang libo kaya anong gagawin mo kapag natalo ka ng milyon?” tanong ni Allison kay Sebastian. “Hindi ganoon kadali na iangat ka kaya 'wag kang padalos-dalos at sirain ang buong buhay mo nang dahil lang dito!”Si Jared at ang iba na nakarinig sa s
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 64

Sa buong kasaysayan ng larong bilyar, bihirang mangyari ang perpektong puntos at kadalasan ay nagkataon lamang. Ayon sa agham, ang pagkuha ng perpektong puntos ay halos imposible. Ang direksyon ng mga bola, resistensya ng hangin, ang friction, at iba pang mga salik ang siyang dahilan kung bakit mahirap itong kontrolin.Ngunit ngayon, lahat ng mga bola ay pumasok sa pocket ng sabay-sabay.“I know this man is cheating. It's impossible that he can pull off a perfect score!” sigaw ni Derick na nahihirapan tanggapin ang katotohanan.“Lahat ng mga gamit na ito ay ikaw ang nag-provide. Kung aakusahan mo si Sebastian na nanloko, ibig sabihin, inaamin mo rin na nanloko ka?” ani Nicole at natawa pa.Nagtinginan naman ang ibang manonood at walang naglakas ng loob na magsalita.“Ano bang dapat gagawin? Hindi ba ang larong bilyar ay para ipasok ang bola sa loob ng bulsa nito? Totoong mahirap ang larong ito, ngunit ang totoo niyan ay madali lang naman para sa 'kin,” sambit ni Sebastian na nagkibit p
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 65

Nagulat naman si Isagani sa kanyang narinig mula kay Allison at bigla siyang namutla.Nang mga oras na ito, isang may malapad na balikat at maskuladong lalaki ang biglang humakbang mula sa tumpok ng mga tao na may malalakas na hakbang. Walang iba kung hindi si Christian Chavez ang sinasabing Taekwondo Expert ng Makati City.Sinasabi na siya ang ninth-degree black belter ngayon at marami na rin itong natalong mga kalaban. Higit sa lahat, malapit niya na rin masungkit ang trophy bilang world champion sa Taekwondo.“Christian Chavez, dumating ka na rin sa wakas!” nakangiting sambit ni Jared sa lalaki. Nilapitan niya ito. “May troublemaker tayo ngayon dito. Hindi niya lang ako sinaktan, ininsulto pa niya tayo at tinatawag na basura!”“Sino ang matapang na nagsabi niyan! Insulto din sa akin ang mga salitang iyan!” galit na sabi ni Christian pagkatapos niyang marinig ito mula kay Jared.Mas lalo pang ginalit ni Jared si Christian nang dagdagan niya ang sinabi. “Alam mo ba na binanggit ko ang
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 66

“Gusto kong tumahol ka nang ilang beses at pakakawalan kita ngayon din.”Hindi pa tapos si Sebastian kaya muli niyang inutusan si Christian na tumahol. Habang nagsasalita siya, kalmado pa rin ang kanyang mukha at hindi gumagalaw sa kanyang direksyon.“K-Kung iyan ang gusto mo, Master Sebastian. Gagawin ko ito at kung gusto mo, pwede mo akong gawing alipin!” sagot ni Christian na agad ring tumahol na parang aso.Ngumisi naman si Sebastian at sinabing, “Nah, kalimutan mo na 'yan. Hindi ko kayang mag-alaga ng isang aso.”Sa itaas naman, halos matuod sa direksyon si Allison dahil sa kanyang mga nasaksihan. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Dati niyang nakasalubong si Christian Chavez at isa itong mayabang na tao ngunit ngayon, binaba niya ang kanyang sarili.Talagang hindi makapaniwala si Allison sa kanyang nakita. Sa mga oras na 'yan, lumapit naman si Isagani sa kanya.“Inimbitahan tayo ni Daniel Castro sa ikatlong palapag upang mag-tsaa doon, Allison. Hindi ganoon kadali para makuha ko
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 67

“You will let me go?”Magkasulubong ang dalawang kilay ni Allison nang sabihin niya 'yon kay Daniel Castro.“Ang magpakasal sa isa sa miyembro ng pamilya Castro ay isang oportunidad para sa isang babaeng katulad mo na nagmula sa pamilya na katamtaman lang ang antas. Aalagaan mo ang anak ko at sa gabi naman ay pagsisibilbihan mo ako. Pwede ring dalhin mo ang anak ko at sa paraang iyan, baka diyan ka na aangat—”Bago pa man matapos ni Daniel ang sasabihin, kumuha ng baso na may lamang tubig si Allison at saka itinapon ito sa mukha ng matanda.“Ito ang sagot ko sa sinabi mo!” galit na sabi niya.Biglang nabasa si Daniel Castro dahil sa ginawa ni Allison ngunit nanatili pa rin siyang nakangiti.“What the heck!?”Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mga tauhan ng pamilya Castro na ngayon ay pinalibutan si Allison. Kahit si Isagani ay tila nagulat rin.“I-Isa itong hindi pagkakaintindihan. Nagpunta kami dito para makipag-usap at hindi para makipag-away!” sabat ni Isagani at bakas ang takot
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 68

Nang lumabas ang mga salitang iyon, biglang umingay ang paligid. Lahat ng mga mata ng bisita ay napunta kay Allison at higit sa lahat, nagsimulang magbulungan ang mga tao.“Sinong mag-aakala na ang isang magnanakaw ay isang magandang babae pala. Tama nga ang kasabihan na huwag nating i-judge ang libro nang dahil lang sa kanyang cover!”Namumutla si Allison nang magsalita siya.“Paano ko nanakawin ang Ocean Heart na wala naman akong ideya kung ano ito? Ni hindi ko pa nga ito nakikita kahit kailan!” ani Allison upang depensahan ang kanyang sarili. “Kung ayaw niyong maniwala sa 'kin, si Captain Isagani ang pwedeng magpatunay na wala akong kinalaman diyan. Magkasama kaming dalawa buong oras. Hindi ba, Captain Isagani?”Paglingon niya, hindi niya na makita pa si Isagani. Pakiramdam niya para siyang tinamaan ng kidlat, nanlamig ang kanyang buong katawan mula ulo hanggang sa kanyang mga paa.Biglang pumasok sa kanyang isip na binigay niya ang bag kay Isagani kanina. Hindi kaya ito ang may gaw
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 69

Isang malakas na sampal naman ang binigay ni Daniel kay Allison bago ito magsalita.“Ikaw ang nagdala sa sarili mo sa ganitong sitwasyon kaya sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ito!” sambit niya at muling nagsalita. “Tanggalin ang damit ng babaeng ito!”Naglakad papalapit ang iba pang mga tauhan ni Grace at Daniel na ngayon ay may dala na tali. Agad nilang tinalian si Allison sa kanyang kamay at naghanap ang mga ito ng pwesto upang doon siya bitayin patiwarik.Sinira nila ang suot niyang gown na siyang dahilan para malantad ang kanyang makinis at maputing balat. Ang mga punit-punit niyang gown ay nagkalat sa sahig at tanging ang suot niyang bra at panty ang siyang natira sa kanyang buong katawan.Biglang lumapit si Grace sa direksyon ni Allison na ngayon ay may dalang latigo saka ito hinampas sa direksyon ng mukha ni Allison. Napasigaw naman si Allison sa sobrang sakit, ang kanyang katawan ay tila nanginginig na nang malakas. Isang malalim na sugat na puno ng dugo ang sumira sa dati'y
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 70

“Sino ang sinasabi mong halos patayin na sa bugbog!?”Ang mga tingin ni Sebastian ay tila kasing-lamig na ng yelo dahil sa galit.“S-Si Allison Villareal, ang president ng Villareal Company. H-Hindi mo ba narinig na ninakaw niya ang Ocean Heart ni Grace Lopez? I-Iyan ang dahilan kaya siya binugbog siya at binitay saka nilatigo!” nauutal na sagot ng lalaki kay Sebastian.“Sinasabi mo ba na may nangyari kay Allison?” tanong ni Nicole sa kinakabahang ekspresyon habang ang kanyang mukha ay maputla na.Halos liparin na ni Sebastian ang daan patungo sa kung nasaan si Allison. Pagkarating niya doon, nadatnan niya si Allison na ngayon ay naliligo na sa kanyang sariling dugo. Mahina na rin ang paghinga nito habang ang kanyang mga damit ay gutay-gutay na. Wala na ang dating kariktan at mapagmataas niyang ekspresyon.“Miss Villareal!” sigaw ni Sebastian, ang kanyang mga mata ay mamula-mula na at para bang gusto niyang sumabog sa sobrang galit.Ilang sandali lang, may mga dumating na medic at nags
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more
PREV
1
...
5678910
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status