All Chapters of Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat: Chapter 81 - Chapter 90

100 Chapters

Kabanata 81

Nakatingin nang matalim sa mga miyembro ng pamilyang Villareal si Sebastian at ang kanyang tingin ay tila tumatagos at puno ng panunuya. Ang mga mukha ng mga dating mapagmalaking miyembro ng grupo ay biglang namutla na parang nalantang talong sa mga oras na ito.Ang ekspresyon sa mukha ni Albert ay madilim at matindi na ngayon ay agad na bumuwelta, “Anong kalokohan ito, ha? Gusto mong lumuhod kami at sino ka sa tingin mo?”“Isa ka lang naman na hamak na empleyado ang nangangahas na bantaan kami. Lahat kami rito ay higit na nakakataas sa ‘yo at ang durugin ka ay parang pag-apak lang sa isang langgam!” sabat naman ni Miguel na ngayon ay galit na galit pa rin.Isang ngiti ang gumuhit sa gilid ng labi ni Allison na nagpagulat sa buong pamilya, “May punto ang sinabi ni Sebastian at iyan ang totoo.”Dahil sa kanyang ginawa, nagliliyab na naman sa galit ang mga Villareal.“Ano ang gusto mong iparating, Allison?!”“Anong ibig kong iparating?” ani Allison na nagtaas ng isang kilay at ngumiti na
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 82

Maga ang mukha ni Albert  mula sa walang tigil na mga sampal habang nagkalat ang dugo at mga nalagas na ngipin sa sahig. Galit na galit siyang tumingin kay Sebastian at pasigaw na nagsalita.“Walang hiya ka talaga! Paano mo nagawang saktan ako, ha?!” singhal ni Albert.“Bakit, sumusuko ka na ba? Magsabi ka lang na gusto mo na lumuhod at tawagin akong boss o itutuloy ko pa ang pambubugbog hanggang gawin mo ang inuutos ko,” sambit ni Sebastian sa seryoso niyang tono.“Animal ka! Baka nakalimutan mo na isa akong board member ng Villareal Group! Kung sasaktan mo ako ay sisibakin kita, maniwala ka man o hindi!” galit na sigaw ni Albert.Kalmado at walang pakialam naman na sumabat si Allison. “Ang lahat ng desisyon sa tauhan ng kumpanya ay hawak ko, Tito. Kahit pa ikaw ay isang board member, wala kang kapangyarihan na tanggalin ang empleyado ko.”Muling iginalaw ni Sebastian ang kanyang kamay at ilang sampal sa loob ng ilang segundo ang ginawa niya kay Albert. Duguan na ang mukha ng lalaki h
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 83

“Hindi mo ba natanggap ang memo ng kumpanya kanina? Tinanggal niya na ako at naghahanda na ako para umalis,” ani Sebastian kay Sophia ngunit mabilis siya nitong hinarangan na gulat ang mukha.“Anong natanggal? Ano ba ang sinasabi mo diyan, ha? Kakatanggap ko lang ng balita, at hindi ‘yon tungkol sa pagtanggal sa ‘yo kung hindi ay tungkol sa promosyon. Na-promote ka bilang leader ng grupong ito!” sagot naman ni Sophia at muling napatigil si Sebastian at halatang hindi makapaniwala.“Anong ibig mong sabihin? Na-promote ako?” tanong ni Sebastian kay Sophia.“Oo, at ang HR manager mismo ang nagsabi sa akin,” paliwanag ni Sophia sa kanya.Hindi naman maipaliwanag ni Sebastian ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito habang si Liam naman ay lubos na tuwang-tuwa. Niyakap pa siya nito nang mahigpit at ngumiti nang malapad.“Pwede mo na bang itigil ‘yang reaksyon na para kang inaapi? Ang buong akala namin matatanggal ka tapos bigla ka pala na-promote. Ang daming empleyado ang ilang taon nang
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 84

“Umupo? Anong ibig sabihin mo, Miss Allison?” Nagtataka naman na nagtanong si Sebastian sa kanya.‘Kaya ba pinaalis niya si Secretary Nicole ay para pribado akong kausapin?’ tanong pa ni Sebastian sa isip niya.“Kapag sinabi kong umupo ka, umupo ka! At tumigil ka na rin sa kakatanong!” singhal ni Allison sa kanya habang nakakunot-noo at halatang iritado ang mukha nito.Walang magawa si Sebastian kung hindi ang umupo sa sofa ngunit nagulat siya dahil si Allison ay umupo rin sa tabi niya. Hindi lang basta umupo si Allison kung hindi ay humiga pa ito sa buong sofa at ang mapang-akit niyang katawan ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin.Dahan-dahan nitong hinubad ang suot na sapatos. Itinaas pa niya ang mahabang mga binti na nakabalot sa itim na silk stockings at inilagay ang mga iyon sa kanyang tuhod.Napalunok si Sebastian at halos manigas sa kanyang kinauupuan dahil sa gulat. “Ibinebenta ko ang aking kakayahan ngunit hindi ang katawan ko, Miss Allison,” sambit ni Sebastian sa kanya.
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 85

“Lahat nang nakita mo ay ‘yon na ‘yon.”Nagkibit pa ng balikat si Sebastian nang sabihin niya ang mga salitang ‘yon.“Ang tinatanong ko ay paano mo nalaman na may isang malaking tao mula sa Mindanao na gustong mag-invest sa Villareal Group?” tanong ulit sa kanya ni Allison at bawat bigkas niya dito ay tila maingat. “Huwag kang mag-alala, dahil hindi kita sisisihin sa pagkuha ng kredito pero kailangan mong sabihin sa akin kung sino ba talaga ang taong iyon mula sa Mindanao na dumating para tulungan ako sa ganoong pagkakataon.”Ngayon ay maliwanag na ang lahat para kay Sebastian. Nagkamali sila nang inakala tungkol sa King of Hades at inakala nila na ibang tao ito. Pero ayos lang iyon para sa kanya at kung gusto nilang paniwalaan ang bersyon na iyon, wala siyang problema sa pagsabay sa kwento.Kahit papaano, nag-imbento na lamang siya ng kwento. “Nadaanan ko lang ang convoy ng mga financial magnates papunta sa kumpanya. Nagkataon lang na narinig ko silang pinag-uusapan ang pagsunod sa ut
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 86

“S-Si Mr. Gabriel ay isang mababang uri na tao. Bihirang banggitin niya ang tungkol sa V Organization sa akin pero minsan, aksidenteng nakapagbitiw siya ng salita. Sinabi niya na ang V Organization ay nagbabalak ng isang malaking bagay. Kapag nagtagumpay sila, maaari pa nilang pabagsakin ang mundo ng underworld at pati na rin ang bansang ito!” Ito ang inamin ni Daniel kay Sebastian at wala siyang pinalagpas sa detalye na alam niya. Nang dahil sa mga sinabi niya, tila mas lalong tumalim ang mga tingin ni Sebastian.“Walang sinuman ang may karapatan na galawin ang mundo ng underworld o kahit ang bansang ito nang wala ang pahintulot ko. Ang pagbabalak sa bagay na ito ay tila isang panghahamon ng digmaan sa akin!” mariing wika ni Sebastian. “V Organization, ha…Ang lakas ng loob ninyo. Lilipulin ko kayo at pati ang mga ninuno ninyo ay mawawala sa kasaysayan!”Bagama’t si Sebastian ay retirado na ngayon at namumuhay nang tahimik ay hindi ibig sabihin na nawala na ang kanyang alab at galit.
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 87

“Hindi dapat mag-aksaya ng oras kaya ikaw ang manguna.”Ito ang huling habilin ni Sebastian kay Andrew at agad na silang gumalaw.Hindi nagtagal, dumating sina Sebastian at Andrew sa isang kilalang Moonlight Bar sa sentro ng lungsod. Ang modernong bar na ito nag-uumapaw sa mga makikisig na lalaki at magagandang babae sa loob.Kasama ni Andrew Cuevas ang dose-dosenang mga tauhan niya, at sa pagbanggit ng kanyang pangalan, agad silang dinala ng isang waiter sa pinakamalaking pribadong silid.Sa loob naman ay puno ng mga malalaking lalaki ang silid. May mga baril sa kanilang baywang at mga tattoo na nagkukulay sa kanilang mga katawan. Nakapuwesto sa gitna nila si Jericho Agoncillo na nakatayo sa tabi ni Katrina, ang ina ni Sebastian. Nakagapos ito ng lubid at may mga bakas ng pulang kamay sa kanyang pisngi habang may tumutulong dugo mula sa gilid ng kanyang bibig.Nanlaki ang mga mata ni Katrina sa gulat at pangamba nang makita niya ang anak na si Sebastian.“Hindi ba sinabi kong huwag ka
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 88

Mukhang kaawa-awa ang kalagayan ni Abigail Fernandez ngayon. Bagama't isa siyang captain ng Law Enforcement Team, nagpadala siya sa pagkalasing sa kanyang inumin at nahulog sa bitag na ipinain para sa kanya. Lahat ng kanyang lakas ay tila naubos na at hindi na siya makagalaw.“I-I am Abigail Fernandez, the captain of the Enforcement Squad in Makati City. I suspected that there was an illegal activity that was happening here in Moonlight Bar, that’s why I came here as an undercover to investigate!” aniya upang ipaliwanag ang kanyang panig. “Let me go now or else my team will come here and close this place!”Nang dahil sa sinabi niya, napuno ng tawanan ang buong silid.“Wow! Ang pagiging captain ba ng Enforcement Team ay siyang nagpapalakas sa ‘yo nang lubusan?”“Alam mo ba kung anong klaseng background meron ang Moonlight Bar? Kalimutan mong isa kang captain at pati ang mismong hepe ng pulisya ng Makati City ay hindi kami kayang galawin!”Ito ang mga salitang narinig ni Abigail sa mga t
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 89

Gulat na gulat naman si Abigail na tila hindi inaasahan ang padalos-dalos na kilos ni Sebastian.“Sebastian, anong—”“Huwag mo akong intindihin dahil ayoko lang na may ibang naghahati sa kung ano ang akin,” sabat naman ni Sebastian at hindi na pinatapos si Abigail sa kung ano man ang kanyang gustong sabihin.Tila biglang natauhan si Abigail, at mariing kinuyom ang mga kamao.“Gaya ng inaasahan ay pare-pareho lang kayong mga lalaki!” sigaw ni Abigail sa galit na tono.Ngumisi naman si Sebastian at sa likod ng kanyang mga mata ay may nakatagong mga plano. Ang totoo ay kanina pa niya gustong kalabanin ang mga taong ito ngunit wala siyang makitang sapat na dahilan upang simulan ang gulo. At ngayon, si Abigail Fernandez mismo ang nagbigay ng dahilan sa kanya. Ang pagkuha sa kanya ay magiging perpektong dahilan upang pabagsakin ang mga halang na kaluluwa ng mga lalaki na nasa harapan niya.“Damn it! Hindi mo alam kung anong ginagawa mo, Sebastian!” singhal ni Philip.Kung kanina ay kalmado s
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Kabanata 90

“Sa oras na nalaman kong babae ang pinunta niya doon ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya!”Nagdilim ang mukha ni Allison nang sabihin niya ang mga salitang iyon at mariing sinuntok ang kanyang palad.“Patay talaga siya sa akin!” dagdag pa niya at bahagyang tumawa si Nicole na tila pinipigil pa ang sarili.“Hindi ba’t ginagamit mo lang ang lalaking iyon bilang panakip-butas? Bakit ka naman mag-aalala kung nasa bar siya at may kasama na ibang babae?” tanong ni Nicole.Napatigil naman si Allison at tila biglang naguluhan..‘Kailan pa ako nagsimulang mag-alala kung may ibang babae ba siya o wala? Anong kinalaman ng panglalandi niya sa akin?’ wika niya sa kanyang isip.“Nag-aalala lang ako na baka mapahiya ako sa mga tao kapag nalaman nila kung anong ginagawa ni Sebastian. Iyon lang at wala nang iba kaya halika na!” sagot naman ni Allison kay Nicole at nagmadali na silang dalawa patungo sa Moonlight Bar. ****Sa loob ng bar…Sa isang iglap lang ay nabali ni Sebastian ang binti ni
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status