Share

Kabanata 63

Author: Annam
last update Last Updated: 2024-10-22 19:13:42
Alam ni Allison lalo na ang isang tulad ni Sebastian kung saan lumaki sa isang mahirap na pamilya ay hindi masyadong nalalantad sa laro ng mga mayayaman simula pagkabata.

Kahit pa ilang ulit na ipagmayabang ni Jared Aguillar at ng kanyang mga kaibigan ang kanilang estado, may sarili silang mga tutor mula sa kilalang mga guro mula noong mga bata pa sila. Ginugol nila ang kanilang kabataan sa pag-aaral sa ibang bansa at napapalibutan ng karangyaan.

Nakikita na nila ang mundo. Kung kaalaman naman ang pagbabasehan, siguradong mas lamang ang mga ito kaysa sa mga ordinaryong tao.

At higit sa lahat sa ganitong mga laro, milyon ang mawawala nang ganoon ka bilis. Walang magandang income sa mga ganito.

“Isa ka lang maliit na clerk na sumasahod lamang ng ilang libo kaya anong gagawin mo kapag natalo ka ng milyon?” tanong ni Allison kay Sebastian. “Hindi ganoon kadali na iangat ka kaya 'wag kang padalos-dalos at sirain ang buong buhay mo nang dahil lang dito!”

Si Jared at ang iba na nakarinig sa s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 64

    Sa buong kasaysayan ng larong bilyar, bihirang mangyari ang perpektong puntos at kadalasan ay nagkataon lamang. Ayon sa agham, ang pagkuha ng perpektong puntos ay halos imposible. Ang direksyon ng mga bola, resistensya ng hangin, ang friction, at iba pang mga salik ang siyang dahilan kung bakit mahirap itong kontrolin.Ngunit ngayon, lahat ng mga bola ay pumasok sa pocket ng sabay-sabay.“I know this man is cheating. It's impossible that he can pull off a perfect score!” sigaw ni Derick na nahihirapan tanggapin ang katotohanan.“Lahat ng mga gamit na ito ay ikaw ang nag-provide. Kung aakusahan mo si Sebastian na nanloko, ibig sabihin, inaamin mo rin na nanloko ka?” ani Nicole at natawa pa.Nagtinginan naman ang ibang manonood at walang naglakas ng loob na magsalita.“Ano bang dapat gagawin? Hindi ba ang larong bilyar ay para ipasok ang bola sa loob ng bulsa nito? Totoong mahirap ang larong ito, ngunit ang totoo niyan ay madali lang naman para sa 'kin,” sambit ni Sebastian na nagkibit p

    Last Updated : 2024-10-22
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 65

    Nagulat naman si Isagani sa kanyang narinig mula kay Allison at bigla siyang namutla.Nang mga oras na ito, isang may malapad na balikat at maskuladong lalaki ang biglang humakbang mula sa tumpok ng mga tao na may malalakas na hakbang. Walang iba kung hindi si Christian Chavez ang sinasabing Taekwondo Expert ng Makati City.Sinasabi na siya ang ninth-degree black belter ngayon at marami na rin itong natalong mga kalaban. Higit sa lahat, malapit niya na rin masungkit ang trophy bilang world champion sa Taekwondo.“Christian Chavez, dumating ka na rin sa wakas!” nakangiting sambit ni Jared sa lalaki. Nilapitan niya ito. “May troublemaker tayo ngayon dito. Hindi niya lang ako sinaktan, ininsulto pa niya tayo at tinatawag na basura!”“Sino ang matapang na nagsabi niyan! Insulto din sa akin ang mga salitang iyan!” galit na sabi ni Christian pagkatapos niyang marinig ito mula kay Jared.Mas lalo pang ginalit ni Jared si Christian nang dagdagan niya ang sinabi. “Alam mo ba na binanggit ko ang

    Last Updated : 2024-10-22
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 66

    “Gusto kong tumahol ka nang ilang beses at pakakawalan kita ngayon din.”Hindi pa tapos si Sebastian kaya muli niyang inutusan si Christian na tumahol. Habang nagsasalita siya, kalmado pa rin ang kanyang mukha at hindi gumagalaw sa kanyang direksyon.“K-Kung iyan ang gusto mo, Master Sebastian. Gagawin ko ito at kung gusto mo, pwede mo akong gawing alipin!” sagot ni Christian na agad ring tumahol na parang aso.Ngumisi naman si Sebastian at sinabing, “Nah, kalimutan mo na 'yan. Hindi ko kayang mag-alaga ng isang aso.”Sa itaas naman, halos matuod sa direksyon si Allison dahil sa kanyang mga nasaksihan. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Dati niyang nakasalubong si Christian Chavez at isa itong mayabang na tao ngunit ngayon, binaba niya ang kanyang sarili.Talagang hindi makapaniwala si Allison sa kanyang nakita. Sa mga oras na 'yan, lumapit naman si Isagani sa kanya.“Inimbitahan tayo ni Daniel Castro sa ikatlong palapag upang mag-tsaa doon, Allison. Hindi ganoon kadali para makuha ko

    Last Updated : 2024-10-22
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 67

    “You will let me go?”Magkasulubong ang dalawang kilay ni Allison nang sabihin niya 'yon kay Daniel Castro.“Ang magpakasal sa isa sa miyembro ng pamilya Castro ay isang oportunidad para sa isang babaeng katulad mo na nagmula sa pamilya na katamtaman lang ang antas. Aalagaan mo ang anak ko at sa gabi naman ay pagsisibilbihan mo ako. Pwede ring dalhin mo ang anak ko at sa paraang iyan, baka diyan ka na aangat—”Bago pa man matapos ni Daniel ang sasabihin, kumuha ng baso na may lamang tubig si Allison at saka itinapon ito sa mukha ng matanda.“Ito ang sagot ko sa sinabi mo!” galit na sabi niya.Biglang nabasa si Daniel Castro dahil sa ginawa ni Allison ngunit nanatili pa rin siyang nakangiti.“What the heck!?”Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mga tauhan ng pamilya Castro na ngayon ay pinalibutan si Allison. Kahit si Isagani ay tila nagulat rin.“I-Isa itong hindi pagkakaintindihan. Nagpunta kami dito para makipag-usap at hindi para makipag-away!” sabat ni Isagani at bakas ang takot

    Last Updated : 2024-10-22
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 68

    Nang lumabas ang mga salitang iyon, biglang umingay ang paligid. Lahat ng mga mata ng bisita ay napunta kay Allison at higit sa lahat, nagsimulang magbulungan ang mga tao.“Sinong mag-aakala na ang isang magnanakaw ay isang magandang babae pala. Tama nga ang kasabihan na huwag nating i-judge ang libro nang dahil lang sa kanyang cover!”Namumutla si Allison nang magsalita siya.“Paano ko nanakawin ang Ocean Heart na wala naman akong ideya kung ano ito? Ni hindi ko pa nga ito nakikita kahit kailan!” ani Allison upang depensahan ang kanyang sarili. “Kung ayaw niyong maniwala sa 'kin, si Captain Isagani ang pwedeng magpatunay na wala akong kinalaman diyan. Magkasama kaming dalawa buong oras. Hindi ba, Captain Isagani?”Paglingon niya, hindi niya na makita pa si Isagani. Pakiramdam niya para siyang tinamaan ng kidlat, nanlamig ang kanyang buong katawan mula ulo hanggang sa kanyang mga paa.Biglang pumasok sa kanyang isip na binigay niya ang bag kay Isagani kanina. Hindi kaya ito ang may gaw

    Last Updated : 2024-10-22
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 69

    Isang malakas na sampal naman ang binigay ni Daniel kay Allison bago ito magsalita.“Ikaw ang nagdala sa sarili mo sa ganitong sitwasyon kaya sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ito!” sambit niya at muling nagsalita. “Tanggalin ang damit ng babaeng ito!”Naglakad papalapit ang iba pang mga tauhan ni Grace at Daniel na ngayon ay may dala na tali. Agad nilang tinalian si Allison sa kanyang kamay at naghanap ang mga ito ng pwesto upang doon siya bitayin patiwarik.Sinira nila ang suot niyang gown na siyang dahilan para malantad ang kanyang makinis at maputing balat. Ang mga punit-punit niyang gown ay nagkalat sa sahig at tanging ang suot niyang bra at panty ang siyang natira sa kanyang buong katawan.Biglang lumapit si Grace sa direksyon ni Allison na ngayon ay may dalang latigo saka ito hinampas sa direksyon ng mukha ni Allison. Napasigaw naman si Allison sa sobrang sakit, ang kanyang katawan ay tila nanginginig na nang malakas. Isang malalim na sugat na puno ng dugo ang sumira sa dati'y

    Last Updated : 2024-10-22
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 70

    “Sino ang sinasabi mong halos patayin na sa bugbog!?”Ang mga tingin ni Sebastian ay tila kasing-lamig na ng yelo dahil sa galit.“S-Si Allison Villareal, ang president ng Villareal Company. H-Hindi mo ba narinig na ninakaw niya ang Ocean Heart ni Grace Lopez? I-Iyan ang dahilan kaya siya binugbog siya at binitay saka nilatigo!” nauutal na sagot ng lalaki kay Sebastian.“Sinasabi mo ba na may nangyari kay Allison?” tanong ni Nicole sa kinakabahang ekspresyon habang ang kanyang mukha ay maputla na.Halos liparin na ni Sebastian ang daan patungo sa kung nasaan si Allison. Pagkarating niya doon, nadatnan niya si Allison na ngayon ay naliligo na sa kanyang sariling dugo. Mahina na rin ang paghinga nito habang ang kanyang mga damit ay gutay-gutay na. Wala na ang dating kariktan at mapagmataas niyang ekspresyon.“Miss Villareal!” sigaw ni Sebastian, ang kanyang mga mata ay mamula-mula na at para bang gusto niyang sumabog sa sobrang galit.Ilang sandali lang, may mga dumating na medic at nags

    Last Updated : 2024-10-22
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 71

    Nang dahil sa pangyayari, naging magulo ang buong paligid. Nagkalat kung saan-saan ang mga katawan ng tao.“G-Grabe ang gulong naganap. Halos hindi bababa sa limampu ang napaslang…” ani Nicole habang nakatingin sa buong paligid.Napahinga siya nang malalim na hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang paniwalaan ang mga nangyayari. Iisang tao lang ang gumawa ng pagpatay na ito at tila hindi kahirap-kahirap ang kanyang ginawa.‘Ito ba talaga ang totoong kakayahan ni Sebastian?’ aniya sa kanyang isip.Samantala, binuhat naman ni Sebastian si Allison at dinala sa direksyon ni Nicole na ngayon ay nakatayo pa rin habang nakanganga.“Dalhin mo si Allison sa may pinakamalapit na ospital, Secretary Nicole. Mahina pa rin siya ngayon at kailangan niyang matignan muli,” sabi ni Sebastian sa mahinang boses. “Kailangan ko lang harapin sina Grace Lopez at Daniel Castro.”Nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Nicole bilang hindi pagsang-ayon sa kanya.“Huwag kang magpadalos-dalos, Sebastian. Hindi mo a

    Last Updated : 2024-10-22

Latest chapter

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 100

    Mariing sinampal ni Nicole sa mukha si Mark pagkatapos ng mga sinabi nito dahil sa galit niya.“Huwag mong kalimutan na ako si Nicole ng pamilya Navarro mula sa isang baranggay ng syudad na ito at hindi ako basta-bastang babaeng galing sa club!” aniya na may malamig na ekspresyon habang nagpatuloy. “Ang paghawak sa akin ay may kapalit!”Matapos iyon, itinaas niya ang kanyang baba nang may pagmamataas at akmang aalis na sa kotse ngunit malupit na hinablot ni Mark ang buhok ni Nicole, hinila siya pabalik sa kabilang dulo ng kotse, at ibinalibag nang marahas sa upuan.“Nasa harap na kita, pero mayabang ka pa rin!” nanggagalaiti si Mark nang sabihin niya ‘yon. “Huwag mong kalimutan na wala ka sa baranggay niyo kung hindi ay nasa lungsod ka. Kahit gaano kalakas ang pamilya Navarro, hindi kayang talunin ng isang dragon ang lokal na ahas!”Napatingin ito sa unahan at agad na sumigaw. “Umalis na tayo. Iwanan na ang mga tao sa likod natin!”Sumibad nang mabilis ang sasakyan na nag-iiwan ng alik

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 99

    Samantala, natanggap naman ni Nicole ang ulat mula kay Manong Jose tungkol sa limang mga lalaki mula sa pamilya Romero ang pinatay malapit sa Supreme Club.“Sino ang maglalakas-loob na patayin ang mga miyembro ng isa sa mga kilalang pamilya?” gulat na tanong ni Nicole.Malalim na bumuntong-hininga si Manong Jose at saka sumagot, “Miss, si Sebastian po ang may kagagawan.”“Si Sebastian na naman? Bakit ba palagi siyang nagdadala ng problema sa akin?” ani Nicole at malalim na huminga.Pagkarinig ng pangalan ni Sebastian, nakaramdam nang matinding sakit ng ulo si Nicole.Hindi pa man ganap na nalulutas ang mga isyu nito kay Grace Lopez at Daniel Castro, ngayon naman ay hinatak ni Sebastian ang sarili sa pamilya Romero. Subalit, sa kabila ng kanyang walang takot at pabiglang ugali, dito rin nahuhulog ang loob ni Nicole sa kanya.“Ihanda ang sasakyan. Ako na mismo ang makikipagkita sa anak ng pamilya Romero,” utos niya sa tauhan.Nang gabi din na ‘yon, naglakad si Mark Romero kasama ang kany

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 98

    “Pupunta ako ngayon din!”Pagkababa ng telepono agad na inutusan ni Mark ang kanyang mga tauhan.“Hanapin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang Sebastian Lazarus.”“Boss, ayon sa nakalap namin, si Sebastian ay dalawampu’t limang taong gulang. Nagsilbi siya sa Hilagang Teritoryo ng Mindanao sa loob ng pitong taon at nagtapos ng high school. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang isang team leader sa sales department ng Villareal Group,” sabi sa kanya ng inutusan niyang imbestigador.“Isa lang pala siyang mababang uri!” ngising sabi ni Mark habang nagre-relax sa kanyang mamahalin na upuan. “Mukhang masyadong naging mababa na ang profile ng pamilya Romero sa matagal na panahon at akala ng ibang tao ay hindi na tayo dapat katakutan. Ngayong gabi, nawalan tayo ng limang magagaling na mga killers. Gusto kong palitan iyon ng katumbas sa nawala sa atin!”Tumindi ang galit sa mga mata ni Mark habang mariing nakakuyom ang kanyang kamao nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa kanya.

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 97

    “Ako, papatayin mo? Narinig ko ba iyon nang tama?”Hinawakan pa ni Enzo ang kanyang tiyan at tumawa nang nakakabaliw kahit pa man na duguan na ito.“Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Ang pagbabanta sa isang miyembro ng pamilya Romero ay ang pinakamabilis na paraan upang makaharap mo si kamatayan!?” dagdag pa niya.Sa isang sulok naman ay nanginginig sina Liam at Sophia dahil sa takot sa mga nangyayari ngayon.“Hindi mo kayang hamunin ang mga taong ‘yan, Sebastian. Hindi natin sila kayang tapatan!” ani Sophia at pinaalala sa kanya ang tungkol doon.“Edgar, patayin mo siya! Ako na ang bahala sa ‘yo!” sigaw ni Enzo sa mga kasamahan niya sa loob ng silid. Agad na humakbang ang isa sa mga killer ng pamilya Romero upang patayin si Sebastian.Para sa mga lalaking ito, ang pagpatay ng isang karaniwang tao ay katumbas lamang ng ilang salapi. Akmang susugurin na ni Edgar si Sebastian ng kanyang nakamamatay na suntok ngunit biglang tumigil ang kamay nito sa ere, tila naninigas at hindi na maigal

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 96

    Natigilan naman si Sebastian sa kanyang narinig dahil parang narinig niya na ang pangalan ng lalaki.‘Enzo Romero? Hindi ba ito ang lalaking inutos ni Allison sa ‘kin para singilin ang utang nila?’ tanong ni Sebastian sa isip niya.“Iba ka talaga, Tres. Talong-talo mo na ang mga matagal ng masahista sa lugar na ito!” ani Enzo at tila kumislap pa ang mga mata nito sa tuwa nang makita Sophia. “Grabe! Kayang-kaya kong tamasahin ito nang buong taon!”“Mga masahista sila dito, hindi mga pokpok mula sa kung saan-saang eskinita. Maling lugar ang pinuntahan mo, Gago!” singhal ni Sebastian sa kanya.“Hindi ba’t pare-pareho lang naman silang lahat na nagbebenta ng sarili nila?” nakangising tugon ni Enzo sa mayabang na boses.Bago pa man tuluyang magalit si Sebastian, mabilis na sumingit si Sophia at mahinang bumulong sa kanya, “Sebastian, ayos lang ako. Kung kakailanganin, paglilingkuran ko na lang si Enzo. Huwag kang makikipagsagutan sa mga tao mula sa pamilya Romero dahil ang pamilyang ito ay

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 95

    “Syempre naman totoo. Ang kaso lang, gumastos nang malaki ang may-ari para kumuha ng magagandang babae bilang mga masahista para makaakit ng mga kliyente!”Mabilis pa sa kidlat na sumagot si Liam habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga.“Ilang mayayaman na ang pumupunta dito para lang sa benepisyo sa kalusugan ngunit ang ilan sa kanila ay nandito dahil sa mga magagandang masahista,” dagdag na sabi pa ni Liam sa kanya.Dahil hindi matanggihan ang masiglang pag-anyaya ni Liam, napilitan si Sebastian na sumama sa kanya papasok. Agad lumapit ang manager ng lobby sa kanilang dalawa.“Kayong dalawa ba ay para ba sa foot bath o masahe?” tanong ng manager. “Ang foot bath ay dalawang daan sa isang oras, ang masahe naman ay tatlong daan para sa isang oras, at may karagdagang bayad para sa sobrang oras.”“Unang beses ng kasamahan ko dito kaya syempre kunin na natin ang pinakamaganda. Tatlong daan para sa masahe sa kasama ko, Miss!” nakangiting sabi ni Liam sa manager na nasa lobby.Nanlaki n

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 94

    Habang iniisip si Sebastian, naramdaman ni Gabriel ang sobrang pangamba na ngayon lang nangyari sa kanya pagkatapos niyang makaharap si Sebastian.“Parang hindi ko pa magagawang kumilos laban kay Allison Villareal sa ngayon at wala ring kwenta si Isagani. Kailangan kong makahanap ng bagong mga kakampi. Pero sino ang maaaring sumalungat kay Allison?” ani Gabriel at pinag-isipan niya ito nang ilang sandali, at bigla siyang nakaisip ng ideya. “Ang pamilya Villareal. Sila ang maaaring makatulong sa ‘kin!” ****Kinabukasan, sa Villareal Company…Isang miyembro ng pamilyang Villareal na kadalasa’y may maayos na relasyon kay Allison ay nakaupo sa kanyang opisina ngayon.“Allison, bagamat ang tatlumpung bilyong investment mula sa mga pangunahing grupong pampinansyal ay pansamantalang nagligtas sa Villareal Group mula sa krisis noong nakaraang pagkakataon…” ani Marvin sa kanya saka nagpatuloy, “Hindi basta-basta susuko ang pamilya Castro at si Grace Lopez ng Australia Consortium. Narinig kong

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 93

    Ngunit ilang segundo lang, marahas na binuksan ni Jericho ang pinto ng sasakyan nila. Sa kabila man nang kanyang natamong mga sugat, tila malakas pa rin ito dahil nagawa niyang pwersahin ang pinto ng sasakyan kahit nagtulungan na sina Allison at Nicole para pigilan ito. Nagtagumapay ito kaya naman ay napasinghap na lang si Nicole sa takot.“S-Sino ka? Kung pera ang gusto mo, maibibigay namin ‘yon basta’t huwag mo lang kaming saktan!” sambit ni Allison na bakas ang takot sa tono niya.“Pera? Hindi ko kailangan ng pera. Kayo ang mga babae ni Sebastian, hindi ba? Well, gusto ko lang patayin kayo!” ani Jericho na nakangisi habang nakatingin sa kanilang dalawa.Bigla naman na may dumating na pito hanggang walong mga bouncer ng bar sa kanilang direksyon.“Halos napatay na natin si Jericho kanina. Bakit buhay pa rin ito hanggang ngayon?” takang tanong ng isa sa mga lalaki.“Wala nang oras para mag-isip. Dakpin niyo na ‘yan at tapusin ito bago pa malaman ni Queen Jas at pagalitan tayo!” sambit

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 92

    “Anong iniisip mo?”Napakunot ang noo ni Sebastian nang tanungin siya ni Abigail habang hawak-hawak niya pa rin ito. Sa isang mabilis na galaw, itinusok ni Sebastian ang isang karayom sa kanyang puwitan.Matapos ang ilang sandali lang, nagsimulang manginig ang katawan ni Abigail at napagtanto niyang mabilis na bumabalik ang kanyang enerhiya.“Wala na ba ang lason sa buong katawan ko?” tanong ni Abigail at tila namangha pa nang maramdamang naibalik na ang buong kakayahan ng kanyang katawan. “G-ginamot mo ba ako?”“Ano sa tingin mo? Iniisip mo ba dadalhin kita sa hotel?” tanong ni Sebastian at sinamahan pa ng isang tawa na puno ng pang-aasar ang boses. “Maganda ang hugis ng puwitan mo. Eksakto sa tipo na aaprubahan ng nanay ko.”“Hayop ka!” singhal na sabi ni Abigail habang nagtatagis ang ngipin sa hiya at galit. Itinaas pa niya ang kanyang binti para sipain ito nang malakas, ngunit madaling nahawakan ni Sebastian ang kanyang paa sa ere. Mahigpit niya itong hinawakan.“Iniligtas na nga k

DMCA.com Protection Status