“Sina Grace Lopez at Daniel Castro ba ng financial consortium ang sinasabi mo?”Manghang tanong ng receptionist kay Sebastian at saka muling nagsalita, “Nirentahan nila ang buong hotel ngayong gabi na sa Enchanted Suite 1 sila ngayon at kasalukuyang umiinom.”“Sige, salamat,” sagot ni Sebastian na sinabayan pa ng isang ngiti.Paglabas ni Sebastian ng elevator nakita niya ang ilan sa mga tauhan ni Castro na naglalakad sa isang pasilyo ng hotel at lahat sila ay malalakas ang pangangatawan.Hindi niya ito pinansin at kalmadong nilampasan ang mga ito saka dumiretso sa Enchanted Suite 1.“Hoy, anong ginagawa mo dito? Hindi ka pwedeng pumasok dito!”Biglang dumating ang ilan sa mga malalaking lalaki at pinigilan si Sebastian sa kanyang tangkang pagpasok ngunit ilang sandali lang, nakahandusay na ang mga ito sa sahig.Nagkalat ang kanilang mga dugo nang barilin sila ni Sebastian. Mabuti na lang ay nilagyan niya ng silencer ang kanyang baril kaya hindi ito maririnig sa loob.“I-Isa siyang kala
“Pinili kong itago ang buong pagkatao ko sa loob ng maraming taon ngunit nang dahil sa 'yo ay nagbago na ang isip ko!”Ang magkaroon ng kapangyarihan sa buong syudad ng Makati ay maituturing na malakas ngunit gusto pa niya ng mas mataas pa kaya naman ginawa niya ang lahat. Nais niyang mas mataas pa siya kaysa sa heneral ng mga sundalo. Inasam niyang makuha ang titulo mula sa kilalang King of Hades.Kung maabot niya 'yan, kahit isama pa ang tatlong mga bigating lider sa siyudad ng Makati ay walang panama sa kanya at hindi na sila magaging problema para sa kanya.“Ako si Daniel Castro ay magiging hari din ng underworld kaya ngayon, ikaw ang uunahin ko. Gagamitin ko 'yang ulo mo bilang hakbang para masungkit ko na ang pagiging King of Hades at makuha ang titulo sa may pinakamaraming napatay!” sambit ni Daniel kay Sebastian.Nagdilim ang mukha ni Daniel. Naisip niyang unahin si Sebastian na patayin at isusunod niya si Gabriel.Samantala, ang sugatang si Grace ay nakahandusay pa rin sa lupa
Si Grace at Joseph ay sugatan na ngayon, balot ng dugo ang kanilang mga mukha, at may maliit na hiwa ng salamin ang kanilang mga bibig. Labis na napinsala ang kanilang mga kamay at paa kaya naman ay nakahandusay sila na parang mga kawawa, at tila kinakawag ang mga buntot habang nagmamakaawa sa harapan ni Sebastian na tapusin na ang kanilang buhay.Tila wala na silang pinagkaiba sa mga bangkay ngayon.“Nandito ka pala, Secretary Nicole? Kamusta ang kalagayan ni Allison?” tanong ni Sebatian nang mapansin siya nito at binigyan ng malabong ngiti sa labi.Napaatras naman ng kaonti si Nicole, ang kanyang buong katawan ay nanginginig na sa takot nang magsalita siya. “M-Malaking pagkakamali ang ginawa mo na kinalaban mo ang mga Castro. Mayroon pa sana akong pagkakataon na ayusin ang gusot na ito pero ngayon, si Grace Lopez naman ang kinalaban mo. Alam mo ba na siya ang anak ng isang top global financial tycoon?”Napangisi naman si Sebastian sa sinabi niya. “Top financial tycoon? I can still re
“What do you mean by that?”May pagtataka sa mukha ni Sebastian nang magtanong siya kay Nicole.“There was a stunning beauty right in front of you. Can't you see it? And also, I've heard that Enchanted Hotel has a VIP Suite that has an amazing king-size bed. What if we…” ani Nicole.Ang mata niya ay biglang naging mapungay at puno ng pang-aakit nang marahan niyang idinidiin ang kanyang binti sa binti ni Sebastian at dahan-dahang ikiniskis ito.“What if we do what adults must do? I swear, this will just be between the two of us. Only heaven and earth, you and I will know about this. I will not even let Allison know about this,” dagdag pa niya.Mabilis naman na inilayo ni Sebastian ang kanyang mukha, natatakot na baka mawalan siya ng kontrol at makagawa ng mga bagay na hindi dapat gawin.“Sa tingin ko kailangan na natin umalis at…” aniya at pekeng umubo saka nagpatuloy pagkatapos. “Tignan ang kalagayan ni President Allison ngayon.”Bigla namang humagalpak ng tawa si Nicole na tila ba may
“Miss Allison, gising ka na pala?”Si Sebastian agad ang unang nakita ni Allison na may hawak na isang bandehado at may laman na mainit na lugaw saka iniaabot ito sa kanya.“Mahina pa ang katawan mo kaya hindi ka dapat magpuyat o pagurin ang sarili mo nang labis,” dagdag na saad ni Sebastian sa kanya.“W-What are you doing here, Sebastian?” gulat na tanong ni Allison kay Sebastian.Habang tinitignan ni Allison ang maamo at maalalahaning ekspresyon sa mukha ni Sebastian, nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang puso. Sa kanyang alaala, hindi ba dapat ay nasa International Business Event sila?‘Sandali lang, naalala kong pinagtangkaan akong siraan ni Grace Lopez, binugbog, sinaktan, at sinira pa ang mukha ko!’ aniya sa kanyang isip.Nang maalala niya ito, tila biglang bumilis ang paghinga ni Allison at agad siyang tumakbo sa salamin para tignan ang sarili. Ngunit laking gulat niya nang makita ang sariling katawan na walang kahit anong galos. Katunayan, mas nagmukhang maayos ang kanyang pisn
“If that’s what you want, then I will leave. I just hope that you’re happy with your decision!”Walang nagawa si Sebastian kung hindi ang umalis na lang, at malakas na isinara ang pinto sa kanyang likuran.Mababaw ang tiwala ni Allison para sa kanya. Naisip ni Sebastian na kung ganoon na lamang at wala itong paniniwala sa kanya, wala nang dahilan para manatili pa siya sa kumpanya. Nabayaran na niya ang anumang utang na loob niya kay Allison Villareal.Samantala, nanatili pa rin na malamig ang tingin ni Allison para kay Sebastian.“Hindi kami pareho ng mundo at sobrang napakalawak ng agwat sa pagitan naming dalawa. Ang tanging hiling ko na lang ay makahanap siya ng isang mabuting asawa balang araw, bumuo ng pamilya, at mamuhay nang tahimik,” sambit ni Allison sa kanyang blangko na ekspresyon.Nang marinig naman ito ni Nicole ay bigla siyang nataranta.“Hindi ka ba talaga nag-iisip? Alam mo ba kung gaano kalaki ang nagawa ni Sebastian para sa’yo, Allison?” aniya kay Allison at nagpatuloy
“Pinapunta niyo ako rito para lang patalsikin? Nasaan ang pamilya Villareal nang ako’y nasa bingit ng kamatayan? Ngayong muntik na akong mamatay, nandito kayo para lang sisihin ako!?”Naghuhumiyaw na sa galit si Allison habang nakatingin sa kanilang lahat. At dahil sa mga binitwan niyang salita, nagdulot ito nang matinding galit sa lahat ng mga miyembro ng pamilya.“Anong klaseng asal ‘yan? Narito ka ba para sisihin kami at hayaan kaming ayusin ang gulong ginawa mo na mas nakakatanda sa ‘yo?”“Wala talagang galang! Hindi porke ikaw ang Executive Director ay kaya mo na kaming hamakin na mga nakatatandang tagapagtatag ng kumpanya!”“Fired her! She needs to get out of this company!”Habang patuloy na umiinit ang sitwasyon, dahan-dahang lumayo si Nicole at mabilis na tinawagan ang numero ni Sebastian. Mabilis naman na sinagot ni Sebastian ang tawag niya.“Nasaan ka, Sebastian? Na sa panganib ang buhay ni Allison!” ani Nicole sa kabilang linya. ****Sa isang dulo ng mesa ay nakaupo si Rom
Ang pagdating ni Sebastian ay siyang nagbigay ng bagong tapang kay Allison kaya sa wakas, napagpasyahan niyang labanan ang kanyang pamilya.“Pagmamay-ari ko ang twenty percent shares ng grupo, kaya isa ako sa tatlong may pinakamalaking shareholder dito. Kalahati ng kumpanya ay nasa ilalim ng aking pamumuno!” malakas na sambit ni Allison at walang balak na umurong. “Hindi niyo ako basta-basta matatanggal dahil sa gusto niyo lang!”Dahil diyan, malakas na sinuntok ni Albert ang lamesa at saka tumayo sa kanyang upuan.“Paralisado na ang kumpanyang ito at kung mananatili ka pa sa posisyon na ito, mapipilitan ka pa rin na umalis, sa ayaw at sa gusto mo kaya mas mabuting tanggapin mo na lang!” ani Albert sa kanya na nanlilisik ang mata sa galit.“Gagawa ako ng paraan para maresolba ang sitwasyon!” sagot naman ni Allison habang nakataas ang kanyang dalawang kilay.Bahagya pang natawa si Romulo ngunit may kasamang pang-aasar.“Gagawa ka ng paraan? Sa tingin mo ba ay may oras ka pa? Isang araw…
Mariing sinampal ni Nicole sa mukha si Mark pagkatapos ng mga sinabi nito dahil sa galit niya.“Huwag mong kalimutan na ako si Nicole ng pamilya Navarro mula sa isang baranggay ng syudad na ito at hindi ako basta-bastang babaeng galing sa club!” aniya na may malamig na ekspresyon habang nagpatuloy. “Ang paghawak sa akin ay may kapalit!”Matapos iyon, itinaas niya ang kanyang baba nang may pagmamataas at akmang aalis na sa kotse ngunit malupit na hinablot ni Mark ang buhok ni Nicole, hinila siya pabalik sa kabilang dulo ng kotse, at ibinalibag nang marahas sa upuan.“Nasa harap na kita, pero mayabang ka pa rin!” nanggagalaiti si Mark nang sabihin niya ‘yon. “Huwag mong kalimutan na wala ka sa baranggay niyo kung hindi ay nasa lungsod ka. Kahit gaano kalakas ang pamilya Navarro, hindi kayang talunin ng isang dragon ang lokal na ahas!”Napatingin ito sa unahan at agad na sumigaw. “Umalis na tayo. Iwanan na ang mga tao sa likod natin!”Sumibad nang mabilis ang sasakyan na nag-iiwan ng alik
Samantala, natanggap naman ni Nicole ang ulat mula kay Manong Jose tungkol sa limang mga lalaki mula sa pamilya Romero ang pinatay malapit sa Supreme Club.“Sino ang maglalakas-loob na patayin ang mga miyembro ng isa sa mga kilalang pamilya?” gulat na tanong ni Nicole.Malalim na bumuntong-hininga si Manong Jose at saka sumagot, “Miss, si Sebastian po ang may kagagawan.”“Si Sebastian na naman? Bakit ba palagi siyang nagdadala ng problema sa akin?” ani Nicole at malalim na huminga.Pagkarinig ng pangalan ni Sebastian, nakaramdam nang matinding sakit ng ulo si Nicole.Hindi pa man ganap na nalulutas ang mga isyu nito kay Grace Lopez at Daniel Castro, ngayon naman ay hinatak ni Sebastian ang sarili sa pamilya Romero. Subalit, sa kabila ng kanyang walang takot at pabiglang ugali, dito rin nahuhulog ang loob ni Nicole sa kanya.“Ihanda ang sasakyan. Ako na mismo ang makikipagkita sa anak ng pamilya Romero,” utos niya sa tauhan.Nang gabi din na ‘yon, naglakad si Mark Romero kasama ang kany
“Pupunta ako ngayon din!”Pagkababa ng telepono agad na inutusan ni Mark ang kanyang mga tauhan.“Hanapin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang Sebastian Lazarus.”“Boss, ayon sa nakalap namin, si Sebastian ay dalawampu’t limang taong gulang. Nagsilbi siya sa Hilagang Teritoryo ng Mindanao sa loob ng pitong taon at nagtapos ng high school. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang isang team leader sa sales department ng Villareal Group,” sabi sa kanya ng inutusan niyang imbestigador.“Isa lang pala siyang mababang uri!” ngising sabi ni Mark habang nagre-relax sa kanyang mamahalin na upuan. “Mukhang masyadong naging mababa na ang profile ng pamilya Romero sa matagal na panahon at akala ng ibang tao ay hindi na tayo dapat katakutan. Ngayong gabi, nawalan tayo ng limang magagaling na mga killers. Gusto kong palitan iyon ng katumbas sa nawala sa atin!”Tumindi ang galit sa mga mata ni Mark habang mariing nakakuyom ang kanyang kamao nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa kanya.
“Ako, papatayin mo? Narinig ko ba iyon nang tama?”Hinawakan pa ni Enzo ang kanyang tiyan at tumawa nang nakakabaliw kahit pa man na duguan na ito.“Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Ang pagbabanta sa isang miyembro ng pamilya Romero ay ang pinakamabilis na paraan upang makaharap mo si kamatayan!?” dagdag pa niya.Sa isang sulok naman ay nanginginig sina Liam at Sophia dahil sa takot sa mga nangyayari ngayon.“Hindi mo kayang hamunin ang mga taong ‘yan, Sebastian. Hindi natin sila kayang tapatan!” ani Sophia at pinaalala sa kanya ang tungkol doon.“Edgar, patayin mo siya! Ako na ang bahala sa ‘yo!” sigaw ni Enzo sa mga kasamahan niya sa loob ng silid. Agad na humakbang ang isa sa mga killer ng pamilya Romero upang patayin si Sebastian.Para sa mga lalaking ito, ang pagpatay ng isang karaniwang tao ay katumbas lamang ng ilang salapi. Akmang susugurin na ni Edgar si Sebastian ng kanyang nakamamatay na suntok ngunit biglang tumigil ang kamay nito sa ere, tila naninigas at hindi na maigal
Natigilan naman si Sebastian sa kanyang narinig dahil parang narinig niya na ang pangalan ng lalaki.‘Enzo Romero? Hindi ba ito ang lalaking inutos ni Allison sa ‘kin para singilin ang utang nila?’ tanong ni Sebastian sa isip niya.“Iba ka talaga, Tres. Talong-talo mo na ang mga matagal ng masahista sa lugar na ito!” ani Enzo at tila kumislap pa ang mga mata nito sa tuwa nang makita Sophia. “Grabe! Kayang-kaya kong tamasahin ito nang buong taon!”“Mga masahista sila dito, hindi mga pokpok mula sa kung saan-saang eskinita. Maling lugar ang pinuntahan mo, Gago!” singhal ni Sebastian sa kanya.“Hindi ba’t pare-pareho lang naman silang lahat na nagbebenta ng sarili nila?” nakangising tugon ni Enzo sa mayabang na boses.Bago pa man tuluyang magalit si Sebastian, mabilis na sumingit si Sophia at mahinang bumulong sa kanya, “Sebastian, ayos lang ako. Kung kakailanganin, paglilingkuran ko na lang si Enzo. Huwag kang makikipagsagutan sa mga tao mula sa pamilya Romero dahil ang pamilyang ito ay
“Syempre naman totoo. Ang kaso lang, gumastos nang malaki ang may-ari para kumuha ng magagandang babae bilang mga masahista para makaakit ng mga kliyente!”Mabilis pa sa kidlat na sumagot si Liam habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga.“Ilang mayayaman na ang pumupunta dito para lang sa benepisyo sa kalusugan ngunit ang ilan sa kanila ay nandito dahil sa mga magagandang masahista,” dagdag na sabi pa ni Liam sa kanya.Dahil hindi matanggihan ang masiglang pag-anyaya ni Liam, napilitan si Sebastian na sumama sa kanya papasok. Agad lumapit ang manager ng lobby sa kanilang dalawa.“Kayong dalawa ba ay para ba sa foot bath o masahe?” tanong ng manager. “Ang foot bath ay dalawang daan sa isang oras, ang masahe naman ay tatlong daan para sa isang oras, at may karagdagang bayad para sa sobrang oras.”“Unang beses ng kasamahan ko dito kaya syempre kunin na natin ang pinakamaganda. Tatlong daan para sa masahe sa kasama ko, Miss!” nakangiting sabi ni Liam sa manager na nasa lobby.Nanlaki n
Habang iniisip si Sebastian, naramdaman ni Gabriel ang sobrang pangamba na ngayon lang nangyari sa kanya pagkatapos niyang makaharap si Sebastian.“Parang hindi ko pa magagawang kumilos laban kay Allison Villareal sa ngayon at wala ring kwenta si Isagani. Kailangan kong makahanap ng bagong mga kakampi. Pero sino ang maaaring sumalungat kay Allison?” ani Gabriel at pinag-isipan niya ito nang ilang sandali, at bigla siyang nakaisip ng ideya. “Ang pamilya Villareal. Sila ang maaaring makatulong sa ‘kin!” ****Kinabukasan, sa Villareal Company…Isang miyembro ng pamilyang Villareal na kadalasa’y may maayos na relasyon kay Allison ay nakaupo sa kanyang opisina ngayon.“Allison, bagamat ang tatlumpung bilyong investment mula sa mga pangunahing grupong pampinansyal ay pansamantalang nagligtas sa Villareal Group mula sa krisis noong nakaraang pagkakataon…” ani Marvin sa kanya saka nagpatuloy, “Hindi basta-basta susuko ang pamilya Castro at si Grace Lopez ng Australia Consortium. Narinig kong
Ngunit ilang segundo lang, marahas na binuksan ni Jericho ang pinto ng sasakyan nila. Sa kabila man nang kanyang natamong mga sugat, tila malakas pa rin ito dahil nagawa niyang pwersahin ang pinto ng sasakyan kahit nagtulungan na sina Allison at Nicole para pigilan ito. Nagtagumapay ito kaya naman ay napasinghap na lang si Nicole sa takot.“S-Sino ka? Kung pera ang gusto mo, maibibigay namin ‘yon basta’t huwag mo lang kaming saktan!” sambit ni Allison na bakas ang takot sa tono niya.“Pera? Hindi ko kailangan ng pera. Kayo ang mga babae ni Sebastian, hindi ba? Well, gusto ko lang patayin kayo!” ani Jericho na nakangisi habang nakatingin sa kanilang dalawa.Bigla naman na may dumating na pito hanggang walong mga bouncer ng bar sa kanilang direksyon.“Halos napatay na natin si Jericho kanina. Bakit buhay pa rin ito hanggang ngayon?” takang tanong ng isa sa mga lalaki.“Wala nang oras para mag-isip. Dakpin niyo na ‘yan at tapusin ito bago pa malaman ni Queen Jas at pagalitan tayo!” sambit
“Anong iniisip mo?”Napakunot ang noo ni Sebastian nang tanungin siya ni Abigail habang hawak-hawak niya pa rin ito. Sa isang mabilis na galaw, itinusok ni Sebastian ang isang karayom sa kanyang puwitan.Matapos ang ilang sandali lang, nagsimulang manginig ang katawan ni Abigail at napagtanto niyang mabilis na bumabalik ang kanyang enerhiya.“Wala na ba ang lason sa buong katawan ko?” tanong ni Abigail at tila namangha pa nang maramdamang naibalik na ang buong kakayahan ng kanyang katawan. “G-ginamot mo ba ako?”“Ano sa tingin mo? Iniisip mo ba dadalhin kita sa hotel?” tanong ni Sebastian at sinamahan pa ng isang tawa na puno ng pang-aasar ang boses. “Maganda ang hugis ng puwitan mo. Eksakto sa tipo na aaprubahan ng nanay ko.”“Hayop ka!” singhal na sabi ni Abigail habang nagtatagis ang ngipin sa hiya at galit. Itinaas pa niya ang kanyang binti para sipain ito nang malakas, ngunit madaling nahawakan ni Sebastian ang kanyang paa sa ere. Mahigpit niya itong hinawakan.“Iniligtas na nga k