“Miss Allison, gising ka na pala?”Si Sebastian agad ang unang nakita ni Allison na may hawak na isang bandehado at may laman na mainit na lugaw saka iniaabot ito sa kanya.“Mahina pa ang katawan mo kaya hindi ka dapat magpuyat o pagurin ang sarili mo nang labis,” dagdag na saad ni Sebastian sa kanya.“W-What are you doing here, Sebastian?” gulat na tanong ni Allison kay Sebastian.Habang tinitignan ni Allison ang maamo at maalalahaning ekspresyon sa mukha ni Sebastian, nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang puso. Sa kanyang alaala, hindi ba dapat ay nasa International Business Event sila?‘Sandali lang, naalala kong pinagtangkaan akong siraan ni Grace Lopez, binugbog, sinaktan, at sinira pa ang mukha ko!’ aniya sa kanyang isip.Nang maalala niya ito, tila biglang bumilis ang paghinga ni Allison at agad siyang tumakbo sa salamin para tignan ang sarili. Ngunit laking gulat niya nang makita ang sariling katawan na walang kahit anong galos. Katunayan, mas nagmukhang maayos ang kanyang pisn
“If that’s what you want, then I will leave. I just hope that you’re happy with your decision!”Walang nagawa si Sebastian kung hindi ang umalis na lang, at malakas na isinara ang pinto sa kanyang likuran.Mababaw ang tiwala ni Allison para sa kanya. Naisip ni Sebastian na kung ganoon na lamang at wala itong paniniwala sa kanya, wala nang dahilan para manatili pa siya sa kumpanya. Nabayaran na niya ang anumang utang na loob niya kay Allison Villareal.Samantala, nanatili pa rin na malamig ang tingin ni Allison para kay Sebastian.“Hindi kami pareho ng mundo at sobrang napakalawak ng agwat sa pagitan naming dalawa. Ang tanging hiling ko na lang ay makahanap siya ng isang mabuting asawa balang araw, bumuo ng pamilya, at mamuhay nang tahimik,” sambit ni Allison sa kanyang blangko na ekspresyon.Nang marinig naman ito ni Nicole ay bigla siyang nataranta.“Hindi ka ba talaga nag-iisip? Alam mo ba kung gaano kalaki ang nagawa ni Sebastian para sa’yo, Allison?” aniya kay Allison at nagpatuloy
“Pinapunta niyo ako rito para lang patalsikin? Nasaan ang pamilya Villareal nang ako’y nasa bingit ng kamatayan? Ngayong muntik na akong mamatay, nandito kayo para lang sisihin ako!?”Naghuhumiyaw na sa galit si Allison habang nakatingin sa kanilang lahat. At dahil sa mga binitwan niyang salita, nagdulot ito nang matinding galit sa lahat ng mga miyembro ng pamilya.“Anong klaseng asal ‘yan? Narito ka ba para sisihin kami at hayaan kaming ayusin ang gulong ginawa mo na mas nakakatanda sa ‘yo?”“Wala talagang galang! Hindi porke ikaw ang Executive Director ay kaya mo na kaming hamakin na mga nakatatandang tagapagtatag ng kumpanya!”“Fired her! She needs to get out of this company!”Habang patuloy na umiinit ang sitwasyon, dahan-dahang lumayo si Nicole at mabilis na tinawagan ang numero ni Sebastian. Mabilis naman na sinagot ni Sebastian ang tawag niya.“Nasaan ka, Sebastian? Na sa panganib ang buhay ni Allison!” ani Nicole sa kabilang linya. ****Sa isang dulo ng mesa ay nakaupo si Rom
Ang pagdating ni Sebastian ay siyang nagbigay ng bagong tapang kay Allison kaya sa wakas, napagpasyahan niyang labanan ang kanyang pamilya.“Pagmamay-ari ko ang twenty percent shares ng grupo, kaya isa ako sa tatlong may pinakamalaking shareholder dito. Kalahati ng kumpanya ay nasa ilalim ng aking pamumuno!” malakas na sambit ni Allison at walang balak na umurong. “Hindi niyo ako basta-basta matatanggal dahil sa gusto niyo lang!”Dahil diyan, malakas na sinuntok ni Albert ang lamesa at saka tumayo sa kanyang upuan.“Paralisado na ang kumpanyang ito at kung mananatili ka pa sa posisyon na ito, mapipilitan ka pa rin na umalis, sa ayaw at sa gusto mo kaya mas mabuting tanggapin mo na lang!” ani Albert sa kanya na nanlilisik ang mata sa galit.“Gagawa ako ng paraan para maresolba ang sitwasyon!” sagot naman ni Allison habang nakataas ang kanyang dalawang kilay.Bahagya pang natawa si Romulo ngunit may kasamang pang-aasar.“Gagawa ka ng paraan? Sa tingin mo ba ay may oras ka pa? Isang araw…
“The Top Financial Companies?”Nang marinig nila ito, lahat ay napatingin sa labas ng bintana.Makikita ang sunod-sunod na linya ng mga mamahaling sasakyan na pumupuno sa buong pasukan tulad ng Bugatti Veyron, Porsche Phantom, Lamborghini Veneno, at mga mahahabang Lincoln. Ang bawat sasakyan ay nagpapamalas ng kani-kanilang tanyag na mga emblem.“A-Ang sasakyan na ‘yon ay pagmamay-ari ng Samsung Chairman na si Lee Jaeyong mula sa pinakamalaking kumpanya sa South Korea!”“At iyon naman ay kay Mr. Smith, isang bilyonaryo mula sa Wall Street na bahagi ng financial consortium sa Amerika!”“Ang isang ‘yan ay ang parehong sasakyan ni Prince Ali mula sa bansang mayaman sa langis sa Gitnang Silangan!”“Mayroon ding mga kinatawan mula sa Mindanao, Visayas at maging ang mga armored vehicles mula sa militar ng karatig-lungsod natin!”Nakapako ang tingin ng lahat sa labas at halos bumagsak ang mga panga nila sa lupa nang magpatuloy sila sa pag-uusap. Si Allison naman ay nanlaki ang mga mata sa pa
Nakatingin nang matalim sa mga miyembro ng pamilyang Villareal si Sebastian at ang kanyang tingin ay tila tumatagos at puno ng panunuya. Ang mga mukha ng mga dating mapagmalaking miyembro ng grupo ay biglang namutla na parang nalantang talong sa mga oras na ito.Ang ekspresyon sa mukha ni Albert ay madilim at matindi na ngayon ay agad na bumuwelta, “Anong kalokohan ito, ha? Gusto mong lumuhod kami at sino ka sa tingin mo?”“Isa ka lang naman na hamak na empleyado ang nangangahas na bantaan kami. Lahat kami rito ay higit na nakakataas sa ‘yo at ang durugin ka ay parang pag-apak lang sa isang langgam!” sabat naman ni Miguel na ngayon ay galit na galit pa rin.Isang ngiti ang gumuhit sa gilid ng labi ni Allison na nagpagulat sa buong pamilya, “May punto ang sinabi ni Sebastian at iyan ang totoo.”Dahil sa kanyang ginawa, nagliliyab na naman sa galit ang mga Villareal.“Ano ang gusto mong iparating, Allison?!”“Anong ibig kong iparating?” ani Allison na nagtaas ng isang kilay at ngumiti na
Maga ang mukha ni Albert mula sa walang tigil na mga sampal habang nagkalat ang dugo at mga nalagas na ngipin sa sahig. Galit na galit siyang tumingin kay Sebastian at pasigaw na nagsalita.“Walang hiya ka talaga! Paano mo nagawang saktan ako, ha?!” singhal ni Albert.“Bakit, sumusuko ka na ba? Magsabi ka lang na gusto mo na lumuhod at tawagin akong boss o itutuloy ko pa ang pambubugbog hanggang gawin mo ang inuutos ko,” sambit ni Sebastian sa seryoso niyang tono.“Animal ka! Baka nakalimutan mo na isa akong board member ng Villareal Group! Kung sasaktan mo ako ay sisibakin kita, maniwala ka man o hindi!” galit na sigaw ni Albert.Kalmado at walang pakialam naman na sumabat si Allison. “Ang lahat ng desisyon sa tauhan ng kumpanya ay hawak ko, Tito. Kahit pa ikaw ay isang board member, wala kang kapangyarihan na tanggalin ang empleyado ko.”Muling iginalaw ni Sebastian ang kanyang kamay at ilang sampal sa loob ng ilang segundo ang ginawa niya kay Albert. Duguan na ang mukha ng lalaki h
“Hindi mo ba natanggap ang memo ng kumpanya kanina? Tinanggal niya na ako at naghahanda na ako para umalis,” ani Sebastian kay Sophia ngunit mabilis siya nitong hinarangan na gulat ang mukha.“Anong natanggal? Ano ba ang sinasabi mo diyan, ha? Kakatanggap ko lang ng balita, at hindi ‘yon tungkol sa pagtanggal sa ‘yo kung hindi ay tungkol sa promosyon. Na-promote ka bilang leader ng grupong ito!” sagot naman ni Sophia at muling napatigil si Sebastian at halatang hindi makapaniwala.“Anong ibig mong sabihin? Na-promote ako?” tanong ni Sebastian kay Sophia.“Oo, at ang HR manager mismo ang nagsabi sa akin,” paliwanag ni Sophia sa kanya.Hindi naman maipaliwanag ni Sebastian ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito habang si Liam naman ay lubos na tuwang-tuwa. Niyakap pa siya nito nang mahigpit at ngumiti nang malapad.“Pwede mo na bang itigil ‘yang reaksyon na para kang inaapi? Ang buong akala namin matatanggal ka tapos bigla ka pala na-promote. Ang daming empleyado ang ilang taon nang
Mariing sinampal ni Nicole sa mukha si Mark pagkatapos ng mga sinabi nito dahil sa galit niya.“Huwag mong kalimutan na ako si Nicole ng pamilya Navarro mula sa isang baranggay ng syudad na ito at hindi ako basta-bastang babaeng galing sa club!” aniya na may malamig na ekspresyon habang nagpatuloy. “Ang paghawak sa akin ay may kapalit!”Matapos iyon, itinaas niya ang kanyang baba nang may pagmamataas at akmang aalis na sa kotse ngunit malupit na hinablot ni Mark ang buhok ni Nicole, hinila siya pabalik sa kabilang dulo ng kotse, at ibinalibag nang marahas sa upuan.“Nasa harap na kita, pero mayabang ka pa rin!” nanggagalaiti si Mark nang sabihin niya ‘yon. “Huwag mong kalimutan na wala ka sa baranggay niyo kung hindi ay nasa lungsod ka. Kahit gaano kalakas ang pamilya Navarro, hindi kayang talunin ng isang dragon ang lokal na ahas!”Napatingin ito sa unahan at agad na sumigaw. “Umalis na tayo. Iwanan na ang mga tao sa likod natin!”Sumibad nang mabilis ang sasakyan na nag-iiwan ng alik
Samantala, natanggap naman ni Nicole ang ulat mula kay Manong Jose tungkol sa limang mga lalaki mula sa pamilya Romero ang pinatay malapit sa Supreme Club.“Sino ang maglalakas-loob na patayin ang mga miyembro ng isa sa mga kilalang pamilya?” gulat na tanong ni Nicole.Malalim na bumuntong-hininga si Manong Jose at saka sumagot, “Miss, si Sebastian po ang may kagagawan.”“Si Sebastian na naman? Bakit ba palagi siyang nagdadala ng problema sa akin?” ani Nicole at malalim na huminga.Pagkarinig ng pangalan ni Sebastian, nakaramdam nang matinding sakit ng ulo si Nicole.Hindi pa man ganap na nalulutas ang mga isyu nito kay Grace Lopez at Daniel Castro, ngayon naman ay hinatak ni Sebastian ang sarili sa pamilya Romero. Subalit, sa kabila ng kanyang walang takot at pabiglang ugali, dito rin nahuhulog ang loob ni Nicole sa kanya.“Ihanda ang sasakyan. Ako na mismo ang makikipagkita sa anak ng pamilya Romero,” utos niya sa tauhan.Nang gabi din na ‘yon, naglakad si Mark Romero kasama ang kany
“Pupunta ako ngayon din!”Pagkababa ng telepono agad na inutusan ni Mark ang kanyang mga tauhan.“Hanapin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang Sebastian Lazarus.”“Boss, ayon sa nakalap namin, si Sebastian ay dalawampu’t limang taong gulang. Nagsilbi siya sa Hilagang Teritoryo ng Mindanao sa loob ng pitong taon at nagtapos ng high school. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang isang team leader sa sales department ng Villareal Group,” sabi sa kanya ng inutusan niyang imbestigador.“Isa lang pala siyang mababang uri!” ngising sabi ni Mark habang nagre-relax sa kanyang mamahalin na upuan. “Mukhang masyadong naging mababa na ang profile ng pamilya Romero sa matagal na panahon at akala ng ibang tao ay hindi na tayo dapat katakutan. Ngayong gabi, nawalan tayo ng limang magagaling na mga killers. Gusto kong palitan iyon ng katumbas sa nawala sa atin!”Tumindi ang galit sa mga mata ni Mark habang mariing nakakuyom ang kanyang kamao nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa kanya.
“Ako, papatayin mo? Narinig ko ba iyon nang tama?”Hinawakan pa ni Enzo ang kanyang tiyan at tumawa nang nakakabaliw kahit pa man na duguan na ito.“Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Ang pagbabanta sa isang miyembro ng pamilya Romero ay ang pinakamabilis na paraan upang makaharap mo si kamatayan!?” dagdag pa niya.Sa isang sulok naman ay nanginginig sina Liam at Sophia dahil sa takot sa mga nangyayari ngayon.“Hindi mo kayang hamunin ang mga taong ‘yan, Sebastian. Hindi natin sila kayang tapatan!” ani Sophia at pinaalala sa kanya ang tungkol doon.“Edgar, patayin mo siya! Ako na ang bahala sa ‘yo!” sigaw ni Enzo sa mga kasamahan niya sa loob ng silid. Agad na humakbang ang isa sa mga killer ng pamilya Romero upang patayin si Sebastian.Para sa mga lalaking ito, ang pagpatay ng isang karaniwang tao ay katumbas lamang ng ilang salapi. Akmang susugurin na ni Edgar si Sebastian ng kanyang nakamamatay na suntok ngunit biglang tumigil ang kamay nito sa ere, tila naninigas at hindi na maigal
Natigilan naman si Sebastian sa kanyang narinig dahil parang narinig niya na ang pangalan ng lalaki.‘Enzo Romero? Hindi ba ito ang lalaking inutos ni Allison sa ‘kin para singilin ang utang nila?’ tanong ni Sebastian sa isip niya.“Iba ka talaga, Tres. Talong-talo mo na ang mga matagal ng masahista sa lugar na ito!” ani Enzo at tila kumislap pa ang mga mata nito sa tuwa nang makita Sophia. “Grabe! Kayang-kaya kong tamasahin ito nang buong taon!”“Mga masahista sila dito, hindi mga pokpok mula sa kung saan-saang eskinita. Maling lugar ang pinuntahan mo, Gago!” singhal ni Sebastian sa kanya.“Hindi ba’t pare-pareho lang naman silang lahat na nagbebenta ng sarili nila?” nakangising tugon ni Enzo sa mayabang na boses.Bago pa man tuluyang magalit si Sebastian, mabilis na sumingit si Sophia at mahinang bumulong sa kanya, “Sebastian, ayos lang ako. Kung kakailanganin, paglilingkuran ko na lang si Enzo. Huwag kang makikipagsagutan sa mga tao mula sa pamilya Romero dahil ang pamilyang ito ay
“Syempre naman totoo. Ang kaso lang, gumastos nang malaki ang may-ari para kumuha ng magagandang babae bilang mga masahista para makaakit ng mga kliyente!”Mabilis pa sa kidlat na sumagot si Liam habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga.“Ilang mayayaman na ang pumupunta dito para lang sa benepisyo sa kalusugan ngunit ang ilan sa kanila ay nandito dahil sa mga magagandang masahista,” dagdag na sabi pa ni Liam sa kanya.Dahil hindi matanggihan ang masiglang pag-anyaya ni Liam, napilitan si Sebastian na sumama sa kanya papasok. Agad lumapit ang manager ng lobby sa kanilang dalawa.“Kayong dalawa ba ay para ba sa foot bath o masahe?” tanong ng manager. “Ang foot bath ay dalawang daan sa isang oras, ang masahe naman ay tatlong daan para sa isang oras, at may karagdagang bayad para sa sobrang oras.”“Unang beses ng kasamahan ko dito kaya syempre kunin na natin ang pinakamaganda. Tatlong daan para sa masahe sa kasama ko, Miss!” nakangiting sabi ni Liam sa manager na nasa lobby.Nanlaki n
Habang iniisip si Sebastian, naramdaman ni Gabriel ang sobrang pangamba na ngayon lang nangyari sa kanya pagkatapos niyang makaharap si Sebastian.“Parang hindi ko pa magagawang kumilos laban kay Allison Villareal sa ngayon at wala ring kwenta si Isagani. Kailangan kong makahanap ng bagong mga kakampi. Pero sino ang maaaring sumalungat kay Allison?” ani Gabriel at pinag-isipan niya ito nang ilang sandali, at bigla siyang nakaisip ng ideya. “Ang pamilya Villareal. Sila ang maaaring makatulong sa ‘kin!” ****Kinabukasan, sa Villareal Company…Isang miyembro ng pamilyang Villareal na kadalasa’y may maayos na relasyon kay Allison ay nakaupo sa kanyang opisina ngayon.“Allison, bagamat ang tatlumpung bilyong investment mula sa mga pangunahing grupong pampinansyal ay pansamantalang nagligtas sa Villareal Group mula sa krisis noong nakaraang pagkakataon…” ani Marvin sa kanya saka nagpatuloy, “Hindi basta-basta susuko ang pamilya Castro at si Grace Lopez ng Australia Consortium. Narinig kong
Ngunit ilang segundo lang, marahas na binuksan ni Jericho ang pinto ng sasakyan nila. Sa kabila man nang kanyang natamong mga sugat, tila malakas pa rin ito dahil nagawa niyang pwersahin ang pinto ng sasakyan kahit nagtulungan na sina Allison at Nicole para pigilan ito. Nagtagumapay ito kaya naman ay napasinghap na lang si Nicole sa takot.“S-Sino ka? Kung pera ang gusto mo, maibibigay namin ‘yon basta’t huwag mo lang kaming saktan!” sambit ni Allison na bakas ang takot sa tono niya.“Pera? Hindi ko kailangan ng pera. Kayo ang mga babae ni Sebastian, hindi ba? Well, gusto ko lang patayin kayo!” ani Jericho na nakangisi habang nakatingin sa kanilang dalawa.Bigla naman na may dumating na pito hanggang walong mga bouncer ng bar sa kanilang direksyon.“Halos napatay na natin si Jericho kanina. Bakit buhay pa rin ito hanggang ngayon?” takang tanong ng isa sa mga lalaki.“Wala nang oras para mag-isip. Dakpin niyo na ‘yan at tapusin ito bago pa malaman ni Queen Jas at pagalitan tayo!” sambit
“Anong iniisip mo?”Napakunot ang noo ni Sebastian nang tanungin siya ni Abigail habang hawak-hawak niya pa rin ito. Sa isang mabilis na galaw, itinusok ni Sebastian ang isang karayom sa kanyang puwitan.Matapos ang ilang sandali lang, nagsimulang manginig ang katawan ni Abigail at napagtanto niyang mabilis na bumabalik ang kanyang enerhiya.“Wala na ba ang lason sa buong katawan ko?” tanong ni Abigail at tila namangha pa nang maramdamang naibalik na ang buong kakayahan ng kanyang katawan. “G-ginamot mo ba ako?”“Ano sa tingin mo? Iniisip mo ba dadalhin kita sa hotel?” tanong ni Sebastian at sinamahan pa ng isang tawa na puno ng pang-aasar ang boses. “Maganda ang hugis ng puwitan mo. Eksakto sa tipo na aaprubahan ng nanay ko.”“Hayop ka!” singhal na sabi ni Abigail habang nagtatagis ang ngipin sa hiya at galit. Itinaas pa niya ang kanyang binti para sipain ito nang malakas, ngunit madaling nahawakan ni Sebastian ang kanyang paa sa ere. Mahigpit niya itong hinawakan.“Iniligtas na nga k