Lahat ng Kabanata ng AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS : Kabanata 31 - Kabanata 40

43 Kabanata

Chapter 29

Ang kondisyon ni Don Fuentabella ay masyadong kumplikado, marahil ay iyon din ang naging dahilan kaya nahirapan ang ilang doktor na pagalingin ito. Ilang oras din ang ginugol ni Euan Alvero sa pagpapaliwanag tungkol sa karamdaman ng matanda. Nang sumapit ang alas singko ng hapon ay tapos na ang trabaho. Dinaanan ni Lunabella ang mga anak sa kanilang eskwelahan at saka sabay silang umuwi. Nagpa-deliver na lang sila ng hapunan dahil mayroon pa siyang pupuntahan. "Twins, if I won't be back until 10PM please go to sleep already, okay?" Ani Luna sa mga anak. Nasa living room ang mga bata at kasalukuyang nanonood ng palabas. Wala rin naman siyang dapat ipag-alala dahil alam niyang kaya na ng mga anak ang maiwan, isa pa ay ilang bahay lang ang layo ni Zarina kaya matitingnan pa ang mga ito. "Yes, Mommy. Please be careful driving and be home before passed twelve midnight," malambing na paalala ni Brion. "Bring a sweater Mommy, it's getting cold outside." Sunod namang sinabi ni Lev
last updateHuling Na-update : 2025-02-21
Magbasa pa

Chapter 30

Ilang saglit pa ay nakarating na sa harapan ni Lunabella ang tatlong tao. Nakayakap si Blueberry Lucille sa leeg ng ama, ang kanyang mga mata ay agad na dumako sa babaeng nakaupo sa sofa, at nang makilala kung sino ang babaeng iyon ay hindi na niya napigilan ang paglawak ng mga ngiti. Masayang-masaya siyang makitang muli ang magandang babaeng nagligtas sa kanya! Nalungkot siya sa pag-aakalang hindi na niya ito muling makikita, kaya ngayong nandito na ito kanyang harapan ay gusto niyang matatalon sa tuwa. Pinukulan ng kakaiba at magkaibang tingin ng mag-ama si Lunabella, hindi tuloy niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Nakahinga siya ng maluwag nang magsalita ang isang lalaking katabi nito. "Ikaw ba ang doctor na inirekomenda ni Dr. Alvero na titingin sa kalagayan ni Don Fuentabella?" Tumikhim si Lunabella at saka tumayo. "Hi, yes, it's me. I am Dr. Lunabella Cruz." Aniya at inabot ang kamay rito. "Dr. Cruz," anang lalaki. "I am Ashton Fuentabella and this is my s
last updateHuling Na-update : 2025-02-23
Magbasa pa

Chapter 31

Hindi na talaga niya kinakaya ang lalaking ito. Kahit saang anggulo niyang tingnan, kanina pa niya pilit na iniintindi ngunit talagang napapansin niyang sa bawat salitang binibitawan ng matalim nitong dila ay walang iba kundi ang pananarget sa kanya! Kinukwesyon nito ng harap-harapan ang kakayahan niya pagdating sa panggagamot! Kung talagang sa ibang pagkakataon lamang ito, kayang-kaya iyong tiisin ni Lunabella. Subalit sa pagkakataong ito ay ang pasaliksikan nila ang nakataya, kailangan niyang gamutin si Don Fuentabella dahil iyon na lamang ang kanilang pag-asa! Hindi niya hahayaang maliitin nito ang mga pinagdaanan niya sa makalipas na taon. Hindi siya nagpakapagod at nagpakahirap para lamang kuwestyunin ng isang taong taong walang naiambag sa buhay niya kundi pasakit ang lahat. Kung hindi marami man siyang hindi naipaglaban, pwes ibang usapan na kapag tungkol sa kanyang propesyon. "Yes, Mr. Alvarez," malamig niyang sinabi at taas noong tiningnan si Benjamin, walang emosyon ang
last updateHuling Na-update : 2025-02-23
Magbasa pa

Chapter 32

Makalipas ang ilang sandali ay marahan ng ibinaba ni Lunabella ang hawak sa matanda at dahan-dahang tumayo mula sa pagkaka-upo. Humakbang siya at lumapit sa kaanak ng pasyente na seryoso ang mukha. "Dr. Cruz, ano ng resulta? Kumusta ang kondisyon ng aming Lolo? Ano, may ibang paraan ka ba ng panggagamot para sa karamdaman niya?" Sunud-sunod at bakas ang desperasyon sa boses ni Ashton. Iyon ang unang beses na nakita niyang ganoon tingnan ng doktor ang kanyang Lolo, kaya naman umusbong ang pag-asa sa kanyang dibdib! Hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha ni Lunabella, nananatili iyong seryoso. Sanay na siyang makakita ng ganitong reaksyon sa kaanak ng pasyente kaya hindi na rin bago ito sa kanya. Subalit alang-alang sa pasyente at sa pagiging doktor niya, sasabihin niya ang katotohanan. "I'm sorry, but the condition of the patient got worse. Ikinalulungkot kong ibalita na nabibilang na lang ang kanyang araw kung hindi iyon agad maagapan." Nagkatinginan ang magkapatid at mul
last updateHuling Na-update : 2025-02-23
Magbasa pa

Chapter 33

Lahat ng naroon ay nagulat sa sinabi ng babae. Nakakilala na sila ng maraming doctors para gamutan ng matanda, ngunit iyon pa lamang ang unang pagkakataon na makarinig sila na kailangang alisin ang damit ng matanda! Si Ashton ang unang nakabawi, "kailangan ba talagang gawin iyon?" Naguguluhang tiningnan naman ito ni Lunabella. "Kailangan kong gamutin ang matanda, magiging sagabal lang ang damit niya. Pwede ninyo ba akong tulungan? Pakibilisan sana ang kilos." Saglit pang nagkatinginan ang mga naroon, maging ang mga medical team in charge, bakas sa mga mata ng mga ito ang kalituhan. Anong klaseng panggagamot ito? Bakit kailangang tanggalan ng damit ang pasyente? Nag-aalangan pa sandali si Ashton ngunit kalaunan ay nagtagis ang bagang niyang kumilos. Tumungo siya sa tabi ng Don upang umpisahang tanggalan ito ng damit. Nang makitang tumalima ang kapatid, hindi mapigilan ni Andrea ang mabalisa. "Anong klase ng panggagamot ito? Bakit..." Halos malunok ni Andrea ang karugtong
last updateHuling Na-update : 2025-02-23
Magbasa pa

Chapter 34

Matagal bago nakabawi si Ashton mula sa pagkagulat. Nang makabawi mabilis itong kumurap-kurap at nagsalita. "Dr. Cruz, I'm really sorry. Sa totoo lang, pamilya kami ng mga doktor subalit mababawi lamang ang aming kaalaman tungkol sa acupuncture. Marahil ay kaya na lamang ganoon ang naging reaction ni aking kapatid ay dahil napansin niyang ang acupuncture points na isinagawa ninyo ay delikado para sa kalagayan ng matanda. Nag-aalala lang siya sa para sa Lolo namin, please don't take her words seriously..." Ipinagpatuloy lang ni Lunabella ang pagliligpit ng kanyang gamit, hindi niya inabalang tingnan si Ashton. "Hindi ko kailangang maghirap dito para sa mga taong ignorante. Tumungo ako rito sa sinserong paraan ng paggagamot sa matanda, ngayon kung marami pa rin kayong kuda, I'm sorry but I have to go. Bahala na kayong humanap ng ibang doktor para sa kalagayan niya." Pagkatapos niya itong sabihin, mabigat ang kanyang loob na binitbit ang mga gamit at saka tumalikod. Nakaramdam ng m
last updateHuling Na-update : 2025-02-25
Magbasa pa

Chapter 35

Umalma si Andrea, ibubuka na sana niya ang kanyang bibig at sasabihing pamilya naman siya at dapat lang na naroon siya. Ngunit mabilis na nagsalita si Ashton. "Naiintindihan ko, doc." Anito at saka sinabihan ang ilang naroon na lumabas. Sa wakas ay wala ng sagabal sa gagawin ni Lunabella, naging matiwasay ang ginagawa niya. Pagkatapos ng ilang sandali, dose-dosenang pilak na karayom na ang naiturok niya sa dibdib ng matanda. Habang ginagawa iyon ay halos hindi na kumurap pa si Lunabella. Masyado siyang focused sa paggamot na hindi na niya napansin pa ang panonood ni Benjamin Alvarez sa gilid. Noong nasa baba pa lamang sila kanina ay nabasa na ng maigi ni Benjamin ang nilalaman ng resume ng babae. Hindi ikakailang napakaganda ng babae, sapat lamang upang maisip ng mga tao kung gaano kaganda at karangya ang buhay nito sa ibang bansa sa loob ng anim na taon. Subalit ito ang unang beses niyang makita ang babae sa ibang paraan. Ang pokus nito pagdating sa medisina, ang katigasa
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa

Chapter 36

Hindi mapigilan ni Lunabella ang magulat. Kapagkuwan ay kabadon siyang tumingin kay Benjamin. Marahil ay nagtataka ang lalaki kung bakit bigla na lang lumapit ang batang babae sa kanya, lalo at hindi naman niya inaamin ang pagkikita nila noong gabing nawawala ito. Kaya naman para maibsan ang kaba ni Lunabella, tutal ay wala na rin naman siyang takas dahil nagkita na rin naman sila. "Siguro ay naalala lang ako ng bata, I was the one who saw her the night she was missing..." Hindi iyon inaasahan ni Ashton. Mula kay Lunabella ay dumako ang tingin niya sa batang babae, at saka may kakaibang emosyon sa mga mata niyang sinabi. "Marahil ay talagang itinadhana kayong magkitang dalawa..." Itinadhana? Ganoon ba talaga? Naalala ni Lunabella ang totoong katauhan ni Blueberry Lucille, nag-isang linya ang kanyang mga labi, may bakas na panunuya ang mga mata. "Siguro..." Kalmado niyang sinabi. Hindi napansin ni Ashton ang kakaibang ihip ng hangin, tumayo siya at nagsuhestyon. "Since it wi
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa

Chapter 37

Kabababa lang ni Lunabella sa telepono nang matapos ang tawag, agad siyang pumihit pabalik sa pintuan. Nang akmang hahawakan na niya ang siradura at pumasok, nagulat siya nang iniluwa roon si Benjamin. Nag-i-expect siya na kakausapin siya nito ngunit para lang itong hangin na dumaan sa tabi niya. Nanikip ang dibdib ni Lunabella, handa na siyang magpaliwanag sa lalaki subalit para itong hindi nag-i-exist nang daanan lamang nito. Nang makita ang kawalang interes ng lalaki sa kanya, tulala lamang niya itong sinundan ng tingin. Nang makabawi ay nanunuya niyang tinawanan ang sarili. Parang wala namang pakialam ang lalaki sa kung sino mang tumawag sa kanya. Oo nga naman, bakit ito magkakaroon ng pakialam kung anim na taon na ang nakalilipas nang matapos ang sa kanilang dalawa? Isa pa, noon pa man ay wala na itong pakialam sa kanya. Lalo pa nang may masama siyang ginawa bago siya umalis. Kaya paano nitong paniwalaan ang mga sasabihin niya? Wala ng tiwala ang lalaki sa kanya, paano
last updateHuling Na-update : 2025-02-28
Magbasa pa

Chapter 38

Halatang hindi na ganoon kaganda pa ang mood ni Lunabella pagka-alis ni Benjamin. Halatang-halata iyon ni Ashton, subalit hindi niya na lang pinansin dahil wala naman siya sa lugar upang punahin iyon. Sinamahan na lamang niya ang babae sa baba, uminom ng tsaa at nagkuwentuhan tungkol sa karamdaman ni Don Fuentabella. Thankfully, kahit papaano ay bahagya ng gumaan ang atmospera sa pagitan nilang dalawa. Sa kabilang banda, mula nang mapagalitan si Andrea at palabasin sa silid ng kanilang Lolo, pumasok siya sa sariling kwartong masama ang loob. Makalipas ang halos trienta minutos ay naisipan niyang lumabas at tingnan kung may progreso na ba ang lahat. Dahil una sa lahat ay hanggang ngayon ay wala siyang katiwa-tiwala sa babaeng iyon. Iyong mga sikat ngang doktor na inimbitahan nila ay bigo nilang magawa ang trabaho, heto pa kayang babaeng bigla na lang sumulpot galing kung saan? Kaya bakit siya magtitiwala rito? Natagpuan ni Andrea ang kapatid sa salas, nakaupo sa isang malambo
last updateHuling Na-update : 2025-02-28
Magbasa pa
PREV
12345
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status