Matagal bago nakabawi si Ashton mula sa pagkagulat. Nang makabawi mabilis itong kumurap-kurap at nagsalita. "Dr. Cruz, I'm really sorry. Sa totoo lang, pamilya kami ng mga doktor subalit mababawi lamang ang aming kaalaman tungkol sa acupuncture. Marahil ay kaya na lamang ganoon ang naging reaction ni aking kapatid ay dahil napansin niyang ang acupuncture points na isinagawa ninyo ay delikado para sa kalagayan ng matanda. Nag-aalala lang siya sa para sa Lolo namin, please don't take her words seriously..." Ipinagpatuloy lang ni Lunabella ang pagliligpit ng kanyang gamit, hindi niya inabalang tingnan si Ashton. "Hindi ko kailangang maghirap dito para sa mga taong ignorante. Tumungo ako rito sa sinserong paraan ng paggagamot sa matanda, ngayon kung marami pa rin kayong kuda, I'm sorry but I have to go. Bahala na kayong humanap ng ibang doktor para sa kalagayan niya." Pagkatapos niya itong sabihin, mabigat ang kanyang loob na binitbit ang mga gamit at saka tumalikod. Nakaramdam ng m
Umalma si Andrea, ibubuka na sana niya ang kanyang bibig at sasabihing pamilya naman siya at dapat lang na naroon siya. Ngunit mabilis na nagsalita si Ashton. "Naiintindihan ko, doc." Anito at saka sinabihan ang ilang naroon na lumabas. Sa wakas ay wala ng sagabal sa gagawin ni Lunabella, naging matiwasay ang ginagawa niya. Pagkatapos ng ilang sandali, dose-dosenang pilak na karayom na ang naiturok niya sa dibdib ng matanda. Habang ginagawa iyon ay halos hindi na kumurap pa si Lunabella. Masyado siyang focused sa paggamot na hindi na niya napansin pa ang panonood ni Benjamin Alvarez sa gilid. Noong nasa baba pa lamang sila kanina ay nabasa na ng maigi ni Benjamin ang nilalaman ng resume ng babae. Hindi ikakailang napakaganda ng babae, sapat lamang upang maisip ng mga tao kung gaano kaganda at karangya ang buhay nito sa ibang bansa sa loob ng anim na taon. Subalit ito ang unang beses niyang makita ang babae sa ibang paraan. Ang pokus nito pagdating sa medisina, ang katigasa
Hindi mapigilan ni Lunabella ang magulat. Kapagkuwan ay kabadon siyang tumingin kay Benjamin. Marahil ay nagtataka ang lalaki kung bakit bigla na lang lumapit ang batang babae sa kanya, lalo at hindi naman niya inaamin ang pagkikita nila noong gabing nawawala ito. Kaya naman para maibsan ang kaba ni Lunabella, tutal ay wala na rin naman siyang takas dahil nagkita na rin naman sila. "Siguro ay naalala lang ako ng bata, I was the one who saw her the night she was missing..." Hindi iyon inaasahan ni Ashton. Mula kay Lunabella ay dumako ang tingin niya sa batang babae, at saka may kakaibang emosyon sa mga mata niyang sinabi. "Marahil ay talagang itinadhana kayong magkitang dalawa..." Itinadhana? Ganoon ba talaga? Naalala ni Lunabella ang totoong katauhan ni Blueberry Lucille, nag-isang linya ang kanyang mga labi, may bakas na panunuya ang mga mata. "Siguro..." Kalmado niyang sinabi. Hindi napansin ni Ashton ang kakaibang ihip ng hangin, tumayo siya at nagsuhestyon. "Since it wi
Kabababa lang ni Lunabella sa telepono nang matapos ang tawag, agad siyang pumihit pabalik sa pintuan. Nang akmang hahawakan na niya ang siradura at pumasok, nagulat siya nang iniluwa roon si Benjamin. Nag-i-expect siya na kakausapin siya nito ngunit para lang itong hangin na dumaan sa tabi niya. Nanikip ang dibdib ni Lunabella, handa na siyang magpaliwanag sa lalaki subalit para itong hindi nag-i-exist nang daanan lamang nito. Nang makita ang kawalang interes ng lalaki sa kanya, tulala lamang niya itong sinundan ng tingin. Nang makabawi ay nanunuya niyang tinawanan ang sarili. Parang wala namang pakialam ang lalaki sa kung sino mang tumawag sa kanya. Oo nga naman, bakit ito magkakaroon ng pakialam kung anim na taon na ang nakalilipas nang matapos ang sa kanilang dalawa? Isa pa, noon pa man ay wala na itong pakialam sa kanya. Lalo pa nang may masama siyang ginawa bago siya umalis. Kaya paano nitong paniwalaan ang mga sasabihin niya? Wala ng tiwala ang lalaki sa kanya, paano
Halatang hindi na ganoon kaganda pa ang mood ni Lunabella pagka-alis ni Benjamin. Halatang-halata iyon ni Ashton, subalit hindi niya na lang pinansin dahil wala naman siya sa lugar upang punahin iyon. Sinamahan na lamang niya ang babae sa baba, uminom ng tsaa at nagkuwentuhan tungkol sa karamdaman ni Don Fuentabella. Thankfully, kahit papaano ay bahagya ng gumaan ang atmospera sa pagitan nilang dalawa. Sa kabilang banda, mula nang mapagalitan si Andrea at palabasin sa silid ng kanilang Lolo, pumasok siya sa sariling kwartong masama ang loob. Makalipas ang halos trienta minutos ay naisipan niyang lumabas at tingnan kung may progreso na ba ang lahat. Dahil una sa lahat ay hanggang ngayon ay wala siyang katiwa-tiwala sa babaeng iyon. Iyong mga sikat ngang doktor na inimbitahan nila ay bigo nilang magawa ang trabaho, heto pa kayang babaeng bigla na lang sumulpot galing kung saan? Kaya bakit siya magtitiwala rito? Natagpuan ni Andrea ang kapatid sa salas, nakaupo sa isang malambo
Malinaw ang gustong iparating ni Ashton Fuentabella. Bagama't hindi pa nababanggit ng babae ang tunay ng sitwasyon ng kanilang pasaliksikan para sa pansariling interes, alam na ni Ashton ang tunay na layunin nito kaya ito nandito at gamiton si Don Fuentabella. Nag-aalangan pa si Lunabella, dahil pakiramdam niya ay hindi pa nararapat na tumanggap siya ng kahit anong kabayaran gayong kagigising lang ni Don Fuentabella. Dahil una sa lahat, ang pamilya Fuentabella na mismo ang nagsabi na kung sinumang doktor ang makapanggagamot sa matanda ay ibebenta nila ang mga herbal sa kalahating halaga. Matagal siyang nakatunganga roon, hindi mahanap ang tamang salita. Samantalang si Ashton naman ay matiyagang naghintay ng may ngiti sa mga labi. Nang makita ang reaksyon ng lalaki ay walang nagawa si Lunabella kundi ang ngumiti rin. "Sa totoo lang, pumunta talaga ako rito para gamutin si Don Fuentabella. Dahil nalaman ko mula sa isang kaibigan na kung sino man ang makakapagpagaling sa kanya a
Nadatnan ni Lunabella ang kanyang mga anak kasama si Zarina sa living room, nakaupo sa sahig ang mga ito at naglalaro ng lego. "Mommy!" Masayang salubong ng kambal sa kanya. Agad namang malapad na ibinuka ni Lunabella ang kanyang braso upang salubungin ng yakap ang mga anak. "We missed you, Mommy! How was your night? Were you tired?" "How was the patient you treated? Is he or she better now?" Iyon ang sunud-sunod na tanong ng kambal kay Lunabella. Hindi na iyon bago sa kanyang pandinig dahil noon pa mang nasa abroad sila, sa tuwing umuuwi siya galing trabaho ay iyon palagi ang tinatanong ng mga ito."Why did you come back so late? We're sleepy already, Mama..." Nakangusong sumbong ni Levy sabay kusot sa mata nito. Ngumiti si Lunabella at malambing na sinapo ang mamula-mulang pisngi ng anak. Namumungay na ang mga mata nito sa antok. "I'm sorry for being late, my darling. Mommy's here now, you may now go upstairs and clean yourselves. I'll talk to ninang for a moment, I will foll
Pagkatapos ng diskusyon nila Dr. Alvero at Lunabella tungkol sa pagpapatuloy ng operasyon sa kanilang pasaliksikan, alas tres pa lang ng hapon ay nagpaalam na siyang maagang umalis dahil pupunta pa sa bahay ng mga Fuentabella. Nang makarating sa bahay ng mga Fuentabella, wala ng inaksayang panahon si Lunabella at agad sinuri ang kalagayan ni Don Fuentabella. Nakahinga naman siya ng maluwag ng walang kung anong hindi magandang nangyari pagkatapos ng gamutan kagabi. Pagkatapos ay inulit niya ang proseso ng acupuncture sa matanda. Habang naghihintay na pwede ng tanggalin ang mga karayom, pumasok si Ashton, dala na nito ang dokumento sa mga kamay. "Dr. Cruz, heto na ang inihandang kontrata. Take a look. Kung may problema ay sabihin mo sa akin." Ito ang kanilang napagkasunduan kagabi. Hindi na nagulat si Lunabella. Tinanggap niya iyon, binasa at saka pinirmahan. "From now on, we are in a cooperative relationship." Palakaibigang sambit ni Ashton. "Subalit kailangan pa rin kitang aba
Pinanood ng dalawa ang papalayong pigura ng tatlo. Nang tuluyan ng nawala sa kanilang paningin ang mga ito ay saka pa lang sila naupo sa may bandang bintana. "Ate Astra, what's going on between you and Dr. Cruz? It seems that you look like you knew each other, but your relationship seems a bit off..." Maingat na tanong ni Andrea sa babaeng kaharap. Nagngitngit ang mga ngipin ni Astra sa galit. "Of course! Sinong hindi magagalit? That damn woman is none other than, Lunabella Cruz, Benjamin's ex-stupid-wife!" Kung hindi dahil sa babaeng iyon ay matagal na sanang naganap ang kanilang kasal! Edi sana hindi niya pinagpipilitan ang sarili niya ngayon sa lalaki, edi sana ay siya na ang ilaw ng tahanan at nagkaroon na sila ng maraming anak, edi sana ay matagal na niyang inilibing sa lupa ang bastarda nito! Napakurap-kurap si Andrea, gulat na gulat. "Ang babaeng... Ang babaeng iyon ay ang dating asawa ni Kuya Benjamin?"Hindi naman isang sekreto ang pagpapakasal ni Benjamin anim na taon na
Nang marinig ang sinabi ni Andrea Fuentabella, kumislap sa mga mata ni Astra Soledad ang klase-klaseng emosyon. Dahil sa pangre-reject ni Benjamin Alvarez sa kanya noong nakaraang araw at sa kaalamang nakabalik na sa bansa ang babaeng matagal na nilang kinalimutan, hindi na siya nag-aksaya ng panahon pa. Magmula no'n ay ginawa na niya ang lahat para lang magkaroon sila ng maayos at solidong relasyon ng lalaki. Maaga siyang nagtungo siya sa bahay ng mag-asawang Alvarez upang personal na anyayahan ang mga itong pumunta sa bahay ni Benjamin, ng sa ganoon ay mayroon siyang matibay na alas nang sa ganoon ay hindi na makatanggi pa su Benjamin sa nais nilang gawin.Ngunit sa hindi inaasahan ay nagawa pa rin siya nitong tanggihan, kung noon ay silang dalawa lang sa kanyang opisina, ngayon ay harap-harapan niya iyong ginawa sa harapan ng kanyang mga magulang. Inis na inis siyang makita ang mukha ng bastarda nito subalit wala siyang magawa, hindi siya maaaring magpakita ng kahit anong ugali
Hindi pa ganoong kapamilyar si Lunabella sa mga restaurant malapit sa kanila kaya naman tinawagan niya si Zarina upang magrekomenda, nang sa ganoon ay hindi na siya maghanap pa at diretso na lang niyang dadalhin ang mga anak doon. Kasalukuyan silang kumakain nang makatanggap si Lunabella ng mensahe galing kay Ashton Fuentabella. From Ashton Fuentabella: Dr. Cruz, makakapunta ka ba para sa treatment ni Grandpa? Nang maalala ni Lunabella na hindi pa nga pala niya naipaliwanag dito ang proseso ng gamutan at kung tuwing kailan lang ito, agad siyang nagtipa ng sagot. To Ashton Fuentabella: Good evening, Mr. Fuentabella. I apologize for not informing you as soon as possible about the process of acupuncture. I will not be treating the old man's condition tonight because his body is too weak for the continuous treatment, he has been receiving acupuncture for two consecutive days, let his body rest for a day. I will be back tomorrow. From Ashton Fuentabella: Oh, is that it? Okay,
Sandaling natigilan si Sanrico Alvarez, itinagilid niya ang kanyang ulo, pilit na sinusubukang intindihin ang sinasabi ng apo. Ngunit kahit anong isip niya, hindi niya talaga maintindihan. Brion Auxley and Leviticus Azure... Dalawang pangalan ng lalaki. Sino naman ang mga iyon? "Sweetheart, may I know who these people are and why do you want to practice their names through calligraphy?" Hindi na mapigilan ni Sanrico ang magtanong sa apo. Tinitigan ni Blueberry Lucille ang kanyang Lolo, kapagkuwan ay nagbaba siya ng tingin sa kanyang notebook at nagsulat doon; 'Friends.' Bagama't mayroon pang nais itanong si Sanrico ngunit itinikom na lamang niya ang kanyang bibig at tumango na lamang sa apo. Inutusan na lamang niya ang isang kasambahay na kumuha ng mga materyales ng kanilang gagamitin sa pagsisimula ng pag-aaral nito ng kaligrapiya. Natagpuan ni Benjamin ang kanyang ama at anak na nasa dining table, abala ang mga ito sa kung ano kaya naman lumapit siya rito at sandaling pinapano
Sa tanghali ay napagpasyahan ng mag-asawang Alvarez na roon muna manatili sa bahay ng kanilang anak nang sa ganoon ay makasama pa nila ng matagal ang apo. Nakahanap rin si Astra ng irarason para manatili rin doon. Sa hapag-kainan, panay ang pag-aasikaso ni Astra Soledad sa matatandang Alvarez. Maya't-maya niyang nilalagyan ng masustansiyang sabaw ang kani-kanilang mangkok at pinaghihimay si Blueberry Lucille ng mga hipon. Pinagsalin din niya si Benjamin ng orange juice, sa sobrang pag-aasikaso niya, hindi na siya halos makakain. "Come on, Berry, here's your favorite shrimps. Auntie peeled a lot for you because Auntie knows that little girl likes shrimps so much," mahinhin niyang sinabi, may motherly-smile na nakaguhit sa kanyang mga labi. Si Blueberry Lucille na tutok sa kanyang cereal ay isang beses lamang na sinulyapan ang platong punong-puno ng hipon at saka walang pakialam na bumalik sa pagkain. Ang kamay ni Astra na kasalukuyan pa ring nakahawak sa plato ay natigilan, naging
Agarang tumayo si Bettina Alvarez at paluhod na dinaluhan ang apo. Inikot-ikot niya pa ito sa kanyang harapan, madrama niyang sinusuri ang katawan nito kung may sugat ba. "I heard that my precious grandchild is missing so early in the morning, how can I not be worried?" Masamang tingin ang pinukol ni Bettina sa anak. "I was so scared that's why I abruptly dragged your father with me! You didn't even bother to tell us this such important matter!" Pananaway niya rito, "how are you feeling my dear? Were you scared outside? Did someone hurt you? Come on, tell Grandma so that grandma will punish those bad guys!" Napatingin lamang si Benjamin sa kanyang ina. Walang makitang reaksyon sa mukha ni Blueberry Lucille. "My little Berry, did you know that grandma was so worried when she heard that you we're missing? Hmm? Grandma was so devastated, I wanted to flip the entire country just so we could see you right away! Please don't do that again, okay?" Madramang niyakap ni Bettina ang apo. "
Nang tuluyang makalabas ng bahay nina Lunabella at makapasok sa kanilang sasakyan, bagama't hindi na umiiyak subalit masama pa rin ang loob ni Blueberry Lucille sa kanyang ama. Kaya naman tahimik siyang naupo sa gilid, sa may bandang bintana. Sandaling pinagmasdan ni Benjamin ang suwail na anak, ilang minuto pa niya itong hinintay na pansinin siya ngunit talagang matigas ang ulo nito. Talagang alam na alam kung kanino nagmana. Kapagkuwan ay napailing na lamang siya, kung paiiralin niya ang kanyang pagiging istrikto ay talagang mas lalayo ang loob ng anak. Lalo pa ngayon na nakahanap na ito ng kakampi, kung hindi siya magpapakumbaba ay malamang sa malamang, tatakas nang tatakas ang batang ito. At ang mas malala pa, baka isipin ng babaeng iyon na isa siyang walang kuwentang magulang na hinahayaan ang anak na pagala-gala nang mag-isa! Baka isipin nito na hindi maganda ang pagpapalaking ginagawa niya sa anak at malayo ang loob nito. But the truth is, she's never been like this! Hindi
Pinakatitigan ni Benjamin ang dalawang paslit na kasalukuyang galit na galit sa kanya, imbes na magalit din ay kakaibang pagkamangha ang kanyang nararamdaman. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. Halatang sinisisi siya sa lahat ng dalawang ito. Subalit sa hindi malamang kadahilanan. Sa nakikitang galit sa mata ng mga batang ito, nakaramdam siya ng kaunting pagka-ilang, parang may kung anong mabigat sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag. Yakap-yakap ni Lunabella sa kanyang bisig si Blueberry Lucille, nang marinig ang mga salitang binitawan ng mga ito ay hindi siya makapagsalita sa gulat. Hindi siya mapaniwalaang sinabi iyon ng kanyang mga anak, nakaramdam siya ng hapdi sa kanyang dibdib. Siguro, siguro ay kung alam lamang ng nga ito na ang lalaking kanilang kaharap ay kanilang tunay na ama, marahil ay mas naging malumanay at maingat ito sa kanilang mga salita. Matagal ang naging pananahimik ni Benjamin, nag-iwas siya saglit ng tingin sa dalawa at saka humugot ng mal
Tila kalabit ang isang salitang iyon upang mapakawalan ni Blueberry Lucille ang emosyong kanyang pilit na pinipigilan. Sunud-sunod na nagsituluan ang kanyang mga luha kasunod ng matunog nitong paghikbi. Sa kabila ng pagtangis ng anak, naroon lamang si Benjamin, nakatayo, magkasalubong ang makakapal na mga kilay, walang balak na aluin ang anak. Dahil wala naman siyang karanasan pagdating sa pagpapatahan sa batang umiiyak. Sa tuwing nagkakatampuhan silang mag-ama, palaging si Manang Carmen ang inuutusan niyang aluin ito dahil wala siyang ideya kung paano. Nang makita ang anak na umiiyak sa harapan ni Lunabella, nakaramdam ng pagkapahiya si Benjamin. "Stop crying." Mariin nitong utos. Sa isipan niya ay normal lamang na tono ang kanyang ginamit, hindi pagalit, at hindi rin naman gaanong kalambing. Subalit para kay Blueberry Lucille ay nagsusumigaw iyon ng kalupitan. Pagkatapos marinig na sinabi ng ama, imbes na tumigil sa pag-iyak ay mas lalo pang umatungal ang bata. Iyong tipo ng