Halatang hindi na ganoon kaganda pa ang mood ni Lunabella pagka-alis ni Benjamin. Halatang-halata iyon ni Ashton, subalit hindi niya na lang pinansin dahil wala naman siya sa lugar upang punahin iyon. Sinamahan na lamang niya ang babae sa baba, uminom ng tsaa at nagkuwentuhan tungkol sa karamdaman ni Don Fuentabella. Thankfully, kahit papaano ay bahagya ng gumaan ang atmospera sa pagitan nilang dalawa. Sa kabilang banda, mula nang mapagalitan si Andrea at palabasin sa silid ng kanilang Lolo, pumasok siya sa sariling kwartong masama ang loob. Makalipas ang halos trienta minutos ay naisipan niyang lumabas at tingnan kung may progreso na ba ang lahat. Dahil una sa lahat ay hanggang ngayon ay wala siyang katiwa-tiwala sa babaeng iyon. Iyong mga sikat ngang doktor na inimbitahan nila ay bigo nilang magawa ang trabaho, heto pa kayang babaeng bigla na lang sumulpot galing kung saan? Kaya bakit siya magtitiwala rito? Natagpuan ni Andrea ang kapatid sa salas, nakaupo sa isang malambo
Malinaw ang gustong iparating ni Ashton Fuentabella. Bagama't hindi pa nababanggit ng babae ang tunay ng sitwasyon ng kanilang pasaliksikan para sa pansariling interes, alam na ni Ashton ang tunay na layunin nito kaya ito nandito at gamiton si Don Fuentabella. Nag-aalangan pa si Lunabella, dahil pakiramdam niya ay hindi pa nararapat na tumanggap siya ng kahit anong kabayaran gayong kagigising lang ni Don Fuentabella. Dahil una sa lahat, ang pamilya Fuentabella na mismo ang nagsabi na kung sinumang doktor ang makapanggagamot sa matanda ay ibebenta nila ang mga herbal sa kalahating halaga. Matagal siyang nakatunganga roon, hindi mahanap ang tamang salita. Samantalang si Ashton naman ay matiyagang naghintay ng may ngiti sa mga labi. Nang makita ang reaksyon ng lalaki ay walang nagawa si Lunabella kundi ang ngumiti rin. "Sa totoo lang, pumunta talaga ako rito para gamutin si Don Fuentabella. Dahil nalaman ko mula sa isang kaibigan na kung sino man ang makakapagpagaling sa kanya a
Nadatnan ni Lunabella ang kanyang mga anak kasama si Zarina sa living room, nakaupo sa sahig ang mga ito at naglalaro ng lego. "Mommy!" Masayang salubong ng kambal sa kanya. Agad namang malapad na ibinuka ni Lunabella ang kanyang braso upang salubungin ng yakap ang mga anak. "We missed you, Mommy! How was your night? Were you tired?" "How was the patient you treated? Is he or she better now?" Iyon ang sunud-sunod na tanong ng kambal kay Lunabella. Hindi na iyon bago sa kanyang pandinig dahil noon pa mang nasa abroad sila, sa tuwing umuuwi siya galing trabaho ay iyon palagi ang tinatanong ng mga ito."Why did you come back so late? We're sleepy already, Mama..." Nakangusong sumbong ni Levy sabay kusot sa mata nito. Ngumiti si Lunabella at malambing na sinapo ang mamula-mulang pisngi ng anak. Namumungay na ang mga mata nito sa antok. "I'm sorry for being late, my darling. Mommy's here now, you may now go upstairs and clean yourselves. I'll talk to ninang for a moment, I will foll
“Benjamin, naging asawa mo ako sa loob ng tatlong taon ngunit ni isang beses ay hindi mo man lang ako nagawang hawakan! Ngayon, ito na ang pagkakataon ko. Ito na ang tamang panahon para bumawi sa lahat ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa piling mo bilang asawa mo at bilang babaeng minahal ka ng napakatagal! Pinagsisisihan kong naging asawa kita!” Tumutulo ang mga luha ni Lunabella habang sinasabi iyon sa nakahiga at nakataling asawang si Benjamin Alvarez sa kanilang kama. “Huwag mong gawin ito, Luna. Sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi kita mapapatawad! Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na hindi kita magawang mahalin? Na si Astra lang ang tanging tinitibok ng puso ko?!” Walang pusong turan ni Benjamin, puno ng galit ang mga mata. “Humanda ka sa akin kapag nakawala ako rito, talagang mapapatay kita!” Pilit itong kumakawala sa pagkakatali ngunit mahigpit ang ginawang pagkakatali rito ni Lunabella rito.Sa may paanan ng kama ay ngumisi si Luna. “Iyon ay kung makikita mo pa ako kapag
Nagising si Benjamin ng alas diez y medya. Ang unang pumasok sa isip niya ay kung paanong sakalin hanggang sa mamatay si Lunabella. Siya si Benjamin Alvarez, CEO ng pinakamalaking kompanya sa bansa na Alvarez Technology Inc… kilala bilang pinakamatalino. Kilala siya bilang mahusay at tuso sa larangan ng negosyo, ni wala pang nangahas na pabagsakin siya dahil pinaplano pa lamang ng mga ito, nagawa na niya iyon sa kanila. Ngunit dahil lang isa isang babae. Isang babae lang na dapat ay mahina at walang alam ay heto siya at nagkukumahog na bumangon upang pagbayarin ito sa nagawang kalapastanganan sa kanya. Hinding-hindi niya ito mapapatawad kahit kailan! Humanda ang babaeng iyon sa galit niya, wala na siyang pakialam kahit mapatay pa niya ito. Iritadong luminga-linga sa buong silid si Benjamin, umaasang bigla na lang lilitaw roon si Lunabella ngunit ni walang bakas ng babae sa silid! Noong papalabas na siya ay nahagip ng tingin niya ang isang papel na nasa bedside table, sa pagkakaala
Agad na pumasok si Lunabella sa opisina ni propesor Macario.. Nang sandaling bumukas ang pintuan ay agad na nagliwanag ang mukha at patalong umalis ng sofa ang dalawang makukulit na bubwit. “Mama! Lumabas na rin kayo sa wakas! Akala ko po ay roon na kayo titira sa laboratoryo!” Pambungad ni Brion. “Mama, mukha na po kayong pagod na tinubuan ng tao. Upo ka po, Mama. Mamasahe-in kita!” Wika naman ni Levy at saka siya iginiya ng dalawa paupo sa sofa. Agad na ekspertong nagmasahe sa kanyang mga balikat ang malilit na kamay nito. Si Brion ay nasa paanan niya at minamasahe ang kanyang mga binti. Habang pinapanood ni Lunabella kung paano siyang asikasuhin ng mga anak ay napapasabi na lamang siya na sulit ang panenermon ng propesor. “Ang babait ninyo ngayon, ah? Bakit hindi kayo ganyan kanina nang sirain ninyo ang computer ko?” Ang malaking boses na iyon ay galing sa propesor Macario, na kasalukuyang pinapanood ang mag-iina sa likod ng kanyang malalaking monitors. Si Levy ang unan
Sa narinig ay matunog na tumawa ang propesor. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at binigyan ng pamilyang yakap si Lunabella. Para na talagang anak ang turing nito kay Luna dahil sa tagal na nilang magkasama. Dahil sa pagkasubsob sa trabaho ay hindi na nakapag-asawa ang propesor at hindi na nagkaroon pa ng pamilya. Kaya kahit sakit sa ulo ang pagpapasaway ng dalawang anak nito ay nagpapasalamat siya dahil nabigyan ng mga ito ang kulay ang kanyang buhay. “Natutuwa ako sa bilis ng iyong pagdedesisyon, Luna.” Wika nito pagkatapos humiwalay sa yakap. Tinapik nito ng marahan ang balikat ng babae. “Huwag kang mag-alala, sasama si Linda at ang ilang stuff dito nang sa ganoon ay may makakasama ka roon in case mamiss mo ako rito.” Pagbibiro ng propesor. Habang ang dalawa ay nag-uusap tungkol sa pag-uwi ng Pilipinas ay nagkatinginan naman ang dalawang batang lalaki. Para bang nag-uusap na ang dalawa at nagkakaintindihan kahit na wala pa mang lumalabas na salita sa kanilang bibig. Ilang sand
Sa daan palabas ng airport ay halos mabali na ang leeg ni Lunabella sa kalilingon kung nakasunod ba sa kanila si Benjamin. Mabuti naman nang hanggang sa makalabas na sila sa airport gate ay wala siyang makitang ni isang pigura ng lalaki. Napabuga na lang ng hangin si Luna dahil kahit papaano ay nabawasan ang pangamba niya. Napansin ng dalawang bata ang paglingon ng kanilang ina bawat tatlong hakbang palayo sa lugar, gusto nilang magtanong ngunit sa nakikitang pangamba sa mukha ng ina ay minabuti na lamang nilang manahimik muna. “Lunabella! My dearest Bri-Bri and Levy!” Boses ng isang sopistikadang babae ang siyang umagaw sa kanilang atensyon. Nang makilala ni Luna ang kaibigan si Zarina ay nawala ang kaba niya at napalitan ng ngiti at kasabikan. Mabilis na silang naglakad patungo roon at nagyakapan. “Zari! How have you been?” “I'm doing good, bes! Kayo? Kumusta naman ang byahe?” Tanong pa ni Zari. “Uy, long time no see, ha! You're finally back!” Bumungisngis pa ang kaibiga
Nadatnan ni Lunabella ang kanyang mga anak kasama si Zarina sa living room, nakaupo sa sahig ang mga ito at naglalaro ng lego. "Mommy!" Masayang salubong ng kambal sa kanya. Agad namang malapad na ibinuka ni Lunabella ang kanyang braso upang salubungin ng yakap ang mga anak. "We missed you, Mommy! How was your night? Were you tired?" "How was the patient you treated? Is he or she better now?" Iyon ang sunud-sunod na tanong ng kambal kay Lunabella. Hindi na iyon bago sa kanyang pandinig dahil noon pa mang nasa abroad sila, sa tuwing umuuwi siya galing trabaho ay iyon palagi ang tinatanong ng mga ito."Why did you come back so late? We're sleepy already, Mama..." Nakangusong sumbong ni Levy sabay kusot sa mata nito. Ngumiti si Lunabella at malambing na sinapo ang mamula-mulang pisngi ng anak. Namumungay na ang mga mata nito sa antok. "I'm sorry for being late, my darling. Mommy's here now, you may now go upstairs and clean yourselves. I'll talk to ninang for a moment, I will foll
Malinaw ang gustong iparating ni Ashton Fuentabella. Bagama't hindi pa nababanggit ng babae ang tunay ng sitwasyon ng kanilang pasaliksikan para sa pansariling interes, alam na ni Ashton ang tunay na layunin nito kaya ito nandito at gamiton si Don Fuentabella. Nag-aalangan pa si Lunabella, dahil pakiramdam niya ay hindi pa nararapat na tumanggap siya ng kahit anong kabayaran gayong kagigising lang ni Don Fuentabella. Dahil una sa lahat, ang pamilya Fuentabella na mismo ang nagsabi na kung sinumang doktor ang makapanggagamot sa matanda ay ibebenta nila ang mga herbal sa kalahating halaga. Matagal siyang nakatunganga roon, hindi mahanap ang tamang salita. Samantalang si Ashton naman ay matiyagang naghintay ng may ngiti sa mga labi. Nang makita ang reaksyon ng lalaki ay walang nagawa si Lunabella kundi ang ngumiti rin. "Sa totoo lang, pumunta talaga ako rito para gamutin si Don Fuentabella. Dahil nalaman ko mula sa isang kaibigan na kung sino man ang makakapagpagaling sa kanya a
Halatang hindi na ganoon kaganda pa ang mood ni Lunabella pagka-alis ni Benjamin. Halatang-halata iyon ni Ashton, subalit hindi niya na lang pinansin dahil wala naman siya sa lugar upang punahin iyon. Sinamahan na lamang niya ang babae sa baba, uminom ng tsaa at nagkuwentuhan tungkol sa karamdaman ni Don Fuentabella. Thankfully, kahit papaano ay bahagya ng gumaan ang atmospera sa pagitan nilang dalawa. Sa kabilang banda, mula nang mapagalitan si Andrea at palabasin sa silid ng kanilang Lolo, pumasok siya sa sariling kwartong masama ang loob. Makalipas ang halos trienta minutos ay naisipan niyang lumabas at tingnan kung may progreso na ba ang lahat. Dahil una sa lahat ay hanggang ngayon ay wala siyang katiwa-tiwala sa babaeng iyon. Iyong mga sikat ngang doktor na inimbitahan nila ay bigo nilang magawa ang trabaho, heto pa kayang babaeng bigla na lang sumulpot galing kung saan? Kaya bakit siya magtitiwala rito? Natagpuan ni Andrea ang kapatid sa salas, nakaupo sa isang malambo
Kabababa lang ni Lunabella sa telepono nang matapos ang tawag, agad siyang pumihit pabalik sa pintuan. Nang akmang hahawakan na niya ang siradura at pumasok, nagulat siya nang iniluwa roon si Benjamin. Nag-i-expect siya na kakausapin siya nito ngunit para lang itong hangin na dumaan sa tabi niya. Nanikip ang dibdib ni Lunabella, handa na siyang magpaliwanag sa lalaki subalit para itong hindi nag-i-exist nang daanan lamang nito. Nang makita ang kawalang interes ng lalaki sa kanya, tulala lamang niya itong sinundan ng tingin. Nang makabawi ay nanunuya niyang tinawanan ang sarili. Parang wala namang pakialam ang lalaki sa kung sino mang tumawag sa kanya. Oo nga naman, bakit ito magkakaroon ng pakialam kung anim na taon na ang nakalilipas nang matapos ang sa kanilang dalawa? Isa pa, noon pa man ay wala na itong pakialam sa kanya. Lalo pa nang may masama siyang ginawa bago siya umalis. Kaya paano nitong paniwalaan ang mga sasabihin niya? Wala ng tiwala ang lalaki sa kanya, paano
Hindi mapigilan ni Lunabella ang magulat. Kapagkuwan ay kabadon siyang tumingin kay Benjamin. Marahil ay nagtataka ang lalaki kung bakit bigla na lang lumapit ang batang babae sa kanya, lalo at hindi naman niya inaamin ang pagkikita nila noong gabing nawawala ito. Kaya naman para maibsan ang kaba ni Lunabella, tutal ay wala na rin naman siyang takas dahil nagkita na rin naman sila. "Siguro ay naalala lang ako ng bata, I was the one who saw her the night she was missing..." Hindi iyon inaasahan ni Ashton. Mula kay Lunabella ay dumako ang tingin niya sa batang babae, at saka may kakaibang emosyon sa mga mata niyang sinabi. "Marahil ay talagang itinadhana kayong magkitang dalawa..." Itinadhana? Ganoon ba talaga? Naalala ni Lunabella ang totoong katauhan ni Blueberry Lucille, nag-isang linya ang kanyang mga labi, may bakas na panunuya ang mga mata. "Siguro..." Kalmado niyang sinabi. Hindi napansin ni Ashton ang kakaibang ihip ng hangin, tumayo siya at nagsuhestyon. "Since it wi
Umalma si Andrea, ibubuka na sana niya ang kanyang bibig at sasabihing pamilya naman siya at dapat lang na naroon siya. Ngunit mabilis na nagsalita si Ashton. "Naiintindihan ko, doc." Anito at saka sinabihan ang ilang naroon na lumabas. Sa wakas ay wala ng sagabal sa gagawin ni Lunabella, naging matiwasay ang ginagawa niya. Pagkatapos ng ilang sandali, dose-dosenang pilak na karayom na ang naiturok niya sa dibdib ng matanda. Habang ginagawa iyon ay halos hindi na kumurap pa si Lunabella. Masyado siyang focused sa paggamot na hindi na niya napansin pa ang panonood ni Benjamin Alvarez sa gilid. Noong nasa baba pa lamang sila kanina ay nabasa na ng maigi ni Benjamin ang nilalaman ng resume ng babae. Hindi ikakailang napakaganda ng babae, sapat lamang upang maisip ng mga tao kung gaano kaganda at karangya ang buhay nito sa ibang bansa sa loob ng anim na taon. Subalit ito ang unang beses niyang makita ang babae sa ibang paraan. Ang pokus nito pagdating sa medisina, ang katigasa
Matagal bago nakabawi si Ashton mula sa pagkagulat. Nang makabawi mabilis itong kumurap-kurap at nagsalita. "Dr. Cruz, I'm really sorry. Sa totoo lang, pamilya kami ng mga doktor subalit mababawi lamang ang aming kaalaman tungkol sa acupuncture. Marahil ay kaya na lamang ganoon ang naging reaction ni aking kapatid ay dahil napansin niyang ang acupuncture points na isinagawa ninyo ay delikado para sa kalagayan ng matanda. Nag-aalala lang siya sa para sa Lolo namin, please don't take her words seriously..." Ipinagpatuloy lang ni Lunabella ang pagliligpit ng kanyang gamit, hindi niya inabalang tingnan si Ashton. "Hindi ko kailangang maghirap dito para sa mga taong ignorante. Tumungo ako rito sa sinserong paraan ng paggagamot sa matanda, ngayon kung marami pa rin kayong kuda, I'm sorry but I have to go. Bahala na kayong humanap ng ibang doktor para sa kalagayan niya." Pagkatapos niya itong sabihin, mabigat ang kanyang loob na binitbit ang mga gamit at saka tumalikod. Nakaramdam ng m
Lahat ng naroon ay nagulat sa sinabi ng babae. Nakakilala na sila ng maraming doctors para gamutan ng matanda, ngunit iyon pa lamang ang unang pagkakataon na makarinig sila na kailangang alisin ang damit ng matanda! Si Ashton ang unang nakabawi, "kailangan ba talagang gawin iyon?" Naguguluhang tiningnan naman ito ni Lunabella. "Kailangan kong gamutin ang matanda, magiging sagabal lang ang damit niya. Pwede ninyo ba akong tulungan? Pakibilisan sana ang kilos." Saglit pang nagkatinginan ang mga naroon, maging ang mga medical team in charge, bakas sa mga mata ng mga ito ang kalituhan. Anong klaseng panggagamot ito? Bakit kailangang tanggalan ng damit ang pasyente? Nag-aalangan pa sandali si Ashton ngunit kalaunan ay nagtagis ang bagang niyang kumilos. Tumungo siya sa tabi ng Don upang umpisahang tanggalan ito ng damit. Nang makitang tumalima ang kapatid, hindi mapigilan ni Andrea ang mabalisa. "Anong klase ng panggagamot ito? Bakit..." Halos malunok ni Andrea ang karugtong
Makalipas ang ilang sandali ay marahan ng ibinaba ni Lunabella ang hawak sa matanda at dahan-dahang tumayo mula sa pagkaka-upo. Humakbang siya at lumapit sa kaanak ng pasyente na seryoso ang mukha. "Dr. Cruz, ano ng resulta? Kumusta ang kondisyon ng aming Lolo? Ano, may ibang paraan ka ba ng panggagamot para sa karamdaman niya?" Sunud-sunod at bakas ang desperasyon sa boses ni Ashton. Iyon ang unang beses na nakita niyang ganoon tingnan ng doktor ang kanyang Lolo, kaya naman umusbong ang pag-asa sa kanyang dibdib! Hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha ni Lunabella, nananatili iyong seryoso. Sanay na siyang makakita ng ganitong reaksyon sa kaanak ng pasyente kaya hindi na rin bago ito sa kanya. Subalit alang-alang sa pasyente at sa pagiging doktor niya, sasabihin niya ang katotohanan. "I'm sorry, but the condition of the patient got worse. Ikinalulungkot kong ibalita na nabibilang na lang ang kanyang araw kung hindi iyon agad maagapan." Nagkatinginan ang magkapatid at mul