Hindi nagsalita si Harold, bagkus pinili niyang manahimik habang mariing pinipigil ang anumang emosyon.Ngunit kahit wala siyang sinabi, ramdam pa rin ng lahat ang bumabalot na lamig sa kanyang paligid, lalo na sa mga mata niyang tila nagyeyelong titig. Kitang-kita—masama ang timpla niya.Lalong nataranta si Lady Jessa, “Karylle, ikaw...”Nabitin ang sasabihin niya, tila nag-aalangan kung dapat pa ba siyang magsalita. Wala na siyang nadugtong pa.Sa kabilang banda, si Karylle ay medyo kalmado na rin sa mga sandaling iyon. Pinilit niyang ngumiti, at mahinahong nagsalita, “Grandma, huwag ka nang mag-alala sa akin. I'm really okay.”“Paano naman ako ‘di mag-aalala, Karylle? Kita mo naman ang sarili mo. Kung gusto mo, bumalik ka na dito. Sabihan mo si Roy na ibalik ka muna. Palalabasin ko na yang batang ‘yon—tayo muna ang mag-usap bilang apo’t lola, okay?”Bahagyang tumango si Karylle. “Grandma, okay lang po talaga ako. May mga kailangang asikasuhin sa trabaho. Pupunta na lang po ako sa i
Terakhir Diperbarui : 2025-04-18 Baca selengkapnya