Napapikit lang si Karylle at pinipigilan ang sarili magsalita. Bahagya siyang ngumiti pero hindi rin nakasagot.Alam din ni Christian na panahon na para tapusin ang pag-uusap nila. Kaya’t napatawa siya nang mahina, "Okay, sige. Hindi na kita istorbohin. Pero sana naman next time, huwag mo naman akong iwasan na parang ahas o alakdan. Sana kahit papaano, makausap mo pa rin ako minsan. Kumain tayo paminsan-minsan. Promise, I'll control my feelings, and I’ll make sure everything stays okay."Nag-iba ang ekspresyon ni Karylle—halatang naguguluhan, pero sumagot pa rin siya. "Okay. Medyo magiging busy lang ako these coming days kasi marami akong aasikasuhin sa trabaho. Pero kapag tapos na lahat, let's catch up.""Sige, I'll wait for you," nakangiting sagot ni Christian. "Balik ka na sa ginagawa mo, i-eend ko na ‘tong call.""Okay." Matapos sabihin iyon, binaba na ni Karylle ang tawag, at hindi na siya nag-atubili pa.Pero pagkatapos niya ilapag ang telepono, hindi na gano’n katatag ang ekspr
Last Updated : 2025-04-13 Read more