“ANG pagkakaalam ko...sa C-China s'ya dadalhin...” China? Natigilan si Knives sa narinig? Bakit napunta sa bansang 'yon ang babae? Isa pa, sino ang babaeng dumukot kay Lalaine? Habang naglalakbay ang isipan dahil sa narinig na pag-amin mula kay Ursula, isang tawag ang natanggap ni Knives mula sa kaibigan at doktor na si Eros. “Bro, you need to go to the hospital,” bungad ni Eros pagkasagot niya ng tawag. Awtomatikong kumunot ang noo ni Knives dahil sa sinabi nito. “Why?” clueless niyang tanong. “It's very important, Knives. I want to talk to you in person,” anang Eros sa seryosong anyo. “Okay, papunta na 'ko,” ani Knives at matapos makuha ang lahat ng dapat malaman tungkol kay Lalaine, pansamantala niyang pinakawalan si Ursula. But once he finds Lalaine and discovers what really happened to the woman, he swears he will find her again and make her pay. “Let's go, Mr. Miller,” ani Knives sa kanyang secretary saka nilisan ang lugar at mabilis na sumakay sa kotse. Wala pa
Last Updated : 2025-01-19 Read more