“ANG pagkakaalam ko...sa C-China s'ya dadalhin...” China? Natigilan si Knives sa narinig? Bakit napunta sa bansang 'yon ang babae? Isa pa, sino ang babaeng dumukot kay Lalaine? Habang naglalakbay ang isipan dahil sa narinig na pag-amin mula kay Ursula, isang tawag ang natanggap ni Knives mula sa kaibigan at doktor na si Eros. “Bro, you need to go to the hospital,” bungad ni Eros pagkasagot niya ng tawag. Awtomatikong kumunot ang noo ni Knives dahil sa sinabi nito. “Why?” clueless niyang tanong. “It's very important, Knives. I want to talk to you in person,” anang Eros sa seryosong anyo. “Okay, papunta na 'ko,” ani Knives at matapos makuha ang lahat ng dapat malaman tungkol kay Lalaine, pansamantala niyang pinakawalan si Ursula. But once he finds Lalaine and discovers what really happened to the woman, he swears he will find her again and make her pay. “Let's go, Mr. Miller,” ani Knives sa kanyang secretary saka nilisan ang lugar at mabilis na sumakay sa kotse. Wala pa
“BAKIT ako ang pinili mo?”Masuyong pinagmasdan naman ni Elijah ang babae sa tanong nitong iyon. “Lalaine, we're destined to be together...” sagot naman nito.Chinese ang tatay ni Elijah at ang nanay naman niya ay isang Filipina. Nang 12 years old pa lang siya, namatay ang kanyang mommy sa lung cancer. Mula Pilipinas ay nagbalik sila ng kanyang daddy sa China at doon ito makapag-asawa muli ng isang babaeng mabisyo at mukhang pera.Araw-araw siyang minamaltrato ng kanyang step-mom at palihim siyang gustong patayin. Pero ipinanganak siyang matatag at nakayanan ang lahat ng pang-aabuso at pangbubugbog. Ang pinaka-matinding pagmamaltrato na ginawa ng kanyang step-mom ay ginulpi siya nito hanggang sa magkabali-bali ang anim sa kanyang ribs. Matapos niyon ay ipinatapon siya nito sa Pilipinas na walang kahit sino mang kakilala. Hindi kasi niya alam kung sino ang pamilya ng kanyang yumaong ina sa bansang iyon.Uhaw at gutom ang inabot ni Elijah sa kalsada. Ni wala man lang kahit isang tao ang
“LALAINE, where are you going?”Nanginig ang kamay ni Lalaine nang makitang si Elijah iyon, pero bago pa siya makaramdam ng disappointment mahigpit niyang niyakap si Elijah at pilit na umiyak. Nagpanggap siyang takot na takot dahil sa mga oras na iyon, mas nanaisin n'ya pang si Elijah ang nakahuli sa kan'ya kaysa kay Madison. Iyon ang mas matalinong paraan para tumagal pa siya ng buhay sa impyernong iyon.“K-Kuya Elijah, tulungan mo ako! May gustong pumatay sa'kin...” anang Lalaine habang umiiyak.Kakaiba ang dulot ng yakap na iyon kay Elijah lalo pa nga't ramdam niya ng mga sandaling iyon kung gaano kalambot ang katawan nito at kung gaano kabango ang buhok nito. Awtomatikong umahon ang pagnanasa sa buong sistema n'ya ng mga sandaling iyon.“'Wag kang matakot, Lalaine,” masuyong saad naman ni Elijah habang masuyong hinahaplos ang likuran nito. “Bumalik na tayo sa kwarto mo,” dagdag pa niya saka inakay ang babae.Nag-aalinlangan man, walang nagawa si Lalaine kundi magpatianod sa gusto
“KAILANGAN mong sanayin ang sarili mo rito habang wala ako, okay? When I return, you must listen carefully to everything I say.” Nanigas ang likod ni Lalaine matapos niyang maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng lalaki. “Ayaw mo ba?” naniningkit ang mga matang tanong ni Elijah sa babae.Dahil sa takot na muling magalit ang lalaki ay napipilitan na lang siyang sumagot. “H-Hindi naman...”Nang makita ni Elijah ang ekspresyon sa mukha ng babae ay napangiti siya na lalong nagpalutang sa angking kaguwapuhan nito. “Nag-usap na tayo na kahit anong mangyari, hindi mo ako iiwan...” paalala pa niya sa walang imik na babae. “Kung hindi, 'di ko alam kung anong magagawa ko sa'yo sa oras na mawala ka...”“O-Oo, naiintindihan ko...” “Good girl.”———Kinabukasan, paggising ni Lalaine ay napag-alaman niya mula kay Lu Sy na madaling-araw pa nakaalis si Elijah. Nang sumilip siya sa labas ng pinto ng residence kung saan siya pansamantalang tumutuloy, nakita niyang bago na ang mga guards na nagbaban
MAY kalahating oras nang tumigil ang sasakyan na kinalululan ni Lalaine sa isang madilim na basement ng isang abandonadong gusali. Basta na lang siyang ihinagis sa sahig ng mga lalaking may hawak sa kan'ya na para bang isang basura. At dahil habang nasa biyahe ay itinali ng mga ito ang kamay at paa niya saka nilagyan ng duct tape ang bibig kaya hindi na siya makasigaw pa.Mayamaya'y bumukas ang ilaw at nanlalaki ang mga mata ni Lalaine nang makita kung sino ang taong papalapit sa kan'ya habang malapad ang pagkakangiti.Tinanggal nito ang duct tape sa kanyang bibig dahilan para makapagsalita. “I-Ikaw? A-Anong kailangan mo sa'kin?”“What did you do to Flynn to make him go crazy for you like that?” tanong ni Faye saka hinawakan siya sa baba at nagtama ang kanilang mga paningin.Pilit ikinalma ni Lalaine ang sarili kahit pa takot na takot siya ng mga sandaling iyon saka matamang tumitig kay Faye. “Subukan mo akong galawin, mananagot ka kay Elijah,” pagbabanta ni Lalaine sa babae.Sa halip
“SHUT UP! Do you want to die?” Nanlalaki ang mga mata ni Lalaine habang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya. Bagaman medyo madilim, hinding-hindi siya maaaring magkamali. Ang boses nito... Ang amoy... At ang pagiging arogante nito ay kilalang-kilala niya... Ang lalaking matagal na niyang hinihintay... Si Knives Dawson! Muling ipinikit ni Lalaine ang kanyang mga mata at muling nagdilat, sa takot na baka nananaginip lang siya o nagha-hallucinate. Subalit nang muli siyang magdilat, nagsalubong niya ang malalim nitong titig na para bang tumatagos sa kaibuturan niya. Awtomatikong nanlabo ang mga mata ni Lalaine nang isa-isang tumulo ang kanyang luha... Hindi pa man nakakasagot si Lalaine ay nagulat siya ng punitin ng lalaki ang damit niya dahilan para lumitaw ang maputi at makinis niyang balikat. “A-Anong ginagawa mo?” naguguluhang tanong ni Lalaine. Ang mga sumunod na segundo ay namalayan na lang ni Lalaine na kinabig siya ni Knives sa kanyang baywang at inihiga sa malamb
“AYAW ko... Lumabas ka na, pakiusap...” Pagkasabi niyon ay bumitiw si Lalaine sa pagkakayakap sa lalaki saka marahan itong itinulak.Hindi malaman ni Knives kung matatawa siya o maiinsulto ng mga sandaling iyon. Hanggang ngayon ba mahal pa rin nito ang hayóp na Elijah Montenegro na 'yon?“At sino naman ang gusto mo?” madilim ang anyong tanong ni Knives na puno ng panibugho ang dibdib.Hindi na komportable si Lalaine ng mga oras na iyon. Ang natural na amoy ng lalaki na nasasamyo niya ay para bang hinihikayat siyang pumayag sa gusto nito.Mariing kinagat ni Lalaine ang kanyang labi upang pigilan ang sarili na nakapagsabi ng ng kung anu-ano. Pilit niyang nilalabanan ang epekto ng droga na gustong sumakop sa kan'ya.“P-Please... lumabas ka na,” muling pakiusap ni Lalaine sa lalaki.Mas lalo namang nagdilim ang anyo ni Knives dahil sa ginagawang pagtataboy sa kan'ya ng lalaki. “If you don't like me, who do you like? Si Elijah Montenegro ba? Baka nakakalimutan mong s'ya ang may dahilan kun
HINDI maintindihan ni Lalaine kung bakit nagbago ang kanyang isip. Bigla-bigla, parang gusto niyang matuloy ang kung ano mang nangyayari sa kanila ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung dahil sa dróga o sa ilusyon, pero pakiramdam n'ya ay mas higit pa ang pag-asam niyang may mangyari sa kanila kaysa sa gusto ng lalaki. Humarap si Lalaine sa lalaki at namumungay ang mga matang niyakap ang lalaki ng mahigpit at tinawag ang pangalan nito ng paulit-ulit. “Knives... Knives Dawson...” Ang madilim na anyo ni Knives ay biglang naglaho dahil sa pagsambit ni Lalaine ng mga katagang iyon. Parang siyang nahipnotismo dahil biglang lumambot ang kanyang puso sa simpleng dalawang salita na iyon. Kanina pa pinipigilan ni Knives ang sarili dahil gusto niyang kumalma muna ang babae sa epekto ng dróga, at ngayong ramdam niyang nag-relax na ang katawan nito ay tuluyan niyang hinubad ang natitirang saplot sa katawan. Pinagmasdan niya ang babaeng nakahiga sa kama habang mapupungay ang mga matan
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be
——— Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire Book 2: “SAVE ME, LOVE ME, ATTORNEY.” (Kairi Inoue and Abby del Rosario Story) SYNOPSIS: Bitbit ang pangarap na makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho, mula probinsya ng Capiz ay lumuwas si Abby sa magulong siyudad ng Maynila. Subalit hindi niya akalain na sa halip na pag-asa, bangungot pala ang naghihintay sa kan'ya. Nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mayamang negosyante na sinamantala ang kanyang murang edad at pagiging walang muwang mundo. Wala siyang mapagsabihan ng kahayupang iyon na ginagawa sa kan'ya, kahit sa best friend niyang si Keiko. Ilang taon ang lumipas, naging maalawan ang buhay ng kanyang kaibigan nang makilala nito ang tunay na ama at mangibang-bansa. Naiwan siyang nag-iisa at patuloy na dumaranas ng kalupitan. Ni wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanyang pamilya dahil ayaw niyang mabigo ang mga ito sa kan'ya. Hanggang sa muling magbalik ang kaibigan niyang si Keiko sa Pilip
NINE MONTHS LATER...“BABY! I'm here in okay? Please calm down! Kaya mo 'yan. Malapit nang dumating si Doc Ivy!” natatarantang bulalas ni Knives habang nag-aalalang nakatingin sa asawang nakahiga sa delivery room at hawak ng mahigpit ang kanyang kamay. Pawis na pawis na ito at namumutla ang mukha ng mga sandaling iyon tanda na nahihirapan ito.“Sobrang sakit na, Knives! 'Di ko na kaya! Parang mamamatay na 'ko!” bulalas ni Keiko habang umiiyak. “Bakit ba kasi ang tagal ng doktor na 'yon?!” Napakasakit na ng tiyan ni Keiko at pakiramdam n'ya ay malapit nang lumabas ang kanyang anak sa sinapupunan. Pero bakit wala pa rin ang OB niya? Saan ba ito nagpunta?“P-Papunta na si Doc Ivy, baby. 'Wag ka nang magalit, baka mapaano ka pa pati si baby,” pagpalakalma ni Knives sa asawa pero siya naman itong abot-langit ang kaba para sa kanyang mag-ina.Ito ang unang beses na matutunghayan niyang isilang ng pinakamamahal niyang asawa ang bunso nilang anak. Noong isilang kasi nito ang kambal ay wala s
“SHIT! Bakit pa kasi ngayon nangyari 'to?”Naiinis na tumingin si Seiichi sa babaeng kasama n'ya sa presinto ng mga sandaling iyon. Isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasal ni Keiko at Knives pero heto't nasa harap siya ng mga pulis at paulit-ulit na nagpapaliwanag.“Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin na ikaw talaga ang nanghipo sa'kin para matapos na? Pare-pareho tayong male-late nito eh. May pupuntahan pa ako,” inis na sabi ng babae kay Seiichi.“Oo nga naman, Sir. Bakit ayaw mo pang aminin nang matapos na? Mukhang pareho pa kayong may lakad, oh?” sabat naman ng pulis investigator na kaharap nila ng mga sandaling iyon.Marahas na bumuntong-hininga si Seiichi saka tumingin sa wrist watch. Wala siyang dalang kotse dahil coding iyon kaya naman nag-bus na lang siya. Hindi na siya sumabay sa mag-aamang Inoue dahil may kailangan pa siyang daanan sa opisina. “Look, Miss. I don't have time for this,” sagot ni Seiichi saka tumayo na at humarap sa investigator saka dumukot ng calling ca
“MAY I have your attention please?” mayamaya pa'y pakiusap ni Knives sa nagkakagulong guests and reporters. “I have an important announcement.”Nahinto ang lahat at natahimik nang marinig ang sinabing iyon ni Knives. Mayamaya pa'y muling bumaling ang lalaki kay Keiko at masuyong nagsalita. “May I?” ani Knives saka inilahad ang kamay.Puno ng pagtatanong ang mga mata ni Keiko pero hindi na siya nagtanong pa. Inabot niya ang palad sa nobyo at inalalayan siya nito patungo sa pinakagitna ng banquet hall. They slowly walked up to the mini stage where there were two chairs decorated with her favorite flower—the beautiful daisy. Pakiramdam ni Keiko ay para siyang prinsesa at si Knives naman ang makisig na prinsipe nang gabing iyon. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso na para bang malakas itong binabayo.“K-Knives...ano ba ang nangyayari?” naguguluhang tanong ni Keiko nang hindi na siya makatiis pa.Matamis na ngumiti si Knives sa nobya saka ginagap ang kanyang kamay. “You'll find out late