“Sabby, ano? Tara na?” Tawag ni Yvonne sa kaniya habang buhat-buhat nito ang mga libro at nagmamadaling bumaba sa hagdan.Pagod siyang humugot ng malalim na hininga.“Pwede ba na bukas nalang, Von?” Tanong niya sa kaibigan.Medyo masakit pa ang kaniyang katawan sa ginawang routine dahil sa cheerdance na kailangan e-present sa sunod na Linggo.Parang walang kapaguran si Yvonne, hindi man lang naisip na baka mahimatay siya sa sobrang pagod kung tutuloy pa sila sa kanilang lakad.“Ililibre naman kita, kahit anong gusto mo.” Sabi nito, bumalik para hawakan ang braso niya at hilahin.Sumimangot siya, hindi makapaniwala na ipagpipilitan rin nito ang gusto.Ilang araw na silang bumabalik sa cafe para magreview para sa midterm exam. Sabi ni Yvonne, hirap na hirap ito sa statics kaya gusto nitong magreview kami, pero hindi lang nito maamin na kaya sila bumabalik sa cafe ay dahil may binabantayan itong lalaki.Pagkalabas nila ng paaralan, nakita niya agad ang nakaparadang SUV. Mayaman naman si
Last Updated : 2025-02-10 Read more