Napalunok si Ysabela. Hindi pa nila napag-uusapan ang bagay na ito. Ngayon pa lamang. Simula nang magsama sila ni Greig, palagi na niyang naririnig sa labi nito na hindi nito gustong magkaroon ng anak. Naisip niya noon, iyon ay dahil hindi siya si Natasha. Naisip niyang si Natasha lamang ang gusto nitong magdalang-tao, at hindi siya. Kaya dati, takot na takot siyang aminin kay Greig na buntis siya dahil noong una palang, alam na niyang ayaw ni Greig sa mga bata. Dahan-dahan na umawang ang kaniyang bibig. “Natakot ako na maging kagaya ko rin ‘yong magiging anak ko. I felt so lonely before. Marami lang akong pera. Iyon lang ang meron ako no'n.” “Greig…” Malungkot na ngumiti si Greig at hinapit siya nito para patakan ng halik ang kaniyang noo. “But the fear I had before, it was all gone. Athalia and Niccolò washed it all away.” Puno ng pag-asang bulong ni Greig. “I was afraid at first, yes. But eventually, I learned that becoming a father is not a just responsibility… but also a k
Last Updated : 2025-02-14 Read more