Home / Romance / Fake Marriage With The CEO / Chapter 151 - Chapter 160

All Chapters of Fake Marriage With The CEO: Chapter 151 - Chapter 160

251 Chapters

Chapter 128: Airport

Nagising si Ysabela na dahan-dahan siyang ibinabababa sa stretcher at inilipat sa isang kama. Mabigat ang talukap ng kaniyang mga mata ngunit pinilit niya ang sarili na magmulat para tingnan kung ano ang nangyayari. Natanaw niya ang babaeng nakasuot ng puting terno. Nakapungos ang buhok nito at may kausap na isa pang babae. “Nahimatay Dra. Velasco, galing pa po sila sa isla.” Rinig niyang sabi nito. “Sinong kasama? May bantay ba?” “Nasa labas po ang asawa ng pasyente Doc, kinakausap ang iba pa nilang kasama. Nagtatanong si Mr. Ramos kung pwede po ba natin kuhanan ng blood sample ang kaniyang asawa, buntis po ito at gusto sanang ipa-DNA test ang bata.” Napasinghap ang doktora. “DNA test? Si Greig Ramos ba ang tinutukoy mo, Dina?” “Oo, Dra. Velasco.” Ipinikit niya ang mga mata nang makitang palapit sa kaniya ang doktor. Naramdaman niyang inilapat nito ang stethoscope sa kaniyang dibdib. “Sa blood sample ay makakakuha tayo, pero kung gustong magpa-DNA test ni Greig, dalawang kla
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more

Chapter 128.2: Airport

Madaling araw nang dalhin nila Mang Carding ang kanilang mga gamit dahil iyon ang bilin ni Greig. Nasa sasakyan na ang kanilang mga gamit, nakahanda na si Greig na bumalik ng Manila, at dahil kilala naman ang lalaki, kahit walang tao sa cashier ay nakapagbayad pa rin ito ng discharge f*e niya. Malaki ang kahungkagan sa dibdib ni Ysabela nang sumakay siya sa sasakyan. Pareho silang tahimik ni Greig at ayaw kumibo. Nasa likod sila ng sasakyan samantalang si Mang Carding naman ang nagmamaneho ng sasakyan. Tahimik din si Mang Carding, halatang nakikiramdam lamang sa kanilang dalawa. Ramdam niyang desidido si Greig na bumalik ng Manila, hindi na mahalaga kung ano ang kalagayan niya. Kahit medyo nahihilo pa ay napilitan siyang sumama na lamang. Kung ito ang ikakatahimik ni Greig ay ibibigay niya. Hindi na nito binanggit ang tungkol sa pagpapa-DNA test pero ramdam niyang iyon pa rin ang plano nito. Isa’t kalahating oras bago nila marating ang airport kaya pinilit niya ang sarili na makai
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 129: Forest

Hinila siya ng pandak na lalaki. Pumiksi siya sa hawak nito ngunit mas lalo lamang na humigpit ang hawak nito sa kaniyang braso.“Huwag kang maarte!”“Hindi mo naman ako kailangan hilahin!” Reklamo niya nang halos kaladkarin na siya nito papasok sa lumang bahay.Kanina pa siya naglalakad at namamaga na ang kaniyang mga paa dahil sa ilang beses na pagkatalisod. Mabuti na lamang at inalis na ang takip sa kaniyang mata kung hindi ay baka humandusay na siya sa lupa.Matatayog ang mga punong nakapalibot sa kanila at parang nasa gitna sila ng kawalan. Sa tuwing lumilingon siya kung saan sila galing, hinihila agad ng lalaki ang kaniyang braso.Binuksan ng isa pang lalaki ang pinto ng lumang bahay. Gumawa iyon ng kakaibang ingay na nagpalukot sa mukha ni Ysabela.Parang matagal na ang bahay na ito, iba’t ibang kalamidad na ang kinaharap at isang ihip nalang ng malakas na hangin ay babagsak na.Itinulak siya ng lalaki papasok ng bahay. Nakita niya kung gaano kadumi ang sahig. Nagkalat ang mga
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

Chapter 129.2: Forest

“Nasa amin ang asawa mo.” Malalim na boses ang ginamit ng babae. Natahimik ang kabilang linya. “Kung gusto mo pang makita ng buhay ang asawa mo, kailangan mong makipagkasundo sa amin, Mr. Ramos.” “Who’s this?” Sinenyasan ni Tere ang lalaking nasa pinto. Pumasok ito. “Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga, matubos mo ang asawa mo. Kaonti lang ang hihilingin namin. Dalawang milyon kapalit ng asawa mo.” Muling natahimik sa kabilang linya. “Huwag mo rin susubukan na magreport sa pulisya, Mr. Ramos. Hindi mo alam kung ano ang kaya naming gawin sa asawa mo.” Pagbabanta nito. Lumapit ang lalaki. Kumunot ang kaniyang noo at mabilis na dumaloy ang dugo sa kaniyang katawan nang makitang siya ang pakay nito. “Anong gagawin— bitiwan mo ‘ko!” Marahas siya nitong itinulak sa pader. Nasagi sa upuan ang kaniyang paa dahilan para kumirot iyon kasabay ng pamamanhid ng kaniyang likod. Hinuli nito ang kaniyang kamay at itinaas iyon sa kaniyang uluhan. “Bitiwan mo ‘ko!” Natataranta niya
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

Chapter 130: Gunshots

Madilim ang anyo ni Greig habang tinitingnan ang computer ng IT expert na nagtra-track down sa GPS ng cellphone ni Ysabela.“Maaring naka-off na ang cellphone ni Mrs. Ramos, hindi na nasasagap ng satellite ang location ng kaniyang GPS.” Saad ng pulis nang hindi na bumalik ang pulang marka sa mapa.“What else can we do?”“May mga pulis at sundalo nang naka-standby sa checkpoint ng mga kalsadang maaaring daanan ng sasakyan ng mga kidnapper. Sa ngayon, hindi tayo pwedeng magpadalus-dalos para sa kaligtasan ng iyong asawa. Hintayin nating tumawag muli ang numero.”“What the h*ck?!” Frustrated na naihilamos ni Greig ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.“That’s the best thing that we can do now? My wife’s in danger, at gusto niyong maghintay lang ako rito?”“Sir.” Lumapit ang mas matandang pulis sa kaniya.“My lead na kami, hindi ang mga malalaking sindikato ang sangkot sa pagkakadukot ng asawa mo. Maliit ang dalawang milyon para sa hinihingi nila bilang ransom, kaya may posibilidad na iil
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

Chapter 130.2: Gunshots

Lumubog na ang araw. Nasa sala na si Greig at naghihintay pa rin ng mensahe mula sa babae na kaniyang nakausap. Ngunit wala siyang natanggap. Dalawang pulis lamang ang kaniyang kasama para hindi mahalata na may mga kasama siya sa hotel room. Ayaw niyang malaman ng mga kidnapper na tumutulong sa kaniya ang pulisya. Napaahon siya mula sa sofa. Kanina pa malakas ang tambol ng kaniyang dibdib. Hindi siya mapakali, sa tuwing sinusulyapan niya ang kaniyang relo ay mas lalo lamang siyang nababalisa. Kailan ba siya tatawagan ng kidnapper?! Lumipas pa ang ilang oras, wala pa rin siyang natatanggap. Nakapaghapunan na ang kaniyang mga kasama pero wala pa rin tawag o mensahe lamang na pumapasok sa kaniyang notification. “Sh*t.” Hanggang sa maghating-gabi, wala pa rin tumatawag. Nanlalamig na ang kaniyang mga kamay ngunit wala pa rin nangyayari. Tumayo ang kasama nilang pulis, nakita niyang may itinitipa ito sa cellphone. “May natagpuan na bangkay sa kalsada na papunta sa airport.” Balita
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

Chapter 131: Different Faces

Madilim ang buong mansyon nang pumasok siya. Nakapatay ang ilaw sa baba, ngunit bukas ang ilaw sa dalawang mas mataas na palapag.Naningkit ang kaniyang mga mata habang binabaybay ang pasilyo paakyat ng marmol na hagdan. Tila alam na niya kung ano ang sasalubong sa kaniya pagpasok niya ng mansyon.Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at hinanda ang sarili, pinanatili niya ang inosinteng ekspresyon ng mukha.Nang makapasok siya, bumukas ang mga ilaw at nagsigawan ang mga tao.“Surprise!” Sabay-sabay nilang sigaw.Kahit na alam naman niya ang mangyayari, nagulat pa rin siya nang makita ang mga taong naghihintay sa kaniya.Sumabog ang mga confetti dahilan para maghiyawan muli ang mga kasambahay.“Happy birthday!” Sigaw nila.Mabilis na umangat ang sulok ng kaniyang labi at nanubig ang kaniyang mga mata.“Grazie mille!” Hinawakan niya ang kaniyang dibdib para ipakita na nagpapasalamat siya ng buong puso sa inihandang surpresa para sa kaniya.“Happy birthday, Bella.” Lumapit si Alhaj sa k
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

Chapter 131.2: Different Faces

Tumayo si Athalia sa upuan at inabot ang kaniyang batok para hilahin siya. Hinalikan nito ng mariin ang kaniyang pisngi.“Mahal kita, Ina.” Saad nito sa matigas na tono.Minsan ay naiintindihan naman ni Athalia at Niccolò ang kaniyang mga sinasabi kahit na nagtatagalog siya, ngunit Englis pa rin ang kanilang unang lengguwahe.Pangalawa ang Italian, at panghuli na ang Filipino.Medyo magulo ang nakagisnan ni Athalia at Niccolò, pero nakikita niyang pinaghuhusayan ng dalawa na matuto sa mga lengguwahe lalo pa't multilingual ang tahanan nila.Gusto niyang turuan ng Filipino ang kaniyang mga anak, pero baka mas lalong mahirapan lamang ang dalawa kung sabay-sabay na aaralin ang Englis, Italian, at Filipino.Kumuha na sila ng tutor para sa mga bata para mapabilis ang kanilang pag-aaral ng Italian, ngunit mas madalas pa rin an Englis sa kanilang normal na pag-uusap.“Mahal na mahal ko rin kayo, Athalia. I love you so much. You’re my greatest treasure.” Siya naman ang humalik sa pingi nito. S
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

Chapter 131.3: Different Faces

Tiningnan niya ang itinuturo ni Athalia. Nakita niya ang isang batang nasa may gitnang bahagi ng pool, malalim na parte na iyon. Umawang ang kaniyang bibig at mabilis na tumakbo palapit sa pool. Walang pagdadalawang-isip siyang tumalon sa pool para tulungan ang batang nalulunod. Nag-iiyakan na sila Athalia dahil sa takot. Samantalang lumangoy siya palapit sa batang nalulunod. Nang maabot niya ang batang lalaki, iniangat niya ito para makahinga. Yumakap ito sa kaniya at sa kagustuhan na makaangat at makahanap ng hangin, siya naman ang naitutulak nito pailalim. Malalim ang parteng iyon kaya hindi umaabot ang kaniyang paa sa tiles ng pool. Hindi niya magawang umahon dahil naitutulak siya ng batang lalaki. Nauubusan na siya ng hangin at lakas. Tumalon din si Alhaj nang makitang nahihirapan siyang tulungan ang bata. Saka lamang siya nakaahon nang mahawakan ni Alhaj ang batang lalaki. Si Alhaj na ang humila sa bata patungo sa mas mababaw na parte. Umubo siya ng ilang beses, par
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

Chapter 132: Signs

“Bella.” Marahan na tawag ni Alhaj.Malayo ang kaniyang tingin habang yakap ang kaniyang sarili.Nilingon niya ang lalaki at nakitang nakaroba na ito. Madalas kasi ay hindi ito nagsusuot ng damit kapag natutulog, tanging boxer lamang.“Did you had a bad dream again?” Nag-aalala nitong tanong.Umiling siya bilang sagot sa tanong nito.Naglakad palapit sa veranda si Alhaj kung nasaan siya, ngunit nanatili ito sa may pinto at hindi tuluyang lumapit sa kaniyang kinauupuan.“Bakit gising ka pa?” Tanong nito.“I visited the twin's room.” Sagot niya.“Nag-aalala ako sa kanila.”Ibinalik niya ang tingin nakahilerang mga batong bahay hindi kalayuan sa kanilang tahanan.“They will understand, Bella. Hindi pa maayos ang kalagayan mo, and they knew about your situation. Athalia and Nics are wonderful kids, matalino at mabilis na makaunawa.” Kumento nito.Hinaplos ni Alhaj ang kaniyang braso at marahan na pinatakan ng halik ang gilid ng kaniyang buhok.Nakita niya ang pag-aalala ni Athalia at Nicc
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more
PREV
1
...
1415161718
...
26
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status