“Nasa amin ang asawa mo.” Malalim na boses ang ginamit ng babae. Natahimik ang kabilang linya. “Kung gusto mo pang makita ng buhay ang asawa mo, kailangan mong makipagkasundo sa amin, Mr. Ramos.” “Who’s this?” Sinenyasan ni Tere ang lalaking nasa pinto. Pumasok ito. “Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga, matubos mo ang asawa mo. Kaonti lang ang hihilingin namin. Dalawang milyon kapalit ng asawa mo.” Muling natahimik sa kabilang linya. “Huwag mo rin susubukan na magreport sa pulisya, Mr. Ramos. Hindi mo alam kung ano ang kaya naming gawin sa asawa mo.” Pagbabanta nito. Lumapit ang lalaki. Kumunot ang kaniyang noo at mabilis na dumaloy ang dugo sa kaniyang katawan nang makitang siya ang pakay nito. “Anong gagawin— bitiwan mo ‘ko!” Marahas siya nitong itinulak sa pader. Nasagi sa upuan ang kaniyang paa dahilan para kumirot iyon kasabay ng pamamanhid ng kaniyang likod. Hinuli nito ang kaniyang kamay at itinaas iyon sa kaniyang uluhan. “Bitiwan mo ‘ko!” Natataranta niya
Madilim ang anyo ni Greig habang tinitingnan ang computer ng IT expert na nagtra-track down sa GPS ng cellphone ni Ysabela.“Maaring naka-off na ang cellphone ni Mrs. Ramos, hindi na nasasagap ng satellite ang location ng kaniyang GPS.” Saad ng pulis nang hindi na bumalik ang pulang marka sa mapa.“What else can we do?”“May mga pulis at sundalo nang naka-standby sa checkpoint ng mga kalsadang maaaring daanan ng sasakyan ng mga kidnapper. Sa ngayon, hindi tayo pwedeng magpadalus-dalos para sa kaligtasan ng iyong asawa. Hintayin nating tumawag muli ang numero.”“What the h*ck?!” Frustrated na naihilamos ni Greig ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.“That’s the best thing that we can do now? My wife’s in danger, at gusto niyong maghintay lang ako rito?”“Sir.” Lumapit ang mas matandang pulis sa kaniya.“My lead na kami, hindi ang mga malalaking sindikato ang sangkot sa pagkakadukot ng asawa mo. Maliit ang dalawang milyon para sa hinihingi nila bilang ransom, kaya may posibilidad na iil
Lumubog na ang araw. Nasa sala na si Greig at naghihintay pa rin ng mensahe mula sa babae na kaniyang nakausap. Ngunit wala siyang natanggap. Dalawang pulis lamang ang kaniyang kasama para hindi mahalata na may mga kasama siya sa hotel room. Ayaw niyang malaman ng mga kidnapper na tumutulong sa kaniya ang pulisya. Napaahon siya mula sa sofa. Kanina pa malakas ang tambol ng kaniyang dibdib. Hindi siya mapakali, sa tuwing sinusulyapan niya ang kaniyang relo ay mas lalo lamang siyang nababalisa. Kailan ba siya tatawagan ng kidnapper?! Lumipas pa ang ilang oras, wala pa rin siyang natatanggap. Nakapaghapunan na ang kaniyang mga kasama pero wala pa rin tawag o mensahe lamang na pumapasok sa kaniyang notification. “Sh*t.” Hanggang sa maghating-gabi, wala pa rin tumatawag. Nanlalamig na ang kaniyang mga kamay ngunit wala pa rin nangyayari. Tumayo ang kasama nilang pulis, nakita niyang may itinitipa ito sa cellphone. “May natagpuan na bangkay sa kalsada na papunta sa airport.” Balita
Madilim ang buong mansyon nang pumasok siya. Nakapatay ang ilaw sa baba, ngunit bukas ang ilaw sa dalawang mas mataas na palapag.Naningkit ang kaniyang mga mata habang binabaybay ang pasilyo paakyat ng marmol na hagdan. Tila alam na niya kung ano ang sasalubong sa kaniya pagpasok niya ng mansyon.Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at hinanda ang sarili, pinanatili niya ang inosinteng ekspresyon ng mukha.Nang makapasok siya, bumukas ang mga ilaw at nagsigawan ang mga tao.“Surprise!” Sabay-sabay nilang sigaw.Kahit na alam naman niya ang mangyayari, nagulat pa rin siya nang makita ang mga taong naghihintay sa kaniya.Sumabog ang mga confetti dahilan para maghiyawan muli ang mga kasambahay.“Happy birthday!” Sigaw nila.Mabilis na umangat ang sulok ng kaniyang labi at nanubig ang kaniyang mga mata.“Grazie mille!” Hinawakan niya ang kaniyang dibdib para ipakita na nagpapasalamat siya ng buong puso sa inihandang surpresa para sa kaniya.“Happy birthday, Bella.” Lumapit si Alhaj sa k
Tumayo si Athalia sa upuan at inabot ang kaniyang batok para hilahin siya. Hinalikan nito ng mariin ang kaniyang pisngi.“Mahal kita, Ina.” Saad nito sa matigas na tono.Minsan ay naiintindihan naman ni Athalia at Niccolò ang kaniyang mga sinasabi kahit na nagtatagalog siya, ngunit Englis pa rin ang kanilang unang lengguwahe.Pangalawa ang Italian, at panghuli na ang Filipino.Medyo magulo ang nakagisnan ni Athalia at Niccolò, pero nakikita niyang pinaghuhusayan ng dalawa na matuto sa mga lengguwahe lalo pa't multilingual ang tahanan nila.Gusto niyang turuan ng Filipino ang kaniyang mga anak, pero baka mas lalong mahirapan lamang ang dalawa kung sabay-sabay na aaralin ang Englis, Italian, at Filipino.Kumuha na sila ng tutor para sa mga bata para mapabilis ang kanilang pag-aaral ng Italian, ngunit mas madalas pa rin an Englis sa kanilang normal na pag-uusap.“Mahal na mahal ko rin kayo, Athalia. I love you so much. You’re my greatest treasure.” Siya naman ang humalik sa pingi nito. S
Tiningnan niya ang itinuturo ni Athalia. Nakita niya ang isang batang nasa may gitnang bahagi ng pool, malalim na parte na iyon. Umawang ang kaniyang bibig at mabilis na tumakbo palapit sa pool. Walang pagdadalawang-isip siyang tumalon sa pool para tulungan ang batang nalulunod. Nag-iiyakan na sila Athalia dahil sa takot. Samantalang lumangoy siya palapit sa batang nalulunod. Nang maabot niya ang batang lalaki, iniangat niya ito para makahinga. Yumakap ito sa kaniya at sa kagustuhan na makaangat at makahanap ng hangin, siya naman ang naitutulak nito pailalim. Malalim ang parteng iyon kaya hindi umaabot ang kaniyang paa sa tiles ng pool. Hindi niya magawang umahon dahil naitutulak siya ng batang lalaki. Nauubusan na siya ng hangin at lakas. Tumalon din si Alhaj nang makitang nahihirapan siyang tulungan ang bata. Saka lamang siya nakaahon nang mahawakan ni Alhaj ang batang lalaki. Si Alhaj na ang humila sa bata patungo sa mas mababaw na parte. Umubo siya ng ilang beses, par
“Bella.” Marahan na tawag ni Alhaj.Malayo ang kaniyang tingin habang yakap ang kaniyang sarili.Nilingon niya ang lalaki at nakitang nakaroba na ito. Madalas kasi ay hindi ito nagsusuot ng damit kapag natutulog, tanging boxer lamang.“Did you had a bad dream again?” Nag-aalala nitong tanong.Umiling siya bilang sagot sa tanong nito.Naglakad palapit sa veranda si Alhaj kung nasaan siya, ngunit nanatili ito sa may pinto at hindi tuluyang lumapit sa kaniyang kinauupuan.“Bakit gising ka pa?” Tanong nito.“I visited the twin's room.” Sagot niya.“Nag-aalala ako sa kanila.”Ibinalik niya ang tingin nakahilerang mga batong bahay hindi kalayuan sa kanilang tahanan.“They will understand, Bella. Hindi pa maayos ang kalagayan mo, and they knew about your situation. Athalia and Nics are wonderful kids, matalino at mabilis na makaunawa.” Kumento nito.Hinaplos ni Alhaj ang kaniyang braso at marahan na pinatakan ng halik ang gilid ng kaniyang buhok.Nakita niya ang pag-aalala ni Athalia at Nicc
“Bella?” Kumunot ang noo ni Alhaj sa kaniyang pagkakatulala.“Maybe I should start to teach Athalia and Niccolò how to speak Tagalog? Magaling na sila sa Italian, fluent naman sila sa English, kaya baka pwede ko silang paunti-unting turuan ng Tagalog?”Kumunot ang noo nito.“No.” Matigas na sagot ni Alhaj.“It would only confuse them, Bella. Kuryuso lamang si Athalia sa mga salita mo kaya iyon nagtatanong kay Felipa. But you don’t have to teach her how to speak our language, hindi na muna. Baka mas lalong mahirapan ang mga bata kung maraming salita ang ituturo sa kanila.”“But—”“Enough, Bella.” Putol ni Alhaj, gusto nang tapusin ang diskusyong iyon.He’s been a good father to our children. But… why is he so afraid to introduce our culture and language to our children?Napaiwas siya ng tingin.Matagal na niyang napapansin na tila binabago ng husto ni Alhaj ang pagkakakilanlan ng kanilang mga anak. Ayaw na ayaw ni Alhaj na magkwento ang mga kasambahay na Pilipino tungkol sa kultura sa
Umalis din si Archie pagkatapos ng saglit nitong pagbisita sa kaniya. Sa sobrang inis ay itinapon niya ang pagkain sa sahig.Bakit ba hindi na lang nito tapusin ang paghihirap niya?! Bakit kailangan na paulit-ulit siya nitong durugin?Gusto ba talaga nito na unti-unting sirain ang kaniyang katinuan?!Dahil sa matinding frustrasyon, itinapon ni Yvonne ang lahat ng gamit sa ibabaw ng mesa. Sumisigaw siya at minumura ang pangalan ni Archie.“You b*st*rd! How could you f*ck*ng do this to me?! Why don’t you just k*ll me?!”Noong umalis si Archie at naiwan siya, para siyang pinapatay sa bawat araw na lumilipas. She couldn't live without him.Hindi niya kaya na mawalay kay Archie. Kahit na alam niyang maaari siyang bumagsak kasama nito sa putikan, wala siyang pakialam basta’t kasama niya lang ito.Pinakansela ng kaniyang ama ang kanilang engagement kahit pa sinabi niyang pakakasalan niya si Archie hindi dahil sa naging kasunduan ng kanilang mga pamilya, kung hindi dahil mahal na mahal niya i
Ang katotohanan na hindi siya kayang pakawalan ni Archie ay mas lalong nagpahirap sa kalooban ni Yvonne.Nobody was able to find her. Hindi nalaman ng kaniyang Mommy, ni Agatha, ni Luna, o ni Ysabela kung nasaan siya. Isang araw pagkatapos maconfine sa ospital, dinala siya ni Archie sa isang abandonadong bahay na nabili nito sa Isabela.Dalawang palapag iyon. Luma na ang mga gamit, ngunit maayos pa naman ang buong bahay. Ang desinyo ng bahay ay hango sa impluwensya ng mga Kastila. Parang daang-daang taon na ang tinagal ng bahay dahil na rin sa wala iyong tao at matagal nang hindi tinitirahan.May kasama siyang isang katulong, ngunit sa gabi umuuwi ito dahil narito sa bahay si Archie.Dalawang gabi na siya rito. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ni Archie para gawin ito sa kaniya.Pagod na pagod na siya kay Archie. Kahit na nasa bahay ito ay hindi siya nakikipag-usap. Buong akala niya, dinala siya nito para pagsawaan na naman ang kaniyang katawan, ngunit dalawang gabi na ay hindi s
There's an unexplainable feeling inside her. Kahit na labag sa kaniyang loob, hindi siya tumutol nang ilipat siya ng mga nars sa isang private room. Puno ng katahimikan ang silid nang dalhin siya ng dalawang nars sa pribadong ward. Kakaiba ang tibok ng kaniyang puso. Mabagal, ngunit masakit. Ang galit ay nasa kaibuturan nito at isinusumpa ang pangalan ni Archimedes Garcia. Kagaya ng kaniyang inaasahan, pagkaalis ng dalawang nars ay saka naman pumasok si Archie. Nakapamulsa ang lalaki. Bago na ang damit nito at maayos na ang hitsura. Naglakad ito palapit sa kaniyang higaan at sinipat siya ng tingin. If there’s another life, if resurrection is true, I'd rather die young than be engaged with this man again. Bulong niya sa hangin. Mas pipiliin niyang isumpa at kamuhian ang lalaking ito, kaysa ibigin. Ang minahal niyang Archie ay malayong-malayo sa Archie na nasa kaniyang harap. The man in front of her is no longer a human. He must be the devil. “Does it still hurts?” Tanong nito n
Nagising siya na nakahiga na siya sa hospital bed. May bali sa kaniyang paa, may sugat siya sa tuhod at mga kamay. Kaya nang magising siya ay napansin niya ang benda sa kaniyang paa at ang ilang sugat na ngayon ay nagamot na ng mga nars.Nasa public ward siya, kasama ang ilang pasyente.Sinubukan niyang maupo, pero sobrang sakit ng buo niyang katawan na mahirap para sa kaniya na bumangon.Lumapit ang isang matandang babae, tinulungan siya nito.“Mabuti naman at nagising ka na.” Nakangiting sabi nito.Pilit siyang ngumiti at nagpasalamat sa pag-alalay nito sa kaniya.“Hindi na bumalik iyong waiter at manager na nagdala sa iyo rito. Hahanapin daw nila ang cellphone mo sa restaurant para matawagan ang pamilya mo.” Imporma ng ginang.Natigilan siya.Parang may kakaibang lamig sa kaniyang tiyan na siyang dahilan kung bakit gusto niyang masuka. Naalala niya ang nangyari sa restaurant, kung paano siya sinugod at sinaktan ni Lindsy at hamakin ni Archie.Tiningnan niya ang kaniyang mga daliri.
Tila wala pa rin pakialam si Archie kahit na nasa labas si Lindsy. Ngumisi ang lalaki nang makita ang labis niyang pamumutla.Hindi pa rin tumitigil si Lindsy sa pagkatok sa pinto.“I’m gonna break it!” Rinig niyang sigaw ni Lindsy mula sa labas.She’s a woman with class. She has been a respectable and honorable lady in a society.Mataas ang antas ng kaniyang pinag-aralan. Galing siya sa isang mayaman at respetadong pamilya. Kung makakapasok si Lindsy at makikita siya kasama si Archie, alam niyang hindi na niya maitatago ang mga sikreto niya sa dilim.Binitawan siya ni Archie. Umatras ito at napailing sa kaniya. Ramdam ni Archie ang kaniyang panginginig at takot.Archie scoffed.Mapang-insulto itong tumingin sa kaniya. Isang hakbang lang ay naabot na nito ang kaniyang bewang at hinalikan siya ng mariin.Napasinghap siya. Itinulak niya ang dibdib ni Archie, ngunit ayaw nitong lumayo.Biglang bumukas ang pinto.Nasa ganoon silang eksena nang makita sila ng mga staff at ni Lindsy. Agad n
Naibalik na niya sa loob ng kaniyang bag ang mga cosmetics nang biglang bumukas ang pinto. Nilingon niya iyon at agad siyang natigilan nang makita kung sino ang pumasok. Archie's eyes were obviously aggressive. Agad na kumabog ang kaniyang dibdib nang magtama ang kanilang tingin. Napalunok siya, nagbaba siya ng tingin at mahigpit na hinawakan ang kaniyang bag. Handa na siyang umalis, pero humarang si Archie sa kaniyang dinaraanan. Sinipa muli nito ang pinto at sumara iyon. Umatras ang lalaki at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang ini-lock nito ang pinto. “What the h*ck are you doing, Archie?” Taranta niyang tanong sa lalaki. Nagtaas ng kilay si Archie. Humakbang ito palapit sa kaniya, kaya napaatras siya. Patuloy ito sa paglapit hanggang sa maramdaman na lamang niya ang malamig na lababo sa kaniyang likod. Tumigil siya, alam sa kaniyang sarili na hindi na niya matatakasan si Archie. Itinaas nito ang isang kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi. May kakaibang emosyon sa mg
It was hard to persuade Agatha at first, but eventually, she agreed.“But if there’s anything critical in the company, we need another opinion from a professional person before we finally make a decision.” Ani Agatha.Tumango siya at ngumiti. Nauunawaan niyang hindi pa gaanong confident si Agatha sa pagbabalik nito sa business world.“Ang mahalaga, kasama kita sa paggawa ng mga desisyon para sa kompanya. I really need your help now.” Nakangiti niyang saad sa babae.Ang tanging dahilan lang naman kung bakit natatakot na ang mga investor at stock holders ay dahil sa kagagawan ni Archie. Kung susundin niya ang gusto ng lalaki, hindi na nito gagalawin ang kanilang kompanya.Hindi pwedeng mabankrupt nang tuluyan ang kanilang mga negosyo. Lalo pa ngayon na nasa ospital ang kaniyang Daddy at kailangan ng sustento, dapat gumawa siya ng paraan na maging maayos ang pamamahala sa kompanya habang nililibang niya ang d*m*ny*ng may kagagawan ng lahat ng kanilang paghihirap.Wala sa sariling napatin
Maliban kay Ysabela, si Agatha ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Yvonne. Magpinsang buo sila, ang ina ni Agatha ay kapatid ng ama ni Yvonne. Halos sabay silang lumaki at hindi mapaghiwalay noong elementarya, ngunit dahil sa ibang bansa nagkolehiyo si Agatha, nawalan sila saglit ng koneksyon.Nitong nakaraang taon lamang sila ulit nagkita dahil bumalik ang babae para sa engagement nito. Mabuti at walang nagbago sa kanilang relasyon. Malapit pa rin sila sa isa’t isa.Nang makarating si Agatha sa restaurant ay nalukot agad ang maganda nitong mukha nang makita ang kaniyang buhok.Sinubukan niyang ngumiti.“Did you cut your hair?” Tanong agad ni Agatha.Hinawakan niya ang kaniyang buhok at nagtanong, “Bakit? Hindi ba bagay sa akin?”“It looks different from before, but it looks good.” Sagot nito at saka naupo sa kaniyang harap.Maganda si Yvonne, ang kaniyang balat ay maputi ngunit hindi maputla. Natural na mapula ang kaniyang maliit na labi at ang magkabilang pisngi, matangos ang i
Hinaplos ni Lindsy ang likod ni Archie. Dahil wala itong suot na pang-itaas, nakikita niya ang mga peklat nito sa likod. Magaspang iyon sa kaniyang palad at halos hindi niya makayanan na hawakan. Naramdaman niyang nanigas si Archie dahil sa kaniyang haplos. Ang likod nito ay punong-puno ng nakakadiring mga peklat at naghilom na sugat. Kumpara sa nakakaakit na mukha ni Archie, ang likod hito’y hindi halos maatim na tingnan ng mga tao. Ang totoo, nandidiri rin si Lindsy sa mga naghilom na sugat ni Archie, ngunit hindi niya iyon ipinapahalata kay Archie. Ayaw niyang isipin nito na kagaya rin siya ng ibang tao. Dahil sa nakaraan nito, nagagawa niyang kontrolin at paamuhin si Archie. Alam niyang walang ibang tatanggap sa lalaki, kung hindi siya at ang kaniyang pamilya. Kaya para kay Archie, isa iyong malaking utang na loob. Archie was very skilled and he treated me very well. What else could I ask for? Bulong ng kaniyang isip. Maayos siyang itrato ni Archie. Maganda ang kanilang pagsa