STORM LAVISTRE NAKA UPO LANG AKO HABANG ang dalawang bisita namin na magkapatid ay kumakain. “Ibig sabihin kami talaga ang sadya niyo?” Tanong ni Azi dito at inabutan pa ang mga ito ng malamig na tubig. “Opo, ‘yun po kasi ang utos po sa amin..” sagot ng batang babae. “Ano ito?” Tanong ni Vlad at akmang kukunin ang papel agad ito kinuha ng batang babae. Natawa naman ako dahil ayaw talaga nito basahin pa. “Pakainin mo muna kasi..” sagot ko at sumandal ako. Napa lingon ako ng dumating na si Hanz, YJ, Kenneth at Kurt at si Blake. “By the way, Andrea siya ang asawa ni Flame..” kinalabit ko ang batang babae at tinuro ko si Blake na papasok pa lang. “Siya nga po yung nasa picture!” Wika ni Andrea at agad binaba ang hawak nitong kutsara at may kung anong hinanap. Nang makuha nito ang litrato tinapat pa nito ang papel na ‘yun sa mukha ni Blake. “Kayo po ang asawa ni Ate Flame diba po?” Tanong ni Andrea, nang ngumiti si Blake at tumango, agad itong lumapit at may kung anong inabot. “Ito
Read more