FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAPA LINGON AKO ng dumating na sila Francine at ang iba naming pinsan. Katatapos lang namin halos kumain ng tanghalian, hinayaan ko ang mga bata na na magtampisaw sa gilid ng dagat kasama ang mga Yaya nila. Naka bantay naman dito sila Damon at Azi kaya hindi ko kailangan matakot. “Hanggang dito ba naman naka suot ka ng regular mong suot? Mag pa-sexy ka naman, Flamie..” puna sa akin ni Emerald. Inalis ko ang tingin ko dito bago sumagot. “Mamaya na o bukas. Naglilibot pa kami mamayang gabi kaya wala akong plano pa ngayon lumusong sa tubig..” sagot ko dito kahit wala naman connection yung sagot ko sa sinabi nito. “Ay sasama kami mag night shopping kayo?” Tanong ni Ingrid. Tumango lang ako at hindi na ako umimik pa, hinayaan ko na lang sila mag usap-usap hanggang mag paalam sila upang pumunta sa mga kwarto nila. “Hon, okay ka lang ba? Tahimik ka,” tanong ng asawa ko. Yumakap ito mula sa likod ko. Nilingon ko ito, “Oo naman ano, pagod lang ako kaya
Read more