FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA PAGDATING KO SA MANSION BUMUNGAD sa akin ang mga mukha ng dalawa sa pinsan ng asawa ko. “Anong nangyari sa inyo?” Hindi ko maiwasan na hindi mag tanong dahil sa naabutan ko. Tiningnan ko si Mommy Aaliyah. “Nag suntukan sila dahil kay Francine..” sagot ni Mommy. Nag mano ako dito at humalik ako sa pisngi ni mom. Dahil sa narinig ko hindi ko maiwasan hindi mairita at mag salubong ang kilay ko. “Bakit? Dahil ba ito sa nangyari parin? Hindi ba kayo marunong mag move on?” Tanong ko sa dalawang lalaki. “Patawag mo nga anak si Francine..” utos ni mom sa akin, humawak pa ito sa balakang ko. Umiling ako at nag salita. “Hindi na po kailangan, kung nandito si Francine baka ano lang mangyari..” magalang kong sagot. Umupo ako at nag salita. “Kayong dalawa. Ano ba talaga plano niyo? Alam niyo ba bakit hindi ako nagsasalita laban sa inyo? Dahil pinsan kayo ng asawa ko, ang pangalan ko ay nakaka-kabit na rin sainyo at dala ko ang apelyido ninyo, pero itong p
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Mag iingat ka lagi Hon, kung kailangan mo ng tulong tumawag ka agad sa akin pupuntahan talaga kita..” paalala ng asawa ko sa akin. Lalo ko niyakap ang asawa ko, nandito kami ngayon sa viranda ng kwarto namin ang mga bata naman ay tulog na dahil gabi na. Sa nagdaang taon ni isang beses hindi ko narinig ang asawa ko na nagalit sakin dahil sa mga ginagawa ko. “Kaya mas ginu-gusto ko manatiling buhay dahil sa inyo nila kuya at ng mga bata..” sagot ko tumingala ako at nginitian ko ang asawa ko. Ngumiti ito sa akin. “Yang ngiti na ‘yan kung hindi mo ako pinakasalan o hindi ka pumayag? Hindi ko ‘yan makikita kahit kailan. Sigurado ako na mi-missed understand kana ng mga kaaway mo dahil hindi mo kasi ako pinapansin..” natawa naman ako at kinurot ko ang tagiliran nito. “Mas mainam na ‘yun kesa napaka sweet sa labas, saka mas okay na ito dahil kapag naka kita sila ng butas sa akin gagamitin nila ‘yun..” paliwanag ko. Niyakap ako ng asawa ko ng mahigpit
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE “Ang unang atake ay ilabas ang mga papeles na ito na magnanakaw si Albert sa kaban ng bayan.” Utos ko at nilingon ko ang dalawang babae sa gilid ko na naka tayo din. Ako na ang umako ng gawain na ito dahil may ibang ginagawa ang iba. Si Flame? Hindi ito kikilos agad gusto niyang ipa-ubaya sa amin itong gawain na ito dahil alam narin namin ang gusto niyang mangyari. Ganun parin tulad ng dati ang atake namin, hanggang lumabas ang mga kalaban sa pinag tataguan nila. “Gagawin na po namin boss..” sagot ni Alice at Mika. Tumango ako at napa lingon ako ng makita kong pumasok si Antonio. Napa lingon ito sa monitor at doon ko nakita ang gulat sa mata nito.. “Bagong kalaban ba sila Boss Vlad?” Tanong nito sa akin. Nag cross-arms ako bago mag salita. “Hindi gusto lang ni Flame ilabas ang baho niyan..” sagot ko. Tumango naman ito. Akala ko tapos na ito mag salita pero nag salita parin ito. “Bakit ho ba kayo nag aaksaya ng oras sa mga politiko?” Tanong nito. “Dahi
THUNDER LAVISTRE “Hawak ng mga kriminal na Mafia ang panganay kong anak! Mga walang pusong mafia! Kahit inosenteng tao——” hindi ko ito tinapos pero nanatiling naka open ang tv. “Mika, ibagsak mo ang nakuha niyong info tungkol sa anak ni Albert..” utos ko dito.. Wala si Flame dahil iba ang ginagawa nito kaya sa akin naka toka ang gawain sa anak ni Albert. “Opo boss!” Sagot nito kaya naman muli akong tumingin sa screen ng tv. Naka plastar ang mukha ng nakaka bata kong kapatid sa tv na lalong kina kuyom ng kamao ko hanggang biglang tumigil ang lahat. “Anong nangyayari?!” Tanong ko kay Mika. “Nasa tv si Flame!” Wika ni Damon nagka dapa-dapa pa ito sa pag takbo papasok sa loob ng underground. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. “Ano?! Nababaliw na ba siya?! Ano ba talaga ginagawa niya?” Halos sumigaw na ako sa gulat. “Pupuntah——” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang sumingit ang mukha ni Luther sa screen. “Pabayaan niyo siya, gawin niyo ang plano..” utos nito, nakita ko na
STEVE MORGAN Napa tayo ako ng napanood ko ang nangyari sa Maynila. “Ang kaibigan ko..” bulong ko. Hindi ko maiwasan hindi malungkot dahil sa isa isa na nawala ang kaibigan ko. Nagising ako sa pag iisip ng mag ring ang cell phone ko kaya agad kong kinuha ito at sinagot. Si Boss Flame ang tumawag sa akin, “Huli man para sabihin ito, pero sasabihin ko parin hindi ko gusto mawalan ka ng kaibigan kung galit ka sa akin tatanggapin ko..” wika nito at binaba na ang tawag nito sa akin. “Hindi ako galit nagulat lang ako..” bulong ko at binaba ko sa gilid ng inuupuan kong sofa ang cellphone ko. Muling umilaw ang cellphone ko at binasa ko ang nag text sa akin. “Kaya pa siyang mabuhay, dahil hindi ito napuruhan ng tauhan ko. Ngayon bubuhayin ko siya pero gusto ko ikaw ang kumausap sa kanya tutal matagal kayong mag kasama bilang magkaibigan..” malakas kong basa sa text ni Boss Flame. Nag reply lang ako ng pasasalamat. Alam ko may pagkakataon pa na mag bago si Charles, nasaktan lang siya sa pag
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAPA LINGON AKO ng dumating na sila Francine at ang iba naming pinsan. Katatapos lang namin halos kumain ng tanghalian, hinayaan ko ang mga bata na na magtampisaw sa gilid ng dagat kasama ang mga Yaya nila. Naka bantay naman dito sila Damon at Azi kaya hindi ko kailangan matakot. “Hanggang dito ba naman naka suot ka ng regular mong suot? Mag pa-sexy ka naman, Flamie..” puna sa akin ni Emerald. Inalis ko ang tingin ko dito bago sumagot. “Mamaya na o bukas. Naglilibot pa kami mamayang gabi kaya wala akong plano pa ngayon lumusong sa tubig..” sagot ko dito kahit wala naman connection yung sagot ko sa sinabi nito. “Ay sasama kami mag night shopping kayo?” Tanong ni Ingrid. Tumango lang ako at hindi na ako umimik pa, hinayaan ko na lang sila mag usap-usap hanggang mag paalam sila upang pumunta sa mga kwarto nila. “Hon, okay ka lang ba? Tahimik ka,” tanong ng asawa ko. Yumakap ito mula sa likod ko. Nilingon ko ito, “Oo naman ano, pagod lang ako kaya
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA SUNOD NA ARAW tulad ng napag usapan nag Island Hopping kami dito. Sumakay lang kami ng bangka, marami kami kaya marami din ang na rentahan namin. Ang mga dalaga sa pamilya namin ay nag kanya kanya naman silang post sa kanilang social media account na hinayaan ko na lang. ACE LUTHER BLACK TUMAYO AKO ng mainis ako sa pag mamakaawa ng lalaking ito sa harapan ko. “Nakikiusap ako Mr. Black huwag mo naman ako gipitin ng ganito mag babayad naman ako..” pakiusap nito. “Alam mo para maka bayad ka sakin, maganda mong gawin? Ibigay mo sa akin ang anak mong panganay na babae. Siya na lang ang gawin mong bayad sa akin..” mahabang paliwanag ko dito. “Huwag ka mag alala hindi ko naman siya pakakasalan. Magiging katulong ko lang siya dito sa bahay lahat ng sasahurin niya sa akin ay bayad sa utang mo..” dagdag ko at tumalikod na ako. “Pag isipan mo..” huling wika ko at umalis na ako agad. Sumakay ako ng sasakyan ko ng makalabas ako. “Boss handa po ba talag
BLAKE SHIN DELA VEGA MAAGA pa lang umalis na kami ng asawa ko. Dahil ayaw ng asawa ko na kasama ang mga bata na mamili. “Hon? Tingin ko susunod pa rin sila sa atin..” pag kausap ko sa asawa ko. Tulad kahapon nag rent lang kami ulit ng sasakyan, dahil wala naman kaming dala. Actually ‘yun ang mali ng grupo pwede naman basta naka barko kami. “Hindi naman talaga ako nag expect na hindi sila susunod. Susunod talaga sila mas lalo si Damon, isasama pa niya mga bata niyan.. kinakatakutan ko lang ay baka naman hindi na naman niya lagyan ng saplot ang ilan sa mga bata..” sagot ng asawa ko. Hindi ko maiwasan hindi matawa ng maalala ko nangyari noon. Bigla kasi ni Damon sinama mga bata sa grocery ng hindi man lang suotan ng kahit brief man lang ang anak kong si Cloud at Pyrrhos. “Naalala ko yung nangyari years ago. Hindi ko talaga maiwasan hindi batukan si Damon..” natatawa kong kwento. Nakitang tumawa ang asawa ko at umiling ito. “Nakakahiya ang ginawa niya nakarating anak natin sa grocery
AVA OLIVIA LEVESQUE MASAYA AKO DAHIL binigay sakin ni Miss Flame ang kasal na dapat para sa akin. Ganun din kay Earl kahit na alam niyang takot ako sa kanya, nagawa niyang mahinga soft sakin. Hindi ko maitago ang tuwa sa labi ko habang inaayusan ako ng mga pinsan din ni Boss Flame. Sila na ang nag ayos sa akin ngayon, “Yan ang ganda mo na lalong buntis!” Wika ni Ingrid sa akin na kina ngiti ko. Ang gagaling nila mag make up at mag ayos nag mukha na akong tao dahil sa ginawa nila. “Thank you so much..” pasasalamat ko at ginawa nilang naka taas ang buhok ko para hindi ako naiinitan mamaya sa seremonya. “Si Miss Flame?” Tanong ko dito. “Ayun lang, hindi pa daw nakaka uwi, hayaan mo ‘yun lagi lang wala agad pero darating siya..” naka ngiting wika ni Emerald at inayos nito ang buhok ko. “Sanay na talaga kayo sa kanya ano?” Tanong ko sa kanila. Nakangiting tumango silang dalawa bago sumagot si Emerald. “Yes, ganun kasi ang love language ni Flame, i mean hindi talaga siya nagsasalita
FLAME MORJANA LAVISTRE - DELA VEGA Hindi ko alam bakit kailangan ko sumama sa mismong simbahan dahil kailangan nila ito makita at makapag insayo si Ava na mag lakad. Sinuggest namin na huwag na ito mag heels para komportable siya na mag lakad, pumayag naman ito. Lahat sila naka tayo ako naman naka upo lang habang pinapanood itong mag lakad. “Hon, ano ba ‘yan tumayo ka..” suway ng asawa ko. Nilingon ko ito ng may pagka bored sa mukha ko na kina tawa nito. “You know, i hate this right? Saka bukas pa naman ang kasal i know how i can act..” sagot ko na kina iling nito. Hindi ko narinig itong sumagot hanggang salubungin ito si Earl at nag lakad patungo sa mismong altar. Matapos na nito nakinig sila sa sasabihin ni father at ng kinuha nilang organizer. Nakaupo lang ako sa huli ng upuan sa likod palabas ng pinto. Nakatingin ako sa labas actually, natatakot ako para bukas dahil alam ko na aatake si Dylan kaya kahit ayaw pumunta sa kasal wala akong choice i want to make sure na safe si Av
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA KINAUMAGAHAN NAGISING ako na masakit ang ulo ko. “Mabuti naman at nagising kana?” Narinig kong tanong ni Ate Sky. “Mga bata ate?” Tanong ko dito at dahan dahan akong bumangon. Imbes na sagot ang natanggap ko, isang malakas na kaltok ang ginawa nito. “Ano pumasok sa isip mo at nag lasing ka ha?!” Tanong nito. “A—aray! Ang sakit non!” Daig ko habang kina-Kinamot ko ang ulo ko, “Hindi ko intensyon na mag lasing! Ininom ko lang yung isang baso na ganito lang ang sinerve sakin!” Minustra ko pa sa kamay ko. “Malay ko ba na ang lakas nun maka lasing ng tao?!” Tanong ko dito. Pinang hilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. “Hay naku, sinabihan mo pa ang asawa mo na hindi mo siya asawa? Hay naku Flamie!” Napanganga ako sa sinabi nito. “Sinabi ko ‘yun?! Asan asawa ko?!” Tanong ko dito. “Yan! Now you’re back to your senses! Nasa baba pinag lulutuan ka ng soup para sa hangover mo..” sagot nito at lumabas na ito ng aming kwarto. Nang mag s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA MAAYOS NA NAMIN na-idaos ang bagong taon, dalawang linggo na ang lumipas nag back to normal na ulit ang lahat. Pero hindi ko pa pina-patanggal ang mga dekorasyon sa safe house. Ngayon naman ay nasa dating bahay ako namin dahil ako mismo ang nag check kung maayos ba nila nagagawa ang trabaho. Agad itong sinimulan ng tauhan ni Opal at ng mga pinsan ko, nag bagsak na ng mga gagamitin tulad sa safe house ang gawin dito gusto ko ito gawing matibay dahil para na rin sa mga taong titira mas lalo at dadami ang bata sa pamilya. “Miss Flame?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ava. “Just Flame don’t use Miss from now on.. and that’s the command..” utos ko dito at pinatigil ko ito dahil delikado para sa kanya ang maka lapit pa sa pwesto ko. “Nasabi sakin ni Earl kung pwede ba na mag tayo din kami ng bahay sa property mo. He feel safe kasi kung doon kami titira kesa sa bahay niya..” sagot nito at pagtatanong nito. “Okay wala sakin problema ‘yan
THUNDER LAVISTRE Napa buntong hininga ako at ang asawa naman ni Flame ay umiiling na lang, pinahatid ko na kay Storm at Damon ang mga pinamili sa grocery dahil pagkain ito at may mga karne pa. Pumasok kami sa isang parang maliit na mall, hindi ko sigurado kung ano ang tawag dito. 167 Cybermart ang pangalan nito. “Maganda ito oh? Gagawin natin floor mat para kapag nag play ang mga bata.” Wika ni Flame at nakita ko ang presyo nito. “Nasa 285 ang isang ito..” sagot ko at pinakita sa kapatid ko. “Kuya ka ng apat kuya Thunder..” nakangiting utos ng kapatid ko kaya kumuha ako ng gusto nito. Napa lingon ako kay Demitri na galing kung saan..“May second floor pa pala puro appliances ang nandun tingnan niyo..” wika nito kaya agad sumunod si Flame kaya sumunod din ako. Natawa na lang ako kay Blake napapagod na ang isang ito kaya napapakamot na lang ito ng ulo. “Ang dami ditong gamit sa bahay, Love may couch..” turo ni Flame at humawak na ito sa braso ng kanyang asawa. Lumayo naman ako s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA DALAWANG ARAW NA LUMIPAS, NAKAUPO AKO SA HARAP ng lalaking nakabuntis kay Madrid. “Kilala mo ang babaeng ito?” Tanong ko at pinakita ko ang litrato ni Madrid. Nang makita nito ang mukha ni Hailey agad itong umiwas ng tingin. Saktong bumukas ang pinto at niluwa nito si Madrid kahit hirap pa ito nagawa nitong mag lakad patungo dito. “Siya ba?” Tanong ko kay Madrid. Tiningnan nito ang lalaki ng maigi. “Oo pero hindi ko kailangan ang lalaking ‘yan. Ang tangi ko lang na gusto ngayon at si Th——” pinutol ko ito at nag salita ako. “Kahit mas matanda ang kapatid ko sa akin, sa sitwasyon na ito ako ang mag dedesiyon. Hindi aakuin ni Thunder ang pinagbubuntis mo, kung patay na ang ama niyan papayag ako pero kung hindi? Hindi ako papayag..” paliwanag ko dito. Nilingon ko ang lalaki. “Ikaw, hindi naman put* si Madrid kaya hindi masasabi na sa ibang lalaki pa ‘yan kung bibilangin tutugma ito ng may nangyari sa inyo..” wika ko sa lalaki. “Ano?! Eh hindi ko n
THUNDER LAVISTRE Matapos ang bonding kahapon kasama namin si Seth ngayon hinatid ito kasama si Adele at ang baby nito sa bahay. Nandito din sila uncle at Don Santiago kasama nito ni Prince. Buhat ko si Seth na hawak nito ang regalo ko, “Kuya paki baba naman ang anak ko..” utos ni Flame kaya binaba ko ang bata. “Halika may isusuot si Mama sayo..” naka ngiting tawag nito sa kanyang anak. Nakita ko na sinuot nito ang isang necklase na chained na gold. “Kapag may ganyan ka meaning anak na kita okay? Mama mo na talaga ako..” narinig kong wika ni Flame na kina ngiti ng bata at yumakap pa ito ng mahigpit. Magsasalita pa lang ako ng may nag sigawan sa labas. Kaya agad akong napa tayo at lumabas ng gate. Nakita namin nag kaka gulo ang mga tao. “Anong meron kuya?” Tanong ni Storm at Flame. “Hindi ko alam eh..” sagot ko at nakita ko isang lalaking sugatan. “Ano po nangyari?!” Tanong ko sa kanila. “Natamaan ng ligaw na bala at yung isa paputok!” Sagot ng lalaki. “Kuya kunin mo na ang sas
STORM LAVISTRE PAG BALIK NAMIN SA SAFE HOUSE nakita ko ang pamilyar na sasakyan. “Kumalma ka Storm..” inakbayan ako ni Blake na kina lingon ko. “Bakit nandito siya?” Tanong ko dito. Bumuntong hininga ito at tumigil sa pag lakad. “Nakiusap ako kay Vlad na puntahan si Thunder para makapag usap ang mag kapatid. I know galit ka parin pero pwede ba ako na nakikiusap? Mag ayos muna kayo ngayon, kahit hanggang bagong taon lang? Para na lang sa mga bata at asawa ko?” Nakikiusap nitong paliwanag. “Storm, hindi ko sinasagasaan ang nararamdaman mo sana alam mo ‘yan pero hindi kaya na makita ang asawa ko na ang mga mata ay malungkot. Ang mga bata ay nag hahanap. Kaya please nakikiusap na ako..” pakiusap nito sa akin. Huminga ako ng malalim at tumango. “Okay gagawin ko, pasensya na..” pag hingi ko ng paumanhin at pag payag ko.. “Thank you.. tara na kakain na tayo..” aya nito at pumasok na kami sa loob. Nauna ito. “Tito Storm magbubukas na po kami ng gift?” Tanong sa akin ni Hermoine. Umili
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BIGLAAN ANG GINAWA KONG PAG IWAS kay kuya Thunder. Pero nasasaktan din ako kaya ko nagawa ito, kailangan ko parin ba maging selfless kung nasasaktan na ako? Hindi ba pwede na kahit minsan unahin ko muna sarili kong pakiramdam? Umiling ako at huminga ako ng malalim. Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng Christmas tree, nakabihis na ako dahil on the way kami ngayong gabi para mag simba at mamasyal mamaya. Hindi naman namin tatapusin ang misa ayaw din nila. Pinaandar ko ang wheelchair ko at lumabas na ako safe house. Deretso ako sa van at agad naman ako tinulungan ni Kuya Vlad at Earl na isakay sa loob. “Iwan niyo na lang kaya ako? Ayoko din naman mag simba..” wika ko, sa dami kong kasalanan bakit kailangan ko pa mag simba ano ito pakitang tao? “Flame mahirap maiwan kang mag isa dito..” wika ni Kuya Vlad. “Okay lang naman ako dito, mas komportable ako dito..” sagot ko dito. “Blake paano ito? Papaiwan na lang daw siya?.” tanong ni Earl sa asawa ko