STORM LAVISTRE NAKA UPO LANG AKO HABANG ang dalawang bisita namin na magkapatid ay kumakain. “Ibig sabihin kami talaga ang sadya niyo?” Tanong ni Azi dito at inabutan pa ang mga ito ng malamig na tubig. “Opo, ‘yun po kasi ang utos po sa amin..” sagot ng batang babae. “Ano ito?” Tanong ni Vlad at akmang kukunin ang papel agad ito kinuha ng batang babae. Natawa naman ako dahil ayaw talaga nito basahin pa. “Pakainin mo muna kasi..” sagot ko at sumandal ako. Napa lingon ako ng dumating na si Hanz, YJ, Kenneth at Kurt at si Blake. “By the way, Andrea siya ang asawa ni Flame..” kinalabit ko ang batang babae at tinuro ko si Blake na papasok pa lang. “Siya nga po yung nasa picture!” Wika ni Andrea at agad binaba ang hawak nitong kutsara at may kung anong hinanap. Nang makuha nito ang litrato tinapat pa nito ang papel na ‘yun sa mukha ni Blake. “Kayo po ang asawa ni Ate Flame diba po?” Tanong ni Andrea, nang ngumiti si Blake at tumango, agad itong lumapit at may kung anong inabot. “Ito
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Nakita ko si Flame na naka tayo lang ito at walang ibang ginagawa. “I told you babe.. hindi naman talaga siya nawalan ng memory..” wika ni Britney. “Kung totoo ang sinasabi mo dapat matagal na niya akong pinatay..” sagot ko at tiningnan ko ito malamig. “Fine kung ayaw mo maniwala! Edi wag! Huwag mo akong masisi-sisi!” Padamog itong lumabas ng sasakyan. Hawak na namin ang buong paaralan o hostage na namin ang hinihintay na lang namin ang mga pinsan ni Flame upang simulan na ang pakikipag laro. “Boss! May problema tayo..” wika ng kanang kamay kong si King. Nilingon ko ito at nag salita. “May nag hack po ng bank account niyo at nawala na po ang lahat ng pera niyo kahit kay Ma’am Britney!” Sagot nito at pinakita sa akin.. Napanganga ako ng makita ko na ni piso ay walang natira. “Ano sabi mo pati akin wala na?!” Tanong ni Britney. “Bakit nagulat kayo?” Napa angat ako ng tingin ng may mag salita sa labas ng gate. Nang tumayo ako at sumilip sa ibaba ng
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAGISING AKO SA SIKAT NG ARAW na pumapasok sa loob ng silid ko. “Mabuti naman at gising kana, ang mag ama mo nasa mansion pa de-deretso sila dito..” napa lingon ako kay Cindy ng mag salita ako. “Kumusta ka?” Tanong ko dito. Tiningnan lang ako nito at ngumiti. “Okay lang naman ako, bangon ka ng kaunti para maka-kain kana dahil alam namin na hindi ka pa nakaka kain ng maayos.” Mahabang paliwanag nito. Tumango ako at dahan dahan akong bumangon at umupo muna ako. Hinanda naman nito ang pagkain ko. “Sila Doña Amelia? Kumusta sila?” Tanong ko dito kinuha ko ang kutsara at tinidor. “Under na sila ng hospital huwag kana mag alala..” sagot nito tumango ako at sumubo ako ng sabaw na tingin ko galing ito sa mansion. “Si Thunder ang dala niyan halos ka-aalis lang din niya..” sagot nito tumango ako at kumain ako ng maayos. “Gising kana pala, ang pakiramdam mo kumusta naman?” Napa lingon ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Madrid dito. “Okay lang, masa
THUNDER LAVISTRE “Ang ganda naman dito? Mukhang tahimik dito ano?” Tanong ko kay Vlad habang ang kapatid ko naman ay kasama ang asawa niya at si Storm. “Oo pero, bakit mabaho?” Tanong nito sa akin. Nag kibit balikat ako hanggang makadaan kami sa isang daan na sa gilid may kulungan. Nang daanan ko ito pag sadya, nakita ko na may naka higang baboy dito. “Uy guys, may baboy dito na tulog ata ito..” tawag ko sa kanila agad naman sila lumapit. “Woah! Hi oink oink!” Bati ni Damon na kina simangot ko tiningnan ko pa ito ng masama. “What? Masama ba? Uy huwag tayo dito she’s resting..” tanong ni Damon nagulat kami ng tumayo ang baboy at nag ingay din. “Huwag ka manulak!” Hiyaw ni Earl kay Damon. “Nagulat ako tang*na ka!” Mura ni Damon kay Earl na kina tawa ko. HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA KAMI sa sinabi nilang bahay ng presidente dito. “Tao po?” Tawag ni Flame sa labas ng gate ng isang bahay. “Oy palaro mga boss..” napa lingon ako kay Damon at umakyat ito sa maliit na half court. “S
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGANANG MAKA UWI KAMI NG MANSION kagabi, agad kong pinatawag si Tan sa bahay ko. “Ma’am..” tawag nito sa akin.Tumayo ako at nag lakad ng naka pamulsa. “Ihatid niyo na lang ang mga bata sa school..” utos ko sa kanila bahala sila kung sino ang gusto kumilos.“Sumunod ka sa akin..” utos ko dito at nag tungo ako sa ikalawang palapag at dumeretso ako sa opisina ko o namin ng asawa ko.“Gusto ko ipaliwanag mo sa’kin ang nangyari.” Malamig kong utos dito at umupo na ako sa sofa.“Ma’am sorry po, nagipit po ako. Nag aaral po ang anak ko at yung bahay namin sira na po. Nahihiya naman po ako lumapit sa inyo..” lumuhod agad ito sa akin.Nakita kong pumasok ang asawa ko, “Ayaw pumasok ng kambal Hon,” nagkakamot nitong wika.“Why? May problema ba sila sa school?” Tanong ko agad sa asawa ko.Tumawa lang ito at umiling. “May topak..” simpleng sagot nito na kina tampal ko ng noo ko.Tumango ako at nag salita. “Tumawag ka na lang muna sa school para ipaalam..” nginiti
THUNDER LAVISTRE Matapos ang nangyari sa bahay namin agad kami nag tungo sa Mayor’s office. “Kumalma ka lang Flame..” bulong ko sa kapatid ko, si Damon at Azi ay kasama ng mga bata.. Hawak ko ang balikat ng kapatid kong babae, si Blake naman ay naka hawak sa asawa nito dahil kanina pa nangangatog si Flame sa galit. Ganito siya kapag hindi nailalabas ang galit niya. “Umupo po kayo..” wika ng babaeng sekretarya ng Mayor. Hindi ko kilala ito at kahit ang pangalan nito ay hindi ko na binasa pa. “Pakisabi sa mayor niyo pakibilis.. galing pa kami ng maynila.” Utos ni Flame na kina ngiwi ko. Hindi naman maiwasan na matawa ni Blake sa ugali ng asawa niya. “Kuya labas na ako ang sikip dito mabuti sana hindi tayo malaking tao..” narinig kong paalam ni Storm. Nilingon ko ito, “Ang mga bata baka ano na naman ang ginawa ni Damon at Azi sa mga ‘yun, kapag sila naiiwan sa mga bata hindi ko alam kung tao pa ba ang mga bata o hindi na!” Paalala ko dito. Tawa naman ng tawa ito, tinapik ako ni De
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA MAAGA PA LANG LUMUWAS NA KAMI ng Bulacan para makapag pahinga pa kami. Kung tungkol sa panganganak ko nasabi na noon na CS ako pero, nakaya ko naman ilabas ng normal ang kambal. Mahirap pero nagawa ko naman ito. Pinilit pa ng asawa ko na huwag ko ng pilitin na inormal dahil malaking bata ang illabas ko. Mabigat kasi ang kambal ng ilabas ko, pero sabi ko kaya ko. Muntik pa ako suntukin ni Madrid ng manganganak na ako dahil nga pwede. Nag tatalo pa kami sa loob ng OR, pero wala na silang nagawa ng ilabas ko na ang ulo ni Pyrrhos kaya normal ko itong nailabas. Yung CS na sinabi hindi na talaga ito nasunod, dahil din sa kaligtasan ng ulo ko. Nahirapan lang ako ilabas si Ai dahil siya ang bunso pero nailabas din naman. BUMABA AKO NG motor ko ng makarating kami sa mansion, naka sunod naman ang isa sa akin. Pag pasok ko naabutan ko ang dalawang dalaga na mukha may ginagawang assignment nila. Binuhat ko ang anak kong si Ai ng mag pa buhat ito. “Ate m
THUNDER LAVISTRE “Gusto mo ba mag isa ka lang sa bahay? Pwede naman kami maki tira kina Flame muna kung hindi ka komportable..” tanong ko. Nilingon ko ang kapatid ko na may dalang isang basong gatas. “Uminom ka nito, sa akin okay lang mag hire ako ng mga katulong para sa’yo. At mag pa schedule tayo sa OB para ma check up ang baby mo..” utos ni Flame. Tinanggap nito ang gatas at uminom ito. Nakita ko ang pasa nito, “Pisikal ka bang sinasaktan?” Mahinahon kong tanong dito. Alam ko na nakita din ni Flame ang pasa nito sa braso. Yumuko ito at hindi na nakapag salita. “Ganito ang nagagawa ng kapag pilit ang isang relasyon..” wika ni Flame. Tumalikod na ito at nag lakad paakyat pero ang kamao nito ay naka kuyom. “Kuya, dito na muna kayo ni Kuya Storm ibigay niyo muna pansamantala ang bahay ninyo sa kanya. Mag hire kayo ng mga pwede makakatulong sa kanya..” utos ni Flame hanggang maka akyat na ito sa itaas. “Huwag ka mag alala, ligtas ka dito tatawagan namin ang magulang mo at kami na
AVA OLIVIA LEVESQUE MASAYA AKO DAHIL binigay sakin ni Miss Flame ang kasal na dapat para sa akin. Ganun din kay Earl kahit na alam niyang takot ako sa kanya, nagawa niyang mahinga soft sakin. Hindi ko maitago ang tuwa sa labi ko habang inaayusan ako ng mga pinsan din ni Boss Flame. Sila na ang nag ayos sa akin ngayon, “Yan ang ganda mo na lalong buntis!” Wika ni Ingrid sa akin na kina ngiti ko. Ang gagaling nila mag make up at mag ayos nag mukha na akong tao dahil sa ginawa nila. “Thank you so much..” pasasalamat ko at ginawa nilang naka taas ang buhok ko para hindi ako naiinitan mamaya sa seremonya. “Si Miss Flame?” Tanong ko dito. “Ayun lang, hindi pa daw nakaka uwi, hayaan mo ‘yun lagi lang wala agad pero darating siya..” naka ngiting wika ni Emerald at inayos nito ang buhok ko. “Sanay na talaga kayo sa kanya ano?” Tanong ko sa kanila. Nakangiting tumango silang dalawa bago sumagot si Emerald. “Yes, ganun kasi ang love language ni Flame, i mean hindi talaga siya nagsa
FLAME MORJANA LAVISTRE - DELA VEGA Hindi ko alam bakit kailangan ko sumama sa mismong simbahan dahil kailangan nila ito makita at makapag insayo si Ava na mag lakad. Sinuggest namin na huwag na ito mag heels para komportable siya na mag lakad, pumayag naman ito. Lahat sila naka tayo ako naman naka upo lang habang pinapanood itong mag lakad. “Hon, ano ba ‘yan tumayo ka..” suway ng asawa ko. Nilingon ko ito ng may pagka bored sa mukha ko na kina tawa nito. “You know, i hate this right? Saka bukas pa naman ang kasal i know how i can act..” sagot ko na kina iling nito. Hindi ko narinig itong sumagot hanggang salubungin ito si Earl at nag lakad patungo sa mismong altar. Matapos na nito nakinig sila sa sasabihin ni father at ng kinuha nilang organizer. Nakaupo lang ako sa huli ng upuan sa likod palabas ng pinto. Nakatingin ako sa labas actually, natatakot ako para bukas dahil alam ko na aatake si Dylan kaya kahit ayaw pumunta sa kasal wala akong choice i want to make sure na safe si Av
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA KINAUMAGAHAN NAGISING ako na masakit ang ulo ko. “Mabuti naman at nagising kana?” Narinig kong tanong ni Ate Sky. “Mga bata ate?” Tanong ko dito at dahan dahan akong bumangon. Imbes na sagot ang natanggap ko, isang malakas na kaltok ang ginawa nito. “Ano pumasok sa isip mo at nag lasing ka ha?!” Tanong nito. “A—aray! Ang sakit non!” Daig ko habang kina-Kinamot ko ang ulo ko, “Hindi ko intensyon na mag lasing! Ininom ko lang yung isang baso na ganito lang ang sinerve sakin!” Minustra ko pa sa kamay ko. “Malay ko ba na ang lakas nun maka lasing ng tao?!” Tanong ko dito. Pinang hilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. “Hay naku, sinabihan mo pa ang asawa mo na hindi mo siya asawa? Hay naku Flamie!” Napanganga ako sa sinabi nito. “Sinabi ko ‘yun?! Asan asawa ko?!” Tanong ko dito. “Yan! Now you’re back to your senses! Nasa baba pinag lulutuan ka ng soup para sa hangover mo..” sagot nito at lumabas na ito ng aming kwarto. Nang mag s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA MAAYOS NA NAMIN na-idaos ang bagong taon, dalawang linggo na ang lumipas nag back to normal na ulit ang lahat. Pero hindi ko pa pina-patanggal ang mga dekorasyon sa safe house. Ngayon naman ay nasa dating bahay ako namin dahil ako mismo ang nag check kung maayos ba nila nagagawa ang trabaho. Agad itong sinimulan ng tauhan ni Opal at ng mga pinsan ko, nag bagsak na ng mga gagamitin tulad sa safe house ang gawin dito gusto ko ito gawing matibay dahil para na rin sa mga taong titira mas lalo at dadami ang bata sa pamilya. “Miss Flame?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ava. “Just Flame don’t use Miss from now on.. and that’s the command..” utos ko dito at pinatigil ko ito dahil delikado para sa kanya ang maka lapit pa sa pwesto ko. “Nasabi sakin ni Earl kung pwede ba na mag tayo din kami ng bahay sa property mo. He feel safe kasi kung doon kami titira kesa sa bahay niya..” sagot nito at pagtatanong nito. “Okay wala sakin problema ‘yan
THUNDER LAVISTRE Napa buntong hininga ako at ang asawa naman ni Flame ay umiiling na lang, pinahatid ko na kay Storm at Damon ang mga pinamili sa grocery dahil pagkain ito at may mga karne pa. Pumasok kami sa isang parang maliit na mall, hindi ko sigurado kung ano ang tawag dito. 167 Cybermart ang pangalan nito. “Maganda ito oh? Gagawin natin floor mat para kapag nag play ang mga bata.” Wika ni Flame at nakita ko ang presyo nito. “Nasa 285 ang isang ito..” sagot ko at pinakita sa kapatid ko. “Kuya ka ng apat kuya Thunder..” nakangiting utos ng kapatid ko kaya kumuha ako ng gusto nito. Napa lingon ako kay Demitri na galing kung saan..“May second floor pa pala puro appliances ang nandun tingnan niyo..” wika nito kaya agad sumunod si Flame kaya sumunod din ako. Natawa na lang ako kay Blake napapagod na ang isang ito kaya napapakamot na lang ito ng ulo. “Ang dami ditong gamit sa bahay, Love may couch..” turo ni Flame at humawak na ito sa braso ng kanyang asawa. Lumayo naman ako s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA DALAWANG ARAW NA LUMIPAS, NAKAUPO AKO SA HARAP ng lalaking nakabuntis kay Madrid. “Kilala mo ang babaeng ito?” Tanong ko at pinakita ko ang litrato ni Madrid. Nang makita nito ang mukha ni Hailey agad itong umiwas ng tingin. Saktong bumukas ang pinto at niluwa nito si Madrid kahit hirap pa ito nagawa nitong mag lakad patungo dito. “Siya ba?” Tanong ko kay Madrid. Tiningnan nito ang lalaki ng maigi. “Oo pero hindi ko kailangan ang lalaking ‘yan. Ang tangi ko lang na gusto ngayon at si Th——” pinutol ko ito at nag salita ako. “Kahit mas matanda ang kapatid ko sa akin, sa sitwasyon na ito ako ang mag dedesiyon. Hindi aakuin ni Thunder ang pinagbubuntis mo, kung patay na ang ama niyan papayag ako pero kung hindi? Hindi ako papayag..” paliwanag ko dito. Nilingon ko ang lalaki. “Ikaw, hindi naman put* si Madrid kaya hindi masasabi na sa ibang lalaki pa ‘yan kung bibilangin tutugma ito ng may nangyari sa inyo..” wika ko sa lalaki. “Ano?! Eh hindi ko n
THUNDER LAVISTRE Matapos ang bonding kahapon kasama namin si Seth ngayon hinatid ito kasama si Adele at ang baby nito sa bahay. Nandito din sila uncle at Don Santiago kasama nito ni Prince. Buhat ko si Seth na hawak nito ang regalo ko, “Kuya paki baba naman ang anak ko..” utos ni Flame kaya binaba ko ang bata. “Halika may isusuot si Mama sayo..” naka ngiting tawag nito sa kanyang anak. Nakita ko na sinuot nito ang isang necklase na chained na gold. “Kapag may ganyan ka meaning anak na kita okay? Mama mo na talaga ako..” narinig kong wika ni Flame na kina ngiti ng bata at yumakap pa ito ng mahigpit. Magsasalita pa lang ako ng may nag sigawan sa labas. Kaya agad akong napa tayo at lumabas ng gate. Nakita namin nag kaka gulo ang mga tao. “Anong meron kuya?” Tanong ni Storm at Flame. “Hindi ko alam eh..” sagot ko at nakita ko isang lalaking sugatan. “Ano po nangyari?!” Tanong ko sa kanila. “Natamaan ng ligaw na bala at yung isa paputok!” Sagot ng lalaki. “Kuya kunin mo na ang sas
STORM LAVISTRE PAG BALIK NAMIN SA SAFE HOUSE nakita ko ang pamilyar na sasakyan. “Kumalma ka Storm..” inakbayan ako ni Blake na kina lingon ko. “Bakit nandito siya?” Tanong ko dito. Bumuntong hininga ito at tumigil sa pag lakad. “Nakiusap ako kay Vlad na puntahan si Thunder para makapag usap ang mag kapatid. I know galit ka parin pero pwede ba ako na nakikiusap? Mag ayos muna kayo ngayon, kahit hanggang bagong taon lang? Para na lang sa mga bata at asawa ko?” Nakikiusap nitong paliwanag. “Storm, hindi ko sinasagasaan ang nararamdaman mo sana alam mo ‘yan pero hindi kaya na makita ang asawa ko na ang mga mata ay malungkot. Ang mga bata ay nag hahanap. Kaya please nakikiusap na ako..” pakiusap nito sa akin. Huminga ako ng malalim at tumango. “Okay gagawin ko, pasensya na..” pag hingi ko ng paumanhin at pag payag ko.. “Thank you.. tara na kakain na tayo..” aya nito at pumasok na kami sa loob. Nauna ito. “Tito Storm magbubukas na po kami ng gift?” Tanong sa akin ni Hermoine. Umili
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BIGLAAN ANG GINAWA KONG PAG IWAS kay kuya Thunder. Pero nasasaktan din ako kaya ko nagawa ito, kailangan ko parin ba maging selfless kung nasasaktan na ako? Hindi ba pwede na kahit minsan unahin ko muna sarili kong pakiramdam? Umiling ako at huminga ako ng malalim. Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng Christmas tree, nakabihis na ako dahil on the way kami ngayong gabi para mag simba at mamasyal mamaya. Hindi naman namin tatapusin ang misa ayaw din nila. Pinaandar ko ang wheelchair ko at lumabas na ako safe house. Deretso ako sa van at agad naman ako tinulungan ni Kuya Vlad at Earl na isakay sa loob. “Iwan niyo na lang kaya ako? Ayoko din naman mag simba..” wika ko, sa dami kong kasalanan bakit kailangan ko pa mag simba ano ito pakitang tao? “Flame mahirap maiwan kang mag isa dito..” wika ni Kuya Vlad. “Okay lang naman ako dito, mas komportable ako dito..” sagot ko dito. “Blake paano ito? Papaiwan na lang daw siya?.” tanong ni Earl sa asawa ko