Semua Bab A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4): Bab 131 - Bab 140

196 Bab

Chapter 278 - Jackielyn's Birthday Celebration

Tumamis ang ngiti ni Kina nang maunawaan nito ang sinabi ni Luke. "Again, I'm... sorry for what I did to you," tumungo ito upang tingnan ang kanilang magkahawak na kamay. "May karapatan kang magalit sa'kin kung gusto mo."Ngumiti si Luke. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Ni minsan ay hindi pumasok sa isip kong magalit sa'yo." wika niya sa malumanay na boses.Tumahimik si Kina at makikita ang pagkalungkot sa mukha nito."Anong problema?" tanong niya."It's just..." Tumitig ito sa kanya nang may pag-aalala. "You... ano nang gagawin mo ngayon? Talaga bang handa kang talikuran ang pamilya mo?" Mababaw siyang napabuntong hininga at mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ni Kina na nanlalamig. Ramdam niya kung gaano ito kakaba."'Wag mo nang alalahanin pa ang bagay na 'yon. Ang alalahanin mo nalang ay ang kinabukasan nating dalawa," Mahina siyang natawa. "Gaya ng sinabi mo kay Alona." pabirong dugtong niya kaya napangiti ito.
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-08
Baca selengkapnya

Chapter 279 - Old Foes

"You know him?" tanong ni Antonette kay Patricia.Umismid si Patricia. "How could I not? Sa katunayan ay..." nilingon nito sina Matthew. "We know him. We love this dog so so much. He's a total loser."Lumapit ito sa kanya. Medyo tipsy na ito."Enjoying your life huh? Hiyang ka ba sa La Fernandia?""Pat, nakainom ka na. L-leave him alone," saway ni Matthew rito.Matapos ng nangyaring pagtalo ni Luke kay Ludwig sa mansyon ng pamilya Alanis ay hindi na nito makalimutan kung gaano kahalimaw si Luke.Lalo pa kaya siguro kung napanood nito ang laban niya sa martial arts competition?Si Ludwig ay naninigas lang sa kinatatayuan nito habang nakahawak sa noong may suot na bandana upang takpan ang itim na marka na nilikha ni Luke roon. Kaunting titig lang siguro dito ni Luke ay baka maihi na ito.Gustong matawa ni Luke habang pinagmamasdan ang mga ito. Mabuti naman at nadala na ang mga ito kung ganoon.Tumalim ang tingin ni Patricia kay Matthew. "What did you say?" Kumurbada ang gilid ng labi ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-08
Baca selengkapnya

Chapter 280 - Let Her Go Or I'll Make You

"Kina... Kina..." usal ni Arthur habang nakahawak sa baba nito at parang may inaalala.Makaraan ng ilang saglit ay nagliwanag ang mukha nito at pumalakpak nang isang beses. Ubod ang ngiting tiningnan nito si Kina."Ikaw si Kina Alanis, tama ba? Ang pinagkakaguluhan ngayon sa upper class ng mga young masters?" natutuwang tanong nito.Daig pa nito ang nakaharap ng isang sikat na artista.Si Antonette ang tumugon dito. "You're right. Naghahanap pa lang siya ng mapapangasawa kaya may tsansa ka pa." biro nito. "Bakit nga pala hindi ka sumali? Sa pagkakaalam ko ay lahat naman daw ng gustong manligaw ay pwedeng sumali."Tumaas ang balikat ni Arthur at inilahad ang mga kamay. "Anong mapapala ko ro'n? Alam ko namang hindi ako mananalo. Balita ko ay may mga kasali raw na halimaw sa martial arts. I'm not that confident to join. I'm just third dan black belt karate practitioner and my family is not that rich. I only own a small logistic company and a
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-09
Baca selengkapnya

Chapter 281 - A Fire That Can Even Burn Soul

Halos lahat ng tao roon ay medyo nakainom na. Kasabay ng mahinang tugtog ay ang hiyawan ng mga nakikiusisa sa nangyayari. Pare-parehas nilang itinataboy si Luke habang hawak-hawak pa rin ni Arthur ang kwelyo ng kanyang damit."Hey loser! Umalis ka na bago ka pa magulpi ni Arthur!" sigaw ng isa."Kung ako sa'yo ay luluhod ako para humingi ng tawad. Bagay lang 'yan sa mga basurang kagaya mo!" sigaw din ng isa."Siya naman ang naghahanap ng sarili niyang kapahamakan. Hayaan lang natin siya. Tingin ko ay masaya iyon." natatawang ani naman ng isa.Si Patricia na nagpupumiglas pa rin kina Matthew ay bahagyang nahinto at nakangising tiningnan si Luke. "Hah! Siguro naman ay matututo ka nang lumugar kapag nasampulan ka ni Arthur!" sigaw nito na sinundan ng pagtawa.Saglit na nagkatinginan si Matthew at Ludwig. Sa lahat ng tao roon maliban kay Alona at Kina ay sila lang ang nakakaalam kung anong klase ng apoy ang pinaglalaruan nina Arthur.
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-09
Baca selengkapnya

Chapter 282

"Kamusta ang kalagayan niya, dok?" Tumayo si Luke upang salubungin ang doktor na kakalabas lang ng kwartong kinaroroonan ni Kina.Mabagal lang ang paglalakad nito na animo'y nasa isang malalim na pag-iisip."Dok," pag-uulit niya.Kumurap-kurap ang mata nito saka bahagyang ibinaling ang ulo na parang mayroon itong hindi maresolba sa isip."I'm sorry to say but... hindi namin matukoy kung anong klaseng sakit meron siya. Ito ang unang beses na na-encounter namin ang kakaiba niyang sakit," paliwanag nito na bahagya pang nanliit ang mata. "Her pulse is stable at nasa normal na rin ang temperatura ng kanyang katawan. Everything seems fine physically, but the problem is..."Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Luke, naghihintay ng karugtong ng sasabihin nito."We can't wake her up."Lumubog ang kanyang damdamin nang marinig iyon. Makaraan ng ilang saglit na pagkagitla ay kwinelyuhan niya ang doktor."Isa kang doktor pero hindi mo matukoy ang sakit niya? Gano'n ba kabago ang pagkakaroon niya ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-10
Baca selengkapnya

Chapter 283

Hindi pa ba alam ng kanyang lolo ang tungkol sa ipinadalang sulat ng kanyang pamilya kay Kina?"Wala po ba kayong..."Hindi na itinuloy ni Luke ang kanyang sasabihin nang maisip na baka wala ngang ideya ang kanyang lolo tungkol sa sulat at mayroon lang limitadong nakakaalam niyon sa kanyang pamilya.Pero bakit naman nila gagawin iyon? Bakit naman nila ililihim sa kanyang lolo ang tungkol sa kanyang pagkakamali?Bukod kay Danny ay wala na siyang ibang alam na maaaring may nakakaalam sa kanyang pamilya. Imposible ring ito ang nagsabi sa kanila tungkol sa relasyong meron sila ni Kina.Isa pa ay pinuno ng pamilya Cruise si Duncan kaya sinumang maglilihim dito ng mga importanteng bagay at nalaman nito sa huli ay magkakaroon ng mabigat na kaparusahan.Kaya naman ay nabahala siya nang malaman niyang nagpadala ng sulat ang pamilya niya kay Kina at alam niyang imposibleng hindi iyon alam ng kanyang lolo.Batid niya na rin ang kaparusahang ibibigay sa kanya nito at sinabi na iyon sa sulat pero
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-10
Baca selengkapnya

Chapter 284

Matapos ipaliwanag ni Luke ang sitwasyon ni Kina sa kanyang lolo ay dinala nila ito sa sariling ospital na pagmamay-ari ng pamilya Cruise sa Manila. Dito ay kumpleto sa kagamitan at tanging may pera lang ang kayang magpagamot dito. Idineretso si Kina sa isang pribadong kwarto. Maging ang mga doktor doon ay mga top class na nagmula pa sa iba't-ibang panig ng mundo. Kaya umaasa si Luke na sa tulong nila ay matutukoy at malulunasan ng mga ito ang sakit ni Kina. Tinabihan ni Duncan si Luke na kasalukuyang nasa malalim na pag-iisip. Mag-aalauna na ng madaling araw kaya pumupungay na ang kanyang mga mata sa antok. "Bakit hindi ka muna magpahinga? Bukas ng umaga ay malalaman mo ang resulta." sambit ni Duncan sa kanya. Umiling si Luke saka humalukipkip. "Ayoko pong matulog 'lo hangga't wala akong nalalamang resulta sa kalagayan ni Kina." binalingan niya ito ng tingin. "Pasensya na kayo sa abala," Tumawa si Duncan. "You really love that girl so much, don't you? Hindi mo man lang ibinalita
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-10
Baca selengkapnya

Chapter 285

"Ano pong... ibing n'yong sabihin?" usisa niya. "Matagal na po bang alam ng D. C. International Group ang tungkol sa kanya?"Saglit na natahimik si Duncan bago tumugon. "Bilang lang sa organisasyon ang nakakaalam sa tunay na pagkakakilanlan ni Jason Zheng. The rest, tanging ang King lang ang alam nila. Lahat ng nakakaalam ay maingat na sinasarili nila ang impormasyong iyon sa pagkabahalang mayroong traydor sa aming organisasyon."Mas lalong nagtaka ang mukha ni Luke. "Tingin n'yo po ba may espiya si Jason sainyo?"Nagtaas-baba ang balikat ni Duncan. "I guess he's good at camouflaging. Wala akong napapansing kakaiba sa sinuman sa kanila." Suminghap ito. "But it's strange to us na nagiging maingat ang organisasyon ni Jason sa pag-approach sa ating pamilya. It seems like they are being cautious about something. Parang alam nilang may patibong kami sa kanila oras na tangkain nilang madaliin ang pagpapabagsak sa ating pamilya."Tumaas ang mga kilay ni Luke. Patibong?"We've prepared a coun
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-11
Baca selengkapnya

Chapter 286

"Well, I guess that's a good news, isn't it?" Tumayo si Duncan. Agad na lumapit dito ang ang personal nitong bodyguard. "Marami akong importanteng gagawin by the afternoon. I'll take my leave. 'Wag mong pabayaan ang sarili mo. Kailangan mo ring magpahinga. Hindi matutuwa si Kina na makita ka sa ganyang estado." paalala ni Duncan saka tumalikod.Tipid na nginitian niya ito. "Salamat ulit 'lo. Mag-iingat po kayo."Pagkaalis ng mga ito ay napagdesisyunan niyang puntahan si Kina."Mr. Cruise," magalang na bati sa kanya ni Zachary. Nakatayo ito at nagbabantay sa may pintuan.Bahagya niya lang itong tinanguan bago pumasok sa loob. Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay pagkatapos ay dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ni Kina.Hinila niya ang maliit na couch at inilagay iyon sa tabi ng kama nito. Pabagsak na iniupo niya ang kanyang sarili pagkatapos ay pinagmasdan ang napakaamo nitong mukha. Inayos niya ang isang hibla ng buhok nitong nakahiwalay."Pasensya na," mapait siyang ngumiti. "Pasens
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-11
Baca selengkapnya

Chapter 287

"Papaanong..." Ilang beses na napakurap ang mata ni Natalia, mababatid doon ang pinaghalong pagtataka at pagkamangha."S-sigurado ka ba?" tanong ni Luke. "Pero paano mangyayari 'yon? Tatlong araw lang ang ginugol ko sa pagsasanay gaya ng sinabi mong kakailanganin ko sa unang baitang. Paano ko natapos ang ikalawang baitang?"Napatungo ang ulo ni Natalia, nag-iisip. "I... I don't know what's going on ether." Napatitig ito sa kanya. "I'm not really sure pero tingin ko ay dahil na 'yon sa sarili mong—"Pinutol ng paglagitik ng seradura ng pinto ang pagsasalita ni Natalia. Napalingon sila doon at agad na napatayo si Luke.Kasunod niyon ay ang pagpasok nina Alona at Jackielyn. Nakahinga siya nang maluwag pagkatapos ay nginitian niya ang mga ito. Siguradong masusurpresa ang mga ito kapag nakita nila si Natalia.Binalingan niya ng tingin si Natalia pero laking gulat niya nang wala na ito sa kinauupuan nito. Maging ang espada nito ay wala na rin sa sahig. Nahagip ng kanyang tingin ang gumagala
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-11
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
1213141516
...
20
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status