"Kina... Kina..." usal ni Arthur habang nakahawak sa baba nito at parang may inaalala.
Makaraan ng ilang saglit ay nagliwanag ang mukha nito at pumalakpak nang isang beses. Ubod ang ngiting tiningnan nito si Kina."Ikaw si Kina Alanis, tama ba? Ang pinagkakaguluhan ngayon sa upper class ng mga young masters?" natutuwang tanong nito.Daig pa nito ang nakaharap ng isang sikat na artista.Si Antonette ang tumugon dito. "You're right. Naghahanap pa lang siya ng mapapangasawa kaya may tsansa ka pa." biro nito. "Bakit nga pala hindi ka sumali? Sa pagkakaalam ko ay lahat naman daw ng gustong manligaw ay pwedeng sumali."Tumaas ang balikat ni Arthur at inilahad ang mga kamay. "Anong mapapala ko ro'n? Alam ko namang hindi ako mananalo. Balita ko ay may mga kasali raw na halimaw sa martial arts. I'm not that confident to join. I'm just third dan black belt karate practitioner and my family is not that rich. I only own a small logistic company and aHalos lahat ng tao roon ay medyo nakainom na. Kasabay ng mahinang tugtog ay ang hiyawan ng mga nakikiusisa sa nangyayari. Pare-parehas nilang itinataboy si Luke habang hawak-hawak pa rin ni Arthur ang kwelyo ng kanyang damit."Hey loser! Umalis ka na bago ka pa magulpi ni Arthur!" sigaw ng isa."Kung ako sa'yo ay luluhod ako para humingi ng tawad. Bagay lang 'yan sa mga basurang kagaya mo!" sigaw din ng isa."Siya naman ang naghahanap ng sarili niyang kapahamakan. Hayaan lang natin siya. Tingin ko ay masaya iyon." natatawang ani naman ng isa.Si Patricia na nagpupumiglas pa rin kina Matthew ay bahagyang nahinto at nakangising tiningnan si Luke. "Hah! Siguro naman ay matututo ka nang lumugar kapag nasampulan ka ni Arthur!" sigaw nito na sinundan ng pagtawa.Saglit na nagkatinginan si Matthew at Ludwig. Sa lahat ng tao roon maliban kay Alona at Kina ay sila lang ang nakakaalam kung anong klase ng apoy ang pinaglalaruan nina Arthur.
"Kamusta ang kalagayan niya, dok?" Tumayo si Luke upang salubungin ang doktor na kakalabas lang ng kwartong kinaroroonan ni Kina.Mabagal lang ang paglalakad nito na animo'y nasa isang malalim na pag-iisip."Dok," pag-uulit niya.Kumurap-kurap ang mata nito saka bahagyang ibinaling ang ulo na parang mayroon itong hindi maresolba sa isip."I'm sorry to say but... hindi namin matukoy kung anong klaseng sakit meron siya. Ito ang unang beses na na-encounter namin ang kakaiba niyang sakit," paliwanag nito na bahagya pang nanliit ang mata. "Her pulse is stable at nasa normal na rin ang temperatura ng kanyang katawan. Everything seems fine physically, but the problem is..."Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Luke, naghihintay ng karugtong ng sasabihin nito."We can't wake her up."Lumubog ang kanyang damdamin nang marinig iyon. Makaraan ng ilang saglit na pagkagitla ay kwinelyuhan niya ang doktor."Isa kang doktor pero hindi mo matukoy ang sakit niya? Gano'n ba kabago ang pagkakaroon niya ng
Hindi pa ba alam ng kanyang lolo ang tungkol sa ipinadalang sulat ng kanyang pamilya kay Kina?"Wala po ba kayong..."Hindi na itinuloy ni Luke ang kanyang sasabihin nang maisip na baka wala ngang ideya ang kanyang lolo tungkol sa sulat at mayroon lang limitadong nakakaalam niyon sa kanyang pamilya.Pero bakit naman nila gagawin iyon? Bakit naman nila ililihim sa kanyang lolo ang tungkol sa kanyang pagkakamali?Bukod kay Danny ay wala na siyang ibang alam na maaaring may nakakaalam sa kanyang pamilya. Imposible ring ito ang nagsabi sa kanila tungkol sa relasyong meron sila ni Kina.Isa pa ay pinuno ng pamilya Cruise si Duncan kaya sinumang maglilihim dito ng mga importanteng bagay at nalaman nito sa huli ay magkakaroon ng mabigat na kaparusahan.Kaya naman ay nabahala siya nang malaman niyang nagpadala ng sulat ang pamilya niya kay Kina at alam niyang imposibleng hindi iyon alam ng kanyang lolo.Batid niya na rin ang kaparusahang ibibigay sa kanya nito at sinabi na iyon sa sulat pero
Matapos ipaliwanag ni Luke ang sitwasyon ni Kina sa kanyang lolo ay dinala nila ito sa sariling ospital na pagmamay-ari ng pamilya Cruise sa Manila. Dito ay kumpleto sa kagamitan at tanging may pera lang ang kayang magpagamot dito. Idineretso si Kina sa isang pribadong kwarto. Maging ang mga doktor doon ay mga top class na nagmula pa sa iba't-ibang panig ng mundo. Kaya umaasa si Luke na sa tulong nila ay matutukoy at malulunasan ng mga ito ang sakit ni Kina. Tinabihan ni Duncan si Luke na kasalukuyang nasa malalim na pag-iisip. Mag-aalauna na ng madaling araw kaya pumupungay na ang kanyang mga mata sa antok. "Bakit hindi ka muna magpahinga? Bukas ng umaga ay malalaman mo ang resulta." sambit ni Duncan sa kanya. Umiling si Luke saka humalukipkip. "Ayoko pong matulog 'lo hangga't wala akong nalalamang resulta sa kalagayan ni Kina." binalingan niya ito ng tingin. "Pasensya na kayo sa abala," Tumawa si Duncan. "You really love that girl so much, don't you? Hindi mo man lang ibinalita
"Ano pong... ibing n'yong sabihin?" usisa niya. "Matagal na po bang alam ng D. C. International Group ang tungkol sa kanya?"Saglit na natahimik si Duncan bago tumugon. "Bilang lang sa organisasyon ang nakakaalam sa tunay na pagkakakilanlan ni Jason Zheng. The rest, tanging ang King lang ang alam nila. Lahat ng nakakaalam ay maingat na sinasarili nila ang impormasyong iyon sa pagkabahalang mayroong traydor sa aming organisasyon."Mas lalong nagtaka ang mukha ni Luke. "Tingin n'yo po ba may espiya si Jason sainyo?"Nagtaas-baba ang balikat ni Duncan. "I guess he's good at camouflaging. Wala akong napapansing kakaiba sa sinuman sa kanila." Suminghap ito. "But it's strange to us na nagiging maingat ang organisasyon ni Jason sa pag-approach sa ating pamilya. It seems like they are being cautious about something. Parang alam nilang may patibong kami sa kanila oras na tangkain nilang madaliin ang pagpapabagsak sa ating pamilya."Tumaas ang mga kilay ni Luke. Patibong?"We've prepared a coun
"Well, I guess that's a good news, isn't it?" Tumayo si Duncan. Agad na lumapit dito ang ang personal nitong bodyguard. "Marami akong importanteng gagawin by the afternoon. I'll take my leave. 'Wag mong pabayaan ang sarili mo. Kailangan mo ring magpahinga. Hindi matutuwa si Kina na makita ka sa ganyang estado." paalala ni Duncan saka tumalikod.Tipid na nginitian niya ito. "Salamat ulit 'lo. Mag-iingat po kayo."Pagkaalis ng mga ito ay napagdesisyunan niyang puntahan si Kina."Mr. Cruise," magalang na bati sa kanya ni Zachary. Nakatayo ito at nagbabantay sa may pintuan.Bahagya niya lang itong tinanguan bago pumasok sa loob. Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay pagkatapos ay dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ni Kina.Hinila niya ang maliit na couch at inilagay iyon sa tabi ng kama nito. Pabagsak na iniupo niya ang kanyang sarili pagkatapos ay pinagmasdan ang napakaamo nitong mukha. Inayos niya ang isang hibla ng buhok nitong nakahiwalay."Pasensya na," mapait siyang ngumiti. "Pasens
"Papaanong..." Ilang beses na napakurap ang mata ni Natalia, mababatid doon ang pinaghalong pagtataka at pagkamangha."S-sigurado ka ba?" tanong ni Luke. "Pero paano mangyayari 'yon? Tatlong araw lang ang ginugol ko sa pagsasanay gaya ng sinabi mong kakailanganin ko sa unang baitang. Paano ko natapos ang ikalawang baitang?"Napatungo ang ulo ni Natalia, nag-iisip. "I... I don't know what's going on ether." Napatitig ito sa kanya. "I'm not really sure pero tingin ko ay dahil na 'yon sa sarili mong—"Pinutol ng paglagitik ng seradura ng pinto ang pagsasalita ni Natalia. Napalingon sila doon at agad na napatayo si Luke.Kasunod niyon ay ang pagpasok nina Alona at Jackielyn. Nakahinga siya nang maluwag pagkatapos ay nginitian niya ang mga ito. Siguradong masusurpresa ang mga ito kapag nakita nila si Natalia.Binalingan niya ng tingin si Natalia pero laking gulat niya nang wala na ito sa kinauupuan nito. Maging ang espada nito ay wala na rin sa sahig. Nahagip ng kanyang tingin ang gumagala
Nagpatuloy sa paghihintay ng resulta sina Javier habang napagdesisyunan naman ni Luke na kumain muna sa labas kasama si Alona at Jackielyn.Maririnig ang mababaw na pagbuntong hininga ni Jackielyn. "I'm sorry kung sinabi ko man sa pamilya niya ang nangyari sa kanya. I just can't stand and do nothing while Kina's life is in... danger right now. That is something at least I could do. Ayokong magalit sa'tin ang pamilya niya oras na may mangyaring masama sa kanya na hindi man lang natin naipapaalam sa kanila ang nangyari sa kanya." pagpapaliwanag nito, partikular na nakatingin kay Luke."Like what, like Kina is dying?" taas ang isang kilay na pambabara ni Alona rito. Naiinis ito sa ginawa ni Jackielyn.Sumimangot si Luke. Nakapamulsa lang siyang naglalakad. "Pwede ba, itigil n'yo na 'yan. Hindi makakatulong kay Kina kahit na pagtalunan n'yo pa ang napakaliit na bagay na 'yan." paninita niya sa mga ito.Umirap nalang si Alona at humalukipkip. "Whatever."Gayon din si Jackielyn. Nakapagitan
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t