Galit ako sa kanya, alam ko yon. Pero sa pinapakita niya sa akin ay parang natutunaw ang lahat ng sama ng loob ko. Nagpatuloy ang klase ko at talagang hinintay niya na matapos ako. “Now we can talk.”Niligpit ko na ang mga gamit ko at tsaka tumayo mula sa aking pagkakaupo. “Bakit may problema ba?” kunyaring tanong ko. Ayaw ko kasi ang mga kumprontasyon, alam kong hindi ako mananalo sa ganun dahil napakabilis kong maiyak. Kahit ang simpleng panonood ng drama ay sumasargo ang luha kasama na pati sipon ko, ito pa kayang usapang damdamin na sa tunay na buhay?“Baby,” sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.“Wala tayo sa ibabaw ng kama para tawagin mo ako ng ganyan.”“Galit ka nga.”“Hindi ako galit, sinasabi ko lang kung ano ang totoo. Hindi ba at nagkasundo tayo na doon lang tayo magtatawagan ng ganyan? Tsaka, wala akong karapatang magalit.”“Look, I’m not good with explanation kaya sana naman ay–”“Hindi naman ako nanghihingi.” Putol ko sa sasabihin niya. Kung hindi siya magaling
Terakhir Diperbarui : 2024-09-01 Baca selengkapnya