Nagbabanta ba or nagpapaka-sweet? Paki comment po ang inyong sagot!
Matay ko mang isipin ay hindi ko maunawaan kung bakit naging ganito na si Salvatore. Pagpasok namin sa kanyang opisina ay nandoon na rin si Mauro na seryoso pa rin ang mukha pero mabilis na ngumiti ng makita ang magkahawak na kamay namin ng boss niya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil baka iniisip niya na may nangyari na sa amin, kahit na iyon pa ang totoo.Naupo si Salvatore sa inupuan niya ng unang beses niya akong papuntahin dito sa opisina niya at papunta na sana ako sa couch sa bandang kanan niya ay hindi niya pa rin binitawan ang aking kamay bagkus ay hinila pa niya ako at ang nangyari ay napaupo na nga ako sa kanyang kandungan.“Ay!” gulat kong bulalas. Natawa naman si Mauro at natakpan ko ang aking mukha ng isa kong kamay dahil sa hiya.“What’s wrong?” takang tanong naman ni Salvatore. Sinilip ko siya sa siwang ng aking mga daliri ngunit nakita kong takang taka talaga ito na mukhang walang kaide-ideya sa nararamdaman kong pagkapahiya.“Kinandong mo boss eh.” Mabilis na lumipad
AngelLumipas pa ang mga araw at nagsimula na rin ang aking online class. Okay lang naman dahil siniguro ni Salvatore na kumpleto ang lahat ng pangangailangan ko. Binilihan niya ako ng laptop at bagong cellphone at nalaman ko mula kay Mauro na kumpleto na rin sa gamit si Angelo. Sa isang pag-uusap naming magkapatid ay napag-alaman ko rin na sa private school siya nag-aaral.Masyang masaya ako dahil sa wakas ay makakapag-aral na ako, kami ng kapatid ko. Parang isang pangarap na napakahirap abutin nito noong kila tita Anacleta pa kami nakatira. Hindi ko akalain na mapapaganda pa na ako at si Angelo ang ipinambayad nila sa utang nila.Samantala huling beses na may nangyari sa amin ni Salvatore ay kasunod din na umaga ng aking first time. Hindi ko alam kung nawalan na ba siya ng gana or ano, pero panay pa rin naman ang paghalik halik niya sa akin at sa gabi ay magkatabi pa rin kaming natutulog at grabe pa rin ang pagkakayakap niya sa akin na tila ba mawawala ako sa tabi niya. Hindi ko alam
Hindi ko inaasahan na sa simula ay naging maayos ang pagsasama namin ni Salvatore. Peo kahit papaano ay nagkaroon ako ng tiwala sa kanya. Madalas pa rin siyang umaalis at kapag ganon ay hindi ko maiwasan ang kabahan dahil baka kung ano na ang ginagawa nila at mapahamak siya.Tanghali at kakatapos lang ng klase ko ng biglang pumasok si Salvatore sa aming silid. Ngumiti ako sa kanya bago ako tumayo sa kinauupuan ko at lumapit upang bigyan siya ng halik. “Maaga ka yata?” tanong ko ng maghiwalay ang aming mga labi.“Hindi naman ako umalis, nasa baba lang ako.” Kumunot ang noo ko dahil ang buong akala ko ay umalis ito kanina at may pinuntahan.“Okay, may gagawin ka pa?” tanong ko.“Oo, paalis ako. Bibili ng damit,” sagot niya sabay lakad papunta sa walk-in closet upang magbihis siguro kaya hinintay ko na lang siya na matapos.“May pupuntahan ka bang party?” tanong ko ng makalabas na ito. Isang simpleng long-sleeved polo na itinutupi niya hanggang sa kanyang siko at tsaka denim jeans ang suo
AngelHindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko, para kasing masakit para sa akin. Ang sabi niya ay puro lalaki ang mga makakasama niya doon pero bakit may babae sa tabi niya? Kaya ba parang kakaiba siya? Sino ang babaeng iyon at palagi ko na lang siyang nakikita na kasama ni Salvatore? Hindi lang basta kasama, lagi pang may halikan na nagaganap. Kulang ba ako? Dahil ba sa kanya kaya wala na ulit nangyari sa amin? O baka naman may nangyayari sa kanila at noong time na yon ay hindi available ang babaeng iyon kaya pinagtiyagaan niya ako?Walang gana akong nahiga sa kama at nagdesisyon na matulog na lang. Balak ko sanang hintayin si Salvatore ngunit hindi na rin naman pala kailangan. Para lang akong tanga kung gagawin ko pa iyon eh mayroon na siyang kasama at baka umagahin na ng uwi.Kinabukasan ay mabigat ang aking katawan na bumangon. Pagtingin ko sa aking tabi ay wala si Salvatore at wala ring bakas na nahiga siya doon. Marahil ay tama ang hinala ko na magkasama sila.Wala man akon
Galit ako sa kanya, alam ko yon. Pero sa pinapakita niya sa akin ay parang natutunaw ang lahat ng sama ng loob ko. Nagpatuloy ang klase ko at talagang hinintay niya na matapos ako. “Now we can talk.”Niligpit ko na ang mga gamit ko at tsaka tumayo mula sa aking pagkakaupo. “Bakit may problema ba?” kunyaring tanong ko. Ayaw ko kasi ang mga kumprontasyon, alam kong hindi ako mananalo sa ganun dahil napakabilis kong maiyak. Kahit ang simpleng panonood ng drama ay sumasargo ang luha kasama na pati sipon ko, ito pa kayang usapang damdamin na sa tunay na buhay?“Baby,” sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.“Wala tayo sa ibabaw ng kama para tawagin mo ako ng ganyan.”“Galit ka nga.”“Hindi ako galit, sinasabi ko lang kung ano ang totoo. Hindi ba at nagkasundo tayo na doon lang tayo magtatawagan ng ganyan? Tsaka, wala akong karapatang magalit.”“Look, I’m not good with explanation kaya sana naman ay–”“Hindi naman ako nanghihingi.” Putol ko sa sasabihin niya. Kung hindi siya magaling
AngelHindi siya umimik pagkasabi ko non at nakatingin lang sa akin.“Ano ulit ang sinabi mo?”“Gusto kong magtrabaho.,” ulit ko ng hindi inaalis ang aking tingin sa kanya. Napatiimbagang siya bago niya inihilamos ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkatakot dahil baka nagalit ko siya ng husto at kung ano pang gawin sa akin. Ngunit na-realize ko na prang ganon na rin naman ang mangyayari kung sakaling manawa siya sa akin at palayasin kaming magkapatid.“May oras ba na hindi ka kumain or si Angelo?” tanong niya at halatang nagtitimpi lang siyang magalit.“Hindi.”“May mga kailangan ka ba na hindi ko napo-provide sayo at sa kapatid mo?” Kung sa materyal na bagay ay wala naman. Lahat na lang ay mayroon sa bahay niya. Pero ang security ay wala. Seguridad na panghabangbuhay ay ako lang. Kaya lang ay hindi ko pwedeng sabihin sa kanya iyon.Huminga ako ng malalim bago sumagot, “Wala.”“Bigyan mo ako ng magandang dahilan para magdesisyon kang sabihin sa akin na gu
Inangkin ako ni Salvatore ng paulit ulit habang tinatawag niya akong slave at bitch. Nassasaktan ako dahil sino ba namang babae ang gustong matawag ng ganung paraan? Pero kagaya rin ng gusto kong mangyari ay nag-apply ako ng trabaho.Ang address na inilagay ko sa aking resume ay iba sa tinutuluyan ko. Ganon din pala ang nakalagay sa address ni Angelo sa school niya,6 pero napag-alaman kong nasa compound din namin ang bahay na tinutuluyan niya. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag sa kaalamang malapit lang kami sa isa’t isa.Sa umaga ay pumapasok ako at sa hapon naman ay nagtatrabaho ako bilang waitress sa isang restaurant na medyo malapit lang din sa bahay ni Salvatore. At ngayon ko lang nalaman na nasa Angeles, Pampanga pala kami.Mabuti na rin siguro na naisipan kong magtrabaho at least nakalabas din ako ng bahay. Mag-isa lang ako at inihahatid ako hanggang sa gate ng property ni Salvatore at doon din ako susunduin kapag uwian ko na.Masaya ba ako? Yes, kahit papaano ay nakahinga ako.
AngelKahit na naasar ako at kailangan ko silang pagsilbihan ay wala din naman akong nagawa. Pagkakuha ko ng order nila ay dinala ko na iyon sa kitchen bago ko sila hinatiran ng baso at tubig kahit na may order silang drinks.“Water Ma'am?” nakangiting tanong ko sa babae na mukhang ayaw tanggalin ang tingin kay Salvatore dahil sumagot nga ito ngunit hindi naman sa akin nakatingin kaya naman nilagyan ko na lang siya. Pagbaling ko kay Salvatore ay hindi pa man ako nakakapagsalita ay inawat na ako ng babae. “No need to ask him, I don't like any woman talking to him.” Parang may himig pagbabanta ang pagkakasabi ng babae kaya naman sinunod ko na lang siya. “As you wish, Ma'am,” nakangiti kong sabi sa kanya bago ko sila iniwan at bumalik sa counter para hintayin ang order nila. Kung pwede lang ay hindi na ako ang maghatid sa kanila, kaya lang ay hindi.Sinikap kong pigilan ang sarili ko na tumingin sa kanila ngunit hindi ko kaya. Pasimple lang, kunyari ay iginala ko ang aking paningin sa
Salvatore“May nakapagsabi sa akin na may nag-iimbestiga ng tungkol kay Angel at natagpuang patay ang tito at tita niya,” sabi ni Sandicho.“Sigurado ka ba talaga dyan?” tanong ko. Si Mauro ay tahimik lang na nakikinig sa amin.“I’m the one in Pampanga so I know what I’m saying.” Tinignan kong mabuti ang kapatid ko na puno rin ng pag-aalala ang mukha. “Kaya you have to make sure that your wife is safe.”Nang dumating kanina si Angel sa office ko ay pinag-uusapan namin ang balitang hatid sa amin ng kapatid ko. Kaya naman nandito kami sa condo ko para pag-usapan iyon. Baka kasi magtaka ang babae sa biglang pagsulpot ni Sandicho kaya ayaw ko munang makita niya ang lalaki. Isa pa, ayaw ko rin siyang takutin.Si Sandicho ay nakatira ngayon sa mansyon ko sa Angeles. Simula ng maayos namin ang gusot ng aming pamilya ay hinayaan ko na siya na maglabas masok doon.Dati pa man ay magkasundo na kami dahil ang akala namin pareho ay ang organisasyon lang ni Dad ang mahalaga sa kanya. Ngunit pareho
AngelNagising akong hilo. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Medyo madilim ang paligid dahil dim light lamang ang bukas. Bumangon ako at inilibot ko ang aking paningin. Nasa isang malinis na silid ako at malambot ang kama. May aircon at higit sa lahat, hindi ako nakatali.Anong nangyayari? Nasaan ako? Tandang tanda ko na sumakay ako ng taxi at doon ay nakaramdam ako ng pagka-antok. Ang bag ko! Nandoon ang aking cellphone.Nagpalinga linga ako at hinanap ang aking bag ngunit wala iyon. Bumaba ako sa kama at inikot ang aking paningin sa paligid, nagbabakasali na may makitang kahit na ano.Lumapit ako sa pintuan at sinubukan ko iyong buksan, hindi naman ako umaasa na bubukas iyon kaya hindi na ako nadismaya ng malaman kong naka lock iyon mula sa labas.Anong klaseng silid ito na ang lock ay nasa labas? Baliw yata ang nagpagawa nito. Lumakad ako pabalik sa kama at naupo para lang tumayo ulit at nagpabalik balik ng paglalakad. Nag-aalala ako para sa mga anak ko. Sa tingin ko ay
AngelSabay na kaming pumapasok ni Salvatore at hindi na rin lingid sa kumpanya ang relasyon namin. Kahit si Camille ay laging nanunukso sa tuwing magkikita kami. Si David naman ay sinabihan ko na rin through chat dahil wala naman siya sa Manila ngayon. Ayaw ko lang din kasing sa iba pa niya malaman ang tungkol sa amin.Kinausap ko na rin ang team na baka hindi na ako laging makapasok kaya most of the time ay online na kami mag-uusap. Ayaw ko kasi talagang mag-office at buti na lang ay sinang-ayunan iyon ni Salvatore. Pero sa ngayon ay need ko munang matapos ang para sa catalogue ng company kaya kailangan kong pumunta pa sa office.Naipaalam ko na sa school ng kambal ang pagtransfer nila at later ay may school akong pupuntahan para ma-check kung pwede sila doon.“Uy, saan ang punta?” tanong ni Nadia na kasalubong ko.“Sa office ni Salvatore, bakit?” tanong ko rin.“Bakit?”“Yayayain kong puntahan yung school na lilipatan ng kambal.”“Ah, okay. Nandoon din yata si Mau.”“Pupunta ka rin
Angel“Mommy, okay na ba ito?” tanong ni Savinna. Araw ng Sabado at nasa kitchen kami, naghahanda ng lunch para sa pagdating nina Mauro, Nadia at Angelo.Noong nakaraang linggo ay niyaya nga kaming mag-iina ni Salvatore na gumala. Nag-enjoy ang mga bata dahil nga hindi ko pa naman sila talaga nailabas ng kagaya ng ginawa namin. Hindi naman kasi ako sanay sa Manila talaga at hanggang Angeles Pampanga lang ang kaya kong ikutin na malamang ngayon ay malaki na ang ipinagbago.“Get up and go to the living room, sweetheart. Hayaan mo na kami ng Mommy ang nandito,” nakangiting sabi ni Salvatore sa anak matapos buhatin ito mula sa upuan pababa sa sahig. “Go ang play with Savanna.”“But she didn’t want to,” reklamo ni Savinna. Tumingin sa akin si Salvatore na tila humihingi ng saklolo pero bahala siya sa buhay niya. I’m done with the twins never ending arguments and discussion about everything. It's his turn.“Isa pa, I want to help.”“Sweetheart, mas makakatulong ka if you stay in the living r
Mature ContentMauro“Nadia!” bulalas ko kasabay ang pagtapik ko sa aking magkabilang pisngi para lang masiguro na siya nga ang nakikita ko.“What are you doing, idiot?” I chuckled after she said that, dahil nakumpirma kong siya nga talaga iyon.“How did you get in here?” tanong ko sabay lapit sa kanya para salubungin ang paglapit din niya sa akin.“Binuksan ko yung pinto.”“At sa tingin mo ay hindi ko alam ‘yon?”“Bakit ka pa nagtatanong kung alam mo na pala?” “I am asking you, my love. Hindi ka ba talaga makakasagot sa akin ng maayos?” She’s always like that. Sa tuwing gusto ko siyang kausapin ng matino ay parang lagi naman siyang nakikipag biruan.“Lasing ka naman, bakit pa kita kakausapin ng maayos?”“I’m not drunk! Nakainom, yes.”“At talagang umapila ka pa.”“You haven’t answer me, anong ginagawa mo dito?”“Looking for Angelo.” Titig na titig na siya sa akin habang inis na inis naman ako. Bakit niya hinahanap yung bata?“Why?” tanong ko habang pinipigilan ko ang sarili kong ipak
MauroKinakabahan ako sa plano ko. Hindi naman talaga tatagal ng isang linggo ang pag-uusap namin ni Angelo ngunit iyon na rin ang ipinaalam ko kay Salvatore just in case may mangyaring hindi ko inaasahan. Mahal ko si Nadia at gusto ko na ring makasama siya. Fuck, ang tanda ko na pero heto at single pa rin ako dahil sa kakahintay sa makulit na babaeng iyon.Kung tutuusin ay okay lang dahil nabigyan ko ng pagkakataon si Nadia na magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nakapagtrabaho siya at kita ko sa mukha niya ang kaligayahn ng tuluyan niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang.At ngayon nga na nandito na ulit si Angel ay inisip ko ng seryosohin ang pakikipag-usap din sa babaeng maligalig na ‘yon pagkatapos naming mag-usap ni Angelo. Mabuti pa si Salvatore at may kambal na, samantalang ako a bubuo pa lang kung sakali.“Ano ba kasi ang pag-uusapa natin?” tanong ni Angelo. Tinignan ko siyang mabuti at hindi ko maiwasan ang mapailing at mapangiti. Nasa balcony kami
AngelMasakit man ang katawan ko ay maaga pa rin akong nagising ng kasunod na araw. Nasanay na talaga kasi ako sa ganitong routine kaya walang kaso sa akin no matter how tired or kulang ako sa tulog. Tumingin ako sa aking tabi at nakita ko ang mahimbing pang natutulog na si Salvatore. Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng maalala ko kung paano niya ako inangkin kagabi habang sinasabi niya na kaya pa niya akong sabayan.Nagtaka ako at napansin kong naka ulo pala kami sa bandang paanan ng kama. Muli kong tiningnan si Salvatore at hindi ko mapigilang haplusin ang kanyang pisngi.Pinagsawa ko ang aking mga mata hanggang sa may napansin ako sa aking daliri. Inilapit ko ang aking kamay at tinitigan iyon.“Do you still remember?” tinignan ko si Salvatore na nakadilat na. Inabot niya ang aking kamay at tsaka dinala iyon sa kanyang bibig at hinalikan. “When did you—”“I never took that off my body lagi lang nakakabit sa necklace ko.” Iyon pala ang napansin ko kagabi.“I'm sorry, I took it off.”
Mature ContentSalvatorePara akong mababaliw ng makita ko ang suot niyang pantulog na walang itinago lalo at napakanipis lang non at wala pa siyang underwear. Ngani ngani ko na talagang buhatin siya at dalhin sa kama para angkinin ng paulit-uilt ngunit itinulak niya ako palabas.Nanatili ako sa sala at sinibukan kong makatulog ngunit ako’y bigo kaya makalipas ang ilan pang minuto ay pumasok na ako sa kwarto. Kitang kita ko ang pigura niyang nakahiga sa kama at payapang natutulog.Bakit ang bilis niyang makatulog na tila hindi man lang apektado ng sinabi niya kanina? Fuck, sundan na daw namin ang kambal. Ang tanga ko talaga kahit kailan!Naghubad ako ng aking damit bago ako tumabi sa kanya at pumwesto sa kanyang likuran. Alanganin kong dinampian ng magaan na halik ang nakalabas niyang balikat ngunit hindi siya gumalaw.“Baby..” tawag ko sa kanya habang patuloy ko siyang kinikintalan ng magagaan na halik mula sa kanyang balikat hanggang sa kanyang pisngi. Marahan kong hinagod ang kanyan
Angel“Mommy, are you sure you’re still going to wait for Papa?” tanong ni Savanna na tinanguan ko naman. Kakatapos lang ng klase nila at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin dumarating si Salvatore.“Madami kasi siyang ginagawa kanina bago ako umuwi kaya nauna na ako.”“But you’re still not eating.” Si Savinna na ang sumagot.“Hindi pa rin kumakain ang Papa niyo kaya sabay na kami.” Hindi umimik ang dalawa at nanatiling nakatingin sa akin. “You know what, why don’t you go to your rooms now and sleep?”“Okay,” sabay nilang sabi bago nagsibalikan sa aking pisngi at tsaka pumasok na sa kanilang silid. Ako naman ay naiwan na sa sala at nanatiling nakaupo sa sofa para maghintay pa ng konti. Napatingin ako sa aking phone at nangangati na akong tawagan siya ngunit pinigilan ko pa rin ang aking sarili.May isang oras pa akong naghintay bago tumayo mula sa sofa at niligpit ko na lang ang laptop na gamit ng kambal. Nawalan na rin ako ng ganang kumain dahil sobrang late na. Papunta na ako sa pint