Share

Chapter 10b

Matay ko mang isipin ay hindi ko maunawaan kung bakit naging ganito na si Salvatore. Pagpasok namin sa kanyang opisina ay nandoon na rin si Mauro na seryoso pa rin ang mukha pero mabilis na ngumiti ng makita ang magkahawak na kamay namin ng boss niya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil baka iniisip niya na may nangyari na sa amin, kahit na iyon pa ang totoo.

Naupo si Salvatore sa inupuan niya ng unang beses niya akong papuntahin dito sa opisina niya at papunta na sana ako sa couch sa bandang kanan niya ay hindi niya pa rin binitawan ang aking kamay bagkus ay hinila pa niya ako at ang nangyari ay napaupo na nga ako sa kanyang kandungan.

“Ay!” gulat kong bulalas. Natawa naman si Mauro at natakpan ko ang aking mukha ng isa kong kamay dahil sa hiya.

“What’s wrong?” takang tanong naman ni Salvatore. Sinilip ko siya sa siwang ng aking mga daliri ngunit nakita kong takang taka talaga ito na mukhang walang kaide-ideya sa nararamdaman kong pagkapahiya.

“Kinandong mo boss eh.” Mabilis na lumipad
MysterRyght

Ang possessive naman ni Daddy!

| 4
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status