"Okay naman siya, baka masyado lang siyang natuwa," nakangiting sabi ng doctor, "huwag mo na lang hahayaan na mapagod siya o labis na masiyahan, talagang paninikipan siya ng dibdib," bilin ng doctor kay Danica."Salamat Doc," nilingon niya ito, habang hawak ang kamay ni Vinz.Nagpaalam na ang doctor sa kanya, at ibinilin na lang ang mga gamot na dapat inumin ni Vinz.Nakahinga siya ng maluwag, at taos pusong nagpasalamat sa Panginoon dahil sa maayos na kalusugan ng lalaki.Takut na takot siya kanina ng makita ang pamumutla nito at pagkawalan ng malay, subalit ngayon, alam na niyang ligtas si Vinz, kaya makakahinga na siya ng maayos.Marahang gumalaw ang lalaki, na parang nananaginip, saka unti unting ibinuka ang kanyang mga mata. Nang masilayan ang magandang mukha ni Danica, bahagya itong ngumiti."Bakit ang lungkot mo?" mahina ang tinig na iyon, subalit may halong saya."Sino ba namang hindi malulungkot sa nangyari sayo?" nakangusong sagot niya, "nag alala ako sayo ng sobra. Akala k
Last Updated : 2025-03-12 Read more