All Chapters of Unexpected Wife of a Billionaire: Chapter 101 - Chapter 110

129 Chapters

101

Napailing si Danica at sinubukang ibalik ang atensyon sa pagluluto. Baka nga nag-o-overthink lang siya. Pero kahit anong pilit niyang itapon sa isip ang bag ni Vinz, hindi niya maiwasang makaramdam ng kung anong kaba. "Relax ka lang, Daica," bulong niya sa sarili habang hinahalo ang sabaw ng nilaga. Ngunit kahit gaano kainit ang singaw ng kumukulong sabaw, mas matindi pa rin ang init ng kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan sa tuwing naaalala niya ang boses ni Vinz sa tenga niya kanina. "Kung ikaw lang ang papatay sa akin, tatanggapin ko, siguraduhin mo lang na sa sarap yan..." Napahawak siya sa dibdib niya. Ano ba ito? Bakit parang kumakabog nang sobra ang puso niya?! "Bakit naman parang teenager ka, Daica?" inis na bulong niya sa sarili. Hindi siya ganito dati. Dati, hindi siya tinatablan sa mga kalokohan ni Vinz. Pero ngayon… parang iba na. Huminga siya nang malalim at nagpatuloy sa pagluluto. Pero hindi nagtagal, nagmadali siyang pumatay ng apoy sa kalan at nagpunas ng
last updateLast Updated : 2025-02-15
Read more

102

Nag-init ang pisngi ni Danica. "H-Hoy! Anong pinagsasasabi mo d'yan, Vinz?!" aniya, pilit na inagaw ang papel mula sa kamay nito. Ngunit mabilis siyang iniwasan ng lalaki, nakangisi pa rin habang itinaas ang sulat na parang nang-aasar."Ano ka ba, Daica? Hindi mo ba gustong basahin?" bulong ni Vinz, bahagyang yumuko upang itapat ang mukha sa kanya.Pakiramdam niya, lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Ayaw niyang umamin, pero may bahagi ng isip niya na gustong malaman ang laman ng sulat."Hindi ako interesado!" aniya, pero napalunok siya ng makita ang reaksyon ni Vinz. Biglang nagbago ang ngiti nito. Napalitan ng seryosong ekspresyon, na parang may pinipigilan."Kahit isang beses lang?" mahinang tanong ni Vinz.Nagkatitigan sila. Hindi na niya alam kung anong nararamdaman niya—naiinis ba siya, natatakot, o... may kung anong kiliti sa puso niya?Tahimik.Maging sina Julia at Juls ay nag-aabang sa susunod na mangyayari.Sa huli, si Danica na mismo ang bumasag ng katahimikan."Sige na
last updateLast Updated : 2025-02-15
Read more

103

Hindi niya alam kung paano magsisimula. Pakiramdam ni Danica, ang dami-daming salitang gustong lumabas sa bibig niya, pero parang biglang nawala ang boses niya. Nakatitig lang siya sa liham, sa pangalan ni Vinz sa dulo, habang bumibilis ang tibok ng puso niya. "Mommy?" muling tawag ni Julia, habang si Juls naman ay nakatitig lang sa kanilang dalawa. Lumingon siya sa mga anak niya, saka muling ibinalik ang tingin kay Vinz. Ang Vinz na palaging nandiyan para sa kanya, sa kanila. Ang Vinz na nagpapatawa sa kanya kahit kailan siya pinakawalang gana sa buhay. Ang Vinz na, hindi niya aakalaing marunong din palang maging seryoso—at higit sa lahat, marunong ding magmahal nang totoo. Pero paano kung... paano kung mali ito? Natatakot siyang sumugal ulit. Natatakot siyang masaktan. At hindi lang siya ang nakataya rito—kundi pati ang mga anak niya. Muling bumalik sa isip niya ang nakaraan. Ang sakit ng panloloko ng ama ng mga anak niya. Ang mga gabi ng pag-iyak. Ang pangakong hindi na siya
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

104.

Napangiti si Vinz, matapos ibaba ang tawag na nagmula kay Danica. Ang kanyang labi ay punit na punit na parang nakaplaster na ang ngiti na naroroon.Hindi niya maiwasang mag imagine ng mga bagay na maaari nilang pag usapan ng babae. Kahit lalaki siya, kiikilig siya sa isiping ito ang nag insist na magkita sila.Pakanta kanta pa siya habang nag aayos ng kanyang mga dokumento. Ang kanyang presensiya ay nagdudulot ng magaan na trabaho sa kanyang mga employee. Nakikita nila siya habang masayang masaya sa kanyang glass wall na opisina.Eksaktong alas kwarto, nag umpisa na siyang mag asikaso sa kanyang sarili. Doon na siya naligo, at nagbihis ng casual na damit.Subalit hindi inaasahang bisita ang dumating..Sina Jethro at Santi.Napangiti ang mga ito ng makita siya at tuloy tuloy na nagtungo sa opisina."Oh, mukhang may lakad ka," bungad ni Santi sa kanya, "tamang tama, sasama na lang kami sayo. Matagal na tayong walang gala eh.""Ah.. eh.." hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin, napal
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

105.

Pagdating nila sa bar, ang malakas na tugtugan ay nag uumapaw na, kakaunti pa lang ang tao, kaya madali silang mapansin ng lahat.Agad silang binati ng mga staff, at iginiya sa private room na nasa gilid. Sa loob nito, mahinang tugtugan lang ang kanilang maririnig at makakapag usap sila ng maayos."Ano nga yung sinasabi mong balita?" tanong ni Vinz kay Jethro na kasalukuyang kumukuha ng alak sa bar counter na nasa loob ng kwartong iyon."Alam ko na kung nasaan si Danica.." sagot ni Jethro saka inabutan sila ng mga baso, "kaya ito ay pagsicelebrate ng malapit na naming reconcilliation."Nagulantang siya. Paano nito mahahanap ang babae, gayong nasa liblib itong parte ng Quezon na siya ang nagmamay ari..'Paanong-- paano mo nalamang siya iyon?" halos hindi siya makapaniwala.Kinuha nito ang cellphone, saka ipinakita sa kanya ang babaeng naka side view, na nasa isang mall. Si Danica nga iyon, subalit hindi maaaring nasundan ito ng kung sino mang tauhan ng kaibigan niya."Mukhang siya, per
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

106.

Dahan dahang iminulat ni Vinz ang kanyang mga mata at nagising siya sa isang estrangherong silid.Ang puting nakapaligid na pader sa kanya, at ang kurtinang pamilyar ang hitsura ay nagpapaalala na nasa isa siyang hospital.Tumingin siya sa kanyang kanan, at nakita si Danica na kausap ang doctor niya sa cardio.Kinabahan siya, lalo na ng makita ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ng babae. Parang hindi niya iyon kayang tingnan.Paglingon ng mga ito sa kanya, nagmamadaling lumapit si Danica ng mapansin na mulat na siya at bahagyang nakangiti."Kumusta ka na?" malungkot na tanong ni Danica kay Vinz, saka bahagya itong sinuntok sa braso, "g*go ka, may sakit ka pala.. bakit hindi mo sinasabi sa akin?" malungkot ang tinig niya ng mga sandaling iyon."Hehe.." natatawa nitong sagot, "wala ito.. pagod lang..""Wag ka ng magsinungaling, kausap ko si Doc ngayon oh, baka nabubulag ka na naman at hindi mo siya napapansin.." nakasimangot na sabi niya dito."Okay lang naman ako," mahina at maputla an
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

107

Napayuko si Danica at mariing pumikit. Kinakabahan siya. Alam niyang dapat na niyang sabihin ito, pero natatakot siyang baka hindi ito ang tamang pagkakataon. Ngunit nang maramdaman niyang hinigpitan ni Vinz ang hawak sa kanyang kamay, naglakas-loob na siyang magsalita."Gusto ko kasing... gusto ko sanang bigyan tayo ng pagkakataon," mahina ngunit matapat niyang sabi.Saglit na natahimik si Vinz. Nanatili siyang nakatitig kay Danica, tila iniisip kung tama ba ang narinig niya. Hindi niya inasahan na sa kabila ng kanyang kalagayan, may isang tulad ni Danica na handang sumugal para sa kanya."Danica..." bulong ni Vinz, bakas sa mukha ang pagtataka at pag-aalala."Alam ko, alam ko," mabilis na dugtong ni Danica, parang nababasa ang iniisip ng lalaki. "Hindi ito madali, lalo na ngayon na nalaman kong may sakit ka. Pero Vinz... gusto kong subukan. Hindi ko kayang basta ka na lang mawala na hindi ko man lang nasabi sa'yo na... mahalaga ka sa akin."Hindi inaasahan ni Vinz ang biglaang pagsa
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

108.

"Nawala na naman si Vinz?" nakakunot ang noo na tanong ni Jethro, "alam mo, nakakahalata na ako sa taong iyon..""Nang?" tanong ni Santi sa kanya, "by the way, kumusta naman ang lakad mo?""Sabi sa mall, kahawig lang daw pala ni Danica, hindi daw siya iyon," malungkot na sabi ni Jethro."Pakiramdam ko naman, tama si Vinz, bakit naman dito lang siya sa Pilipinas magtatago, eh sa laki ng connection mo, nakita mo na sana siya.. saka di ba, si Vinz mismo ang nagprisinta na siya ang maghahanap kay Danica sa parteng Luzon? Sa Vizayas, wala naman akong nakitang Danica. Kaya malamang, nag abroad nga siya.." paliwanang ni Santi sa kanya.Subalit iba ang pakiramdam niya. Bakit parang nasa Pilipinas lang talaga ang babae?Hindi niya mawari ang pakiramdam na iyon, ngunit kailangan niyang mag imbestiga. Sigurado siya sa larawan na ipinasa sa kanya ng detective. Kahit pa naka side view lang iyon, alam niyang iyon ay si Danica.Kailangan siguro, mag imbestiga siya, dahil sa laki ng Luzon, maaaring
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

109

Habang nakaupo si Lovely sa harap ni Santi, hindi niya mapigilan ang pagbalik-balik ng alaala sa kanyang isipan. Ang pagkakamali niyang iyon—ang pagsuway sa tiwala ni Jethro—ay nagdala ng isang hindi matatawarang lamat sa kanilang pagkakaibigan. Kung hindi lang niya natutunang mahalin ang lalaki, okay pa sana silang lahat ngayon.Ngunit sa kabila ng kanyang pagsisisi, may isang tanong na hindi siya tinatantanan: Bakit hindi pa lumilitaw si Vinz? Ilang taon na niya itong hindi nakikita, magmula ng pagplanuhan nila ang bagay na iyon.Hindi ito pangkaraniwan. Kilala niya si Vinz bilang isang taong hindi basta-basta nawawala nang hindi nagpapaalam. Pero ngayon, parang sinadya nitong maglaho. Ipinangako nito noon na itatago ang mag-iina ni Jethro, pero ang kasunduan ay dapat lumabas na ito matapos ang kasal nila—na hindi kailanman nangyari. Dahil kinasusuklaman na siya ng lalaki ngayon."Tingin mo ba, may dahilan kung bakit hindi nagpapakita si Vinz?" tanong ni Lovely kay Santi."Hindi ko
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

110.

Kinabukasan, maagang nagkita sina Lovely at Santi sa isang maliit na coffee shop sa gilid ng Maynila. Pareho silang halatang kulang sa tulog, ngunit ang determinasyon sa kanilang mga mata ang nangingibabaw."May nakuha akong impormasyon," ani Santi habang inilapag ang isang folder sa harapan ni Lovely. "May isang private investigator akong kinausap kagabi. Sinubukan niyang i-trace si Vinz sa mga huling transaksyon niya. At may natagpuan siya."Dali-daling binuksan ni Lovely ang folder at pinagmasdan ang laman nito. May mga resibo, CCTV screenshots, at isang listahan ng mga address na pinuntahan ni Vinz sa nakalipas na tatlong buwan."Nasa Batangas siya?" nanlaki ang mata ni Lovely. "Akala ko ba sa Manila lang siya nakikita?""Nasa Davao pa rin ang negosyo niya, at may mga pinupuntahan siya sa Manila.. Pero mukhang may madalas siyang puntahan sa isang private resort malapit sa dagat. Ang sabi ng investigator, doon siya madalas tumambay tuwing weekend, ginagawa lang palengke ang lugar,
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more
PREV
1
...
8910111213
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status