"Nawala na naman si Vinz?" nakakunot ang noo na tanong ni Jethro, "alam mo, nakakahalata na ako sa taong iyon..""Nang?" tanong ni Santi sa kanya, "by the way, kumusta naman ang lakad mo?""Sabi sa mall, kahawig lang daw pala ni Danica, hindi daw siya iyon," malungkot na sabi ni Jethro."Pakiramdam ko naman, tama si Vinz, bakit naman dito lang siya sa Pilipinas magtatago, eh sa laki ng connection mo, nakita mo na sana siya.. saka di ba, si Vinz mismo ang nagprisinta na siya ang maghahanap kay Danica sa parteng Luzon? Sa Vizayas, wala naman akong nakitang Danica. Kaya malamang, nag abroad nga siya.." paliwanang ni Santi sa kanya.Subalit iba ang pakiramdam niya. Bakit parang nasa Pilipinas lang talaga ang babae?Hindi niya mawari ang pakiramdam na iyon, ngunit kailangan niyang mag imbestiga. Sigurado siya sa larawan na ipinasa sa kanya ng detective. Kahit pa naka side view lang iyon, alam niyang iyon ay si Danica.Kailangan siguro, mag imbestiga siya, dahil sa laki ng Luzon, maaaring
Habang nakaupo si Lovely sa harap ni Santi, hindi niya mapigilan ang pagbalik-balik ng alaala sa kanyang isipan. Ang pagkakamali niyang iyon—ang pagsuway sa tiwala ni Jethro—ay nagdala ng isang hindi matatawarang lamat sa kanilang pagkakaibigan. Kung hindi lang niya natutunang mahalin ang lalaki, okay pa sana silang lahat ngayon.Ngunit sa kabila ng kanyang pagsisisi, may isang tanong na hindi siya tinatantanan: Bakit hindi pa lumilitaw si Vinz? Ilang taon na niya itong hindi nakikita, magmula ng pagplanuhan nila ang bagay na iyon.Hindi ito pangkaraniwan. Kilala niya si Vinz bilang isang taong hindi basta-basta nawawala nang hindi nagpapaalam. Pero ngayon, parang sinadya nitong maglaho. Ipinangako nito noon na itatago ang mag-iina ni Jethro, pero ang kasunduan ay dapat lumabas na ito matapos ang kasal nila—na hindi kailanman nangyari. Dahil kinasusuklaman na siya ng lalaki ngayon."Tingin mo ba, may dahilan kung bakit hindi nagpapakita si Vinz?" tanong ni Lovely kay Santi."Hindi ko
Kinabukasan, maagang nagkita sina Lovely at Santi sa isang maliit na coffee shop sa gilid ng Maynila. Pareho silang halatang kulang sa tulog, ngunit ang determinasyon sa kanilang mga mata ang nangingibabaw."May nakuha akong impormasyon," ani Santi habang inilapag ang isang folder sa harapan ni Lovely. "May isang private investigator akong kinausap kagabi. Sinubukan niyang i-trace si Vinz sa mga huling transaksyon niya. At may natagpuan siya."Dali-daling binuksan ni Lovely ang folder at pinagmasdan ang laman nito. May mga resibo, CCTV screenshots, at isang listahan ng mga address na pinuntahan ni Vinz sa nakalipas na tatlong buwan."Nasa Batangas siya?" nanlaki ang mata ni Lovely. "Akala ko ba sa Manila lang siya nakikita?""Nasa Davao pa rin ang negosyo niya, at may mga pinupuntahan siya sa Manila.. Pero mukhang may madalas siyang puntahan sa isang private resort malapit sa dagat. Ang sabi ng investigator, doon siya madalas tumambay tuwing weekend, ginagawa lang palengke ang lugar,
"Kilala ko ba kayo?" tanong nito na bahagyang nakakunot ang noo.Ang taong ito ay--- hindi ang hinahanap nila!"Sino ka?" tanong ni Lovely sa lalaking kaharap."Anong sino ako? tanga ka ba? kayo ang lumapit sa akin at ginulat ako, tapos, tatanungin mo kung sino ako?" nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanila."Ikaw ba si Vinz?" naguguluhang tabong ni Lovely."See? kilala mo ako, tapos tatanungin mo kung sino ako? wow naman ha!" naiiling na sabi nito sa kanya.Kung gayon--" hindi makapaniwala si Santi. Mali ang taong namanmanan ng imbestigador na inutusan niya. Kahawig lang ito ni Vinz, pero hindi ito ang kaibigan nila."Lumayas nga kayo dito. Baka tumawag pa ako ng pulis!" pagtataboy nito sa kanila."Pasensiya na sir.. nagkamali lang," pagpapaumanhin ni Santi."Nagkamali- nagkamali, kumita na yan! wala akong paki kung anak kayo ng mayayaman. Wag kayong mang abala dito!" inis na sagot nito saka bumalik sa loob ng bahay.Naiwan ang dalawa na nagkakatinginan at hindi makap
"Magaling!" sabi ni Vinz sa kabilang linya, "napaniwala ba sila? yung mga kapitbahay mo ba diyan, nabigyan ng ayuda?""Opo sir, naayos na namin lahat." sagot sa kabilang linya.Tinawagan si Vinz ng isa niyang tauhan sa Batangas na tumutulong sa kanya upang mailigaw sina Lovely sa paghahanap sa kanya. Mgandang plano ito upang hindi malaman ng mga ito ang kinaroroonan ni Danica.Sa kagandahang palad, nakikisama ang lahat ng taga roon sa kanya, dahil na rin sa mabuti niyang pakikitungo sa mga ito. Iba rin talaga kung marunong makisama sa mga tao.Huminga siya matapos maputol ang tawag. Lumalapit na sina Santi sa kinaroroonan ng mag iina, kaya dapat niyang alisin ang mga ito doon.Naabutan siya ni Danica na nakatanaw sa bintana at nakangiti."Oh, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. May dala itong prutas. "kumain ka muna."Maayos na naman ako, lalo na ngayon na inaalagaan mo ako," sagot niya sa babae."Bola.." nakangiti nitong sabi, "kumusta na ang pakiramdam mo? okay ka
Napangiti si Vinz ng marinig ang sinabi ni Danica. Masaya siyang malaman na may puwang pala siya sa puso ng babae. Ang akala niya noon, hindi na siya magtatagumpay na mapaibig ito."Totoo ba yan?" tanong niya dito.Bahagyang tumango si Danica, "oo, basta magpagaling ka lang at magpalakas.. magpapakasal tayo..""Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Danica." nakangiti ang maputla niyang labi.Ang kanyang mukha ay parang sa isang bangkay. Maputla, maputi.May mga bagay na bawal na sa kanya gaya ng labis na pagpapagod. Kaya hindi na muna siya nagbabiyahe at nagtatrabaho na lang siya through online.Ang doctor na lang ang nagtutungo sa bahay na iyon, para sa kanyang check up.Isa sa pinakamagandang disisyon na nagawa niya, ay ang maghintay at hindi maging apura.Ang ngiting iyon ay biglang napalitan ng alalahanin.Paano kung makita sila nina Lovely?Hindi naman sila makakaalis ng bansa dahil malalaman agad iyon ni Jethro.Kung lilipat sila sa Manila, madalas naman doon si Santi.Lalon
"Okay naman siya, baka masyado lang siyang natuwa," nakangiting sabi ng doctor, "huwag mo na lang hahayaan na mapagod siya o labis na masiyahan, talagang paninikipan siya ng dibdib," bilin ng doctor kay Danica."Salamat Doc," nilingon niya ito, habang hawak ang kamay ni Vinz.Nagpaalam na ang doctor sa kanya, at ibinilin na lang ang mga gamot na dapat inumin ni Vinz.Nakahinga siya ng maluwag, at taos pusong nagpasalamat sa Panginoon dahil sa maayos na kalusugan ng lalaki.Takut na takot siya kanina ng makita ang pamumutla nito at pagkawalan ng malay, subalit ngayon, alam na niyang ligtas si Vinz, kaya makakahinga na siya ng maayos.Marahang gumalaw ang lalaki, na parang nananaginip, saka unti unting ibinuka ang kanyang mga mata. Nang masilayan ang magandang mukha ni Danica, bahagya itong ngumiti."Bakit ang lungkot mo?" mahina ang tinig na iyon, subalit may halong saya."Sino ba namang hindi malulungkot sa nangyari sayo?" nakangusong sagot niya, "nag alala ako sayo ng sobra. Akala k
"Lovely?" nanlaki ang mga mata ni Danica ng makita ang babaeng iyon, at sa likuran nito ay si Santi. "Anong ginagawa niyo dito?""Nakita namin ang mga anak mo sa labas habang namamasyal kami ni Santi, at kanina.. sa kilos ng mga batang ito, kinabahan na ako, at alam kong anak mo sila," sagot ni Lovely, "maaari ba kaming tumuloy?"Napatingin siya sa kwarto ni Vinz, saka magalang na tumanggi, "doon na lang tayo sa labas. Mga anak, dito lang kayo.."Sa kanilang paglalakad sa hardin, ang malawak na mga bulaklak ng lavender ang unang napansin ni Lovely, "ang ganda naman dito."Hindi siya nagsalita, at dinala ang mga ito sa may greenhouse, may kalayuan sa bahay nila. "Anong kailangan niyo?" hindi na siya nag abalang paupuin ang mga ito. Hindi siya plastic na tao, kaya ayaw naman niya na maging komportable ang mga ito."Maaari ba kaming maupo?" si Lovely na ang humiling ng bagay na iyon."Sige, bahala kayo," naupo naman siya sa kabilang gilid."Danica, matagal ka na naming hinahanap.." pan
Hindi siya makapaniwala, saka siya bumaba..Nanginginig ang kanyang laman, habang binabaybay ang patungo sa likod ng sasakyan..Doon.. may umaagos na mapulang likido.. subalit mukhang hindi naman iyon dugo.."A--ano yan?" tanong niya sa mga pulis."Ma'am, mabuti pang buksan niyo yan, para makita niyo kung ano ang nasa loob.." sagot ng isang pulis.Nanginginig ang kanyang mga daliri.. saka itinaas ang likod na bahagi ng sasakyan.Unti unti, tumambad sa kanya, ang bahaging iyon ng sasakyan..May mga larawan nila doon nina Jethro at ng mga anak nila.Nakaayos ang bulaklak doon, at parang ibinuhos ang wine sa parteng iyon upang umagos.Natutop niya ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa sorpresang nakita. Ngunit.. nasaan na ang lalaki? Bakit gamit lang iyon? totoo bang mag aabroad na si Jethro?Dumaan ang isang van, at saglit na tumigil. Pag alis muli ng van, naroon si Jethro sa kabilang kalsada. Nakangiti, habang may dalang bulaklak.Nakasuot ito ng isang suit, na bagay na bagay sa
Nanatili siyang nakatayo sa harap nina Siren, Ian, at Vohn, habang ang kanyang puso ay tila binuhusan ng malamig na tubig. Umalis na si Jethro? Papunta na ito sa Amerika?Bakit hindi niya alam?Hindi man lang nito nais na magpaalam sa kanya? Tuluyan na lang itong aalis?Paano ang kanilang mga anak?Nakita niya ang saglit na palitan ng tingin ng tatlo, tila nag-aalangan kung dapat pa bang ipagpatuloy ang usapan. Pero si Vohn, na palaging prangka, ang hindi nakatiis."Danica, matagal na niyang plano iyon. Matapos ang lahat ng nangyari, siguro naisip niyang mas mabuting lumayo na lang muna. Hindi ka na rin naman niya makausap nang maayos, di ba? Ayaw mo rin naman ata siyang makita, kaya nakapagdisisyon siya ng ganoon."Gusto niyang magprotesta, gusto niyang sabihin na hindi totoo, pero paano? Hindi niya rin naman tinangka ang makipag-usap kay Jethro nitong mga nakaraang buwan. Sa tuwing susubukan niyang isipin ang gagawin, lagi na lang siyang nauunahan ng sama ng loob, hiya, o kaya nama'
Eksaktong anim na buwan, simula nong mawala si Vinz, unti unti na si Danica na nakakabangon.Ang kanyang katawan ay nakakabawi na, at maganda na ang takbo ng kanyang negosyo.Ang pagiexport ng mga damit ang kanyang ginawang negosyo. Hindi siya umasa sa mga pamana nina Vinz at Lovely, bagkus, kumilos siya para sa kanila.Walang bakas ni Jethro sa kanyang bahay, ngunit nalalaman niya sa kanilang mga anak at sa yaya, na pumupunta ang lalaki doon, kapag wala siya.Minsan, nalulungkot siya, dahil naiisip niyang tama si Vinz.. kailangang buuin nila ang kanilang pamilya ni Jethro, ngunit siya naman ay inaatake ng hiya.Hindi na kailanman kumontak sa kanya si Jethro..Mukhang sumuko na ang lalaki, panunuyo at pakikipag usap sa isang gaya niyang kasing lamig ng yelo makitungo.Mahalaga naman sa lalaki ang kanyang mga anak, subalit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.Ano ang hungkag na damdamin na pilit lumalabas sa kanyang damdamin? bakit tila ba, ang alaala ng lalaki ay palaging nasa
May isang susi sa bag ni Vinz, para sa closet nito sa kanilang bahay.Kinuha niya iyon. At binasa ang isa, na naka date, noong panahong nakita niya ito sa isang bar...Mahal kong Danica..Ang una kong pagkakita sa iyo, marahil ay hindi sinasadya, kundi isang tadhana.. Ang puso ko ay tumibok ng mabilis, na parang isang barena.Wala akong ibang tinitigan ngayong gabi, kundi ikaw lamang. Sayang, at may nauna na pala sa akin.Kung nauna lang sana ako, ng kahit ilang buwan na makalapit saiyo, ginawa ko na..Nagkakilala na tayo, sa Manila. At dahil sa ganda mo, at pinalibutan ka ng mga tao, hindi ko na nakuhang lumapit. Nginitian mo ako, ng minsang magtama ang ating mga mata.. subalit mukhang hindi mo ako natandaan..Naalala ni Danica ang lalaking iyon, na nakatitig sa kanya buong gabi, at binigyan niya ng isang ngiti. Ngunit dahil hindi siya interesado dito, hindi na niya natandaan ang mukhang iyon. Bumuntunghininga siya, saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng liham ni Vinz..Hindi na kita ma
"IWANAN mo na ko, Jethro.." sabi ni Danica sa lalaki, "hayaan mo muna akong mag isa.."Umalis ito, kasama ang mga bata. Halos dalawang linggo itong nananatili sa kanilang tahanan. Hindi ito umaalis at inaasikaso ang mga bata.Nakita niya, na gustong gusto ito nina Juls at Julia. Kaya hinayaan na lang niya ito.Lumalapit lang ito sa kanya kapag aayain siyang kumain, o kukumustahin. Kapag hindi siya nagsalita, umaalis na ito.Si Jethro din ang kumuha ng vault sa bahay ni Lovely, pati ang bag sa bahay ni Vinz.Nasa harapan niya ngayon, ang mga bagay na sinasabi ng mga ito sa kanyang panaginip, at ayun din sa naiwang will ng dalawa, kailangang ibigay sa kanya ang mga gamit na iyon.Una niyang kinuha ang susi ng vault ni Lovely. Customize iyon. Kaya ang btanging susi para mabuksan ito ay nag iisa lang.Tumambad sa kanyang mga mata, ang punong pera na nasa vault ay may nakasulat na Juls at Julia, sa bandang secret case naman, may isang telepono, saka isang sulat.Una niyang binuksan ang so
"DANICA...." hinawakan ni Jethro ang kanyang balikat, "halika na, naghihintay na ang mga bata.."Hindi niya alam, kung paano mabubuhay ngayon. Si Vinz ang nagsilbing best friend niya, sa mga panahong down na down siya.Hindi ito nag take advantage sa kanya kahit minsan.Isang beses lang siya nahalikan nito, at sa noo pa iyon.Ang pagsasakripisyo nito sa kanilang mag iina, ay walang katumbas. Kaya hindi niya alam kung paano magsisimula muli, ng wala ito sa paligid.Sa loob ng isang linggo na pagdadalamhati, wala siyang ginawa, kundi umiyak. Mag dalamhati. Magmukmok.Ni hindi na niya alam ang nangyayari sa kanyang mga anak, na lumalapit sa kanya para i-comfort siya.Nakikita niya ang mga itong kumakain. Bagong ligo, bagong bihis.May mga yaya naman ang mga bata, kaya tiwala siya sa mga iyon.Sa harap ng puntod ni Vinz, tila bumabalik ang lahat ng alaala nilang magkakasama.Walang dull moment kapag kasama niya ito. Laging nagpapatawa, laging may sense kausap. Hindi nauuubusan ng jokes.M
Ang damdaming iyon na pilit niyang kinakalimutan, ay muling nabuhay.'Bakit? bakit akala ko ay wala na? bakit akala ko ay tapos na?'Ang mga katanungan ni Danica ay kusang lumabas at pilit na kumakawala sa kanyang isipan.Hindi pala nawala ang pagmamahal niya kay Jethro, ito ay natakpan lamang ng poot, at sakit.Mas nanaig sa kanya ang matinding galit na dulot ng nakaraan. At ngayon, ng aminin na ni Lovely ang lahat ,parang mas gumaan na ang pagdadala niya ng kasalanan ni Jethro.Ang kanyang pagmumuni muni, ay nagbalik ng kanyang mga lumang alaala na tila ba kumakatok sa kanyang puso. Yung panahong sila ay masaya pa, at panahong wala pa silang pinag aawayan.Ang buhay nila noon ay talagang matatawag na ideal, lalo na, ng iopen ng lalaki sa kanya ang tungkol sa kasal.Isa iyon sa pinakamagandang bahagi ng kanyang buhay. Lahat naman ng babae ay nangangarap na maikasal. Nais niyang bumuo sana ng pamilyang mapayapa at masaya, na ipinagkait noon sa kanya.Subalit bakit ba napakadamot ng ta
Subalit ang kaligayahang iyon, ay hindi nagtagal.Hindi dumating ang puso sa tamang panahon.At hindi na iyon makukuha kailan man.Bumagsak ang helicopter na pinagkargahan nito, at nasunog iyon na parang barbecue.Nang malaman nina Danica ang nangyari, nagpanic sila, lalo na ang mga doctor.Mahinang mahina na si Vinz. Mukhang hindi na nito kayang magsurvive sa loob ng 24 oras."Anong gagawin natin," lumuluhang sabi ni Danica kay Lovely.."Maghahanap ako ng paraan, maghintay ka dito!" paalam nito sa kanya.Lutang na lutang ang pakiramdam ni Danica.Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid.Biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Ang tinig na iyon!"Jethro?" bulong niya."Okay lang ba si Vinz?" agad hinawakan ni Jethro ang wala sa sariling si Danica, "magsalita ka..""Jethro.." hilam ng luha ang mga mata ng babae, habang nakatingin sa kanya.Hindi ito makapagsalita ng maayos ,na parang takut na takot.Agad niyang niyakap ito at pinakalma. Si Santi naman ay nagpaalam sa kan
Danica, na nakikipaglaro pa sa mga bata sa labas, ay napalingon nang marinig ang hysterical na sigaw ni Lovely. Agad niyang binitiwan ang mga laruan at mabilis na tumakbo papasok sa bahay. Pagkarating niya sa loob, bumungad sa kanya ang walang malay na si Vinz, nakasandal sa sofa habang nanginginig ang mga kamay ni Lovely sa paghawak sa kanya."D-Danica! Tumawag ka ng ambulansya! Bilis!" nanginginig na utos ni Lovely, habang pinipilit niyang alalayan si Vinz.Hindi na nag-aksaya ng oras si Danica. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tumawag sa emergency hotline. Nanginginig ang boses niya habang ibinibigay ang address nila at sinasabing may emergency—may taong nangangailangan ng agarang atensyong medikal."Vinz! Vinz! Kaya mo 'to!" halos maiyak si Danica habang hinahaplos ang mukha ng lalaking mahal niya. "Huwag kang bibitiw, ha? Please, andito ako..."Mahina na ang paghinga ni Vinz, at kitang-kita ang panghihina sa kanyang katawan. Walang malay ngunit may bahagyang paggalaw sa k