Share

117.

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-16 20:09:22

Agad na kinabahan si anica, sumilip sa loob ng bahay, saka nagmamadaling lumabas at hinila ang pinto.

Hinawakan niya ang braso ni Jethro at inilayo ito doon. Muloa sa malayo, natanaw naman niya sina Lovely at Santi. Hindi ang mga ito lumapit sa kanila. Dinala niya si Jethro sa may waiting area sa dulo ng daan patungo sa bahay nila.

"Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot niyang tanong sa lalaki.

"Ang tagal kitang hinanap.. Hinanap ko kayo ng mga bata, narito ka lang pala., Kumusta ka na? nasaan ang mga anak ko?" sabik na tanong ni Jethro. Hinawakan niya ang kamay ni Danica, "Miss na miss ko na kayo ng kambal."

Agad iwinaksi ni Danica ang mga kamay ni Jethro, "wag mo akong hawakan!"

"Da-Danica.." ang lungkot sa tinig ni Jethro ay mahahalata sa simpleng pananalita lamang.

"Hindi ka namin kailangan.. at hindi ka namin kakailanganin kahit kailan! simula noong lokohin mo ako, pinatay mo na ang puso ko. Wala ka ng babalikan.." mariing sabi ni Danica, "talagang nagpasama ka pa kay Lovely? wow
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
naku gulo na yan salamat sa update miss a
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Unexpected Wife of a Billionaire   1. Ang lihim ng kanyang ama

    “No!!” nanginginig ang kanyang kalamnan sa narinig sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwalang naisipan nitong ipagkasundo siya sa isang matandang halos kasing edad na nito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa labis na galit. Hindi niya maiwasang maghimagsik ang kanyang puso. Nagngingit ngit ang kanyang damdamin. “Danica, siya lang ang makakatulong sa atin. Si Amante na lang ang nais sumugal sa ating kumpanyang lubog na sa pagkakautang. Hindi na tayo makabawi magmula ng mamatay ang iyong mama,” paliwanag ng kanyang ama, “matitiis mo bang mawala ang kompanyang pinaghirapan namin sa matagal na panahon? Nasa kamay niya ang ating muling pagbangon.” “Papa,” nangingilid na ang kanyang luha dahil na rin sa labis na frustration, “matitiis niyong ako ang ibayad sa matandang iyon kapalit ng tulong na nais niyang ibigay sa atin? Kung totoo niyo siyang kaibigan, bakit hindi niya kayo tulungan ng walang kapalit?” Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na gagawin siyang collateral ng kanyang ama, “ma

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-19
  • Unexpected Wife of a Billionaire   2. The famous Jethro

    PAGDATING niya sa bahay, walang tao sa salas. Ngunit naririnig niya ang tinig ng mga naroroon sa itaas. “Kailangang magantihan ko siya mommy!” umiiyak na sabi ni Ingrid, “ginupit niya ang maganda kong buhok!” Dahan dahan siyang umakyat ng hagdan. Nasilip niya sa masters bed room ang mga ito na parang may pinagmimitingan na hindi siya kasali. “Sumusobra na yang anak mo, Luke!” singhal ni Rodora sa kanyang papa, “tingnan mo naman kung ano ang ginawa niya sa anak ko.” “Baka naman inasar niyo na naman ang anak ko,” nakatayo ang kanyang ama. Mukhang walang sakit, naninigarilyo ito saka namintana, “mabait si Danica, hindi niya kayo sasaktan kung hindi kayo nauna.” “Kasalanan pa ni Ingrid ngayon ha?” lumapit si Rodora kay Luke, “masyado ng m*****a yang anak mo!” “Tigilan mo ako, Rodora,” asik ng kanyang papa sa kanyang madrasta. Bahagya pa siyang lumayo, upang hindi makita ng mga ito, “baka akala mo, isasakripisyo ko ang anak ko, dahil sa pagiging sugarol mo!” “Ako lang ba? Ako lang? E

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-19
  • Unexpected Wife of a Billionaire   3 SPG Unang maranasan ni Danica

    DAHAN -dahan niyang inilapag sa kama ang walang malay na babae. Wala itong ginawa kundi ang umungol. “Ang init! ang init!” paulit ulit nitong sabi. Nilakasan niya ang buga ng aircon, ngunit nananatili pa rin itong pagulong gulong sa kama at patuloy pa rin ang pagsasabi na naiinitan ito. Hinubad niya ang suot nitong heels. Napansin niya ang pagpapawis ng katawan nito. Napailing na lang siya ng marahas. “Mga bwesit! nakainom ito ng libido pill!” inis niyang sambit, “mga wala talagang magawa sa buhay!” Kailangan niya itong ibabad sa bath tub upang maibsan ang init na nararamdaman nito. Kinarga niya ang babae sa banyo. Inilapag niya iyon sa bath tub at binuksan ang faucet. Iniwan niya ito saglit para makapaghubad siya ng suot niyang suit. Inihanger niya ang hinubad, saka binalikan ang babae. Nakalubog na ang buong katawan nito sa tubig. “Damn!” nagmamadali niyang pinatay ang tubig saka inahon ang babae. Agad niya itong inilapag sa carpet at pinakinggan ang hinga nito. Mahina iyon.

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-19
  • Unexpected Wife of a Billionaire   4. Pagtakas sa kanyang madrasta

    Danica ILANG bloke pa lang ang layo niya sa kanyang bahay, ay napansin niya ang mga sasakyang nakaparada sa harapan niyon. Nagtataka siya kung sino ang bibisita sa kanya ng ganoong araw, samantalang wala namang ibang nakakaalam kung nasaan siya. Bumaba siya ng kotse, at nagtago sa likod ng isang sasakyan. Baka natunton siya ng kanyang papa. Doon niya lang naalala ang kanyang cellphone, maaaring nalocate iyon gamit ang GPS! Pinanood niya ang mga taong pumasok sa kanyang bahay. Mabuti na lang at ang mga importante niyang gamit ay nasa kanya pa ring sasakyan. Narinig pa niya ang usapan ng naroroon. “Babalik dito yun, baka namasyal lang. Dapat may maiwan dito,” boses iyon ni Rodora, “malalagot tayo kay Amante kapag hindi natin naiharap sa kanya si Danica sa loob ng anim na buwan!” “Gaga din, mukhang nagpapahabol lang. Nakaopen ang GPS ,bakit hindi natin alam na may bahay siyang sarili?” si Jalen naman iyon, na kita niya sa kamay nito ang kanyang cellphone. “Dapat, makaganti ako sa ka

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-19
  • Unexpected Wife of a Billionaire   5. Positive..

    Two months later.. UMIIKOT ang kanyang paningin ng umagang iyon. Masakit na masakit ang kanyang ulo. Ilang araw na niyang nararamdaman ang kakatwang pakiramdam. Madalas na rin siyang nagsusuka, na kahit wala ng ilalabas, todo duwal pa rin siya. Kumabog ang kanyang dibdib. Mabilis iyon, biglaan lang siyang kinabahan. Napatingin siya sa kanyang mga napkin sa may vanity mirror. Sa pagiging abala niya, hindi na niya napagtuunan ang maliit na detalyeng iyon ng kanyang buhay. Bumalikwas siya ng bangon kahit masama ang kanyang pakiramdam. Walang kabawas bawas ang lagayang iyon. Sumigid ang kirot ng kanyang ulo.. “No!! No! This can’t be!” napapaluha niyang sabi sa sarili. Bawal sa kanilang opisina ang mabuntis ng walang asawa dahil iniingatan nila ang image ng kumpanya. Kahit ang pakikipagrelasyon sa may mga asawa na, ay sinasaklawan doon. Ayaw nila ng imoralidad. Kapag may asawa na, sila lang ang maaaring mabuntis under their company. Mahigpit sila pagdating sa core values. Sa loob ng d

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-19
  • Unexpected Wife of a Billionaire   6. Meeting my baby's dad

    “Bakit ka ipinatawag ni sir?” Tanong ni Siren, “hindi ka nun basta ipapatawag kung hindi importante ang sasabihin niya sayo,” inuusisa siyang maigi ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam, kung paano sasabihin dito ang kanyang kalagayan. Ayaw niyang mahusgahan, dahil iyon ang unang ikinababahala niya. Nag isip na lang siya ng maaaring idahilan sa kaibigan. “May ipinapa confirm lang siya friend, kung– kung account ko daw ang nakapag close deal sa mga Chavez..” pagsisinungaling niya. Hindi niya iyon matingnan sa mata. Natatakot siyang mabuko nito ang kanyang pagsisinungaling. “Huh? Wala pa ba silang tiwala sayo? Ang galing mo kaya!” lumapit na si Ian sa kanila, “kahit nag uumpisa ka pa lang, marami ka ng napatunayan, sanay ka sa takbo ng businesses ah. Baka naman, anak mayaman ka talaga?” Walang nakakaalam sa mga ito, ng totoong pagkatao niya. Ang mga nakakaclse deal din niya, ay mga kakilala na niya ang iba, kaya madali ang mga itong nagtitiwala sa kanya. Tapos, pagbibintangan lang siy

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-23
  • Unexpected Wife of a Billionaire   7. Pag amin niya sa kaibigan

    “You mean– bago ka pa lang magtungo dito, ay talagang may nakatabi ka ng ibang lalaki sa kama?” hindi makapaniwala si Ian sa ipinagtapat ni Danica, “bakit mo naman iyon ginawa?” “Hi-hindi ko rin alam. Lasing kasi ako nun, tapos nagising ako.. Nagising ako, may katabi na akong lalaki sa kama na hindi ko kilala..” napayuko ito habang tinitingnan niya. Nakaramdam siya ng habag sa kaibigan. Hindi niya akalaing pagdadaanan nito ang ganoong klase ng delubyo sa buhay. Ngayon, lalo lamang kakalat sa kanilang opisina, na siya ay nakikipagtrade ng aliw sa mga client kapalit ng project. Umiiyak na si Danica habang nakayuko. Panay ang punas nito ng kanyang luha. Inabutan niya ng panyo ang kanyang kaibigan. “Anong plano mo ngayon?” titig na titig siya dito. “Magreresign na lang ako. Ayoko din naman na maissue ako dito. Siguro, tatanggapin ko na lang na walang pang matagalang trabaho. Isa pa, baka naman may tatanggap na ibang kumpanya sa akin sa kabila ng aking kalagayan,” sisinghot singho

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-23
  • Unexpected Wife of a Billionaire   8. Mga inggitera!

    Nagtataka siya kung bakit ilang araw na Ang lumipas ay hindi pa rin siya ipinapatawag ng kanilang boss. Dapat, nagbaba na ito ng memo. Kahit si Mr. Morales ay walang maisagot sa kanya. Nahihiya naman siyang magtanong sa kanyang boss kung ano ang hatol sa kanya. “Bakit ka nakanganga diyan?” Tanong sa kanya ni Siren, “wag mong sabihing pinagpapantasyahan mo si Vohn?” “Hindi ni,” naupo siya ng maayos, ngunit sadyang malakas ang pandinig ng lalaking iyon. “Sorry, Danica, maganda ka, pero hindi Ikaw Ang type ko,” malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Ah, ganun ba?” Sinakyan na lang niya ang kalokohan nito, “sana man lang nagpreno ka ng konti upang hindi namanako masyadong nasaktan sa iyong sinasabi.” “Ayokong lokohin ang pinakamamahal ko..” tumingin pa ito kay Siren, “mahal na mahal ko siya..” “Kung si Siren ang talagang nagpapatibok ng puso mo, tatanggapin ko na lang,” pigil ang kanyang pagtawa. Namumula na ang kanyang pisngi sa labis na pagtitimpi. “Vohn,”

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-24

Bab terbaru

  • Unexpected Wife of a Billionaire   117.

    Agad na kinabahan si anica, sumilip sa loob ng bahay, saka nagmamadaling lumabas at hinila ang pinto.Hinawakan niya ang braso ni Jethro at inilayo ito doon. Muloa sa malayo, natanaw naman niya sina Lovely at Santi. Hindi ang mga ito lumapit sa kanila. Dinala niya si Jethro sa may waiting area sa dulo ng daan patungo sa bahay nila."Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot niyang tanong sa lalaki."Ang tagal kitang hinanap.. Hinanap ko kayo ng mga bata, narito ka lang pala., Kumusta ka na? nasaan ang mga anak ko?" sabik na tanong ni Jethro. Hinawakan niya ang kamay ni Danica, "Miss na miss ko na kayo ng kambal."Agad iwinaksi ni Danica ang mga kamay ni Jethro, "wag mo akong hawakan!""Da-Danica.." ang lungkot sa tinig ni Jethro ay mahahalata sa simpleng pananalita lamang."Hindi ka namin kailangan.. at hindi ka namin kakailanganin kahit kailan! simula noong lokohin mo ako, pinatay mo na ang puso ko. Wala ka ng babalikan.." mariing sabi ni Danica, "talagang nagpasama ka pa kay Lovely? wow

  • Unexpected Wife of a Billionaire   116.

    "ANONG ginagawa mo dito?" madilim ang mukha ni Jethro habang nakayuko. Hindi man lang niya tinapunan ng kahit kaunting pagtingin si Lovely. Ang labis na pagkairita niya sa babae ay umabot na ng limang taon."Jeth.." si Santi iyon na kasunod ni Lovely na pumasok sa silid na iyon."Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya, na hindi man lang tinapunan ng tingin ang dalawa. "Madami akong ginagawa ngayon. Umalis na kayo.""Kailangan ka naming makausap.." may himig pakikiusap sa tinig ni Lovely."Wala tayong dapat pag usapan. Tahimik na ako, umalis na kayo.." pagtataboy niyang muli."Nakita na namin sila," si Santi iyon na bahagyang nakakunot ang noo.Doon pa lang nag angat ng paningin si Jethro, "sinong sila?""Ang mag iina mo," tugon ni Santi.Nabitawan ni Jethro ang kanyang ballpen, saka natigilan. Napalingon siya sa mga ito, "Si--sina Danica at ang mga bata?""Hmm.." tumango si Santi, habang kinukuha ang kanyang cellphone. Ipinakita kay Jethro ang larawan ng mga bata.Nanlaki ang mga mat

  • Unexpected Wife of a Billionaire   115.

    "Lovely?" nanlaki ang mga mata ni Danica ng makita ang babaeng iyon, at sa likuran nito ay si Santi. "Anong ginagawa niyo dito?""Nakita namin ang mga anak mo sa labas habang namamasyal kami ni Santi, at kanina.. sa kilos ng mga batang ito, kinabahan na ako, at alam kong anak mo sila," sagot ni Lovely, "maaari ba kaming tumuloy?"Napatingin siya sa kwarto ni Vinz, saka magalang na tumanggi, "doon na lang tayo sa labas. Mga anak, dito lang kayo.."Sa kanilang paglalakad sa hardin, ang malawak na mga bulaklak ng lavender ang unang napansin ni Lovely, "ang ganda naman dito."Hindi siya nagsalita, at dinala ang mga ito sa may greenhouse, may kalayuan sa bahay nila. "Anong kailangan niyo?" hindi na siya nag abalang paupuin ang mga ito. Hindi siya plastic na tao, kaya ayaw naman niya na maging komportable ang mga ito."Maaari ba kaming maupo?" si Lovely na ang humiling ng bagay na iyon."Sige, bahala kayo," naupo naman siya sa kabilang gilid."Danica, matagal ka na naming hinahanap.." pan

  • Unexpected Wife of a Billionaire   114.

    "Okay naman siya, baka masyado lang siyang natuwa," nakangiting sabi ng doctor, "huwag mo na lang hahayaan na mapagod siya o labis na masiyahan, talagang paninikipan siya ng dibdib," bilin ng doctor kay Danica."Salamat Doc," nilingon niya ito, habang hawak ang kamay ni Vinz.Nagpaalam na ang doctor sa kanya, at ibinilin na lang ang mga gamot na dapat inumin ni Vinz.Nakahinga siya ng maluwag, at taos pusong nagpasalamat sa Panginoon dahil sa maayos na kalusugan ng lalaki.Takut na takot siya kanina ng makita ang pamumutla nito at pagkawalan ng malay, subalit ngayon, alam na niyang ligtas si Vinz, kaya makakahinga na siya ng maayos.Marahang gumalaw ang lalaki, na parang nananaginip, saka unti unting ibinuka ang kanyang mga mata. Nang masilayan ang magandang mukha ni Danica, bahagya itong ngumiti."Bakit ang lungkot mo?" mahina ang tinig na iyon, subalit may halong saya."Sino ba namang hindi malulungkot sa nangyari sayo?" nakangusong sagot niya, "nag alala ako sayo ng sobra. Akala k

  • Unexpected Wife of a Billionaire   113.

    Napangiti si Vinz ng marinig ang sinabi ni Danica. Masaya siyang malaman na may puwang pala siya sa puso ng babae. Ang akala niya noon, hindi na siya magtatagumpay na mapaibig ito."Totoo ba yan?" tanong niya dito.Bahagyang tumango si Danica, "oo, basta magpagaling ka lang at magpalakas.. magpapakasal tayo..""Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Danica." nakangiti ang maputla niyang labi.Ang kanyang mukha ay parang sa isang bangkay. Maputla, maputi.May mga bagay na bawal na sa kanya gaya ng labis na pagpapagod. Kaya hindi na muna siya nagbabiyahe at nagtatrabaho na lang siya through online.Ang doctor na lang ang nagtutungo sa bahay na iyon, para sa kanyang check up.Isa sa pinakamagandang disisyon na nagawa niya, ay ang maghintay at hindi maging apura.Ang ngiting iyon ay biglang napalitan ng alalahanin.Paano kung makita sila nina Lovely?Hindi naman sila makakaalis ng bansa dahil malalaman agad iyon ni Jethro.Kung lilipat sila sa Manila, madalas naman doon si Santi.Lalon

  • Unexpected Wife of a Billionaire   112

    "Magaling!" sabi ni Vinz sa kabilang linya, "napaniwala ba sila? yung mga kapitbahay mo ba diyan, nabigyan ng ayuda?""Opo sir, naayos na namin lahat." sagot sa kabilang linya.Tinawagan si Vinz ng isa niyang tauhan sa Batangas na tumutulong sa kanya upang mailigaw sina Lovely sa paghahanap sa kanya. Mgandang plano ito upang hindi malaman ng mga ito ang kinaroroonan ni Danica.Sa kagandahang palad, nakikisama ang lahat ng taga roon sa kanya, dahil na rin sa mabuti niyang pakikitungo sa mga ito. Iba rin talaga kung marunong makisama sa mga tao.Huminga siya matapos maputol ang tawag. Lumalapit na sina Santi sa kinaroroonan ng mag iina, kaya dapat niyang alisin ang mga ito doon.Naabutan siya ni Danica na nakatanaw sa bintana at nakangiti."Oh, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. May dala itong prutas. "kumain ka muna."Maayos na naman ako, lalo na ngayon na inaalagaan mo ako," sagot niya sa babae."Bola.." nakangiti nitong sabi, "kumusta na ang pakiramdam mo? okay ka

  • Unexpected Wife of a Billionaire   111.

    "Kilala ko ba kayo?" tanong nito na bahagyang nakakunot ang noo.Ang taong ito ay--- hindi ang hinahanap nila!"Sino ka?" tanong ni Lovely sa lalaking kaharap."Anong sino ako? tanga ka ba? kayo ang lumapit sa akin at ginulat ako, tapos, tatanungin mo kung sino ako?" nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanila."Ikaw ba si Vinz?" naguguluhang tabong ni Lovely."See? kilala mo ako, tapos tatanungin mo kung sino ako? wow naman ha!" naiiling na sabi nito sa kanya.Kung gayon--" hindi makapaniwala si Santi. Mali ang taong namanmanan ng imbestigador na inutusan niya. Kahawig lang ito ni Vinz, pero hindi ito ang kaibigan nila."Lumayas nga kayo dito. Baka tumawag pa ako ng pulis!" pagtataboy nito sa kanila."Pasensiya na sir.. nagkamali lang," pagpapaumanhin ni Santi."Nagkamali- nagkamali, kumita na yan! wala akong paki kung anak kayo ng mayayaman. Wag kayong mang abala dito!" inis na sagot nito saka bumalik sa loob ng bahay.Naiwan ang dalawa na nagkakatinginan at hindi makap

  • Unexpected Wife of a Billionaire   110.

    Kinabukasan, maagang nagkita sina Lovely at Santi sa isang maliit na coffee shop sa gilid ng Maynila. Pareho silang halatang kulang sa tulog, ngunit ang determinasyon sa kanilang mga mata ang nangingibabaw."May nakuha akong impormasyon," ani Santi habang inilapag ang isang folder sa harapan ni Lovely. "May isang private investigator akong kinausap kagabi. Sinubukan niyang i-trace si Vinz sa mga huling transaksyon niya. At may natagpuan siya."Dali-daling binuksan ni Lovely ang folder at pinagmasdan ang laman nito. May mga resibo, CCTV screenshots, at isang listahan ng mga address na pinuntahan ni Vinz sa nakalipas na tatlong buwan."Nasa Batangas siya?" nanlaki ang mata ni Lovely. "Akala ko ba sa Manila lang siya nakikita?""Nasa Davao pa rin ang negosyo niya, at may mga pinupuntahan siya sa Manila.. Pero mukhang may madalas siyang puntahan sa isang private resort malapit sa dagat. Ang sabi ng investigator, doon siya madalas tumambay tuwing weekend, ginagawa lang palengke ang lugar,

  • Unexpected Wife of a Billionaire   109

    Habang nakaupo si Lovely sa harap ni Santi, hindi niya mapigilan ang pagbalik-balik ng alaala sa kanyang isipan. Ang pagkakamali niyang iyon—ang pagsuway sa tiwala ni Jethro—ay nagdala ng isang hindi matatawarang lamat sa kanilang pagkakaibigan. Kung hindi lang niya natutunang mahalin ang lalaki, okay pa sana silang lahat ngayon.Ngunit sa kabila ng kanyang pagsisisi, may isang tanong na hindi siya tinatantanan: Bakit hindi pa lumilitaw si Vinz? Ilang taon na niya itong hindi nakikita, magmula ng pagplanuhan nila ang bagay na iyon.Hindi ito pangkaraniwan. Kilala niya si Vinz bilang isang taong hindi basta-basta nawawala nang hindi nagpapaalam. Pero ngayon, parang sinadya nitong maglaho. Ipinangako nito noon na itatago ang mag-iina ni Jethro, pero ang kasunduan ay dapat lumabas na ito matapos ang kasal nila—na hindi kailanman nangyari. Dahil kinasusuklaman na siya ng lalaki ngayon."Tingin mo ba, may dahilan kung bakit hindi nagpapakita si Vinz?" tanong ni Lovely kay Santi."Hindi ko

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status