All Chapters of My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town: Chapter 111 - Chapter 120

146 Chapters

Chapter 111: Past, Present and Future

NAPAHUGOT ng malalim na buntong-hininga si Drake habang nakatingin sa babae. Cherry Castillo is looking so elegant in her red dress. Lalong gumanda at sumeksi ang babae pero kahit katiting ay walang epekto ang ganda nito kay Drake. Naloko na talaga! Baliw na baliw na siya sa kaniyang asawa. Wala nang paraan pa para gumaling siya sa sakit na pagkabaliw kay Shaniya pero aaminin niya na gustong-gusto niya. Shaniya is like a dr*g that he couldn't resist at kahit maul*l siya sa dito ay masaya pa niya iyong tatanggapin. “Why are you avoiding me?” Naglakad si Cherry palapit kay Drake. Drake's jaw tensed. Nang tuluyang makalapit sa kaniya ang babae ay umatras siya ng dalawang beses. Nakita naman niya ang pasimpleng pagtatago ni Shun sa kusina at napamura nalang si Drake sa kaniyang isipan. Ayaw niyang madikit sa babae. Ni ayaw niyang makausap ito dahil baka makarating kay Shaniya at kung ano ang isipin ng kaniyang asawa. “Alam mo ang sagot sa tanong na iyan, Cherry. Nag-usap na tayo,” b
last updateLast Updated : 2024-10-08
Read more

Chapter 112: Heated Arguments and Confessions

NANGGIGIGIL si Shaniya sa galit nang kinabukasan ay natagpuan na naman niya si Drake na pasunod-sunod sa kaniya na parang nagpapaampon na pusa. Mula sa gym hanggang sa tapat ng condominium tower ay nakasunod ito. Hindi na sana niya papansinin ang lalaki. Diretso siyang tumawid sa pedestrian at binilisan ang paglalakad nang makarinig siya ng sigawan at malakas na busina. Lumingon siya at gulat na gulat nang makita ang asawa niyang nakaupo sa gitna ng kalsada at sa harap nito ay isang malaking truck na halos isang dangkal nalang ang layo dito. Halos himatayin si Shaniya sa napagtanto niya. Drake saved a kid, pushing him to the side of the road without even thinking of his own life. “Salamat po! Diyosko! Ang anak ko!” Humagulgol ang isang babaeng yakap ang anak na nagasgasan habang nagpapadala kay Drake. Nagtatagis naman ang bagang ni Shaniya na naglakad palapit sa asawa na tumatayo na sa kalsada. Hinablot niya ang braso nito at nagulat ito sa kaniya. “What do you think you're d
last updateLast Updated : 2024-10-08
Read more

Chapter 113: Burning

NAPIPILAN si Shaniya. Hindi niya alam ang sasabihin at tuluyang nablangko ang utak niya. Paulit-ulit niyang naririnig ang mga sinabi sa kaniya ni Drake at bakit parang may pakpak sa likuran nito? Kailan pa ito naging anghel sa paningin niya? “I am a lovesick fool and it's okay as long as it's you. Kung hindi ikaw, hindi ako magpapakatanga ng ganito!” Tumikhim si Shaniya at umiwas ng tingin. Nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa pinagsasabi ni Drake. Pakiramdam niya lumulutang siya sa ere. Humakbang ng isang beses si Drake at tinitigan siya sa mga mata. “Ano, Shaniya? Mag-aaway pa ba tayo o susuko ka na sa ‘kin? Napapaligiran na kita.” Hindi alam ni Shaniya kung anong mararamdaman niya. Halo-halo ang emosyon niya at sa huli ay sinugod niya ng halik ang asawa. Drake froze but not a second later, he’s already answering her hungry kisses, kissing her back like he misses her so much. Shaniya groaned when Drake wrapped his left arm around her chest and pulled her closer. His other hand c
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more

Chapter 114: Peaceful Talk

NAG-INIT ang buong mukha ni Shaniya dahil sa sinabi ng asawa. Naalala niya kung paano siya humiling ng isa pa nang matapos sila kanina. Bago siya nakatulog ay naka isang ulit pa sila at sa dalawang beses na iyon ay para siyang linta kung makayakap sa kaniyang asawa.Para itago ang kahihiyang nararamdaman ay tiningnan niya ito ng matalim. “Sinasabi mo bang ako lang ang nag-enjoy at ako ang nag-initiate.”“Nag-enjoy rin ako. Sobra. I really like it whenever I make love with you, but you kissed me first!”Nanlaki ang mga mata ni Shaniya. “Oo nga pero hindi ko naman sinabing gumanti ka.”Natawa ang lalaki. “Baby, kung hindi ako gaganti, lugi ako. Ang lagay ay ikaw lang ang masasarapan?”Sa irita ay nilaklak ni Shaniya ang lemon juice at natameme na. Ano nga bang laban niya kay Vincent Ryu e dakilang pilosopo ito. Hindi niya tuloy alam kung bakit nahulog siya dito.“Alin ang totoo mong pangalan?” Maya-maya'y tanong ni Shaniya.Natigilan si Drake at bumuntong-hininga. “Drake Vincent Velasqu
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more

Chapter 115: Danger

“ANO iyan?” kunot-noong tanong ni Shaniya nang mapagbuksan ng pinto si Drake na may bitbit na tatlong malalaking maleta. “‘Wag mong sabihing nilahat mo ang mga gamit mo?” Ngumisi ang lalaki at hindi na sumagot. Natampal ni Shaniya ang noo at umangil pero wala siyang nagawa kundi lakihan ang bukas ng pinto para makapasok ito dahil nakakahiya namang hindi ito papasukin gayong nakatayo sa likuran nito si Gabriel at Theo. “Hello, Mrs. Velasquez…” nakangising bati ni Theo sa kaniya. Humalukipkip si Shaniya at pinagmasdan ang tatlong lalaki na sabay-sabay ipinasok ang tatlong malalaking maleta. Komportableng naupo kaagad si Drake at Theo sa sofa nang maipasok ang mga maleta samantalang nanatiling nakatayo si Gabriel at nakatingin sa kaniya. Bumuntong-hininga si Shaniya. “Maupo ka na, Gabriel.” “Ang ganda ng condo mo, Mrs. Velasquez. Mabuti nga na nandito kayo dahil narinig ko kay Shun na pabalik balik sa Casa Velasquez si miss Cherry.” Tumaas ang kilay ni Shaniya samantalng mabilis na
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more

Chapter 116: No Longer

HINDI na nakipagtalo pa si Shaniya. Agad silang umuwi sa mansyon at nagpadala naman si Drake ng mga tauhan upang kunin ang mga gamit nila sa condo.Nang makauwi sila ay agad silang dumiretso sa kwarto at niyakap ni Drake ang asawa habang nakaupo ito sa kaniyang mga hita.Shaniya put her arms around Drake's neck and ruffled his hair with her fingers as he buried his face in her neck.“I was so scared,” bulong ni Drake at mas lalong humigpit ang yakap sa kaniya.Bumuntong-hininga si Shaniya at marahang hinalikan ang buhok ng asawa. “Hindi ako mawawala.”“Siguraduhin mo lang dahil mababaliw ako kapag nawala ka na naman.”Napangiti si Shaniya at inangat ang mukha ng asawa sa pamamagitan ng paghawak sa pisngi nito. Tinitigan niya ito sa mga mata saka marahang pinatakan ng halik sa labi. Awtomatiko namang gumanti ng halik si Drake. Magaan ang bawat hagod ng labi nito hanggang sa unti-unting lumalim ang hal
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

Chapter 117: Endearment

MAAGANG nagising si Shaniya kinabukasan. Naabutan niya ang asawa na nasa kusina at nagbabasa ng tabloid. May kape ito sa harapan habang seryoso sa binabasa. Hindi na niya ito nahintay kagabi dahil matapos niyang kumain ay kaagad na rin siyang inantok. “Good morning,” bati ni Shaniya dahilan para mapatingin sa kaniya ang asawa. Drake smiled and pulled himself up. Nilapitan nito ang asawa at pinatakan ng magaang halik sa labi. “Morning, beautiful mama.” Shaniya chuckled and sat on the chair he pulled for her. Agad na hinayinan siya ni Agnes ng almusal. Gatas at toasted bread lang ang hiningi niya. “Kumusta ang nilakad mo kagabi?” Tanong ni Shaniya habang pinagmamasdan siya ni Drake na kumakain ng tinapay. “Naibalik na sa mga pulis si Aries. Nababaliw na talaga ang isang iyon. He wants to harm you. Malas niya dahil kahit ikamatay ko, hindi ko hahayaan.” Napangiti si Shaniya sa sinabi ng asawa. “Nag-almusal ka na?” “Kape,” mabilis nitong sagot saka ibinaba ang hawak at tinitigan siy
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

Chapter 118: Unexpected Visitor

NANG bumalik sina Kai, Gabriel at Drake ay bitbit ng mga ito si Luke na langong-lango sa alak. Bagsak ito sa couch at panay ang pagmumura nina Gabriel at Kai na nasukahan ni Luke ang damit.Lumapit si Drake sa asawa at hinalikan ito sa pisngi. “Sorry dito na namin dinala. Nawawala yung card ng condo niya. Hindi kami makapasok.”Tumango si Shaniya at nilingon si Luke na biglang bumangon at humagulgol. Nakaramdam naman ng awa si Shaniya para sa lalaki. Hindi niya alam kung anong gagawin. Hindi naman niya pwedeng sabihin ang narinig niya nang tawagan niya si Georgianne.“T-ngina naman, Luke!” Malutong na mura ang pinakawalan ni Kai nang yakapin ito ni Luke.Nilingon ni Shaniya ang asawa. “Dalhin niyo na siya sa guest room parang makapagpahinga na.”“Drake, ikaw na bumuhat dito.”Umismid si Drake at nagtawag ng tauhan para buhatin ang lalaki. Sumunod si Shaniya sa itaas at kumuha ng mga damit ni Drake. Sumunod siya sa guestroom kung saan nagkakagulo ang tatlong magkakaibigan dahil nagwawa
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

Chapter 119: Desperation

TUMAYO si Shaniya at tinitigan ang babaeng dahan-dahang pumapasok kahit walang paanyaya. Hindi makapaniwala si Shaniya dahil sa malaking pagkakahawig nila. Kung hindi lang sa mataas nitong cheekbones at nagmumurang kilay ay talagang mapagkakamalan niya na ang dating siya ang nakikita niya. Bakit ganito? Bakit hawig na hawig niya ang babae? Oo, hindi na niya pinansin ang sinabi ni Drake na magkahawig sila dahil nangyayari naman talaga ang ganoon sa hindi magkadugo pero…pero bakit iba ang pakiramdam niya dito? “Is Drake here?” Ang mataray nitong boses ay nagpakunot ng noo ni Shaniya. May inis sa boses nito at hindi niya gusto iyon. Parang gustong tumayo ni Shaniya at hilahin bigla ang dila nito dahil sa inis. Sa tono palang ng pananalita nito ay halatang masama ang ugali nito. Mainit talaga ang dugo niya sa mga katulad ni Diana. “Ma’am…” Kabado ang boses ng maid nang tawagin siya. Batid niyang natetensyon ito at marahil ay iniisip na magagalit siya dahil sa hindi inaasahang bisit
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

Chapter 120: You and I

MATAGAL na tumitig si Cherry kay Drake, tila tinatantiya ang reaksyon nito hanggang sa napailing-iling ang babae at bigong-bigo na napaatras. “This is insane…”Shaniya gritted her teeth. “Indeed insane. Bakit mo ipinagpipilitan ang sarili mo sa lalaking may asawa na? Wala kang karapatang sirain ang pamilya ko.”“Ikaw ang walang karapatan!” Sumbat ni Cherry. “Wala kang karapatang agawin sa akin si Drake! Akin siya! Kami ang dapat na bubuo ng pamilya, hindi kayo! Tandaan mo ang araw na ito. Tandaan mo dahil pagbabayarin kita!”“Tama na, Cherry!” Bulyaw ni Drake habang nagtatagis ang bagang. “Tumigil ka na bago pa ako tuluyang mawalan ng respeto sayo. Umalis ka na! Umalis ka at ‘wag ka nang babalik.”Tumawa ang babae at pinalis ang luha sa pisngi. “Babalik ako, Drake. Babalik ako at sa pagbabalik ko ay babalik ka rin sa akin.”Tumalikod ang babae at nagmartsa na palabas ng bahay. Habol naman ng tingin ni Shaniya ang
last updateLast Updated : 2024-10-12
Read more
PREV
1
...
101112131415
DMCA.com Protection Status