TULAD ng inaasahan ni Attorney Hunter Stunt, tumawag si Adrian kay Shaniya halos hatinggabi na. Galit na galit ito dahil sa natuloy na divorce nila ni Drake. [Sinisira mo ang pangalan ng kapatid ko, Shaniya! Akala ko ba nagkaliwanagan na tayo?] Nilingon ni Shaniya ang asawa na tahimik na nakikinig sa kaniyang tabi. Bumuntong-hininga siya. “I don't love him, Adrian—” [Uunahin mo pa iyon? Ewan ko sayo! Masyado nang nalason ng Vincent Ryu na iyon pag-iisip mo! Ang mabuti pa ay kukunin ko na muna si Sofia.] Marahas na bumuga ng hangin si Shaniya. “Bakit mo siya kukunin? Ako ang kinikilala niyang ina!” [Anak siya ng kapatid ko, Shaniya! Kukunin ko na muna siya kaysa madamay siya sa gulong ginagawa mo.] Umiling si Shaniya. Scripted ang bawat sagot niya sa lalaki pero hindi niya pa rin maiwasang humulagpos ang damdamin. “Hindi pwede, Adrian! Hindi ko naman pinababayaan si Sofia.” [No, Shaniya! I will be there tomorrow morning to take her home with me. Ibabalik ko siya sayo kapag
Last Updated : 2024-10-24 Read more