Goodnight, everyone 🥰
MATAGAL na tumitig si Cherry kay Drake, tila tinatantiya ang reaksyon nito hanggang sa napailing-iling ang babae at bigong-bigo na napaatras. “This is insane…”Shaniya gritted her teeth. “Indeed insane. Bakit mo ipinagpipilitan ang sarili mo sa lalaking may asawa na? Wala kang karapatang sirain ang pamilya ko.”“Ikaw ang walang karapatan!” Sumbat ni Cherry. “Wala kang karapatang agawin sa akin si Drake! Akin siya! Kami ang dapat na bubuo ng pamilya, hindi kayo! Tandaan mo ang araw na ito. Tandaan mo dahil pagbabayarin kita!”“Tama na, Cherry!” Bulyaw ni Drake habang nagtatagis ang bagang. “Tumigil ka na bago pa ako tuluyang mawalan ng respeto sayo. Umalis ka na! Umalis ka at ‘wag ka nang babalik.”Tumawa ang babae at pinalis ang luha sa pisngi. “Babalik ako, Drake. Babalik ako at sa pagbabalik ko ay babalik ka rin sa akin.”Tumalikod ang babae at nagmartsa na palabas ng bahay. Habol naman ng tingin ni Shaniya ang
HINDI na humupa ang bilis ng tibok ng puso ni Shaniya. Sa bawat duyan ng kanilang katawan sa himig ng musika ay sumasayaw ang puso ni Shaniya. Hindi niya maikailang sobrang guwapo na ngayon ni Drake sa paningin niya.“Mukhang gabi gabi kang mapapagastos sa panunuyo sa akin dahil mukhang aaraw-arawin ng ex mo ang pagbisita.” Habang lulan ng sasakyan pauwi ay tinutukso ni Shaniya ng asawa.Nakalilis ang sleeve ng suot nitong longsleeves polo hanggang siko habang nagmamaneho. Lumalabas ang litid sa braso nito sa bawat kabig ng manibela at kambyo. Sa lahat ng iyon ay nakatitig si Shaniya at paminsan-minsang napapakagat ng labi.Sumulyap sa kaniya ang asawa. “Okay lang. Pabor sa ‘kin dahil mahuhulog ka ng sobra hanggang sa patay na patay ka na.”Tumawa si Shaniya at napailing nalang sa logic ni Drake. Nang makarating sila sa mansyon ay pagod na si Shaniya. Diretso siyang napahiga sa kama kahit hindi nakakapagpalit. Akma pa siyang babangon nang pigilan siya ng asawa kaya nagmulat siya ng ma
HINDI gugustuhin ni Drake na maapektuhan ng nangyayari ang kaniyang asawa lalo na’t buntis ito. Gagawin niya ang lahat para mailayo ang asawa sa gulo kaya naman para matigil ang hate comments na ibinabato sa kaniyang asawa ay nagpatawag siya ng press conference. Handa siyang ilantad ang pagkatao ni Vincent Ryu maprotektahan lamang ang kaniyang pamilya. “Sigurado ka ba dito?” tanong ni Gabriel habang nakatingin sa kaibigan. Bumuntong-hininga si Drake. “Kailangan kong gawin ‘to.” “Pero, Drake…paano ang pinaghirapan mo? Kung ilalantad mo ngayon ang matauhan ni Vincent Ryu, magkakaron ng pagkakataon ang mga kalaban mo na paghandaan ang atake mo dahil ilalantad mo ang lahat.” Umiling si Drake. “E anong gagawin ko? Ayokong maapektuhan ang asawa ko. Buntis siya, Gabriel. Paano kung mapasama siya? Those hateful comments will only make her feel bad.” “Bakit naman e ikaw rin naman ang lalaking kasama niya sa litrato.” “Pero hindi iyon alam ng mga tao.” Umismid si Gabriel. “Mahalaga
TAHIMIK sina Shaniya, Drake at Gabriel sa loob ng sasakyan. Nasa driver seat si Shun Parker na pasulyap-sulyap sa rearview mirror. Sa passenger seat si Gabriel na panaka-nakang lumulunok dahil ramdam niya ang tensyon at sa backseat ay magkatabi sina Drake at Shaniya. Blangko ang ekspresyon ni Shaniya. Halata namang kabado si Drake habang pasulyap-sulyap sa asawa at minsan pa ay napapalunok. “Anong ginagawa mo, Drake?” Istrikta ang tono ni Shaniya. Alam niyang ang intensyon lang nito ay protektahan sila pero kung ikababagsak nito ang pagpoprotekta, hindi niya iyon hahayaan. “I was just trying to clean your name.” Marahas na nilingon ni Shaniya ang asawa. “Hindi ko kailangan ng malinis na pangalan kung kapalit niyon ay ang pangalan at kaligtasan mo.” “Pero…” “Naging padalos-dalos na ako noon,” pagpapatuloy ni Shaniya. “Noong iniwan kita at ayokong magpadalos-dalos ka ngayon dahil sinasabi ko sayo, pinagsisisihan ko nang hindi kita pinakinggan. Tiyak na pagsisisihan mo ngayon kung n
TAHIMIK ang lahat habang nakaupo pa rin sa lapag si Agnes at dinadamayan ni Gabriel. Nakatingin lamang si Shaniya sa babae habang nakaupo siya sa sofa at nakatayo ang kaniyang asawa habang naghihintay kay Attorney Hunter Stunt. “Sabihin mo sa ‘kin ang lahat, Agnes. Bakit mo ginawa iyon? Alam mong mas mabigat ang kasalanang magagawa mo kapag tintraydor mo sila. I am very disappointed despite your reasons, Agnes. Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit hindi ka nagsabi sa akin?” Napayuko ang babae. Umiiyak pa rin ngunit medyo kumakalma na. “A-Alam ko kasing kaya niya akong baliktarin at…pinangakuan niya ako na ipagagamot ang nanay kong may sakit.” Umung*l si Gabriel. “You can just ask me. Doktor ako, Agnes. Hindi pa magaling na doktor pero kaya kong matingnan ang nanay mo. Isa pa ay pwede kang humingi ng tulong sa amin.” “Alam ko iyon, sir Gabriel. Pero sobra na nga ang sweldo ko dito e. Nahihiya na ako. Nahihiya ako na kailangan ko pang magnakaw kahit sobra sobra ang sweldo ko.” H
UMAGANG-umaga ay stress sa trabaho si Drake. Nasa opisina siya at angtatrabaho bilang si Vincent Ryu. Hindi niya suot ang kaniyang maskara dhail bukod sa naiinitian siya ay naiirita siya sa mga nagkalat na issue tungkol sa asawa niya. Kesyo malandi ito. Hindi makuntento sa isa. Kawawa naman si Drake Velasquez. T-ngina! Kapag ayos na ang lahat susupalpalin niya ang mga chismoso’t chismosang nakikialam sa buhay nila ng kaniyang asawa. “Sigehan niyo lang,” bulong niya habang nakatingin sa monitor ng computer kung saan kitang-kita niya ang mga nagcocomment sa article na patuloy lumalabas. Pinabayaan niya na ang mga articles. Tulad ng sinabi Hunter, maghihiwalay sila ng asawa sa papel. Hindi naman talaga siya pumayag, ang asawa niya lang ang sinusunod niya dahil kung tutuusin ay kaya niyang ipawalang-bisa ang kasal sa pamamagitan ng kakayanan ni Hunter Stunt, iyon nga lang ay nasa panig ng asawa niya ang kaibigan niya. Tss! “Si
MARAHANG hinahaplos ni Shaniya ang kaniyang tiyan habang nakaupo sa sofa. Kausap niya sa video call si Sofia na tuwang-tuwa nang ibalita niya na magkakaron na ito ng kapatid. Sierra Sofia looked so excited as she started thinking about name ideas, making Shaniya so happy. Naalala niya ang sinabi ni Drake na malakas ang pakiramdam nito na siya ang ina ng kambal. Nang sabihin iyon ng kaniyang asawa ay mas lumakas ang pakiramdam niya na totoo iyon pero nananaig rin sa kaniyang puso na maaaring nangungulila lamang siya sa kaniyang anak kaya ganoon ang pakiramdam niya. [Mama ko, si kuya po galit pa rin.] Bumuntong-hininga si Shaniya. “Kakausapin ko ang kuya mo kapag pumunta na kami riyan ni papa, okay?” Marahang tunango ang bata. [Kailan po kayo pupunta? Miss na kita po, mama. Ayoko na po dito. Gusto ko na po ulit diyan.] Naramdaman ni Shaniya ang pangingilid ng kaniyang luha kaya naman lumunok siya ng matindi at pinilit na ngumiti. “Nariyan naman si tita Judy at lola Ita, diba? May ka
NAKAHIGA na si Shaniya nang tabihan siya ng asawa. Galing ito sa banyo at naligo bago humiga sa kama. Nakatalikod siya dito at amoy na amoy niya ang presko nitong amoy. Pabago-bago ang pakiramdam niya. Minsan ay ayaw niya ang amoy ng asawa pero minsan naman ay gustong-gusto niya na naaamoy ito at habang niyayakap siya tulad nalang ngayon. Drake pulled her waist closer to his body as he hugged her from the back while planting feather kisses on her shoulders. Napangiti si Shaniya at lumingon ng kaonti dahilan para mabilis na makanakaw ng halik si Drake sa kaniyang labi. Shaniya chuckled. “Ano iyon?” Mahinang natawa si Drake at ibinaon ang mukha sa batok ng asawa. “How's your day, baby mama?” Sukat ay napasimangot si Shaniya dahil naalala niya ang pagsugod ni Cherry. Naramdaman naman kaagad ni Drake na nawala sa mood ang kaniyang asawa. Masuyong hinila ni Drake ang asawa at pinaharap sa kaniya. Tinitigan niya ito sa mukha at sinipat ang nangungunot nitong noo. “You okay? What hap
“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos
“ANO iyan? Suhol?” Salubong ng ina ni Cherry kay Shaniya nang makapasok ng sasakyan. Pumayag na itong tumira sa mansyon kaya agad niyang sinundo gamit ang kotse ni Drake. Ngumiti si Shaniya. “Nabanggit sa akin ni dad na ito ang paborito mong pagkain.” Tinitigan ni Sherry ang box ng buko pie na ipinatong ni Shaniya sa hita nito. Nasa driver seat siya katabi si Cherry at si Sherry ay nasa backseat. Umirap si Sherry at hindi na nagsalita. Umayos naman ng upo si Shaniya at nagsimulang magmaneho papunta sa mansyon. Mali. Her mother hates buko pie at nakumpirma niyang hindi impostor ang babae sa likod nang makita niyang binuksan nito ang box at maganang kumain. Shaniya clenched her jaws and looked at Cherry who's been constantly putting make-up on her face. Binubura nito iyon pagkatapos na tila hindi kuntento saka maglalagay ulit. “Tigilan mo nga iyan, Cherry. Nagsasayang ka ng make-up. Mauubos na ang ipon ko sayo!” Sinulyapan ni Shaniya ang ginang sa likod. “It’s okay. Bibigya
SINAMAHAN ni Shaniya si Drake na magpunta sa opisina ni Luke. His family owns a security agency at magaling rin sa paghahanap ng mga taong nawawala ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam ni Luke ay wala siyang silbi. Ganito ang trabaho niya pero hindi niya mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya—si Georgianne at si Gabriel. Sht! Wala pang 24 hours nawawala si Gabriel pero hindi nito ugali na maglaho ng walang pasabi kaya agad siyang kumilos nang puntahan sila ng pamilya ni Gabriel upang manghingi ng tulong. Nakaupo sa pahabang meeting table sina Luke, Hunter, Theo, Kai, Drake, at Shaniya. “Huling nakita sa CCTV si Gabriel sa hospital. Nakita niya ang isang Doktor na si Caesar Palacios kasama ang isang babae. Sinundan niya hanggang sa basement parking…” pagpapaliwanag ni Luke habang nagpiplay ang CCTV footage sa isang TV. Nakakuyom ang mga kamao ni Shaniya. Naipaliwanag na ni Hunter Stunt sa kaniya ang posibilidad pero hindi pa rin matanggap ng puso niya na maaaring nilok
UMAYOS ng tayo si Shaniya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Sasama ako, Drake.” Tumango si Drake at tiningnan ang tauhan. “Ihanda mo ang kotse. Susunod kami.” Nang makaalis ang tauhan ay hinarap ni Drake ang asawa habang hawak sa magkabilang pisngi. “Baby, I need to tell you something.” Lumunok si Shaniya at hindi niya inaasahan na bigla siyang kakabahan. “Ano iyon?” “Pinaimbestigahan ko ang mommy mo.” Nangunot ang noo ni Shaniya. “What? Why?” Bumuntong-hininga si Drake. “I feel like something's wrong but just this morning, nakakuha ako ng impormasyon kung saan dinala ang mommy mo matapos maaksidente. It was said na suicide ang nangyari. Nawalan siya ng alaala at hindi na nakabalik pa inyo matapos iyon.” Umiling si Shaniya. “Suicide? Imposible! Bakit?” “Nagkasakit siya. Nagkataning ang buhay kaya ginustong wakasan.” Nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Shaniya. Mas lalo niyang gustong makita ngayon ang ina kaya naman hindi na sila nagsayang ng panahon. Agad silang p