One Night Stand With The Mysterious Billionaire 의 모든 챕터: 챕터 91 - 챕터 100

103 챕터

Chapter 91

Naupo si Sierra sa sun lounger at pinapapaypayan ang sarili dahil basang-basa siya ng pawis. Wala rin siyang dalang extra na damit dahil hindi naman niya akalaing aalilain siya ng babaeng pinaglihi sa kamalditahan sa buhay. Tsk. Pag-ibig nga naman. Kahit ano ay gagawin para lang mapanatiling magiging kanila ang taong minamahal. At base sa reaksyon ni Lukas noong magkita sila ni Sierra sa presinto, roon niya napagtantong mahal na mahal nito ang tunay na Sierra. Nakikita niya sa mga mata ng lalaki ang pangungulila at pagsisisi sa mga nangyari ilang taon na ang nakalilipas. Nakakatuwa, kung ganoon kamahal ni Lukas si Sierra at ganoon din naman ito kamahal ng babae, ano kaya ang rason kung bakit nagawang kitilin ng babae ang sariling buhay? May kinalaman kaya si Mrs. Buena roon?Nasa malalim na pag-iisip si Sierra nang may biglang lumapit sa kanya, bahagya pa siyang nagulat nang biglang nasa tabi na niya ito. “Oh, pasensya na Ms. Sierra at nagulat ko yata kayo.” Nahihiyang ngumiti si
last update최신 업데이트 : 2024-10-30
더 보기

Chapter 92

Agad na nagsalubong ang makapal na kilay ni doktor Liam sa iritasyon dahil sa tono ng kausap. “Shut up, I just called to ask something.” Pairap niyang sinabi. “Gusto ko lang malaman ang listahan ng mga kasamahan ni Shanaia sa set—” Hindi pa man natatapos si Liam sa pagsasalita ay pumalatak na si Deion sa kabilang linya na para bang may narinig na kahindik-hindik. “What the fuck bud?! Why are you asking about Shanaia? Liam, sinasabi ko sa'yo, kasisimula pang umangat ng karera nung tao tapos manghihimasok ka na naman?! For god's sake! Quit it already!” Seryosong wika ni Deion sa kapatid. Dahil alam niyang matindi ang damdaming mayroon si Liam kay Shanaia at para na niyang nakababatang kapatid. Nasaksihan ni Deion kung paanong nasira ang karera ng babae nang magkaroon ito ng nararamdaman kay Liam, subalit ay hindi pa sigurado noon ang lalaki sa kanyang nararamdaman kaya mixed signals ang naibibigay nito sa babae lalo at kasalukuyan pa itong nag-aaral sa medisina noon. Agad na nagsalu
last update최신 업데이트 : 2024-11-15
더 보기

Chapter 93

Naging abala si Sierra sa mga sumunod na araw dahil malapit ng matapos ang photoshoot at sa wakas ay makakaalis na rin siya. Sa mga araw na iyon ay hindi na sila nagkikita pa ni Marco, sa pagod ay pagkauwi tanging pagtingin lamang sa mga bata ang ginagawa bago magpahinga at saka kinabukasan ay maagang aalis para sa trabaho. “Woah! It's a wrapped! Good job, everyone! You all did a great job! See you in your next projects, guys.” Anang director na pumalakpak nang matapos ang makuhanan ang huling anggulo nina Beatriz at Shanaia. “Thank you as well, direct. And of course, you'll be part of our next project!” Nakangiting sinabi ni Beatriz kitang-kita naman ang pagiging plastik nito. Tumango lamang ang director at nagpasalamat. “And because of our successful project, I'd like to invite you all for dinner at the Delicacies Restaurant!” Anunsyo nito dahilan upang magsilapitan ang ibang mga staffs at models sa kanya, may malalapad na ngiti sa mga labi ng mga ito. “Wow! Talaga, Miss B
last update최신 업데이트 : 2024-11-16
더 보기

Chapter 94

Nagulat si Beatriz sa naging sagot ni Sierra. She doesn't like it when she refuses her offer subalit sa katotohanang pumayag lamang ito dahil sa pangako niyang ipakikilala kay Sylvio Narvaez ay kumulo ang kanyang dugo. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito! Sa tingin ba talaga niya ay hahayaan niyang maipakilala siya sa isang business tycoon? Huh! Asa siya! Isang makahulugang ngiti ang pikawalan ni Beatriz, “that's good to hear, Ms. Sierra…” dahil ang totoo ay marami na siyang inihandang pamamahiya para sa babae mamaya. Nagkibit lamang ng balikat si Sierra at saka sinuri ang kanyang mga gamit upang masigurong wala na siyang naiwanan pa. Nang sigurado ng kumpleto ang kanyang gamit ay isinarado na ni Sierra ang kanyang bag at kinuha ang telepono upang magpadala ng mensahe sa bahay at kay Marco, kahit na wala namang pakialam sa kanya ang asawa. To Husband: Hey, good evening. I'll be home late tonight dahil nagyaya ng dinner ang isa sa mga models. Sa Delicacies Restaurant l
last update최신 업데이트 : 2024-11-27
더 보기

Chapter 95

Simula ng makarating sila sa Delicacies Restaurant ay hindi na humupa pa ang ingay lalo at marami ang imbitado. Dahil hindi lamang mga kasamahan sa photoshoot ang inimbita maging ang ilang mga sikat na panauhin sa larangan ng industriya. Ganoon ang gusto ni Beatriz, gusto niya iyong maraming tao nang sa ganoon ay maraming magkakautang na loob sa kanya at kapag siya naman ang may pabor na hihingin ay hindi na sila makatatanggi pa. Sa dami ng imbitado ay naging exclusive ang kainan. Pagkatapos kumain ay sinunod ang desserts at mga inumin. Roon na mas umingay nang magsimula ang inuman at tugtugan. "This evening is so lit, Miss Bea!" Anang isang sikat na lalaking artista na may hawak na whisky sa kanyang kanang kamay. "You're the best!""Oh, it's a small thing, Paul! Have more drink!" Ani Beatriz at nakipag-toast ng baso rito. "I hope this will not be the last time Miss Beatriz will held a dinner party," anang isang babaeng modelo na sipsip nang sipsip kay Beatriz. "You are so beautifu
last update최신 업데이트 : 2024-11-29
더 보기

Chapter 96

Pagkatapos iyong sabihin ng waiter ay siya namang pagpasok ni Sylvio Narvaez dahilan upang magsinghapan ang mga naroroon. Sa kabilang banda, habang ang lahat ng atensyon ay nasa lalaking bagong dating ay dahan-dahan siyang naglakad paatras at naupo sa may pinakasulok, tinakpan ng kamay ang kanyang noo at nakatungo sa kanyang telepono. Obviously, nagtatago. Abot langit ang kaba sa puso ni Beatriz nang makita ang lalaking kanyang inasam-asam na makita. Ayon sa kanyang ama ay napakahirap nitong hagilapin subalit ngayong gabi ay talagang pinaunlakan ng lalaki ang request ng ama alang-alang sa kanya! Ganoon siya kamahal ng kanyang ama!Mahal na mahal niya si Lukas Buena subalit ito na mismo ang kusang nagpatigil ng kanilang kasal, kaya ngayong nandito na si Sylvio Narvaez na isang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi siya magdadalawang isip na magpakasal dito! Kapag naging isang ganap na siyang Mrs. Narvaez ay magagawa na niya ang lahat, mapapaluhod na niya ang mga tao. Maaalipusta na ni
last update최신 업데이트 : 2024-11-29
더 보기

Chapter 97

Lahat ng mga taong naroon ay lumingon at nakatuon ang mga mata sa likuran. Kahit na pilitin man ni Sierra na itanggi ang presensya sa kanyang harapan ay alam niyang mas makakakuha siya ng atensyon. Kaya naman, tumikhim siya at saka tuwid na tumayo at hilaw na nginitian ang lalaki. "Oh, Mr. Narvaez, what are you doing here?" Patay-malisya niyang tanong. "Hinahanap ka?" Umarko pa ang isang kilay nito. Gusto ng umirap ni Sierra sa inis dahil sa sagot nitong iyon. Bakit naman siya nito hahanapin? Oo nga at may kasunduan silang magkikita sa ganoong araw subalit hindi naman niya akalaing talagang hahanapin siya nito para lang doon! Mas kumalat tuloy sa kalamnan ni Sierra ang inis ngunit kailangan niya iyong itago dahil maraming mata ang nakamasid sa kanila. Kaya naman, kinalma niya ang sarili sa kagustuhang kalmutin ang lalaki sa mukha at humugot na lamang ng malalim na hininga. "Oh, did my husband asked you to fetch me?" Ani Sierra sabay kindat upang ma-gets naman ni Sylvio ang
last update최신 업데이트 : 2025-01-10
더 보기

Chapter 98

Walang nagawa si Sierra kung hindi ang buksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas. Nais niyang magtanong kung bakit biglang nagbago ang isip ng lalaki ngunit sa sobrang inis ay hindi na lamang niya ginawa, bagkus ay malakas niyang isinara ang pinto upang iparating dito ang iritasyon niya. Sinong hindi maiirita kung bigla ka na lang pababain sa gitna ng kalsada kung saan walang halos dumadaan na taxi at maghahating gabi na?! Kung sana hindi ito umeksena sa restawran edi sana roon pa lamang ay nakasakay na siya at matiwasay nang nakauwi sa bahay. Hindi iyon sa ganoong oras ay para siyang ligaw na multong nakatayo sa gilid ng kalsada at naghihintay ng magbibigay sa kanya ng hustisya. "Nakakainis! Humanda ka sa ganti ko, impaktong lalaki ka." Inis na bulong ni Sierra sa sarili. Halos isang oras din ang kanyang hinintay roon bago may taxing dumaan. Nang makarating sa bahay ay dumiretso siya sa opisina ni Marco upang ipaalam dito na nakauwi na siya subalit laking panlalaki ng kanyang
last update최신 업데이트 : 2025-01-12
더 보기

Chapter 99

"Wala rin dito ang young master!" Naiiyak na bulalas ni Alea. "Nasaan kaya siya? Naku sana naman po walang nangyaring hindi maganda sa kanya! Sabihin na po kaya natin sa senyora, eldest mistress?" Napatingin si Sierra kay Alea sa sinabi nitong iyon. Kanina pa niya iyong naiisip ngunit ayaw niya namang pag-alalahanin ang matanda. Baka nagpapahinga na ito ngayon. Kinuha na lamang ni Sierra ang telepono upang tumawag ng police dahil talagang wala na siyang choice. Ngunit naalala niyang mayroon nga pala siyang cctv sa sala kaya naman iyon na lamang ang tiningnan niya. Subalit laking pagtataka niya dahil wala namang bakas ni Marco na lumabas ng bahay, bumaba oo ngunit umakyat din naman agad ito sa opisina nito. "Tara, tingnan natin ulit sa opisina niya." Ani Sierra at nauna ng pumasok sa kabahayan upang tingnan muli ang asawa. Nang matanaw ang dalawa ay halos mangiyak na si Carlos. Palihim siyang nagtipa ng mensahe para kay Marco. To Young Master: Young master, wala na. Bumali
last update최신 업데이트 : 2025-01-12
더 보기

Chapter 100

Kinabukasan ay alas singko ng umaga nagising si Sierra upang maghanda ng almusal para sa mga bata. Naroon naman si Carlos at Alea ngunit dahil madalas na hindi niya nakasama ang anak nitong mga nakaraang araw ay gusto niyang bumawi. "Utusan ninyo ako eldest mistress, ah!" Ani Alea na medyo hindi mapakali ng walang ginagawa. Ginawa na nito yon noong unang araw nito sa bahay pero ngayong ginawa nito ulit, hindi niya maiwasang mahiya dahil trabaho niya iyon! "Huwag kang mag-alala, Alea, sanay akong ipinaghahanda ang anak ko ng pagkain. This is not new to me, at bumabawi lang ako sa mga bata dahil nitong mga nakaraang araw ay puro ako trabaho." Paliwanag ni Sierra habang hinahalo ang mga sangkap sa isang stainless steel na lagayan ng pancake. Nakangiti naman si Alea roon, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting inggit dahil may ina palang ganoon. Hindi kagaya ng kanyang inang mas pinili siyang pagtrabahuhin sa murang edad para may pambayad ng mga utang sa sugal. "Ayos ka lang
last update최신 업데이트 : 2025-01-15
더 보기
이전
1
...
67891011
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status