"Gising ka na, Tristan," ani Natalia, nginitian ang bata. "Tamang-tama, kakain na tayo."Nagulat si Tristan nang makita si Maxwell. "Daddy?" tanong nito, agad na umupo sa kama. Malaki ang ngiti nito, tila tuwang-tuwa na naroon ang ama. "Kailan ka pa nandito?" tanong niya, sabik na sabik. Ngumiti si Maxwell, ngunit may bahagyang lungkot sa kanyang mga mata habang tumayo siya at lumapit sa anak. "Kadarating ko lang, anak," sagot nito, marahang hinahaplos ang buhok ng bata. "Kumusta ka? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"“Opo, Daddy. Masaya naman po ako,” sagot ni Tristan, napangiti nang malapad habang itinuro ang maliit na telebisyon sa gilid ng kwarto. "Minsan po, nanonood ako ng TV dito. Tapos si Tita Allyson po, palagi akong kinakamusta."Napatingin si Maxwell kay Natalia. Hindi ito nagsalita, ngunit sa kanyang mga mata ay mababakas ang pasasalamat—at siguro’y bahagyang guilt. Gayunpaman, tumalikod siya at binalingan ang kanyang anak. "Mabuti naman kung ganoon. Pero kung may kailangan
최신 업데이트 : 2025-01-29 더 보기