BLAYRE JOAQUIM... Pagkalipas ng bente kwatro oras ay matagumpay na naalis ang tubo sa kan'yang bibig. Nanibago pa s'ya noong una at parang hindi alam kung paano magsalita. "N-Nay," paos ang boses na tawag n'ya sa ina. Naluluha naman ito na hinaplos ang kan'yang noo. "Pinakaba mo kami Tres at tinakot. Akala ko ay mababawasan na ng isa ang mga anak ko," lumuluha na sabi ng nanay n'ya sa kan'ya. "N-Nay si Audrey? N-Nasaan si Audrey nay? Manganganak na ang asawa ko, gusto ko s'yang makita," imbes na sagutin ang sinabi ng ina ay si Audrey ang hinanap n'ya rito. Nakita n'ya na natigilan ito at hindi nakasagot. Nilingon nito si Ace na malungkot na nakatingin sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay at puno ng pagtataka na nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang babae. "Answer me nay! Ace! Nasaan ang asawa ko?" hindi napigilan n'ya napigilan na napagtaasan n'ya ng boses ang dalawang babae dahil sa frustration na marinig ang sagot ng mga ito. "Calm down Tres! Bawal pa sayo ang ma st
Last Updated : 2024-11-02 Read more