AUDREY PRISCILLA... "Dahil itinago mo s'ya sa akin Audrey. Inilayo mo sa akin ang anak ko ng hindi mo ako kinakausap!" mahina ngunit puno ng diin na sagot sa kan'ya ni Tres. Iniiwasan nito na marinig iyon ng kanilang anak na salubong ang mga kilay na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ng ama nito. "Nanay, tatay, nag-aaway ba kayo?" inosenteng tanong ni Andrei sa kan'ya. Bago n'ya hinarap ang anak ay ipinaskil n'ya muna aa labi ang isang ngiti para hindi nito mahalata na nag-aaway silang dalawa ni Tres. "No! Of course not anak. Bakit naman kami mag-aaway ng tatay mo?" nakangiti na sagot n'ya rito. Mariin na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila si Andrei. May kapansanan ang kan'yang anak ngunit matalino ito at madaling makahalata. "Tatay?" ang ama naman nito ang binalingan. "Hindi ako nakikipag-away sa nanay mo son. S'ya lang ang nang-aaway sa akin," imbes na sakyan nito ang kan'yang sinabi para hindi sila mabuko ng kanilang anak ay inilaglag pa s'ya nito lalo. Dahil sa
Last Updated : 2024-10-28 Read more