Hello mga mumsh! Last chapter for Audrey's POV. Balik tayo sa present.. Maraming salamat po!
AUDREY PRISCILLA...PRESENT...Ilang araw na nanatili sa ICU si Andrei bago pinalipat ng doctor sa isang pribadong kwarto. Abot langit din ang kan'yang panalangin na huwag kunin ang kan'yang anak sa kan'ya.Sobra-sobra din ang kan'yang pasasalamat sa itaas dahil sa pagligtas nito kay Andrei.Si Tres ang kumuha ng room para sa anak nila at sinigurado ng lalaki na ang pinakamaganda at pinakamahal na room ang kinuha nito. Hindi din ito umaalis sa tabi ni Andrei at sa hospital na rin natutulog.Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ay hindi na ulit sila nag-usap kahit na magkasama silang dalawa sa kwarto ni Andrei. Hindi din s'ya kinakausap ng lalaki at s'ya din ay hindi na ito kinakausap. Para silang hangin sa isat-isa na dalawa.Nagsasama lang silang dalawa sa loob ng kwarto ni Andrei para sa kanilang anak.Katulad na lang ngayon na nasa kabilang bahagi ng sofa si Tres at may ginagawa habang nasa kandungan nito ang laptop at s'ya naman ay nasa kabilang dulo at nagbabasa ng magazine."T-
AUDREY PRISCILLA... "Dahil itinago mo s'ya sa akin Audrey. Inilayo mo sa akin ang anak ko ng hindi mo ako kinakausap!" mahina ngunit puno ng diin na sagot sa kan'ya ni Tres. Iniiwasan nito na marinig iyon ng kanilang anak na salubong ang mga kilay na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ng ama nito. "Nanay, tatay, nag-aaway ba kayo?" inosenteng tanong ni Andrei sa kan'ya. Bago n'ya hinarap ang anak ay ipinaskil n'ya muna aa labi ang isang ngiti para hindi nito mahalata na nag-aaway silang dalawa ni Tres. "No! Of course not anak. Bakit naman kami mag-aaway ng tatay mo?" nakangiti na sagot n'ya rito. Mariin na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila si Andrei. May kapansanan ang kan'yang anak ngunit matalino ito at madaling makahalata. "Tatay?" ang ama naman nito ang binalingan. "Hindi ako nakikipag-away sa nanay mo son. S'ya lang ang nang-aaway sa akin," imbes na sakyan nito ang kan'yang sinabi para hindi sila mabuko ng kanilang anak ay inilaglag pa s'ya nito lalo. Dahil sa
AUDREY PRISCILLA... "Bakit ko kayo lalayuan, Audrey? Bakit ko kayo pababayaan? Ngayon pa na alam ko na may nagtatangka sa buhay ng anak ko? No! Hahanapin ko ang mga putang'inang iyon at pagbayarin sa ginawa nila sa anak ko. At huwag mong balakin na ilayo at itago sa akin si Andrei dahil baka mas lalo s'yang mapahamak." "Kaya na namin ang mga sarili namim Tres. Hindi ka na namin kailangan ni Andrei," galit na singhal n'ya rito. Naningkit ang mga mata ni Andrei at may galit sa mga mata nito ng salubongin nito ang kan'yang tingin. Hindi s'ya nagpatinag sa galit nito sa mga mata. Sinalubong n'ya din ito at nakipagtagisan sa lalaki ngunit nakikita n'ya sa mga mata ni Tres ang determinasyon na hindi lalayo sa kanilang anak. "You don't know what you are talking Audrey. Wether you like it or not ay sa uuwi kayong dalawa sa bahay natin para ma protektahan ko kayo!" may diin na sabi ni Tres sa kan'ya na ikinasingkit ng kan'yang mga mata dahil sa inis. "Protektahan? No! Hindi mo kami kayang
AUDREY PRISCILLA...Dahil sa nalaman ni Tres mula sa yaya ng anak ay naging mahigpit na ito sa lahat-lahat. Marami ding mga bantay na nakapaligid sa buong hospital. Dinaig pa ni Andrei ang isang anak ng presidente kung makapaglagay ng gward'ya ang ama nito.Mas lalong hindi ito umalis sa tabi ng anak at syempre ay kasama s'ya doon dahil katulad ni Tres ay ayaw n'ya ding iwan si Andrei sa pangangalaga nito.Natatakot s'ya na baka totohanin ni Tres ang banta nito sa kan'ya at aaminin n'ya na kahit may pera na s'ya at kapangyarihan ay hindi n'ya pa rin kayang manalo sa isang Tres El Frio.Naiinis pa s'ya lalo sa lalaki dahil sa pagiging bossy nito na animo'y isa s'ya sa mga taohan na pwede lang utos-utosan."Eat up Audrey! Kanina ka pa hindi kumakain," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang baritonong boses ni Tres at ang biglang paglitaw ng plato sa kan'yang harapan kung saan ay may nakalagay na mga pagkain."Ayoko!" pagmamatigas n'ya ngunit hindi umayon ang kan'yang t'yan
AUDREY PRISCILLA... Inanunsyo ng doctor ni Andrei na pwede na silang lumabas at maayos na ang kalagayan ng kan'yang anak ngunit si Tres ay nag extend pa ng dalawang araw para daw mas masuri pa ng mga doctor si Andrei at masiguro na maayos na nga ito at wala ng kumplikasyon pa. At sa araw na iyon ay may dumating na hindi n'ya inaasahang bisita sa hospital. "Preccy, anak!" nagulat s'ya ng makita ang ina ni Tres at nasa likod ang ama nito. Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin n'ya ngunit dahil naging mabait ito sa kan'ya noon ay walang pag-alinlangan na sinalubong n'ya ang ginang at mahigpit silang nagyakapan. "Mommy!" naiiyak na tawag n'ya rito. Na miss n'ya ito ng sobra at kahit galit s'ya kay Tres ay hindi n'ya naman idinamay sa galit n'ya ang pamilya nito. "Dyos ko anak! Mabuti naman at umuwi ka na dito. Miss na miss ka na namin, Preccy," katulad n'ya ay naiiyak din ang ina ni Tres habang mahigpit s'yang yakap. "Na miss ko din kayo mommy. Pasensya na kung ngayon lang ako bumali
AUDREY PRISCILLA...Hindi nagtagal sa hospital ang mga magulang ni Tres dahil pupuntahan pa ng mga ito si Ace na kapapanganak lang ngunit nangako ang mga ito na babalik ulit para makapag bonding sa apo ng mga ito.Nagpasalamat s'ya sa pagbisita ng dalawa at inihatid ang mga ito sa labas ng kwarto ni Tres.Nang makalabas na sila ay agad na hinawakan ng ina ng lalaki ang kan'yang dalawang kamay at puno ng pagsusumamo ang mga mata nito ng humarap sa kan'ya."Preccy anak! Alam ko na galit ka kay Tres dahil sa nangyari noon pero nakikusap ako bilang nanay n'yo na sana ay pakinggan mo s'ya sa paliwanag n'ya sayo. Ayaw n'yang makialam ako sa problema n'yong dalawa pero naaawa na ako sa anak ko Preccy. Anim na taon na nagdusa si Tres at gusto ko din na mabuo na ang pamilya n'yo at magiging masaya na anak. Tama na ang matagal na panahon na pareho kayong nagdusa na dalawa. Bigyan n'yo ng pagkakataon ang isa't-isa para maging maligaya dahil may Andrei na kayo," mahabang sabi ng ina ni Tres sa k
AUDREY PRISCILLA... "Bakit mo kami dito dinala Tres?" hysterical na singhal n'ya sa lalaki. Pagkalipas ng ilang araw matapos pumunta ang mga magulang nito sa hospital ay pinalabas na sila ng doctor at sobrang gulat n'ya ng makita na sa probinsya kung saan sila naninirahan noon ang kanilang punta. At hindi nga s'ya nagkamali dahil nasa dating bahay na nila sila ngayon. At sino ang mag-aakala na sa loob ng ilang taon na nawala s'ya ay hindi pinabayaan ni Tres ang dati nilang tirahan. Ganon pa rin ito at mas lalo pa ngang gumanda ngunit hindi n'ya ito ma appreciate sa ngayon dahil sa galit n'ya sa lalaki na dito sila iniuwi ng walang sinasabi sa kan'ya. Sa bahay na ipinatayo nila at saksi ng kanilang mga masasayang araw noon ngunit napalitan din ng sakit at poot ng iwan s'ya ni Tres na mag-isa sa bahay na ito na buntis sa anak nila. Ngayon ay kasama na nila si Andrei at nakikita n'ya sa mukha at mga mata ng bata na sobra itong natuwa sa lugar na ito. Pagdating na pagdating nila ay aga
BLAYRE JOAQUIM...Masakit sa kan'ya ang mga ibinabato na masasakit na salita ni Audrey ngunit hindi n'ya din ito masisisi dahil dumaan ito sa sobrang paghihirap habang nasa sinapupunan nito ang kanilang anak hangang sa iniluwa ito ng asawa.Mas lalong nilamukos ang kan'yang puso ng malaman mula rito na dahil sa mga hirap na pinagdadaanan nito ay lumabas ang kanilang anak na hindi normal dahil ito ang una-unang naapektuhan sa mga hirap na dinanas ng ina habang nasa loob ito ng sinapupunan ni Audrey.Galit s'ya! Galit na galit sa mga taong may gawa nito sa kan'yang mag-ina at sa pagsira sa buhay nila kaya ipinangako n'ya sa kan'yang sarili na uubosin n'ya ang mga ito.Hindi n'ya na ulit hahayaan pa na may gagawin ito sa kan'yang mag-ina. Not again and not this time kung kailan ay bumalik na ang mga ito sa kan'ya."Tres are you listening to me?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses ng kan'yang kapatid na kausap sa cellphone ng mga oras na iyon.Nasa loob ng bahay an
AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup
BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la
AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a
AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus
AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n
AUDREY PRISCILLA...Pagkauwi nila ni Tres galing sa kanilang yatch date ay naging busy na ulit ang asawa. Naintindihan n'ya naman dahil marami itong kailangan na gawin sa opisina.At dahil hindi naman talaga s'ya interesado sa pera ni Berkin, ang share nito sa kompanya ni Tres ay hindi n'ya na pinansin pa. Ipinaubaya n'ya na lang sa asawa kung ano ang balak nito sa share ng matanda.Major stock holder ito ngunit ayaw n'ya ding gamitin ang pera nito at mas lalong ayaw n'ya na nasa kompanya pa ng asawa ang pera ni Berkin.Kaya si Tres na ang pinag desisyon n'ya kung ano ang gagawin nito sa shares ng matanda. Balak n'ya rin naman na magtatayo ng kan'yang sariling negosyo at gagamitin ang kan'yang pinag-aralan sa abroad.Ayaw n'yang pabigat lang kay Tres at alam n'ya na susuportahan s'ya ng kan'yang asawa sa kan'yang mga plano. Never n'yang naringgan si Tres na hinadlangan ang gusto n'ya bagkus ay nakasuporta lang ito palagi sa kan'ya at sa ugali ng lalaki ay mas lalo n'ya pa itong minaha
AUDREY PRISCILLA... The date that Tres prepared for them ay naging mainit at naging mitsa para punan nila ang pangungulila sa isat-isa. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay matagal na panahon din silang hindi nagkaroon ng oras ni Tres. Kaya siguro sinadya ng kan'yang asawa na dito sa laot mag date para walang disturbo at walang makakarinig sa kanila kahit pa magsusumigaw silang dalawa. Katulad na lang ngayon na nasa recliner chair s'ya habang nakahiga at si Tres at nasa paanan n'ya at nakasubsob sa kan'yang pagkababae. Itinaas lang nito ang kan'yang suot na dress at inalis ang kan'yang suot na panty kaya malaya itong nagagawa ang gusto nito ngayon. Nakasablay sa magkabilang gilid ng upoan ang kan'yang parehong binti at nagmukha s'yang manganganak sa kan'yang posisyon. Pero wala s'yang pakialam dahil ang kan'yang atensyon ay nasa asawa na nagpapaligaya sa kan'ya sa baba. Saksi ang maliwanag at bilog na bilog na buwan sa kanilang ginagawa. Nakatingala s'ya sa langit habang si Tres
AUDREY PRISCILLA...Wala na s'yang hihilingin pa dahil nasa kan'ya na ang lahat. Ang may mapagmahal na asawa, pogi at cute na anak at pinsan na sobra din kung alagaan s'ya at ang kan'yang tiyahin at tiyohin na sobra ang saya ng makilala s'ya ng mga ito.Idagdag mo ang mga magulang ni Tres na kasundo n'ya pati na ang mga kapatid nito na itinuring s'ya na kapatid. Napag-alaman n'ya sa kan'yang tito Anton na ama ni Anthony na patay na din ang kan'yang ama. Na bago ito namatay ay iniwan nito sa kapatid ang tungkol sa kan'ya kaya s'ya hinanap ng tiyuhin at pinsan.Nalulong sa droga ang kan'yang ama kaya pala nito iniwan ang kan'yang mommy. At nang gumaling naman ito sa pagiging adik ay s'ya namang pagdapo ng nakamamatay na sakit na cancer.Gusto daw s'ya nitong balikan ngunit wala na s'ya dahil nang mga panahong iyon ay pinatay na ni Berkin ang kan'yang ina at s'ya naman ay iniwan ng kan'yang ina sa isang cargo ship ng mga panahon na hinahabol ito ni Berkin para patayin. Ang barko ay bumi