LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Inisip ko talaga ng maraming beses kung ano ba ang tama kong gawin. Mayroon ako 20 million na dapat sana ay pambayad ko kay sir Luigi ngunit nakiusap siya na tapusin na lang ang pelikula tutal ay nasa kalahati naman na daw kami ng taping. Sa totoo lang, ayokong lokohin si John. Si John yung tumutulong sa akin ngayon at siya ring nagbigay ng pera para hindi ako makulong. Kaya lang ay mas kailangan ata ng itay ang perang hawak ko ngayon. Sinabi sa akin ni sir Luigi na nakakulong daw ang itay at bilang anak anong sakit sa part ko na hindi man lang ako makakatulong kung may paraan naman. Inisip ko talaga ng maigi. At sa huli, nagdesisyon ako na gamitin na lang ang pera na bigay ni John para tulungan ang pamilya ko. Tutal ay nagkasundo naman kami ni Sir Luigi na tapusin na lang ang pelikula. Alam ko rin naman na wala naman sense pa kung patatagalin ko pa ang pagsasama namin ni John. He is a womanizer at kahit kailan ay hindi niya ako magagawang mahalin. Tat
Read more