"Sana sinabi mong mag-isa kang pupunta dito, sinundo sana kita.” Wika ni Drake saka tumayo sa kinauupuan at sinalubong ang matandang si Leandro habang itinutulak nang isang lalaki ang wheelchair niya. Kakarating lang niya mula sa business trip niya nang makatanggap siya nang tawag mula kay Leandro at sinabing gusto nitong makipag-usap. At dahil marami din siyang gustong itanong sa matanda kaya pinanlakan na niya ang pakikipagkita nito. Nang makita niya ang matanda, napansin niyang tila nanghihina na ang katawan nito. “Kunin mo ang box sa kotse. Para kay Drake ang mga mga bagay na nandoon.” Wika ni Leandro sa lalaking nagtutulak nang wheelchair niya. “Bakit hindi si Simone o si Lee ang isinama mo dito.” Tanong ni Drake saka itinulak ang wheelchair ni Leandro papalapit sa mesa.“Dahil alam kong tutol sila sa gagawin ko.” Wika nang matanda. Napatingin naman si Drake sa matanda. Sinusubukang intindihin ang sinabi
Last Updated : 2024-12-15 Read more