"Si Sky?” Tanong ni Sam kay Drake nang salubungin siya nito sa pinto. Dumating ang dalaga kasama ang driver na sumundo sa dalaga. Nabigla pa si Samantha nang sunduin siya nang isang tauhan ni Drake at sinabing magkasama sina Sky at ang binata. Gabi nan ang matapos ang mga ginagawa niya. Dumiretso na siya sa bahay ni Drake nang malamang nasa bahay nito si Sky.
“Nasa loob.” Simpleng wika nang binata. “Pumasok ka muna.” Wika ni Drake sa dalaga.
“Hindi na, pwede bang kunin mo nalang si Sky. Baka naghihintay na sina lee sa amin.” Wika nang dalaga.
“Why are you keeping your distance?” tanong nang binata. “Just so you know, may permiso ako galing sa Lolo mo. And Sky is in safe hands. Hindi mo kailangang maging all guarded pagdating sa akin.” Wika ni Drake.
“Alam kong hindi ka pa naghahapunan. Naghanda ako nang hapunan para sa atin.” Wika ni Drake. Napatingin naman si Samantha sa binata
"Miss Montefuego.” Masayang wika nang isang dalagang guro na lumabas sa gate nang isang day care kasama si Sky. Dumating sa Day care ang dalaga pagkatapos nang mga trabaho niya sa opisina. Kapwa busy si Lee at Simone kaya naman pansamanala niyang iniwan ang anak sa day care institute. Bukod doon dahil bagong dating lang sila sa bansa gusto rin niyang may makilalang mga kaibigan ang anak at hindi lang maburo sa bahay nila.“Mama!” masayang wika ni Sky nang Makita niya ang mama at agad na bumitaw sa kamay nang guro niya saka nagmamadaling lumapit sa dalaga. Nang makalapit ito agad na niyakap si Samantha nang yumuko ang dalaga at iniunat ang kamay sa anak.“I miss you.” wika ni Samantha na niyakap nang mahigpit ang anak.“Sky, Miss Mama too.” Wika nang bata kay Samantha.“Were you a good boy?” tanong Samantha sa anak nang kumals dito. Tumango naman ang bata sa mama niya. Nakangiting hinimas naman ni Samantha ang ulo nang anak saka tumayo at bumaling sa teacher.“Thank you for taking care
"Bakit ka nakatingin sa akin nang ganyan. Hindi mo na ba ako nakikilala?” tanong nang lalaki kay Samantha. Nakatingin lang ang dalaga sa lalaking nasa harap niya. Talagang hindi niya makikilala ang lalaki dahil wala na siyang naalala maliban sa tatlong taon nakaraan sa buhay niya. Kung kilala man niya ito noon. Maaring hindi naging Maganda ang relasyon nila dahil hindi ito kikilos nang ganoon kung naging Mabuti ang pakikitungo nila sa isa’t-isa.“Ano ba yan!” asik nang lalaki sa lalaking nasa likod nang kotse. Hindi pa ri nito mailabas si Sky sa kotse dahil panay ang sigaw nang batang lalaki at panay din ang pagmumumiglas at ayaw magpahawak. Dahil sa pagsigay nang lalaki. Napatingin naman si Samantha.“I’ll take care of him.” Wika ni Samantha at lumapit sa lalaki at sinilip ang anak. “Hey Sky.” Wika ni Samantha at ngumiti sa anak. Nang makita nang batang lalaki ang mama niya bigla itong tumigil sa pagwawala.“Okay. But don’t do anything stupid missy. Remember hawak ko ang buhay mo at
“Matanong nga kita. May nangyari ba sa asawa mo? Para kasing hindi niya ako nakikilala.” Baling ni Miguel sa kanya. Napatingin naman si Drake sa tito niya.“Anong pinagsasabi mo?” maang na wika nang binata. “I have a proposal to make.” Wika ni Miguel. Napakunot naman ang noo nang binata dahil sa sinabi nang tito niya. “Pamilya naman tayo. I am sure kaya mong ibigay ang gusto ko.”“Sapalagay mo papayag ako sa gusto mo?” Tanong nang binata. “You will. Dahil alam ko ang kahinaan mo. Drake. Kahit na malayo na ang narating mo. Hindi mo parin kayang tiisin ang mga taong mahalaga saiyo. Hindi ang asawa at anak mo.” Wika pa ni Miguel. Lalo namang naguluhan si Drake ano namang sinasabi nang tito niya. Ano namang kinalaman ni Samantha at Sky sinasabi nang tito niya. “Gusto ko nang 30% nang shares nang Factory nang papa mo. At gusto kong makabalik as a general manager sa kompanya.” Wika nito. “Sa palagay mo ibibigay ko saiyo ang gusto mo. Pagkatapos nang ginawa mo. Mukhang nangangarap ka nan
"Dada!” Excited na wika ni Sky nang makita si Drake na dumating kasama si Lee at Simone. Sinabi ni Miguel na magkita sila sa dating factory nang kompanya nang papa niya. Ito ang pinakaunang factory nila bago lumipat ang papa ni Drake sa mas malaking factory. Naging abandonado na ang factoring iyon dahil sa tagal nang panahon na walang gumagamit. Hindi naman maintindihan ni Drake kung bakit sa dami nang lugar na pwede silang magkita doon pa. Iniisip tuloy nang binata na umaastang isang takas ang tito niya gayong pinalaya na ito. Pero kahit anong nasa isip niya opinion sa ginagawa nang ito niya wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod sa sinasabi nito. Sinabi din ni Lee sa kanya na sumunod lang sa gusto nito. Nang dumating sila sa lumang factory, agad na Nakita ni Drake si Sky na hawak nang isa sa mga tauhan ni Miguel habang si Miguel ay nasa tabi nito. Napatingin siya paligid. Hindi niya makita kahit ang anino ni Samantha. “Dada!” wika nang bata na pilit na kumawala sa lalaking
Marahang nagmulat nang mata si Drake. Nang magising siya ang isang puting kisame agad ang nasilayan niya. Napatingin siya sa paligid. Mukhang nasa loob siya nang isang hospital room. Bahagyang napatingin ang binata sa gilid niya nang maramdaman ang kamay na nakahawak sa kamay niya. Isang ngiti ang sumilay sa labi nang binata nang makita si Samantha na nakatungo ang ulo sa gilid nang higaan niya at natutulog habang hawak ang kamay niya. Pilit niyang inalala ang nangyari. Huling natatandaan niya. Nakita niyang nahulog si Sky mula sa ikalawang palapag nang mula nilang factory dahil sa ginawa nang tauhan ng tito Miguel niya. Hindi na siya nagdalawang isip nang makita ang anak na nahulog. Alam niyang nasalo niya ang anak. Pagtapos noon wala na siyang ibang alam sa nangyari. Mukhang tumama siya sa matigas na bagay dahilan nang pagkawala nang malay tao niya. Pasimpleng napahawak ang binata sa benda nang ulo niya. Napatingin ang binata kay Samantha nang maramdaman ang pagkilos nang kamay nit
“You’re giving this to me?” Takang wika ni Drake sa bata habang nakatingin sa inaabot nito. “Sky---” ani Samantha na hinawakan ang kamay nang anak niya. Ayaw niyang umasa si Sky na si Drake ang ama nito. Alam niyang malapit na ang Loob ni Sky kay Drake at ayaw niyang masaktan ang bata kapag nalamang hindi si Drake ang ama nito. “Sky made this for Dada.” Wika ni Sky habang inaabot kay Drake ang jar niya na puno nang mga folded stars.“I’m Sorry---” putol na wika ni Samantha nang tumingin sa kanya si Drake at muling hinawakan ang kamay niya. “Bakit ka humihingi nang sorry?” Tanong nang binata bago bumaling kay Sky. “Well, then, thank you Sky. I like it and I will treasure this for sure.” Wika ni Drake saka tinanggap ang binibigay nang bata. Bakas naman sa mukha ni Sky ang labis na tuwa dahil sa pagtanggap nang binata sa regalo niya. Napakagat lang nang labi si Samantha dahil sa alam niyang hindi maiintindihan ni Sky kung sasabihin niyang hindi naman si Drake ang ama nito. Pero ayaw d
"Si Drake?” Tanong ni Samantha sa kasambahay ni Drake nang dumating siya sa bahay nito. Dahil napapayag ni Drake si Leandro na manatili si Samantha at Sky sa bahay ni Drake habang nagpapagaling ang binata. Walang nagawa si Samantha kundi ang pumayag na din. “Nasa opisina siya. Sinabi na niya sa ‘kin na darating kayo. Babalik din siya pagkatapos niyang kausapin si Sir Juno.” Wika nito.“Nasa opisina siya? Kakalabas lang niya nang hospital.” Wika nang dalaga dahil sa sinabi nang kasambahay ni Drake. Nag-usap sila ni Drake na magkikita sa bahay nito dahil may kailangan pa siyang tapusin. Ngunit nang dumating sila ni Sky sa bahay ni Drake hindi naman nila Nakita ang binata dahil nasa opisina ito. Gusto niyang mainis kay Drake dahil inunana pa nito ang magtrabao kesa sa magpahinga. “Sabi ni Master Drake. dito niyo nalang siya hintayin. Pwede kayong pumasok sa study niya may mga hinanda siyang laruan para kay Sky.” Wika nito.“Toys.” Wika nang bata na biglang bumitaw sa kamay ni Samantha
"Ano yang tinitingnan mo?” Tanong ni Drake kay Samantha nang pumasok sa silid nina Samantha at Sky. Gusto sana niyang sa silid niya matulog ang mag-ina niya ngunit hindi pumayag si Samantha. Mukhang hindi parin ito komportable sa mga nalaman. O baka nagdadalawang isip dahil sa mga nangyari. Nang pumasok siya sa silid, Nakita niya si Sky na natutulog habang nasa tabi nito si Samantha at may hawak na maliit na box habang matiim na nakatingin sa laman noon.“Wala naman. Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Samantha saka napatingin kay Sky na nasa tabi niya at natutulog. “Natutulog na si Sky.” Wika pa ni Samantha.“It’s okay.” Wika ni Drake saka naglakad papalapit sa kama saka naupo sa gilid. “It’s nice to see you both here.” Wika ni Drake saka hinimas ang ulo nang anak. “It would have been nice if you could open your heart to me again.” Wika ni Drake saka tumingin kay Samantha. Lihim namang napakagat nang labi nang dalaga saka napahawak nang mahigpit sa hawak n
“Ready kana?” Tanong ni Drake sa anak niyang si Sky nasa harap ito nang malaking salamin sa loob nang walk in closet at inaayos ang bowtie niya. Nilapitan niya ang anak matapos makapagbihis. “Dada, how do I look?” tanong ni Sky saka humarap sa ama niya. “Handsome just like your Dad.” Wika ni Drake at ngumiti sa anak niya. Sabay na napatingin sa pinto ang mag-ama nang marinig nila ang iyang nang isang sanggol. “Dada, Shia’s crying.” Wika ni Sky. “Let’s go. Baka hinihanap na niya tayo.” Wika ni Drake saka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Sky.“Shia. Kuya is here. Don’t cry.” Wika nang batang lalaki saka umakyat sa kama saka tumabi sa sanggol na kapatid saka marahang tinapik ang braso nito para patahanin ito. Napangiti lang si Drake habang nakikita ang mga anak. Pero may konting kirot sa dibdib niya. “Dada, Shia wont stop.” Wika nang batang lalaki saka humarap kay Drake. Naglakad naman si Drake papalapit sa dalawa saka kinarga ang sanggol. Napaawang ang labi ni Sky nang makitang b
"Mama, Sky is here!” masiglang wika ni Sky na pumasok sa hospital room ni Samantha. Nang pumasok sila ni Drake naabutan nila si Simone at Samantha na nag-uusap nang dumating silang dalawa saka naman nahinto ang pag-uusap nang dalawa. Nang makita ni Simone na dumating sina Drake tinapik ni Simone ang balikat ni Samantha saka nagpaalaam. “May pinag-usapan kayo?” Tanong ni Drake sa asawa nang lumabas si Simone. Pero sa isip niya alam na niya ang pinag-usapan nang dalawa. Alam niyang Sinabi na ni Simone kay Samantha ang tungkol sa progress nang sakit nito at sa pwedeng mangyari. Pumayag na dina ng dalaga na manatili sa hospital at doon na magpaconfine hanggang sa makapanganak siya. “Mama, Sky wans to sleep with you and baby sis.” Wika ni Sky na lumapit kay Samantha. “Of course.” Wika ni Samantha saka tumingin kay Drake, “Pwede mo ba siyang buhatin papunta dito. Nahihirapan kasi akong kumilos.” Wika ni Samantha sa asawa. Ilang sandaling nakatingin si Drake sa asawa niya bago bumaling k
“Sam bakit?” Tanong ni Drake saka lumapit sa asawa at hinawakan inalalayan ito at hinawakan sa braso. Napatingin siya sa kamay nang asawa na nakahawak sa tiyan nito. Ang alam niya hindi pa kabuwanan ni Samantha. Napatingin siya sa mukha nang asawa Nakita niyang namumulta ito at tila namimilipit sa sakit. Dahil sa pag-aalala agad na pinangko ni Drake ang asawa niya saka dinala sa kotse. At isinakay sa passenger’s seat. “Beat with it for a while okay. Dadalhin kita sa Hospital.” Wika nang binata saka ikinabit ang seatbelt kay Samantha. Napansin ni Drake ang butil-butil na pawis nang asawa niya. Nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan habang ang isang kamay ay sa ulo nito.“Konting tiis lang.” wika ni Drake saka isinara ang pinto at mabalis na sumakay sa kotse. Saka pinaandar ang sasakyan. Habang nasa sasakyan. Tinawagan niya si Simone at sinabing papunta sila sila ni Samantha sa hospital. Sinabi din niya kay Simone na hindi Maganda ang lagay ni Samantha. Nang dumating sila sa hospit
"Samantha!” Masiglang wika nang isang Binatang nakasuot nang blue na polo shirt habang tumatakbo papalapit kay Samantha at Drake. Papasok siya noon sa opisina kasama si Drake na inihatid siya patungo sa pinto. Kapawa sila natigilan nang marinig ang boses na tumatawag sa kanya. Nang mapadako ang tingin nila sa tumatawag. Napansin ni Drake ang malawak na ngiti nang binata habang kumakaway kay Samantha. habang papalapit dito. “Samantha? Hindi ko alam first name basis pala kayo dito sa kompanya niyo? Alam na ni Lee ang tungkol dito? Bakit hindi niya ako sinabihan.” Wika ni Drake sa asawa. “Look at him smiling like crazy.” Inis na wika ni Drake. Lihim namang napangiti si Samanatha sa sinabi nang asawa saka napatingin dito. Ramdam niya sa boses nito ang inis. Sinabi sa kanya ni Drake na huwag na siyang pumasok sa opisina. Nag-aalala ito dahil sa kalagayan niya at sa pagbubuntis niya. Kaya lang ayaw naman niya nang walang ginagawa. Kaya, kapag walang masyadong ginagawa si Drake inihahatid n
Habang naglalakad si Drake patungo sa silid nila ni Samantha. Narinig niya ang boses nang asawa habang binabasahan nang libro si Sky Naririnig din niya ang bungis-ngis nang batang lalaki. Napahinto siya sa tapat nang pinto sa halip na pumasok. Tahimik siyang nakinig sa dalawa. Napapangiti siya habang pinakikinggan ang usapan nang mga ito. Tuwing umuuwi siya, parati niyang naririnig ang dalawa nagkukuwentuhan. Kahit na bulol at Malabo ang mga salita minsan ni Sky parang nag-eenjoy pa ang dalawa. Ito ang bagay na gustong-gusto niya kapag umuuwi siya.Ilang sandali niyang pinakinggan ang dalawa, habang nakikinig sa pag-uusap nang dalawa bigla siyang napakuyom nang kamao nang maalala ang sakit ni Samantha.“Mama? Why is dada not home yet?” narinig niyang tanong ni Sky sa mama niya. “He will be here soon.” Wika naman ni Samantha sa anak. Mahigpit na napakuyom nang kamao si Drake. Napahinga siya nang malalim bago buksan ang pinto nang silid nila. “Dada!” masiglang wika ni Sky nang makitan
Sinugod sa hospital si Samantha dahil sa biglaang pagkawala nang malay nito habang nasa cafeteria sila nang kompanya ni Drake. Gaya nang dati nilang ginagawa ni Sky nagpupunta sila sa kompanya ni Drake para samahan ang binata na mananhalian. Habang naglalakad si Samantha patungo sa mesa kung saan naghihintay ang mag-ama niya saka naman nawalan nang balanse ang dalaga. “Sam.” Wika ni Simone na pumasok sa Loob nang silid ni Samantha. Magkasama noon sina Drake at Samantha kasama si Sky na nakaupo sa hinihigaan ni Samantha.“Simone. Kumusta si Sam? Dahil sa sakit niya kaya-----” naputol ang sasabihin ni Drake nang makita ang tingin ni Simone sa dalaga saka inabot kay Drake ang results nang test. Ganoon na lamang ang gulat ni Drake nang makita ang result.“Is this true?” tanong ni Drake saka napatingin kay Samantha. Napakunot naman ang noo ni Samantha saka napatingin sa asawa. “Bakit? Anong resulta?” tanong Samantha saka hiningi kay Drake ang papel. Hindi naman nag-atubili si Drake na ib
Simula nang hindi na bumalik sa pagpapagamot si Samantha, nakita ni Drake na mas naging masigla ito lalo na sa harap ni Sky. Alam niyang pinipilit ni Samantha na ipakita kay Sky na malakas siya. Mas madalas niya itong nakikitang nakikipaglaro kay Sky. Gumagawa din nang paraan si Samantha na pumunta sa kompanya niya at gaya nang dati dinadalhan siya nito nang tanghalian. Ang mga empleyado naman nila hindi maitago ang paghanga kay Samantha at kay Sky. Tuwing nagpupunta ang dalawa sa opisina. Nakikita nilang gustong-gusto nang mga empleyado nila si Sky lalo na dahil sa mahilig ngumiti ang bata at bibong-bibo na kikipaglaro sa mga empleyado nila. Sa nakikita ni Drake. Ginawa ni Samantha ang lahat para may mga maiwang magagandang alaala si Sky sa kanya. Hindi pa nila napag-uusapan ni Samantha ang tungkol sa sakit nito dahil sa pakiramdam nang binata iniiwasan nang asawa ang usaping iyon. Para bang gusto nitong isipin nila na wala siyang sakit at mabuhay lang na masayang mag kasama. Sinusu
"Sam.” Wika ni Drake at lumapit sa asawa. Nakaupo sa harap nang kabuong nang lolo niya. Kakalabas lang nang hospital ni Samantha nang mga sandaling iyon. Hindi na nagkita ang maglolo dahil sa hindi na umabot sa hospital ang matanda. Dahil sa biglaan itong inatake sa puso.“Magpahinga kana. Hindi makakabuti para saiyo kung -----” putol na wika ni Drake nang bigla siyang yakapin ni Samantha saka humagulgol nang iyak. “Hey.” Biglang wika ni Drake sabay hawak sa balikat nang asawa niya. Alam niya ang nararamdaman nito. Hindi man lang ito nakapagpaalam sa lolo niya. Habang nakikipaglaban din ito sa sakit niya bigla namang mawawala ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay nito. “Sam, tama na.” masuyong wika ni Drake habang hinihimas ang likod nang asawa. Panay pa rin ang pag-iyak nito at tila walang balak na tumigil. Hanggang sa dahil sa stress at sakit nang kalooban ay nawalan nang malay ang dalaga. “Kumusta si Samantha?” Tanong ni Lee na nasa sala nang bahay nina Drake. Kakabalik lan
Matapos ang kasal nina Drake at Samantha, pumayag si Samantha sa Radiation Theraphy combined with Chemotherapy. Sinasamahan ni Drake si Samantha sa hospital tuwing may treatment ito habang si Sky naman ay iniiwan nila sa pangangalaga ni Lee. Walang alam si Sky at Don Leandro sa nangyayari. Kaya lang hindi naman nila maitago sa bata ang mga side effects. Nakikita nito si Samantha na minsan namimilipit dahil sa sakit nang ulo o kung minsan sumusuka sa banyo. “Dada---” mangiyak-ngiyak na wika ni Sky habang nakatingin sa mama niyang nasa banyo at sumusuka. Iyon ang naabutan ni Drake nang pumasok ito sa silid nila. Nang makita ni Drake ang kalagayan ni Samantha. Agad siyang lumapit sa Pinto nang banyo at isinara iyon sabay karga kay Sky saka naglakad palabas nang silid. “Stay here.” Wika nang binata saka inilapag si Sky nag dumating sila sa study room niya. “Dito ka muna maglaro. babalikan ko lang ang mama mo.” Wika ni Drake at akmang babalik sa silid nila ni Sam nang biglang hawakan ni