Ilang araw nang napapansin ni Drake na tila malayo ang iniisip ni Samantha. Kung hindi niya ito nakikitang nasa isang sulok si Samantha at nag-iisa. Naabutan niya itong malayo ang iniisip. Hindi lang si Drake ang napansin nito maging si Lee. Pero walang sinasabi si Samantha sa kanila. Tuwing tinatanong nila ang dalaga kung may problema ba ito parati itong tumatanggi. Sabagay, ano pa nga naman ang magiging problema ni Samantha, kompleteo na ang pamilya nito. Bukod kay Samantha, hindi rin nakaligtas sa mapangobserbang mata ni Lee si Simone. Simula nang pumunta sa hospital si Samantha napansin niya ang parating pag-iisa ni Simone at pag-iisa. Nakikita din niya itong nag-iisa at umiinom nang alak sa mini bar nang bahay nila.“Umiinom kana naman, may problema ba?” tanong ni Lee saka lumapit sa binata. Nang marinig ni Simone ang boses nang binata marahan siyang lumingon dito. “Ano naman yang mukha mo.” Natatawang wika ni Lee saka naupo sa tabi nang kaibigan. “Gusto mo ‘kong samanhan uminom
Last Updated : 2024-12-30 Read more