All Chapters of Sold To The Billionaire Series 1: Piere Monecidad: Chapter 121 - Chapter 130

160 Chapters

Chapter 120: Lumière Elysèe Monecidad.

=Lumi Anastasia’s Point Of View= Makalipas ang isang linggo ay nakangiti si Perenzio habang nakatitig sa bunso niyang kapatid. Mangha na mangha ang kanyang mga mata. “Mommy… She’s so beautiful…” sobrang hinang bulong ni Eren na ikinangiti ko. “She’s Lumière Èlysèe mommy? Even her name is pretty,” karagdagang bulong ni Eren at hinawakan ang kamay ng kanyang kapatid. [Proununciation: Loo-mee-AIR Ay-lee-ZAY.] “What would be her nickname mommy?” inosenteng tanong ng panganay ko, sinulyapan ko naman si Piere na nakangiting nagsusuot ng kanyang belt. “Lysèe,” nakangiting bulong ko upang hindi magising ang baby namin. “It’s a pretty nickname too, mommy.. I promise to protect her with all my might,” malambing na sabi ni Perenzio dahilan para halikan ko siya sa kanyang noo. Lumapit naman si Piere at inakbayan ako. “I’m sure our babies would make a lot of heart cry,” pabulong na sabi ni Piere kaya naman nakakunot ang noo ko siyang tinignan. Nag-aantay ng sagot. “Bakit naman?”
last updateLast Updated : 2024-10-28
Read more

Chapter 121: Kidnapped.

=Lumi Anastasia’s Point Of View= “Don’t worry about it, I’m on it. Stay here with Lysèe, I’m just gonna go to my specialist,” pagpapakalma ni Piere sa akin at pilit na ngumiti. Napalunok ako at nag-aalalang tumango, hinawakan ko ang stroller ni Lysèe at huminga ng malalim. Lumapit si Piere sa akin at hinalikan ako sa noo. “Stay here, don’t leave the restaurant…” kalmadong sabi sa akin ni Piere. “I love you babe.” Matapos no’n ay umalis na siya kaya naman huminga ako ng malalim at nanatili sa restaurant. Lumipas ang trenta minuto ng pag-iisip ko ay muling tumawag sa akin yung numero kanina kaya sinagot ko. “H-Hello?” “Mommy! Mommy!” Nanlaki ang mata ko noong marinig ang boses ni Eren na mas nagpakalabog ng aking puso. “E-Eren!” “Either you meet me here or you’ll never see your son again,” sabi ng boses sa kabilang linya dahilan para maluha ako. “I-I’ll meet you! I’ll meet you! Nasaan ka?” natatakot na sabi ko. Itinulak ko papalabas ang stroller ni Lysèe.
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

Chapter 122: Torn in Between.

=Piere’s Point Of View= “Ano?! Anong sinabi mo?!” malakas na sigaw ko nang marinig ang balita ng yaya ni Eren na hawak-hawak ang stroller ni Lysèe at tila ayaw itong ipaubaya sa kahit na kanino, kahit sa akin. “S-Si Eren po sir, n-nawawala… H-Hinanap po yata siya ni Ma’am Lumi sir!” panay hagulgol nitong sabi dahilan para masapo ko ang ulo. ‘Tangina! Naayos ko nga ang problema mas malaki pala ang balak nila!’ Inuwi muna namin ang yaya ni Eren pati na si Lysèe hanggang sa nagmamadali si Tita Eliza na bumaba at humahangos. “P-Piere! D-Dinakip si Lumi at Eren! M-May tumawag sa akin! H-Hindi ransom ang kailangan! Hindi pera! Oh my God! Please!” Nanghihina ang mga tuhod kong napatitig sa kanya. “S-Sinabi p-po ba kung nasaan ang mag-ina ko?” sinubukan kong tatagan ang boses ngunit nanginig ito ng husto. Napakuyom ang mga kamao ko, at para akong natutuliro habang tinutunaw ng bawat salita ni Tita Eliza ang huling piraso ng tapang na natitira sa akin. Si Lumi at si Eren… n
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

Chapter 123: Piere’s Options.

=Piere’s Point Of View= Habang papalapit ako sa abandonadong bodega, ramdam ko ang pagsisikip ng dibdib ko. Nanginig ang mga kamay ko sa manibela, at sa loob ng sasakyan, tahimik akong nanalangin na sana, ligtas sila. Pagdating ko sa abandonadong bodega, kitang-kita ko agad ang madilim na kapaligiran. Napapalibutan ito ng mga matataas na damo, halos iniiwasan ng sinumang maglalakad. Sa labas pa lang, ramdam ko na ang malamig na hanging nagbabadya ng panganib. Ang mga ilaw ng sasakyan ko ay nagbigay-liwanag sa harapan, at sa malayo’y nasilayan ko ang mga anino ng ilang kalalakihan—mga armado, malalaking katawan, at nakabantay. Hinugot ko ang malalim na paghinga, pilit pinapakalma ang sarili, pero ang kaba ko’y lalo lang bumibigat. Ang bawat tibok ng puso ko ay parang bomba na sasabog anumang sandali. Hindi ako puwedeng magkamali. Nandito si Lumi at Eren. Kailangan kong iligtas sila. Hinintay kong makalapit ang mga tauhan ko, may ilang sandali pa kaming nagplano, ngunit ang i
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

Chapter 124: Who’s Gonna Save Who?

=Piere’s Point Of View= Nanginig ang kamay ko habang pilit kong hinaharangan ang mag-ina ko sa likod ko. Ang sakit sa braso ko ay hindi maalis, ngunit ang kaba at galit ang mas matindi. Hindi ko puwedeng ipakita kay Lumi at Eren na natatakot ako, kahit pa ang katotohanan ay para akong pinupunit sa takot para sa kanila. “Kung gusto mo ng buhay, kunin mo na ang akin,” mariing sagot ko, pilit na tinitingnan ang kalaban sa kabila ng lumalabong paningin ko dahil sa sakit. “Huwag mong idadamay ang mag-ina ko.” Naglakad siya palapit, ang bawat hakbang niya ay nagpapahirap sa paghinga ko, tila mas lalo pang dinidiin ang bigat ng sitwasyon. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ni Lumi habang mahigpit niyang hinawakan ang damit ko mula sa likod, at si Eren naman ay tahimik ngunit ramdam ko ang takot niya sa mga yakap niyang mahigpit sa akin. “Buhay mo, ha?” muling ngumisi ang lalaki, huminto siya sa tapat ko at ibinaba ang baril sa gilid ng katawan niya, parang sinusubukan akong t
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Chapter 125: Giving Up Is Not On His Vocabulary.

=Piere’s Point Of View= Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumigaw ako, ang buong galit at takot ko’y lumabas sa tinig ko, “Huwag mo silang galawin! Ako ang kailangan mo, ako ang dahilan ng galit mo, kaya ako ang tapusin mo!” Ngunit ngumiti siya nang mas malupit, tumawa nang mahina, parang ini-enjoy ang bawat pagkawasak ng bawat lakas na mayroon ako. “Naiintindihan mo ba ang nararamdaman ko ngayon, Piere? Ang walang magawa habang unti-unti mong nakikita ang mga mahal mo na mawawala. Pero, maganda naman ang offer ko, hindi ba? Piliin mo lang kung sino sa kanila ang mas mahalaga sa iyo.” Ang bawat salitang iyon ay parang lason na dumadaloy sa dugo ko. Para akong wala nang pag-asa, pero kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong iligtas sila, kahit pa ang bawat galaw ko ay tila lalo lamang akong tinutulak sa bingit. Tumayo ako nang matuwid, sinikap kong panatilihing matatag ang boses ko, “Kapag may nangyari sa kanila… itataya ko ang lahat para lang habulin ka hanggang sa d
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Chapter 126: Saved.

Bago pa siya muling makalapit, narinig ko ang ingay ng mga sirena sa labas—mga pulis. May pag-asa! Dumating na ang backup na tinawag ko. Ang ngisi sa mukha ng lalaki ay napawi, at nakita kong napalitan ito ng pag-aalala. Habang nagmamadali siyang tumakas, hindi ko na inaksaya ang pagkakataon. Mabilis kong sinalubong sina Lumi at Eren, mahigpit na niyakap ang mag-ina ko na para bang hindi ko na sila kayang pakawalan. Tila ang buong mundo’y nagbabalik sa pagkilos habang niyayakap ko sila, ang takot ay napalitan ng pag-asa at relief na sa wakas ay ligtas na sila. Ngunit sa kaloob-looban ko, alam kong hindi pa tapos ang laban na ito. Mahigpit kong niyakap sina Lumi at Eren, para bang sa yakap ko lang sila magiging ligtas. Ramdam ko ang panginginig ni Lumi, habang si Eren naman ay tahimik na sumiksik sa akin, para bang hindi niya kayang bitawan ang damit ko. “Okay na, ligtas na tayo,” bulong ko, sinisikap kong gawing kalmado ang boses ko kahit pa ang katawan ko ay pagod at bugbog s
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

Chapter 127: Renewed Vows.

=Lumi Anastasia’s Point Of View= Bawat minuto matapos ang araw na iyon ay napapansin kong balisa at malalim ang iniisip ni Piere. Halos hindi siya umalis sa tabi namin at mas hinigpitan niya ang mga bantay. Buhat-buhat niya si Lysèe ngayon at hinehele ang malapit na mag-isang taon na anak namin, ilang buwan na lang ay isang taon na si Lysèe. “Mommy! Daddy! My teacher told me that I’m good at math and I could be an engineer, architect, CPA lawyer, and a businessman… What would I choose mommy?” Nalingon namin si Eren na dala ang certificate niya for being best in math. “Oh, that’s on you baby. Anything you pick will be okay,” nakangiting suporta ni Piere sa aming anak na ikinangiti ko. “Mommy, can I be like daddy but also a CPA lawyer?” “Oh… Ask your daddy baby, mas genius ang daddy mo kesa kay mommy,” nakangiting suhestyon ko sa bata dahilan para yumakap si Eren sa binti ni Piere. “Daddy?” “Yes anak, of course… That would be best,” tugon ni Piere kaya mas napangi
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

Chapter 128: Engagement Party.

=Lumi Anastasia’s Point Of View= Ang araw ng engagement party namin ni Piere ay dumating na. Ngayong gabi, hindi alintana ang mga nangyari sa nakaraan—ang takot at pangamba—tanging kasiyahan at pagmamahalan ang namamayani sa paligid. Ang buong lugar ay puno ng mga bulaklak na paborito ko, mga rosas at peonies na nagbigay ng eleganteng kinang sa buong venue. Ang liwanag ng mga ilaw ay parang mga bituin na nagbibigay ng romantikong atmospera, isang perpektong setting para sa bagong simula namin ni Piere. Nakatayo ako sa gilid, pinagmamasdan ang mga bisitang masayang nag-uusap at nagtatawanan, kasama ang mga kaibigan, pamilya, at ang pinakamahalaga sa lahat—ang anak namin na si Eren at si Lysèe, na masayang masaya sa kanyang maliit na suit at maliit na dress. Tuwang-tuwa siyang nakikihalubilo sa mga bisita, at kapag nasulyapan niya ako, nginingitian niya ako ng malawak at kumikislap ang mga mata. Ang saya niya ay nagpapaligaya rin sa akin, para bang ang ngiti niya ang nagpapaalala sa
last updateLast Updated : 2024-11-02
Read more

Chapter 129: The Grand Wedding.

=Lumi Anastasia’s Point Of View= Ang araw ng kasal namin ay dumating, at ang buong simbahan ay puno ng liwanag at bango ng mga bulaklak. Parang isang panaginip ang lahat, pero ngayon, bawat hakbang na ginawa ko patungo sa altar ay ramdam ko ang realidad ng pagmamahalan namin ni Piere—mas matatag, mas totoo, at mas buo. Nakasuot ako ng puting gown na hinabi ng bawat detalye para sa akin. Ang bawat bead at lace ay parang sumasayaw sa bawat hakbang ko, habang ang mahaba kong belo ay nakalatag sa sahig, kasama ang mga petal ng bulaklak na tila bumubuo ng landas patungo kay Piere. Ang puso ko ay puno ng saya at kilig. Sa harap ko, naroroon siya, ang lalaking minamahal ko, nakasuot ng itim na tuxedo at mukhang hindi maitatanggi ang kaguwapuhan at dignidad na taglay niya. Nang magsimula ang musika, tumingala siya sa akin. Ang mga mata niya ay puno ng damdamin—parang wala siyang ibang nakikita kundi ako. Sa bawat hakbang ko papalapit, naramdaman ko ang damdamin niya, ang pagmamahal niya,
last updateLast Updated : 2024-11-03
Read more
PREV
1
...
111213141516
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status