Home / Romance / The Spoiled Wife of Attorney Dankworth / Kabanata 271 - Kabanata 280

Lahat ng Kabanata ng The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Kabanata 271 - Kabanata 280

399 Kabanata

Chapter 123.3

MALAKAS NA TUMAWA si Gavin. Sino sa akala ni Ramir na kausap niya clone niya? Marahil ay nagtataka na ito dahil hindi ganito ang ugali niya na kilala nila. Sa pagkakakilala nila sa kanya, siya ang dapat na pinagsisilbihan at hindi siya ang maninilbihan kapag may babaeng dumating sa buhay niya. Kumbaga, siya ang boss at hindi siya ang pinapasunod. Hindi naman siya alila ni Bethany, gusto niya lang talaga itong alagaan bilang pagbawi na rin niya sa mga naging kasalanan niya sa dalaga. Oras na para bumawi siya.“Huwag mo nga akong lokohin. Hindi ka naman doctor, Gavin. Pumunta ka na. Hihintayin ka namin ha? Aasahan ka namin sa party mamaya. See you, Gavin!” anitong hindi pa rin doon makapaniwala. Nakapameywang na muling hinarap ni Gavin si Bethany. Umikot pa siya sa kabila ng kama upang makita lang ang mukha ng dalagang may takip na ngayong unan. Dahan-dahan niyang kinuha ang unan upang tanggalin iyon sa mukha nito sabay walang gatol na putol ng tawag ni Ramir sa kanya. Wala siyang pana
Magbasa pa

Chapter 124.1

SAMANTALA, SA SALA ng penthouse ay mabagal na sinisiyasat ni Nancy ang kapaligiran. Ibang-iba na ang lugar na iyon nang huli niyang mapuntahan noon. Marami ang nagbago dito kung ang huling imahe ang kanyang pagbabasehan. Kilala niya rin ang katauhan ni Gavin na mahilig sa simpleng design lang. Hindi niya maintindihan kung bakit pumapayag itong baguhin ni Bethany ang design ng bahay niya. Paano siya napapayag ng babaeng gawing bahay ng babae ang penthouse niya? Isa pa, halatang ang babae lang naman ang may gusto noon. “Ang weird naman, ang Gavin na kilala ko ay hindi papayag na maging ganito ang bahay niya. Parang pinaglaruan lang ng kung sino. Nawala ang pagiging masculine sa mga mata ng magiging bisita.” Dinala siya ng kanyang mga paa sa bukas na silid na kung saan ay ginawang music room ito ni Bethany. Napanganga na siya sa kanina. Hindi makapaniwala na may ganun sa penthouse ng dati niyang nobyo. Naghuhumiyaw din ang presyo ng mga instrument doon. Paano niya alam? Ama niya si Ale
Magbasa pa

Chapter 124.2

PARANG NAUDLOT ANG dila ni Bethany nang ilang sandali at para siyang nabingi sa mga sinabi ni Nancy. Hindi niya man magawang ipakita sa babae ngunit naramdaman niyang parang may nakadagan na sa kanyang dibdib na mabigat na bagay. Upang hindi siya sumabog at maging kalmado pa rin ay binuhat niya ang tinimpla niyang kape. Napaso siya nito nang sinubukan niyang sumimsim, ngunit hindi niya ininda dahil parang manhid na ang kanyang buong katawan niya sa mga salita pa lang na binitawan ng babae. Kapagdaka ay hinarap na niya si Nancy na halata namang naghihintay ng magiging mga sagot niya rito.“Iyong mga instruments niya mang ibinigay sa akin ang pakay mo o si Gavin mismo, sige pwede mo na silang kunin. Bitbitin mo kung kaya mo. Magiging masaya pa nga ako na binabawi mo na sila. Tunay namang dapat ay sa iyo sila mapunta at hindi sa akin. Ikaw ang tunay na owner hindi ba?”Marahil iyon na ang sign upang magsimulang muli ng panibagong buhay si Bethany. Pagkakataon na ang lumalapit. Itataboy n
Magbasa pa

Chapter 124.3

NILINGON SIYA NI Nancy gamit ang mga matang puno ng poot at hinanakit. Suklam na suklam siya sa pagmumukha ni Bethany dahil harap-harapan siyang sinasagot nito at walang ginagawa si Gavin doon. Kung wala lang ang binata doon malamang ay kanina niya pa ito sinabunutan at pinatikim ng palad niya.“Hindi ikaw ang kausap ko, Bethany, will you shut your mouth? Masyado kang ma-papel!” Bahagyang itinulak ni Gavin ang katawan ni Nancy papalayo sa kanya nang sumigaw ito nang malakas. Hindi niya gusto ang timbre ng boses nito. Ayaw niya pa naman sa babaeng maligalig at akala mo ay aping-api. Umatras ang binata ng ilang hakbang upang mapalapit sa kung nasaan si Bethany nakatayo. “Calm down, Nancy. Hindi mo kailangang manigaw. Ayusin natin ito sa maayos na paraan. Ang lapit lang natin sa isa't-isa oh. What if ganito na lang, hayaan mong bigyan ka na lang ni Bethany ng first aid—” “I said no! Ikaw ang gusto kong tumulong sa akin at ihatid mo ako sa bahay namin ngayon! Alin ba doon ang hindi mo
Magbasa pa

Chapter 125.1

BUMUKAS ANG ELEVATOR at nauna na si Gavin na pumasok doon. Nanghihina namang sumunod si Nancy na naninikip ang dibdib. Mas masakit ang puso niya nang dahil sa mga sinabi ni Gavin kumpara sa paso ng kape sa kanyang braso na kanina ay matindi niyang iniinda. Namutla pa ang kanyang mukha. Namula na ang kanyang mga mata na namasa-masa na luha. Iba ang dating sa kanya ng mga salita ng abogado.“Hindi na kita gusto, hindi na kita mahal. Matagal ka ng wala sa aking sistema at buhay, Nancy. Sana maisip mo iyon. Pagkatapos ng ginawa mo, akala mo magiging kagaya pa rin ba ako ng dati? Damn it, no way!” Natameme si Nancy. Hindi niya na magawang makasagot pa kay Gavin. Hanggang makalabas sila ng elevator at makalulan ng kotse ng binata ay nanatiling tikom ang kanyang bibig. Nagsindi si Gavin ng sigarilyo upang kalmahin ang kanyang sarili. Nilingon na niya si Nancy sa passenger seat na kakatapos lang maglagay ng seatbelt. Tahimik pa rin ito ng sandaling iyon. “Tapos na ang kwento nating dalawa a
Magbasa pa

Chapter 125.2

MADALING NAHULAAN NI Bethany ang ibig na sabihin ni Gavin. Totoo naman iyon, iyon talaga ang iniisip niya kanina pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpagalaw dito. Nakaramdam siya ng hiya na para pagtakpan iyon ay ibinaling na lang niya ang mukha sa kabilang direksyon.“Alam ko ba? Hindi ko naman kita kung ano ang ginawa niyong dalawa habang magkasama kayo. Tingnan mo nga, anong oras ka na umuwi? Umaga na! Ang aga niyong umalis. Ni hindi pa lumulubog ang araw!”Pagak nang natawa si Gavin. Hindi niya maikaila ang tuwa sa reaction ng dalaga ngayon. Ito ang inaasahan niya kanina sa babae. Sinasabi na nga ba niya eh, nagseselos dito si Bethany. Pinindot niya ang ilong ng dalaga upang maging dahilan para samaan siya nito ng tingin gamit ang nandidilat niyang mga mata. Sa kanyang paningin ay biglang naging cute ang dalaga. Para itong ang mga inaalagaan niyang pusa sa ibaba. Inosente. Walang alam na kasamaan sa mundo. Tanging ang nais lang ay ang mahalin at alagaan. “May pa
Magbasa pa

Chapter 125.3

NANG MGA SUMUNOD na araw ay naging busy si Bethany sa music center na ilang araw na lamang ay magsisimula na iyong mag-operate. Tumamis pa ang samahan nilang dalawa ni Gavin mula ng gabing iyon. Palagi na itong nakatambay sa bahay at inuubos ang oras na kasama siya. Minsan na lang itong lumabas ng bahay sa gabi upang magpunta sa mga gatherings kasama ang mga kaibigan, kasosyo at kung sino. Kung hindi niya maiwasan na magkaroon ng overtime, minamabuti na lang niyang iuwi ang trabaho sa bahay. Ikinagalak iyon nang sobra ni Bethany na iniisip na sobrang perfect na ng kanyang buhay rito.“Tsk, baliw na baliw ba talaga sa akin ang isang Attorney Gavin Dankworth?” hindi makapaniwalang bulong niya sa kanyang sarili habang nagluluto ng kanilang hapunan ng gabing iyon, panay ang sulyap niya kay Gavin na nasa dining table at pinapanood lang siya sa kanyang ginagawa. “Eeeh, totoo ba talaga ito?”Nang mapansin naman ni Gavin ang kanyang pamumula ng mukha at malagkit na mga sulyap at tingin ay aga
Magbasa pa

Chapter 125.4

ISANG ARAW NA lang at sa wakas ay magbubukas na rin ang kanyang music center. Hindi pa man dumadating ang araw na iyon ay nakatanggap na si Bethany ng mga regalo mula sa mga kaibigan at ilang mga colleagues niyang nabalitaan ang tungkol doon. Nakatambak iyon sa mini office na ginawa niya sa loob mismo ng music center. Dahil hindi busy ang dalaga ng mga sandaling iyon kung kaya naman nagpasya siyang buksan ang mga ito upang isulat kung kanino nanggaling. Kailangan niyang mabayaran ang mga iyon sa hinaharap kapag sila naman ang mayroong pa-okasyon sa kanila. Isang malaking box ang nakaagaw ng pansin kay Bethany. Sa anyo pa lang nito ay nahuhulaan na niyang painting ang laman nito, pang-display.“Galing ito kay Gavin? Naku, paniguradong gumastos na naman siya ng malaking halaga dito. Hindi niya naman na kailangang gawin eh.” sambit niyang ingat na ingat buksan iyon at baka magasgas o kung hindi naman ay masira kung anuman ang laman ng malaking box na iyon.Hindi inaasahan ng dalaga na ma
Magbasa pa

Chapter 126.1

ANG GABING IYON ay kakaiba sa mga gabing pinagsaluhan nila. Punong-puno iyon ng pag-ibig at pananabik na para bang taon ang lumipas nang huli nilang gawin ang bagay na iyon. Puro pagmamahal lang ang namumutawi sa kanilang mga bibig habang patuloy nilang pinag-iisa ang kanilang katawan. Hindi lang ang mga mata nila ang nangungusap ng pag-ibig dahil maging ang katawan nila ay naghuhumiyaw ng pag-iingat sa lumalagablab nilang damdamin. Buong gabi nila iyong ginawa. Walang kapaguran. Tila ba sinusulit nila ang gabing iyon. Unti-unti ng lumiliwanag ang langit nang magpasya silang magkayakap na matulog. Para kay Bethany, iyon ang pinaka-best night nilang dalawa ni Gavin kumpara sa ibang gabi. “Gising na Thanie, hindi porket after lunch ka pa pupunta ng music center ay tutulog ka pa.” Gumulong si Bethany paharap kay Gavin nang maulinigan niya ang boses nito. Nang idilat niya ang mga mata ay nakita niyang nakabihis na ang binata. Nakaligo na rin ito. Nanunuot na ang after shower gel nito n
Magbasa pa

Chapter 126.2

PAGKATAPOS NIYANG I-SEND iyon ay agad na niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Bago siya makaalis ng parking area ay nag-reply si Gavin sa kanya na mas ikinangisi pa ni Bethany at bahagyang ikinapula ng mukha. Alam niyang busy ang binata kung kaya naman hindi niya na kinulit pa ito ng sandaling iyon. Nag-drive na siya pabalik ng music center kung saan muli siyang nakisalamuha sa mga natitira pang bisita. Hindi nakaligtas kay Bethany ang panay na tingin ng mga mata ng kanyang madrasta. Batid ng dalaga kung bakit ganun ang asta ng Ginang. Napatunayan pa niya ang hinala niya nang magkaroon ng pagkakataon ito at hilahin siya nito sa bandang gilid upang tanungin lamang ng tungkol kay Gavin. “Nasaan si Attorney Dankworth? Ang sabi mo ay pupunta siya dito at may dinner tayo?”Ilang beses niyang ginustong sabihin sa Ginang ang tunay na kalagayan ng kanilang relasyon ngunit ipinagpaliban niya lang iyon. Kilala niya ito. Paniguradong uunahan siya nitong magbalita sa kanyang ama na para sa kan
Magbasa pa
PREV
1
...
2627282930
...
40
DMCA.com Protection Status