BUMUKAS ANG ELEVATOR at nauna na si Gavin na pumasok doon. Nanghihina namang sumunod si Nancy na naninikip ang dibdib. Mas masakit ang puso niya nang dahil sa mga sinabi ni Gavin kumpara sa paso ng kape sa kanyang braso na kanina ay matindi niyang iniinda. Namutla pa ang kanyang mukha. Namula na ang kanyang mga mata na namasa-masa na luha. Iba ang dating sa kanya ng mga salita ng abogado.“Hindi na kita gusto, hindi na kita mahal. Matagal ka ng wala sa aking sistema at buhay, Nancy. Sana maisip mo iyon. Pagkatapos ng ginawa mo, akala mo magiging kagaya pa rin ba ako ng dati? Damn it, no way!” Natameme si Nancy. Hindi niya na magawang makasagot pa kay Gavin. Hanggang makalabas sila ng elevator at makalulan ng kotse ng binata ay nanatiling tikom ang kanyang bibig. Nagsindi si Gavin ng sigarilyo upang kalmahin ang kanyang sarili. Nilingon na niya si Nancy sa passenger seat na kakatapos lang maglagay ng seatbelt. Tahimik pa rin ito ng sandaling iyon. “Tapos na ang kwento nating dalawa a
MADALING NAHULAAN NI Bethany ang ibig na sabihin ni Gavin. Totoo naman iyon, iyon talaga ang iniisip niya kanina pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpagalaw dito. Nakaramdam siya ng hiya na para pagtakpan iyon ay ibinaling na lang niya ang mukha sa kabilang direksyon.“Alam ko ba? Hindi ko naman kita kung ano ang ginawa niyong dalawa habang magkasama kayo. Tingnan mo nga, anong oras ka na umuwi? Umaga na! Ang aga niyong umalis. Ni hindi pa lumulubog ang araw!”Pagak nang natawa si Gavin. Hindi niya maikaila ang tuwa sa reaction ng dalaga ngayon. Ito ang inaasahan niya kanina sa babae. Sinasabi na nga ba niya eh, nagseselos dito si Bethany. Pinindot niya ang ilong ng dalaga upang maging dahilan para samaan siya nito ng tingin gamit ang nandidilat niyang mga mata. Sa kanyang paningin ay biglang naging cute ang dalaga. Para itong ang mga inaalagaan niyang pusa sa ibaba. Inosente. Walang alam na kasamaan sa mundo. Tanging ang nais lang ay ang mahalin at alagaan. “May pa
NANG MGA SUMUNOD na araw ay naging busy si Bethany sa music center na ilang araw na lamang ay magsisimula na iyong mag-operate. Tumamis pa ang samahan nilang dalawa ni Gavin mula ng gabing iyon. Palagi na itong nakatambay sa bahay at inuubos ang oras na kasama siya. Minsan na lang itong lumabas ng bahay sa gabi upang magpunta sa mga gatherings kasama ang mga kaibigan, kasosyo at kung sino. Kung hindi niya maiwasan na magkaroon ng overtime, minamabuti na lang niyang iuwi ang trabaho sa bahay. Ikinagalak iyon nang sobra ni Bethany na iniisip na sobrang perfect na ng kanyang buhay rito.“Tsk, baliw na baliw ba talaga sa akin ang isang Attorney Gavin Dankworth?” hindi makapaniwalang bulong niya sa kanyang sarili habang nagluluto ng kanilang hapunan ng gabing iyon, panay ang sulyap niya kay Gavin na nasa dining table at pinapanood lang siya sa kanyang ginagawa. “Eeeh, totoo ba talaga ito?”Nang mapansin naman ni Gavin ang kanyang pamumula ng mukha at malagkit na mga sulyap at tingin ay aga
ISANG ARAW NA lang at sa wakas ay magbubukas na rin ang kanyang music center. Hindi pa man dumadating ang araw na iyon ay nakatanggap na si Bethany ng mga regalo mula sa mga kaibigan at ilang mga colleagues niyang nabalitaan ang tungkol doon. Nakatambak iyon sa mini office na ginawa niya sa loob mismo ng music center. Dahil hindi busy ang dalaga ng mga sandaling iyon kung kaya naman nagpasya siyang buksan ang mga ito upang isulat kung kanino nanggaling. Kailangan niyang mabayaran ang mga iyon sa hinaharap kapag sila naman ang mayroong pa-okasyon sa kanila. Isang malaking box ang nakaagaw ng pansin kay Bethany. Sa anyo pa lang nito ay nahuhulaan na niyang painting ang laman nito, pang-display.“Galing ito kay Gavin? Naku, paniguradong gumastos na naman siya ng malaking halaga dito. Hindi niya naman na kailangang gawin eh.” sambit niyang ingat na ingat buksan iyon at baka magasgas o kung hindi naman ay masira kung anuman ang laman ng malaking box na iyon.Hindi inaasahan ng dalaga na ma
ANG GABING IYON ay kakaiba sa mga gabing pinagsaluhan nila. Punong-puno iyon ng pag-ibig at pananabik na para bang taon ang lumipas nang huli nilang gawin ang bagay na iyon. Puro pagmamahal lang ang namumutawi sa kanilang mga bibig habang patuloy nilang pinag-iisa ang kanilang katawan. Hindi lang ang mga mata nila ang nangungusap ng pag-ibig dahil maging ang katawan nila ay naghuhumiyaw ng pag-iingat sa lumalagablab nilang damdamin. Buong gabi nila iyong ginawa. Walang kapaguran. Tila ba sinusulit nila ang gabing iyon. Unti-unti ng lumiliwanag ang langit nang magpasya silang magkayakap na matulog. Para kay Bethany, iyon ang pinaka-best night nilang dalawa ni Gavin kumpara sa ibang gabi. “Gising na Thanie, hindi porket after lunch ka pa pupunta ng music center ay tutulog ka pa.” Gumulong si Bethany paharap kay Gavin nang maulinigan niya ang boses nito. Nang idilat niya ang mga mata ay nakita niyang nakabihis na ang binata. Nakaligo na rin ito. Nanunuot na ang after shower gel nito n
PAGKATAPOS NIYANG I-SEND iyon ay agad na niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Bago siya makaalis ng parking area ay nag-reply si Gavin sa kanya na mas ikinangisi pa ni Bethany at bahagyang ikinapula ng mukha. Alam niyang busy ang binata kung kaya naman hindi niya na kinulit pa ito ng sandaling iyon. Nag-drive na siya pabalik ng music center kung saan muli siyang nakisalamuha sa mga natitira pang bisita. Hindi nakaligtas kay Bethany ang panay na tingin ng mga mata ng kanyang madrasta. Batid ng dalaga kung bakit ganun ang asta ng Ginang. Napatunayan pa niya ang hinala niya nang magkaroon ng pagkakataon ito at hilahin siya nito sa bandang gilid upang tanungin lamang ng tungkol kay Gavin. “Nasaan si Attorney Dankworth? Ang sabi mo ay pupunta siya dito at may dinner tayo?”Ilang beses niyang ginustong sabihin sa Ginang ang tunay na kalagayan ng kanilang relasyon ngunit ipinagpaliban niya lang iyon. Kilala niya ito. Paniguradong uunahan siya nitong magbalita sa kanyang ama na para sa kan
HINDI NA MAPAKALI si Bethany lalo pa nang kalahating oras na ang lumipas at wala pa rin doon si Gavin. Kung anu-anong mga negatibong bagay na ang pumapasok sa isipan niya. Nadagdagan pa iyon nang lumapit na sa kanya ang madrasta upang muli itong magtanong. Sobrang pressure na pressure na siya.“Bakit wala pa rin siya, hija? Tinatanong na sa akin ng Papa mo kung anong oras pa raw?” “Saglit lang po Tita Victoria, tatawagan ko na. Baka kasi na-traffic lang siya papunta dito.” Humakbang si Bethany patungo sa labas ng music center kung saan banda tahimik ang paligid. Tinawagan na niya ang numero ng kasintahan. Nahigit niya ang hininga nang hindi iyon mag-ring. Parang may sumipa sa kanyang tiyan at abot sa dibdib ang naging sakit noon. Bakit? Nakapatay iyon! Baka naman ay wala siyang battery. Subalit napaka-imposible, kung sakaling hindi siya makakarating on time dahil sa trabaho malamang magsasabi iyon para hindi siya maghintay lalo at alam nitong naroon ang kanyang parents.“Gavin naman
NAPATINGALA NA SA langit si Bethany nang mawala sa kanyang paningin ang sasakyan ni Miss Gen. Sumidhi pa ang nararamdaman niyang pagkabahala ngunit mabilis na pinalis niya iyon. Kailangan niyang kumalma. Hangga’t hindi niya nakikita at naririnig kung ano ang tunay na nangyari sa binata, ang mga haka-haka niyang iyon ay mananatiling hinuha na lang ng kanyang isipan. Wala pa iyong patunay. Muli siyang pumasok ng sasakyan. Wala naman talaga siyang nakalimutan sa loob. Dahilan niya lang iyon kay Miss Gen kung sakaling magtatanong ito kung bakit siya bumalik ng music center. Pagkapasok niya doon ay napatingin siyang muli sa malawak na langit. Natakpan na ng maitim na mga ulap ang pisngi ng langit kanina na maraming mga bituin. Maging ang buwan doon ay natabunan na rin. Mukhang nagbabadya na bumuhos ang malakas na ulan. Muli niyang chineck kung anong oras na, tatlumpong minuto na lang at alas-dose na iyon ng gabi. Magpapalit na ang petsa ng araw na iyon ni hindi pa magparamdam si Gavin. Mul
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
BAGAMA’T NATATARANTA AY kalmadong tinawag ni Giovanni ang kanyang secretary at agad na inutusan na alamin kung ano ang nangyayari sa pamangkin niya. Hindi mapalagay ang isipan niya na ganun na lang ang sinabi sa tawag nito. Idagdag pa na biglang naputol ang kanilang linya. Kunot ang noo na ilang beses niya pang tinawagan ang numero ni Bethany ngunit ring lang iyon nang ring. Hindi nawala ang composure ng Gobernador sa harap ng kanyang mga nasasakupan kahit pa parang sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad patungo kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kung saan-saan na tumatakbo ang isipan niya pero pinili niya pa rin ang maging kalmado ang hitsura.“I apologize. Mukhang may emergency lang sa isa sa mga pamangkin ko.” aniya na tinanguan lang ng mga kausap.Samantala, nagdatingan na ang mga rescuers at dahil nasa bungad sina Bethany ng pinangyarihan ay sila ang unang natagpuan ng mga ito at mabilis na sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinimulan na rin tawagan ng mga rescuers a
ILANG SANDALI PA ay parang kidlat na lumiwanag ang buong paligid dahil natanggal ang bubong ng sasakyan nina Bethany kung saan ay natanaw niya ang maliwanag na langit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang makapag-react ng tama. Mabilis niyang tinanggal ang suot niyang seatbelt. Gusto niyang makaalis sa loob ng sasakyan. Iyon ang tanging nasa isip niya dahil natatakot siya na baka iyon naman ang sunod na liparin. Nagawa iyon ni Bethany sa sobrang pagkataranta, ngunit isang malakas na shock wave ang dumating na siyang nagpabagsak sa kanyang katawan at nagpasandal sa malapit na pader ang likod niya. Sa sandaling iyon ay tila nabali ang kanyang balakang sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Hindi na niya napigilan ang buong sistema na balutin ng matinding takot. Hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan na kulang na kulang pa sa buwan. Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang tiyan na biglang nanigas gamit ang kanyang
GAANO MANG PAGTUTOL ang gawin ni Bethany na huwag umalis ang asawa sa araw na iyon ay hindi niya pa rin ito napigilan sa nais. Sa halip din na si Briel ang kanyang kasama sa paghatid dito sa airport ay si Manang Esperanza iyon dahil hindi agad nasabihan si Briel na mayroong lakad ng araw na iyon. Ganundin si Mrs. Dankworth na may importanteng pupuntahan. Ihahatid lang din naman siya ni Manang Esperanza sa mansion ng mga Dankworth at aalis na rin ang maid upang bumalik sa penthouse at ituloy ang ginagawa nitong paglilinis. Iyon ang malinaw na usapan nila bago umalis ng bahay. Dala na rin ni Bethany ang mga gamit niya para sa tatlong araw na pananatili sa mansion. “Babalik din ako agad, Thanie…” sambit ni Gavin nang itulak niya ang pintuan ng sasakyan sa gilid niya nang marating nila ang airport, “Huwag ka ng bumaba. Hmm? Dito ka na lang sa loob ng sasakyan at umalis na rin kayo agad para makapagpahinga ka ng maaga sa mansion.”“Hindi naman ako sasama sa’yo sa loob. Huwag mo nga akong
ILANG ARAW NA lihim na pinag-isipang mabuti iyon ni Gavin na sa bandang huli ay nagpasya na sasaglit siya sa ibang bansa. Pupuntahan niya ang kliyente. Sisikapin niyang matapos ang kasong iyon sa loob lamang ng tatlong araw upang makabalik siya agad ng Pilipinas. Inaasahan na niyang hindi papayag ang asawa oras na sabihin niya ang bagay na iyon, pero ang hirap para sa kanyang talikuran ang tungkulin niya na siumpaan niya at hindi niya ito matiis na hindi gawin lalo na at may buhay na manganganib na maparusahan kung hindi siya ang haharap at makikipaglaban. Ang ipagtanggol sa batas ang mga taong walang kasalanan. Hindi siya silaw sa halagang ibabayad nito pero gusto niyang tumulong doon sa kaso. Sisiw lang iyon sa kanya kung kaya naman ang laki ng tiwala nila. Hindi niya naman sila masisisi doon.“Stable naman ang lahat ng check up sa baby natin at sa’yo kaya wala namang magiging problema, Thanie. Tatlong araw. Bigyan mo lang ako ng tatlong araw. Pagkalipas ng tatlong araw na iyon nari
NATATAKOT SI GAVIN na baka kapag nalaman ito ng asawa ay makaapekto iyon nang mas malala. Hindi lang sa pagsasama nila, kundi pati na rin sa kalagayan ngayon ng asawa. Bagay na hindi niya makakayang mangyari. Kaya naman ang plano niyang dalhin iyon sa hukay ay mas nadepina pa sa araw na iyon. Hinding-hindi niya ito sasabihin. Anuman ang mangyari hindi niya ipapaalam kay Bethany iyon kahit na alam niyang sobrang unfair nito sa asawa niya.“Oo isa lang, Rina. Paano kaya gumawa ng dalawa? Iyong iba ang galing-galing. May tatlo pa nga di ba? Sana all na lang sa kanila.” Napahawak na si Bethany sa tiyan sabay ngiti nang malapad sa mga kaharap nila, mga ngiting ayaw maglaho ni Gavin oras na malaman nito ang kanyang lihim. Mabuti pa na siya na lang ang nakakaalam noon kaysa naman mas kamuhian siya ng asawa niya kung pipiliin niyang maging tapat sa kanya. Hindi iyon kalabisan ng pagmamahal niya sa asawa.“Ah, hati ang makukuha niyan sa inyo gaya ng baby namin. Hati ang mukha niya sa amin. P
PAGAK NA NATAWA si Bethany kung kaya naman medyo nilingon siya ni Gavin. Nasa paahan niya ito ng kama nila at nasa kandungan ang laptop. May tinatapos na trabaho. Napag-alaman din ni Bethany na nauna pa pala sa kanyang mabuntis ang kaibigan at wala rin siyang kaalam-alam sa bagay na iyon. Sa dami ng problema, nakaligtaan niya kaya naman naungusan siya at hindi gaanong napaghandaan ang pasabog nito. Hindi niya napansin noong libing ng kanyang ama na ang akala niya ay tumaba lang ang kaibigan at hiyang sa pag-aalaga ni Ramir, ibang taba na pala iyong nakita niya kundi baby na kaya naman heto, nang-aasar. “Oo naman. Execption na ‘yun. Ibang usapan na. Panigurado na pupunta kami ni Gavin.”“Aasahan namin iyan, Bethany. Huwag mo akong paasahin. Kami na ang pupunta kung nasaan ka ng inaanak mo kapag di kayo pumunta na mag-asawa para lang magkita.”Natawa na naman si Bethany, napasulyap na naman tuloy si Gavin sa kanya. Tumagal din iyon ng mga ilang minuto sa kanyang mukha. “Oo nga, para k
SAMANTALA, SA LOOB ng study room ni Gavin ay pinili niyang panoorin ang video nang mag-isa. Siya na lang ang magku-kuwento sa asawa kung sakaling pilitin pa rin nito na mapanood iyon. Para sa kanya ay wala naman doong mahalagang parte na umiikot lang sa paghingi ng tawad ni Nancy. Paulit-ulit na sorry na para sa abogado ay sobrang late na. Paano pa nila ito makakausap, eh wala na nga siya sa mundo? “Kung noon ka pa sana nanghingi ng tawad sa asawa ko, sana bago ka namahinga ay may bonding kayo ni Bethany kahit na papaano...” sambit niya na hindi mapigilan ang lungkot, kahit papaano naman ay may nakaraan sila.Ilang minuto lang ang video kaya naman nang matapos iyon ay sinilip ni Gavin ang asawa sa sala kung naroon ito at nakatambay. Iyon kasi ang favorite na tambayan ni Bethany madalas kapag nasa penthouse sila. Wala ito doon. Matapos na ligpiting muli ang usb ay lumabas na siya ng study room. Pwede naman niya na ipakinig sa asawa ang audio sana ng video. Huwag na lang nitong papano
LUMIPAS ANG ILANG sandali bago natauhan si Bethany na mabilis tumayo sa kanyang upuan at lumapit kay Gavin. Akmang hahawiin na niya ang katawan ng asawa sa harap ng screen nang biglang bunutin ni Gavin ang usb na nakasalpak sabay silid sa kanyang bulsa. Sinamaan siya ni Bethany ng tingin ngunit hindi alintana iyon ng abogado. Mabuti na iyong magalit ito sa kanya at magtampo, kaysa mapahamak pa sila. “Hindi niya iyan ipapadala kung hindi mahalaga. Baka may gusto siyang sabihin sa akin o sa atin kaya pinadala ito ni Mr. Conley? Hindi ka ba curious, Attorney? Kasi ako sobrang curious na curious...”Ayaw maging sarado ng isipan ni Bethany sa posibilidad na iyon. Hindi naman siguro hibang ang matanda para i-video si Nancy tapos ipapanood sa kanila. Naniniwala si Bethany na may ibang pakay ang musician. Iyon ang gusto niyang malaman at ipaintindi kay Gavin na tila ba buo ang desisyon na huwag na panoorin.“No. Hindi ako papayag na makaapekto ‘to sa’yo at sa anak natin. Iba na lang ang hili