PAGKATAPOS NIYANG I-SEND iyon ay agad na niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Bago siya makaalis ng parking area ay nag-reply si Gavin sa kanya na mas ikinangisi pa ni Bethany at bahagyang ikinapula ng mukha. Alam niyang busy ang binata kung kaya naman hindi niya na kinulit pa ito ng sandaling iyon. Nag-drive na siya pabalik ng music center kung saan muli siyang nakisalamuha sa mga natitira pang bisita. Hindi nakaligtas kay Bethany ang panay na tingin ng mga mata ng kanyang madrasta. Batid ng dalaga kung bakit ganun ang asta ng Ginang. Napatunayan pa niya ang hinala niya nang magkaroon ng pagkakataon ito at hilahin siya nito sa bandang gilid upang tanungin lamang ng tungkol kay Gavin. “Nasaan si Attorney Dankworth? Ang sabi mo ay pupunta siya dito at may dinner tayo?”Ilang beses niyang ginustong sabihin sa Ginang ang tunay na kalagayan ng kanilang relasyon ngunit ipinagpaliban niya lang iyon. Kilala niya ito. Paniguradong uunahan siya nitong magbalita sa kanyang ama na para sa kan
HINDI NA MAPAKALI si Bethany lalo pa nang kalahating oras na ang lumipas at wala pa rin doon si Gavin. Kung anu-anong mga negatibong bagay na ang pumapasok sa isipan niya. Nadagdagan pa iyon nang lumapit na sa kanya ang madrasta upang muli itong magtanong. Sobrang pressure na pressure na siya.“Bakit wala pa rin siya, hija? Tinatanong na sa akin ng Papa mo kung anong oras pa raw?” “Saglit lang po Tita Victoria, tatawagan ko na. Baka kasi na-traffic lang siya papunta dito.” Humakbang si Bethany patungo sa labas ng music center kung saan banda tahimik ang paligid. Tinawagan na niya ang numero ng kasintahan. Nahigit niya ang hininga nang hindi iyon mag-ring. Parang may sumipa sa kanyang tiyan at abot sa dibdib ang naging sakit noon. Bakit? Nakapatay iyon! Baka naman ay wala siyang battery. Subalit napaka-imposible, kung sakaling hindi siya makakarating on time dahil sa trabaho malamang magsasabi iyon para hindi siya maghintay lalo at alam nitong naroon ang kanyang parents.“Gavin naman
NAPATINGALA NA SA langit si Bethany nang mawala sa kanyang paningin ang sasakyan ni Miss Gen. Sumidhi pa ang nararamdaman niyang pagkabahala ngunit mabilis na pinalis niya iyon. Kailangan niyang kumalma. Hangga’t hindi niya nakikita at naririnig kung ano ang tunay na nangyari sa binata, ang mga haka-haka niyang iyon ay mananatiling hinuha na lang ng kanyang isipan. Wala pa iyong patunay. Muli siyang pumasok ng sasakyan. Wala naman talaga siyang nakalimutan sa loob. Dahilan niya lang iyon kay Miss Gen kung sakaling magtatanong ito kung bakit siya bumalik ng music center. Pagkapasok niya doon ay napatingin siyang muli sa malawak na langit. Natakpan na ng maitim na mga ulap ang pisngi ng langit kanina na maraming mga bituin. Maging ang buwan doon ay natabunan na rin. Mukhang nagbabadya na bumuhos ang malakas na ulan. Muli niyang chineck kung anong oras na, tatlumpong minuto na lang at alas-dose na iyon ng gabi. Magpapalit na ang petsa ng araw na iyon ni hindi pa magparamdam si Gavin. Mul
SINUNOD NI BETHANY ang bilin ni Briel. Hindi nga siya umalis sa lugar na iyon kahit na bahagyang tumila na ang ulan at pagkakataon na sana niyang makalabas ng highway. Hinintay niyang muling mag-appear ang notification ng chat ng babae. Ngunit bago pa man niya iyon mabasa ay rumihistro na ang tawag ni Briel sa screen ng kanyang cellphone. Napalunok na siya ng laway bago siya nagpasyang sagutin na ito.“B-Briel…” “Hi, Bethany, nasaan ka ba ngayon? Nasa penthouse ka na ba?” “Nasa loob pa ng sasakyan,” lutang niyang sagot sa babae kahit alam niyang lugar ang tinatanong nito kung saan at hindi literal na nasaan siya, “I mean, malakas pa ang buhos ng ulan. Pauwi pa lang ako sa bahay. Malapit na ako sa may intersection palabas pa lang ng highway. Kanina pa ako dito, patigil-tigil sa lakas ng buhos ng ulan na may hanging kasama. Nasa penthouse ba ang location ng phone ni Gavin?” “Wala. Sakto pala, nakita kong nariyan ang location ng phone ni Kuya Gav. Ngayon-ngayon lang.” “D-Dito?” nagug
NANLILISIK ANG MGA matang ibinaling ni Bethany ang mukha niya at tumingin ng diretso kay Gavin. Kung kanina ay puno ng luha ang mga mata ngayon ay nag-uumapaw na ang poot niya para sa nobyo. Alam ng dalaga na pangit at bastos na gawin iyon nang hindi niya pa napapakinggan ang side nito, pero sumasalamin iyon sa kanyang nararamdaman ng sandaling iyon. Wala na rin siyang lakas para itago pa iyon. Tumingin si Gavin sa kanyang mga mata, hindi na nagulat sa nakita. Puno iyon ng emosyon ng pagmamakaawa at pakiusap na buksan nito ang pinto. Muli niyang hinampas ang pintuan at bintana ng sasakyan ni Bethany upang kunin ang kanyang atensyon, pero bigo pa rin siya rito. Hindi siya pinagbigyan.“Pakiusap, buksan mo ang pinto! Bethany Guzman?!”Nagsimulang bumuhos na naman ang malakas na ulan na tumama na sa kanyang bibig, wala ng pakialam doon si Gavin na nilunok na lang ang iba habang nakatingin pa rin sa kanyang nobya. Natawa pa si Bethany sa kanyang sarili. Habang siya halos mahimatay na sa p
PINILING HINDI UMUWI ni Bethany sa penthouse ng gabing iyon hindi dahil masama ang loob niya kung hindi dahil mas lumakas pa kasi ang buhos ng ulan kagaya na lang ng walang patid na pagbuhos ng kanyang mga luha. Ayaw niya rin munang bumalik sa lugar na iyon at baka kung ano lang ang kanyang magawa kay Gavin. Itinigil niya ang kanyang sasakyan sa nadaanan niyang hotel pagkalabas niya ng highway. Basang-basa siya ng kanyang mga luha at ng malakas na buhos ng ulan, paglabas niya ng sasakyan. Nasa open space na ng hotel ang parking na kanyang nakuha dahil sa punuan ang mga customer na piniling doon magpalipas ng gabi, kung kaya naman wala siyang choice kung hindi ang tumakbo upang makapasok sa entrance ng hotel. Sinalubong naman siya agad doon ng mga staff ng hotel upang bigyan ng malinis na towel para maibalot sa nangangatal niyang katawan. Nagngangalit din ang ngipin ng dalaga sa sobrang ginaw. Idagdag pa ang sama ng loob niya na lumalamon sa buo niyang sistema. Napansin ng receptionist
BUONG-BUO NA ANG desisyon ni Bethany. Wala ng makakabali pa doon. Hinding-hindi siya papayag sa gustong mangyari ni Gavin anuman ang gawin nito sa kanyang harapan. Lumuha man ito ng dugo o hanggang umaga man itong lumuhod doon upang ipakitang nagmamakaawa siya at pinagsisisihan niya ang lahat. Ano ang tingin nito sa kanya martir pa rin? Ayos lang sa kanyang ulitin ang bagay na iyon? No way! Kung hindi lang dumating ang staff na may dala ng pinalabhan niyang damit, hindi niya hahayaang pumasok si Gavin sa loob ng silid. Nahiya kasi siya sa kanilang nakita at baka mamaya ay mag-cause pa iyon ng biglaang tsismis. Ayaw na ayaw pa naman niyang maging viral siya online at pag-usapan ng maraming taong hindi nakakakilala sa kanya dahil paniguradong mauungkat ang lahat sa pagkatao niya. Isa pa, iginagalang ang pamilya ni Gavin. Kahit ganun ang ginawa ng abogado sa kanya ay ayaw niya pa rin itong walanghiyain. May konsiderasyon pa rin naman ito sa pamilyang hindi siya itinuring na ibang tao, la
NABALOT SILA NG nakakabinging katahimikan sa ginawang pagsigaw ni Bethany ay paglalabas niya ng sama ng loob. Walang maapuhap na mga salita si Gavin upang mag-explain pa sa kanya. Para siyang bigla na lang naging blangko. Iyong tipong kanina ang dami niyang naiisip na dahilan, ngunit hindi niya na ito kayang bitawan sa mukha ni Bethany. Inunahan na rin siya ng invisible na matinding sakit sa kanyang dibdib. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga mata. Sa paulit-ulit na pagkurap ng mga mata ni gavin ay halata sa kanya na naubusan na talaga siya ng ikakatwiran sa dalaga. Aaminin niyang magaling siyang abogado. Magaling siyang mangatwiran kahit ano pa ang pag-uusapan nila. Marami rin na kaso siyang naipanalo kahit pa alanganin iyong maipanalo ng pipitsuging abogado, kung kaya naman hindi niya maintindihan na pagdating kay Bethany kahit anong galing niyang mangatwiran parang hindi iyon papasa sa babae kahit na sobrang galingan niya pa. Hindi ito maniniwala sa kanyang mga sinasabi dahil i
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang
HINDI PINUPUTOL ANG halik na binuhat na niya ang katawan ni Briel na wala namang naging anumang angal na nagawa pang buksan ang pintuan ng nasa likod niyang silid. Napalakas pa ang sarado doon nang sipain ni Giovanni na lumikha ng malakas na ingay na wala namang ibang naistorbo maliban sa ilang mga maid na naglilinis ng tirang kalat na kanilang iniwan sa sala ng villa. Napatingala lang sila saglit at kapagdaka ay kibit-balikat na binalewala na lang iyon at ipinagpatuloy ang ginagawa nila gaya nina Briel at Giovanni na halatang wala ng sinumang makakapigil pa sa kanila. Hindi lang si Giovanni ang nawala sa kanyang sarili, dahil maging si Briel ay lunoy na rin na nagawa ng ipagkanulo ng sarili. Bumagsak sa sahig ang mga butones ng suot na damit ng lalaki ng walang pakundangang hablutin iyon ni Briel. Saglit na tumigil sa ginagawang paghalik si Giovanni na nabaling na ang atensyon sa kulang ay masira niyang polo.“G-Gabriellla—” “Ano?! Hinalikan mo na ako huwag mong sabihin na naduduwag
MAKAILANG BESES NA ibinuka ni Giovanni ang kanyang bibig habang walang kurap na nakatitig sa mukha ni Briel ang mga mata na hindi na pakiramdam niya ay nanghahapdi na. Sa totoo lang ay ang dami niyang gustong sabihin sa babae. Sa sobrang dami nga noon ay hindi na niya alam kung alin ang kanyang uunahin. Napakurap na ang kanyang mga mata, dumalas pa ang kanyang hinga. Hindi pa rin inalis ni Giovanni ang mga mata kay Briel na nanatiling nakatingin sa kanya at halatang naghihintay ng mga magiging sagot niya. Matabang na itong ngumiti pagkaraan ng ilang sandali na hindi pa rin magsalita si Giovanni. Nasa dulo na ng kanyang dila ang mga sasabihin niya, ngunit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung ano ang pumipigil sa kanya. Iyong tipong parang hirap na hirap siyang magsalita at magpakatotoo kay Giovanni. Ipinilig ni Briel ang ulo na para bang wala itong mapapala kahit na sigaw-sigawan niya pa ang lalaking kaharap. Napuno na naman ng pagkadismaya ang buong katawan niya. Umasa na n
BUMUNGISNGIS LANG DOON si Gavin na hinagod na ng isang palad ang kanyang buhok na bahagyang tumakip sa kanyang mukha. Hindi malaman ni Briel kung ano ang pumasok sa utak ng kapatid at nagpahaba ito ng kanyang buhok. Pasalamat din ito na siya ang nasusunod sa kanyang propesyon kung kaya hindi ito napupuna sa bagay na iyon. Kumislap pa ang kanyang mga mata na para bang may naiisip itong nakakakilig dahil halos mapunit ang labi sa ngiti.“Oo naman, Tito. Kayang-kaya ko pa…saka matagal na akong hulog na hulog sa pamangkin mo.” humagikhik pa ito at nagawa pang takpan ang bibig ng kanyang isang palad na para bang kinikilig sa kanyang sinabi, “Kapag narinig ito ng asawa ko baka masundan namin agad si Bryson.” dagdag pa ni Gavin na ikinahalakhak na rin ni Briel habang naiiling. Humahapay na umakyat na si Gavin ng hagdan na halatang mas lalo itong nalasing. Hindi na kailangang sabihan pa si Giovanni na halatang sakto lang ang inom na patakbong hinabol si Gavin upang alalayan itong maayos na m
PARANG SUMABOG NA bombang umalingawngaw sa pandinig ni Briel ang sinabi ni Bethany patungkol sa pagpunta ni Giovanni ng Canada na lingid sa kanyang kaalaman. Bakas na bakas iyon sa mukha niya; ang labis na pagkagulat dito. Ibig sabihin ay hindi aksidente ang pagkikita nilang dalawa. Sinadya iyon ng dating Gobernador kaya sila ay nagtagpo. “Ha? Pumunta siya ng Canada?” naguguluhan na naman niyang tanong na tumayo pa upang harapin ang hipag niya.Bakit hindi niya alam iyon? Bakit sa Hongkong na sila nagkita? Hindi kaya mula Canada pa lang ay sinundan na siya nito patungo sa Hongkong? Bakit hindi niya napansin? Bakit hindi nito sinabi sa kanya noong nasa Hongkong na sila? Napakarami ng kanyang katanungan na alam niyang si Giovanni lang ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanya.“Oo, hindi mo ba alam?” naguguluhan na rin na tanong ni Bethany sa hipag na hindi na niya mapigilang pagtaasan ng isang kilay, hindi naman ito mapagpanggap kung kaya bakit siya magsisinungaling sa kanya? “Kung ga
MAKULAY, MAINGAY AT naging masaya ang unang Pasko na sama-sama silang nagdiwang nito. Ganun nila ipinagdiwang ang noche buena ng taong iyon. Walang sinuman ang nagbukas ng usapan tungkol sa tunay na relasyon nina Giovanni at Briel. Maliit pa man ang kanilang pamilya ay nagkaroon sila ng parlor games per family. Ang mag-asawang Dankworth ang magkakampi. Ang mag-anak nina Bethany at Gavin. Sina Giovanni at Briel kasama si Brian na tanging palakpak lang ang ginagawa upang ipakita na excited siya. At upang mas maging masaya ang kanilang pagdiriwang doon ay sinali nila ang mga tauhan ni Giovanni at ng kanilang mga maid. Halos lahat naman sa kanila ay nakakuha ng prizes at gifts. Sa kanilang lahat, ang sobrang nag-enjoy sa mga palaro nila ay sina Brian at Gabe.“Bilisan niyo na kasing sundan ni Tito si Brian nang may kakampi ka na at hindi ka nang-aagaw ng anak ng iba.” pahaging ni Bethany nang gustong hiramin na naman ni Briel si Bry, hindi niya kasi mauto ang anak na palaging naka-karga
NANATILING NAKATAYO LANG doon si Briel. Pinapanood si Giovanni na kausapin ang kanilang anak na pulang-pula ang mukha bunga ng kanyang pag-iyak. Particular na ang ilong nito. Lumambot pa ang tingin niya sa anak na halatang naghahanap na ng kalinga ng ama niya. Bilang ina, hindi na niya mapigilan na mahabag sa ginagawa ng kanilang anak.“Brian, tama ang Daddy. Magbibihis lang siya sa kabilang silid at babalik din agad dito.” eksena na ni Briel, nagbabakasakaling pakikinggan siya ng kanyang anak tutal siya naman ang palaging kasama at siya ang nagpalaki.Parang walang narinig si Brian na hindi man lang nilingon ang ina. Isinandal pa nito ang ulo sa dibdib ni Giovanni at patuloy na ipinakita ang kanyang mga hikbi. Puno ng pagdududa ang mga mata nitong patuloy na namula pa doon.“O siya sige, sumama ka na sa Daddy mo at iwan mo na ako dito. Hindi mo naman yata ako love eh. Sige na, Gabriano…” Hindi pa rin nag-react doon si Brian kahit na pinalungkot pa ni Briel ang kanyang boses. Nasakta
MATAPOS NA MARINIG iyon ay nilingon na ni Giovanni ang anak na pinaglalaruan na ang toy cars na kanyang pasalubong. Pinapagulong iyon sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan habang panaka-naka ang tingin sa kanya. Tumingin siya ulit sa itaas na palapag ng mansion. Ano kaya at siya na ang umakyat at magsabi kay Briel ng pinapasabi ng ina? Ang lungkot naman kung doon lang din silang tatlo sa mansion kahit pa pagod sa biyahe. Kahit pagod at gusto na rin niyang matulog, syempre gusto rin niyang pumunta ng Batangas para makita ang pamangkin at mga apo dito.“Daddy?” kuha ng atensyon ni Brian kay Giovanni nang mapansin ng bata ang dahan-dahan nitong paghakbang papuntang hagdan upang takasan siya. Puno ng pagiging inosente ang mga matang nagtatanong na iyon. “Where?”Ngumiti lang si Giovanni at namulsa na ang mga kamay. Ang akala niya ay makakatakas na siya sa anak.“Aakyat lang ako. Pupuntahan ko lang ang Mommy.” Patakbong lumapit na sa kanya ang bata at itinaas na ang dalawang kamay na anim
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili