Brielle’s POV Kaagad kong nakita sa living room ang matandang babaeng nakaupo sa couch, nanunuod ng palabas sa TV, habang umiinom ng orange juice. “Mama mo?” tanong ko kay Mark. Inayos ko ang damit ko. “Oo. Wear this,” saad ni Mark sabay abot ng kaniyang black suit sa akin. Sinuot ko ang black suit niya habang pilit na binababa ang palda ng dress ko. Nakakahiya kasi ang iksi ng aking dress. Napalunok ako nang biglang luminhon ang ina ni Mark sa amin. Mabilis itong tumayo at naglakad papalapit sa amin. “Mark!” masayang sambit niya. Bumaling ang ina ni Mark sa akin. “Ito na ba si Nurse Brielle na palagi mong kinukwento sa akin?” Pinamulahan kaagad ako ng mukha nang tumango si Mark. “Brielle, this is my mother. Ma, si Brielle nga pala, fiancée ko,” pagpapakilala ni Mark sa amin. Namilog ang mga mata ko nang bigla akong yakapin ng ina ni Mark. “Iginagagalak kitang makita at makilala, hija,” sabi ng ina ni Mark. Hinawakan niya ang kamay ko at nagtagal ang paningin niya s
Last Updated : 2024-12-14 Read more